Alex's first day as a college student was great so far. Nag-enjoy naman siya sa mga bago niyang klase at kaklase, lalo na iyong lalaking nakatabi niya sa first subject niya. The guy's name is Richard. He's handsome and nice, and Alex cannot help but be mesmerized with him. And then she met him again on her last subject. Tadhana nga sigurong magkita silang muli, at mukhang the feeling is mutual between the two of them. May isa nga lang problema. Richard is a Quinto, at ang mga Quinto ay mortal na kaaway ng mga Martinez, ang pamilya naman nina Alex. Buti na lang at nandiyan ang ate niyang si Angel. Kahit na masunurin ito sa mga rules ng kanilang mga magulang ay kinampihan pa rin siya nito at tinulungan sa relasyon nila ni Richard. At sa panig naman ni Richard, nandoon ang pinsan nitong si Bryan na parang kapatid na rin ang turing sa binata. Mukhang nakikiayon ang lahat kina Alex at Richard. Nagawa nilang ilihim sa mga magulang nila ang kanilang relasyon. Hanggang sa mapagkamalang girlfriend ni Bryan si Angel. And then things started to become complicated. Gaano nga ba katibay ang pagmamahalan nina Richard at Alex? Kaya ba nitong buwagin ang alitang nag-ugat pa 20 years ago? At ano naman kayang kapalaran ang naghihintay kina Angel at Bryan, na dahil sa pagtulong sa dalawa ay siyang laging napapahamak?
View MoreMakalipas ang tatlong araw ay na-discharge na rin sa ospital si Alex. Isang sorpresa ang inihanda ni Richard para sa kanya sa pag-uwi nito galing ospital. Isang salo-salo ang inihanda nito katulong ang mga magulang nito at ang mga de Vera.Sa may garden ng mga Martinez ginawa ang salo-salo. Maraming pagkain din ang inihanda ng mga Quinto, lalo na at pagkain ang negosyo ng mga ito."Parang pamamanhikan na, ah," biro ni Raul kay Benjie."Pwede ba, Pare? Huwag mong sirain ang moment at ang sarap pa naman ng mga dala nina Ricky," ang sabi naman ni Benjie."Siguro naman ngayon kakain na kayo sa mga restaurant namin," ani Ricky."Oo naman," ani Benjie."Actually Tito, lagi po kami sa The Coffee Club," ang sabi naman ni Alex. "Kahit si Mommy nga suki siya doon.""Ang sarap kasi ng kape nila doon," ani Alice."Ang totoo niyan, in-absorb lang ng kumpanya ang The Coffee Club. Sina Miguel talaga ang pasimuno noon," ang sabi naman ni Ricky
Kagaya kahapon ay si Alice ang naiwang magbabantay ng magdamag kay Alex. Medyo okay na ito at mas malakas na kaysa kagabi kaya magiging magaan na ang pagbabantay ni Alice dito. Sina Angel at Benjie naman ay magkasabay nang umuwi sa Moon Village."Dad, pwede ba kong pumunta muna kina Bryan?""Hmn? Gabi na, ah!""Dad, same village lang naman ang mga bahay natin.""Kahit na!""Daddy naman..." Sumimangot si Angel.Bumuntong-hininga si Benjie. "Dati rati kami lang ng mommy ninyo ang gusto ninyong kasama ng kapatid mo. Ngayon, meron na kayong Bryan at Richard.""Nagseselos ka ba talaga? Biro lang iyong sa ospital kanina, hindi ba?""Oo naman. Pero siyempre, may konting selos pa rin iyon. Ngayon lang kasi nangyari ito. Tapos sabay pa kayo ni Alex. Dati rati, kapag natutusok ng karayom iyong kapatid mo, kailangan ko pang aluin ng matagal. Ngayon, hawakan lang ni Richard ang kamay niya nawawala na ang sakit. Hindi ba nakakaselos iyon?"<
Si Benjie ang nauna sa hospital room ni Alex. Nagulat naman si Richard nang makita ang pagpasok nito. Napatayo itong bigla.Maging si Alex ay nagulat din. "Dad..."Napatingin kaagad si Benjie sa kamay ni Alex na hawak ni Richard."Good morning po, Sir." Halata ang kaba kay Richard habang nakatingin kay Benjie, though hindi naman nito binitiwan ang kamay ni Alex.Pumasok na rin ang iba sa loob ng silid. Si Alice ang unang lumapit sa dalawa."Richard." Hinawakan nito ang kamay ng binata. "I'm Alice, Alex's mother. I'm glad to finally meet you."Bahagyang nagulat si Richard sa nangyari. Ganupaman ay nakasagot pa rin ito kay Alice. "Ako rin po.""I know nahirapan kayo dahil sa problema namin ng mga magulang mo. Now I'm telling you, okay na kami. Okay na kami ng mommy't daddy mo," ang sabi pa ni Alice."Mom!" Parang maiiyak si Alex sa tuwa."Maraming salamat po." Parang napakalaking problema ang nalutas kay Richard. Halata an
Ang napag-usapan ng lahat, pagkatapos mag-usap ng mga magulang nila ay saka pa lang mag-uusap sina Alex at Richard. Gusto muna kasi nilang ayusin ang lahat sa pagitan nilang apat, tapusin na ang alitan na nag-ugat more than twenty-years ago. Para pagkatapos noon, wala nang kailangan pang alalahaning ancient grudge ang dalawang bata at mapag-uusapan na nila ng mabuti ang tungkol sa kanilang dalawa.Pero kaaalis pa lamang ng mga magulang ni Richard ay hindi na siya mapakali. Gusto na niyang makita si Alex. Actually, kahapon nang malaman niya ang nangyari, gusto na niyang puntahan kaagad ito sa ospital. Hindi nga siya nakatulog ng magdamag kakaisip dito.Kaya pinuntahan niya si Bryan sa kabilang bahay para magpasama sa pagpunta kay Alex. Tamang-tama naman kasi kasalukuyang naghahanda ang pinsan niya sa pagpunta sa ospital."'Di ba ang usapan, kakausapin muna nina Tito Benjie iyong mga parents mo?""Cuz, hindi ko na kayang maghintay! Gusto ko nang makita si A
Kinabukasan ay nagkita-kita sina Alice, Benjie, Ricky at Glory sa opisina ni Raul sa TGH. Si Raul ang tumayong tagapamagitan sa kanilang apat. Siya na rin ang unang nagsalita sa kanilang lima."I guess this is something that nobody among us thought could happen; but, we're all here now to settle things na matagal na nating dapat na ginawa. Well, at least we're doing it now. Para sa mga bata. At para na rin sa ating lahat.""Siguro, ako na ang unang magsasalita," ani Alice. "Tutal naman, ako ang nagsimula ng lahat. Ako ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Ricky noon, at ako rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin tayo nakaka-move on. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako nagmu-move on."Hinawakan naman ni Benjie ang kamay ng asawa. Tinignan ito ni Alice. Ngumiti si Benjie na ginantihan din ng ngiti ni Alice."I guess I'm just really that person who never forgets that easily. Lalo na kasi sobra akong nasaktan noon. Buong pamilya ng Quin
Buong maghapong nanatili sa bahay nila si Richard. Nasa kwarto lang siya at iniisip iyong naging usapan nila ni Bryan kahapon. Ewan niya pero parang blangko ang utak niya at tanging ang convo lang na iyon ang pumapasok doon.Kaninang tanghali ay dumating ang mga magulang niya mula sa ilang araw na conference sa Manila. Mabuti na lang at pagod sa biyahe ang dalawa kaya hindi siya masyadong kinausap ng mga ito. Pagkatapos ng maikling kumustahan ay nagpahinga na ang mag-asawa.Madilim na sa labas pero katulad ng maghapon niyang ginawa ay nakahiga lamang sa kama niya si Richard. Ang usapan pa rin nila ni Bryan ang naiisip niya, kasabay ng parang pagpa-flashback ng mga eksena nilang dalawa ni Alex.Theirs was a blissful relationship. Iyong temang 'You and Me Against the World' na kahit alam nilang tutol ang lahat, hindi nila iyon alintana. Basta masaya lang silang dalawa. Tapos, isang araw, bigla na lang nagbago ang lahat. Dahil lang sa gusto niyang magkaroon ng mga
Sa may waiting area sa loob mismo ng Emergency Room naupo sina Angel at Bryan upang hintayin ang paggagamot kay Alex. Si Alice naman ay sa may labas ng ER pumuwesto. That time ay nakasara na ang pintuang papasok sa may ER. Kaya naman nung tanawin ni Angel ang ina ay hindi niya ito nakita."Gusto mong puntahan ang mommy mo?" tanong ng katabi niyang si Bryan.Umiling siya. Parang hindi pa niya alam kung ano ang sasabihin sa ina. Hindi kasi niya mapigilan ang sarili na magalit dito kahit pa alam niyang mali ito.Ilang sandali pa ay lumabas na ng Resuscitation Area si Helen. Sina Angel at Bryan ang una nitong hinarap."Where's your mom and dad?" tanong ni Helen kay Angel.Napalingon si Angel sa may pintuan ng ER pero hindi ito nakasagot. Si Bryan na lang ang sumagot sa tanong ni Helen."Nasa labas si Tita Alice. Si Tito Benjie naman isinama ni Daddy.""I see...Well, Alex is okay now. She's still weak because of dehydration at dahil na rin
Sa kanyang opisina dinala ni Raul si Benjie. Magkaharap silang nakaupo sa dalawang upuan sa harapan ng kanyang executive desk. Si Benjie ay pasandal na nakaupo at parang nakalupaypay na nakatingin sa sahig. Si Raul naman ay nakasandal din, pero nakahalukipkip na nakatingin sa kaibigan."I never thought that this is what will happen when we meet again," umpisa si Raul. "Akala ko, ako ang sisigawan at susumbatan mo. But I guess, I really am just lucky."Wala pa ring reaksiyon si Benjie. Parang nasa malayo ang isipan nito."Come on, Benjie! Napakaimposible namang hindi ka nagawang mahalin ni Alice sa loob ng dalawampung taon! Don't be so ridiculous!""Alam mo bang pinalo niya si Angel noon dahil nakipagkaibigan siya sa isang Quinto?"Nagulat si Raul sa sinabi nito. Pero dahil likas na palabiro ay nag-isip ito ng sasabihin para muling subukang mapagaan man lang ang nararamdaman ng kaibigan. "Paano ko malalaman? Eh hindi nga tayo bati, 'di ba? Hindi tay