Dominant Series 6: Deception (Completed)

Dominant Series 6: Deception (Completed)

By:  VraielLajj  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
43Chapters
9.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Synopsis "Even death can't prevent me to protect you." - Farhistt Fortocarrero Maselan si Farhistt sa lahat ng bagay. Mailap din siya sa babae, kaya walang babaeng nagtatangkang lumapit at umakit sa puso niya. Lahat naka-organised pagdating sa pag desisyon ng bagay-bagay and he wants everything to be perfect lalo na pagdating sa trabaho. Not till he received an order from the higher organisation. May kailangan siyang i-rescue na mga kababaehan and one of them ay ang babaeng minsan siyang iniwan at sinaktan. Warning! R/18

View More
Dominant Series 6: Deception (Completed) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
No Comments
43 Chapters
Kabanata 1
Napatingin si Farhistt sa apat na lalaking papasok sa loob ng kaniyang pribadong opisina. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi nang makitang duguan ang isa sa kasama ng mga 'to. Sandali siyang tumigil sa pagsusulat at binaba ang lapis. “What happened?” kahit alam naman niya ang sagot.“Napaaway lang sa kanto.” ngumisi si Magnar at sinulyapan si Gallagher na pinipilit ampatin ang dumudugong noo. “Why won't you two admit it?” seryusong tanong niya. Umupo agad sa mahabang sofa si Maccabi at Tiverius na nakangisi. Alam niyang nag-away na naman ang mga ito sa labas. “Pinag-awayan nila ang isang babae, Yx.” natatawang singit ni Maccabi. Tama nga ang nasa isip niya. Babae na naman ang pinag-aawayan ng dalawang magkakaibigan na 'to. Hindi na siya nagtaka, nakahiligan na yata ng dalawa na laging iisang babae ang laging nagugustuhan at ang ending, parehong hindi ito
Read more
Kabanata 2
May binigay na tao sa kaniya si Maccabi na pwedeng tumulong sa kaniya pagdating sa nasabing probinsya ng Zamboanga. Ang eksaktong address na pupuntahan niya ay baryong Bayog. Isang may katandaang lalaki  ang sumundo sa kaniya sa terminal at nagpakilalang kaibigan ng ama ni Maccabi ito. Ito na rin mismo ang magiging guide niya papuntang baryo ng Bayog. “Ilang araw o linggo kayo mananatili sa baryong iyon, Sir?” “Depende pero pinakamataas na ho'yang 2 weeks,” ganting sagot niya sa lalaking nagngangalang Domenggo. Mabilis itong tumango. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin mo sa lugar na 'yon, Sir basta mag-iingat ka lang.” Tumango siya at tiningnan ang dinaanan nila. Sakay sila sa isang bus papuntang Baryo ng Buug saka sila tuluyan sasakay ng isang habal-habal para makapasok ng tuluyan sa nasabing lokasyon. “Nasabi na rin sa'kin ni Maccabi, Sir, na ako na bahala sa in
Read more
Kabanata 3
Maaga pa lang, nagising na si Farhistt sa tilaok ng manok sa labas. Nag-push up muna siya at nag-sit ups bago tuluyang bumangon. Niligpit niya rin ang kinahihigaan at inayos ang pagkaka-file ng mga 'to sa isang tabi. Una niyang nabungaran ang dalagang nagngangalang Odessa sa kusina at nagluluto ng umagahan. Nung makita siya ng dalaga, biglang naging asiwa ito at hindi agad mapakali sa ginagawa kaya nagpasya siyang lumabas at tumambay sa bakuran. Lalanghap lang siya ng hanging probinsya. Mamaya lang ay magsisimula siya sa assignment niya na walang magsususpitsya sa kaniyang galaw at kilos bilang bagong salta sa lugar na ito. “B-baka gusto mo ng kape...” Napalingon siya sa babae, may dala itong isang tasang may black coffee at nahihiyang inabot sa kaniya. Walang kangiti-ngiting tinanggap niya iyon at tinikman. “Thanks.” Masarap ang kape at purong puro iyon, walang halong kemikal. Read more
Kabanata 4
Napilitan si Farhistt na magpasama kay Odessa sa bayan ayon na rin sa pangungulit ni Mang Bartolome. Isang kupasing tshirt at pantalong maong ang kaniyang suot para hindi siya halata nung umalis sila. Nakasuot din siya ng kupasing sumbrero at nakatsinelas na parang isang ordinaryong mamayan. Ang gusto niya sana, siya ang umalis mag-isa para hindi siya mahirapan pero wala siyang choice. “F-frahisto,” untag sa kaniya ni Odessa. Nakasakay sila ngayon ng motorsiklo papuntang bayan at magkatabi sa upuan. Nararamdaman niyang naiilang ang dalaga sa kaniyang tabi pero hindi niya pinansin iyon, siguro hindi lang sanay ito sa kaniyang presinsya. “Yes?” “Bisaya language ang gamit ng mga tao rito baka——” “It's okay, nakakaintindi ako ng lenggwaheng 'yan.” Tumango ito at hindi na muling nagsalita pa hanggang sa dumating sila sa bayan. Tulad ng kaniyang inaasah
Read more
Kabanata 5
Lihim na pinagmamasdan ni Odessa si Frahisto na nag-iigib ng tubig. Ewan ba, sa tuwing napapatingin siya sa mga mata ng lalaki, para siyang napapahipotismo at hindi niya mapigilan kiligin. Pinipilit lang niyang umarteng kaswal sa harap nito pero hindi niya mapigilan mabulol sa tuwing kausap ang lalaki. Sayang nga lang, may asawa na ito. Nalungkot siya sa bahaging 'yon pero binalewala rin niya agad. Aaminin niyang may gusto siya sa lalaki nung una pa lang niyang kita rito. Siguro dahil first time niya makakita ng ganito kakgwapong nilalang na bumaba sa lupa. Sa sobrang kagwapuhan nito, parang ayaw niya na yatang mawala sa paningin niya ang lalaki. “Odessa?” Bahagya siyang nagulat nang tinawag siya nito. Naramdaman niyang namula ang kaniyang pisngi na tumingin sa lalaki. “B-bakit?” “Mauna ka na sa bahay. Kaya ko na sarili ko rito.” Napakagat siya ng labi. Pati boses ng la
Read more
Kabanata 6
SIMULA nung magkahawak kamay sila ni Frahisto nang gabing iyon, halos 'di siya dalawin ng antok nung matutulog na siya. Ang lakas ng impact ng lalaki sa kaniya at kinilig ang kaniyang puso. Kung 'di lang sana ito kasal sa iba, baka nagpapa-cute na siya sa lalaki. Mabuti na lang talaga at hindi ito namaligno, kundi iiyak talaga siya. Sayang kamo ang kagwapuhan nito kung maligno lang ang makikinabang at hindi siya. Sandali siyang napahagikhik sa naisip. Tanghali na nang magising siya kinabukasan. Gahol siyang napatakbo papuntang kusina! Jusko naman kasi. Madaling araw na siyang nakatulog sa kaiisip ng gwapong mukha ni Frahisto isama pa ang hawak kamay chuchu nilang dalawa. Sinong 'di kikiligin niyan? Pero nung maalala niyang hindi pa siya nakapulbo at lipstick, habang ang buhok niya ay sabog... Mabilis siyang bumalik sa kaniyang kwarto at nagsuklay ng mabilisan. Naglagay ng maraming-maraming pulbo at pulang lipstick sa labi. Napangiti siya
Read more
Kabanata 7
Nag-ikot sila ng mata ni Tina at inismiran ang dalawang african hito. Mga feeling gwapo pero mukhang tukmol na 'di nakatae ng isang taon. Nagkunwari silang walang nakita at patuloy pa rin sila ni Tina sa pagkikwentuhan na parang walang nakikitang african hito. “Ba't ba ang aarte niyong dalawa? Ha? Lalo ka na Odessa! Sayang, type pa naman kita!" Bigla siyang hinaklit nung isang nambastos din sa kaniya dati sa bahay.” Kapag ikaw hinalikan ko, hahanap-hanapin mo ang yummy kiss ko!" “Ano ba!” Nakatikim ito ng malakas na sampal mula sa kaniya. Sumubsob pa ito sa batuhan sa ginawa niyang pagsampal at pagtulak na ginawa niya rito. “Mga bastos!” “Aba't nag-iinarte ka pa——” Napasigaw sila ni Tina nang biglang tumilapon ang katawan ni african hito 1 sa tubig. Awtomatikong nagtama ang mata nila ni Frahisto na 'di man lang nila namalayan na siyang tumulong sa kanila. Naka-topless ang lalaki at naka-boxer
Read more
Kabanata 8
Hindi siya makatulog nang gabing iyon. Panay baling na naman siya sa kaniyang higaaan. Laging bumabalik sa isipan niya 'yong nangyari kanina sa batis, kung paano siya niyakap ni Frahisto sa tubig at kung paano siya nito titigan. Napabuntunghinga siya. Ano ba ang gawin niya para makatulog ngayon? Wala yatang balak ang kaniyang puso na tumigil.Malungkot siyang nagtungo sa bintana at lumanghap ng preskong hangin mula ro'n. Malamig ang gabi, pero sa isiping uuwi na ang lalaki, mas lalo siyang nalungkot. Parang ang bigat ng puso niya. Nasanay siya na ito lagi ang hinahanap ng kaniyang mata sa tuwing umaga at bago siya matulog.Ilang sandali siyang nakatayo sa may bintana nang may napansin siyang gumagalaw sa kabilang bahagi ng bakuran. Aswang? Hindi naman yata. Tinitigan niya 'yong gumagalaw at saka lang nag-sink in sa isip ni Odessa, si Frahisto ito. Agad niya itong sinundan ng tingin, nakita niyang tahimik itong naglakad patungo sa deriksyon kung saan
Read more
Kabanata 9
“Fuck!” Agad tinakpan ni Frahisto ang kaniyang bibig pero naalarma na ang mga taong nando'n. Bago pa sila paulanan ng bala, mabilis na siyang nahila papalayo ng lalaki. “Bilisan mo ang takbo!” Sunod-sunod siyang tumango. Hindi naman niya ginustong tumili, may ahas lang talaga at takot siya mga ganiyan at baka kagatin siya, “Oo! Sorry...” Hindi ito sumagot. Mahigpit lang nitong hinawakan ang kaniyang kamay at ginigiya siya papalayo. Marami na rin ang humahabol sa kanila at may nagpapaulan ng bala. Kung 'di dahil sa matataas na mga puno ro'n baka kanina pa sila natatamaan ng bala. Nagulat pa siya nung may hawak itong baril at nakipagsagutan ng baril. Napapasigaw siya sa bawat putok ng baril sa paligid. Pakiramdan niya, lumalabas ang kaniyang puso. Mamatay yata siya sa heart attack. “Dapa!” Kung 'di siguro siya nahila ng lalaki, baka natamaan na ang kaniyang ulo. Diyos ko! Ayaw pa niyang mamatay
Read more
Kabanata 10
Nagising na lang siya kinabukasan na sinisipon at mataas ang lagnat. Muntik pa siyang mahulog sa kama. Nasapo niya ang ulo at pinakiramdaman ang sarili kung kaya ba niyang tumayo. Saka lang siya parang nahimasmasan nung dumapo ang kaniyang mata sa bintana. Mataas na ang liwanag ng araw sa labas. Si Frahisto nga pala!Sa isiping iyon, nagmamadali siyang bumaba sa kama at tumakbo papalabas ng kaniyang kwarto. Sa sobrang pag-iisip niya kagabi, nakatulog siya ng mahimbing. Hindi man lang niya alam kong natulog ba ang lalaki sa kabilang kwarto o baka umuwi na. Unang bumungad sa kaniya ang kaniyang Itang, nakaupo ito sa paborito nitong upuan paharap sa bintana habang may kapeng iniinum at nanonood ng paborito nitong TV Show. “Itang!” masaya siya sa nalamang buhay ito at walang masamang nangyari. “Oh, Ineng at nagmamadali ka? Teka, may sakit ka ba? Bakit sobrang putla mo.” Agad siya
Read more
DMCA.com Protection Status