Epiphany

Epiphany

By:  Mary Roselyn Sabusap  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
6 ratings
13Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sa loob ng anim na taong relationship ni Athena at Josh, hindi pa rin mawala sa isip ni Athena ang nakaraan na mayroon sila ni Daniel. Maayos ba sa isang reunion ang lahat? Ang mga katanungang naiwan, masasagot ba ng taong nang iwan? Ang mga pusong nasugatan, naghilom nga ba sa haba ng panahong nagdaan? Hindi alam ni Athena, na ang closure na hinahanap niya, ang siyang mag bubukas ng daan tungo sa landas na hinihiling ng puso niya. Ano ba ang naghihintay sa kanila?

View More
Epiphany Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
user avatar
SweetDevilishAngel
interesting story...
2021-11-10 16:23:15
0
user avatar
talesofher
SUPPORT! KEEP WRITING PO!
2021-10-29 10:12:49
0
user avatar
bleedingpen
Support....
2021-10-28 17:54:19
0
user avatar
leeeigh_
ANG GALING NUNG INTRO HAHAHAHHAHA
2021-10-28 16:35:18
0
user avatar
Reese A.
suppooooort!
2021-10-28 15:13:34
0
default avatar
Dolphin Nobody
Waiting for the update!
2021-07-13 15:59:36
2
13 Chapters
Kabanata 1
Kabanata 1   “ATHENA, alam ko matagal na natin ‘tong gustong mangyare. Itong pagkakataon na ‘to, matagal na natin hinihintay.” Naramdaman ko ang biglang pag bilis ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa lalaking nakaluhod sa harapan ko at nakita kong nakatingin din siya sa mga mata ko habang nakangiti. “Josh.” Natulala ako. Hindi ko alam kung bakit pero walang ibang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Tila ba nag uunahan sa pagbuo ng mga salitang bibigkasin ngunit sa dulo ay namumutawi ang gulat at kabog ng dibdib. Kung kaya naman wala, walang lumalabas na salita. “Alam ko nagulat ka, pero hindi na ako makapaghintay. Kaya naman, Athena, will you---”  Napabalikwas ako sa biglaang pag tunog ng aking telepono. Sa sobrang inis, dali-dali ko itong inabot habang nakapikit pa ang aking mga mata.Sino ba ‘t
Read more
Kabanata 2
Kabanata 2   SIMULA noong araw na nalalaman ko kung kailan siya aalis, takot na ako. Natakot ako sa araw na ‘yon. Tanggap ko na aalis na siya pero hindi nag sink in sa akin agad. Wala na akong nagawa. Dumating nga ang araw na ‘yon, umalis siya. Tandang tanda ko pa, nakatanaw ako sa bintana. Nag aabang ng eroplanong dadaan, nagbabakasali na sakay siya ng mga eroplanong ‘yon. Sobra akong nalungkot pero sabi niya, bigyan ko siya ng 2 years at babalik siya. Uuwi siya dito para sa akin. Dahil bata pa ako noong mga panahon na ‘yon, hindi ako naniwala. Tinanggap ko na lang na umalis na siya at umasa ako na magiging okay pa rin ang lahat, na walang magbabago. Pero alam niyo ba, ilang buwan matapos silang umalis, after niyang umalis, after niyang sabihin sa‘kin na magiging okay rin ang lahat, hindi na niya ako kinontact, hindi na siya nag reply sa messages ko. Nawalan na kami ng komunikasyon sa isa&
Read more
Kabanata 3
Kabanata 3   MOMENT of silence.Walang nagsasalita sa amin.Alangan ako ang mauna makipag usap? No way! Manigas siya diyan. “How have you been?” malumanay ang boses na tanong ni Daniel sa akin. Siguro hindi na siya nakatiis. Binasag na niya ang katahimikan. Tumingin naman ako sa kanya. ‘Ganon pa rin ang itsura niya, tumangkad lang siya ng sobra. Oo, gwapo pa rin siya.  Yung tibok ng puso ko. Tila ba nag uunahan sila sa pagtalon, yung boses na ‘yon. Pitong taon ko ulit bago narinig. Sa pagkakayuko, bigla akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam pero ngayon pa lang gusto ng tumulo ng mga luha ko. Oo, ang tagal ko ‘tong hinintay. Ang makausap siya sa personal, ang makasama siya ngunit anim na taon na siyang huli. Pitong taon na ang nakalipas noong pinagdasal ko na mangyari a
Read more
Kabanata 4
Kabanata 4    “ARE you happy, love?” Josh asked me while driving.“Yes, thank you for allowing me to go love.” I told him as I placed my head on his shoulders. Finally, I’m with him. I always feel this comfort whenever I’m with him, like my soul, my mind and my heart are all at peace.“Matulog ka na muna at mag pahinga. Pag gising mo nasa restaurant na tayo.” He kissed my forehead habang nakatigil kami sa stoplight at dahan-dahan ko ng ipinikit ang mga mata ko. Napangiti ako dahil sa kasiyahang nararamdaman ng puso ko. Hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako.  After I don’t know how many minutes, Josh woke me up at sinabi niyang nandito na kami. “Love, I need you to put this blind fold on. 'Wag mo tong aalisin ha, may kukuha sa'yo dito,” Josh told me and I simply nodde
Read more
Kabanata 5
Kabanata 5         "Huy Athena! Lutang ka na naman!" Bigla kong nabitawan ang hawak-hawak kong lapis sa sobrang gulat kay Michelle. Napabalik tuloy ako sa aking katinuan at napatingin sa kanya.   "Ha? Ano nga ulit ang sinasabi mo?" nakakunot noo na tanong ko sa kanya. Marahan niya naman akong pinitik sa aking noo.   "Ang sabi ko, congrats sa engagement mo! Bakit ka ba nawawala sa katinuan ha?" at dahil dalawa lang kaming naiwan dito, napuno ang silid ng halakhak niya. Napaisip tuloy ako, hanggang ngayon kasi ay talaga naman na hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraan.   Sino ba naman ang maniniwala? Noong isang buwan ay isa lang akong simpleng babae na nag aaral ng mabuti upang maging isang doktor ngunit ngayon, engaged na ako! 'Di ba? Sa tuwing maalala ko ang gabing 'yon, napapangiti pa rin ako.   "Wala,
Read more
Kabanata 6
Kabanata 6         "Aalis ka?"   Sa pagkakatingin sa sulat ay lumipat ang tingin ng mga mata ko sa kaniya. Bakas naman sa mukha niya ang pag aalinlangan. Hinawakan ni Josh ang mga kamay ko.   "Love, ikaw ang gusto kong magdesisyon," malumanay na saad niya sa akin. "Ha? Bakit ako? Ikaw ang inoofferan ng trabaho." Napabuga ako ng hangin dahil ramdam na ramdam ko ang bigat ng aming kapaligiran. Umiling naman si Josh. "Magandang opportunity kasi love, para sa kasal natin." Nakayuko lang si Josh. Naisip ko na ito nga ang sasabihin niya, magandang opportunity. Para sa future, para sa kasal, para sa ikabubuti ng buhay namin.    "Pero paano ako dito?" Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Kakapropose niya lang sa akin, halos kakatapos palang namin iengage tapos aalis na siya agad? Hindi ko alam kung kaya ko ba to. Pinigilan ko ang pagbuhos ng luha mula sa mga
Read more
Kabanata 7
Kabanata 7 Mabilis lumipas ang mga araw.  Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng ospital, July 23. Ilang araw na lang at aalis na si Josh. Napabuntong hininga ako. "Athena, Room 208." Napatingin ako kay Dr. Cruz at napatango. Inabot niya naman sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pasyente ko. Binuksan ko ito at nabasa na ang pasyente ko ay isang babaeng kakapanganak lamang. Okay, sa tingin ko ay medyo magaan gaan ang magiging araw ko. Noong mga nakaraan kasi sobrang toxic, lalo na at sa emergency ward ako nailagay. "Girl, sino patient mo?" Nabigla ako nang biglang umupo sa tabi ko si Andrea. Kaklase ko rin siya at kasama ngayon dito sa duty. Tinignan ko naman sya agad at inabot ang folder na hawak-hawak ko na dali-dali niya namang kinuha at binuksan. "Hala, 'eto patient mo? Kawawa ka naman!" natatawang saad niya sa akin. Awto
Read more
Kabanata 8
Kabanata 8 "HELLO, Nicole? Ready na ba lahat?" Aligagang aligaga ako ngayon dahil mayroon akong hinandang surprise para kay Josh. Malungkot man at mabigat man sa loob, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang tanggapin na bukas aalis na talaga siya. Simula noong napagpasyahan namin na pupunta siya sa America, sinulit namin lahat ng pagkakataon. Lahat ng pwede namin gawin ng magkasama ay talagang ginagawa namin. Sinimulan na rin namin ang pagplaplano sa kasal kahit na sa isang taon pa naman iyon. At ngayon nga, nagpatulong naman ako kay Nicole para masurprise si Josh. Gusto ko sana sulitin namin ang huling araw na magiging magkasama kami dahil sa susunod na anim na buwan, wala na kami sa piling ng isa't isa. "Oo naman. Ready na lahat, basta pag umalis ako dito, ikaw na bahala okay?" "Thank you so much!" Agad-agad ko namang binaba ang tawag. Grabe, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil kinakabahan
Read more
Kabanata 9
  Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Napatingin ako sa oras, alas sais na ng umaga. Tinignan ko naman si Josh na mahimbing na natutulog sa tabi ko at napabuntong hininga ako. Totoo na talaga, 'eto na. 'Eto na 'yong araw na aalis na talaga siya. Hindi ko na muna siya ginising, tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha na mahimbing na mahimbing na natutulog. "Mamimiss kita ng sobra," bulong ko sa kaniya ngunit hindi pa rin siya nagising. Sampo pang mga minuto, gigisingin ko na siya at babangon na rin ako. Ngayon pa lang nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko, paano na lang mamaya pag paalis na talaga siya? Alas nueve pa naman ng gabi ang flight niya pero kailangan namin mag asikaso ng maaga para hindi siya ma-late. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Josh, "Ang aga mo naman magising," wika niya sa mahinang boses. Natawa naman ako, sa katunayan halos kakatulog ko lang din. Magdamag ako halos hindi nakatulog dahi
Read more
Kabanata 10
Kabanata 10  Naiwan akong nakatayo at nakatanaw habang naglalakad si Josh palayo sa akin. Hindi ko namalayan may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko na dali-dali ko namang pinunasan. Nang mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko, huminga ako ng malalim. Oras na para umalis na rin ako. Habang naglalakad ako palayo, tila ba parang binabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko, bawat hakbang ay sobrang bigat sa dibdib. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Josh habang naglalakad siya palayo sa akin? Hindi ko rin alam pero sana nga. Hindi rin nagtagal nakarating na ako sa parking lot. Nanatili akong nakatayo sa gitna habang ang mga tao ay naglalakad sa paligid ko. Tumingala ako at pag tingin ko sa itaas, nag aabang sakin ang milyon milyong mga bituin na kumikislap at ang bilog na buwan na para bang sinasabihan ako na ayos lang ang lahat. Napangiti ako, tama. Magiging ayos lang ang lahat, kailangan ko lang maniw
Read more
DMCA.com Protection Status