Si Carlo Tavez nag iisang namumuhay sa mundo. Akalain niyo ba naman mula ng nagkaisip siya ay hindi na niya nasisilayan o makita man lang ang kanyang ama. Ang kanyang ina lamang ang kanyang nakakasama hanggang sa lumaki siya. Subalit sa kasawiang palad ay biglaan ang pagkamatay nito dahil sa isang kagimbal gimbal na aksidente. Lumaking walang mga magulang si Carlo. Dahil masipag ito at hindi umaasa sa mga kamag anak ay matiyagang namuhay mag isa ang binata. Hanggang sa nakapagtrabaho ito ng maganda. At binigyan sila ng break ng kanilang CEO. Sino mag aaakala na halos kalahating taon ang binigay sa kanila na bakasyon. Laking tuwa ng mga ito ngunit ang ipinagtataka nila bakit ang tagal ng kanilang bakasyon anim na buwan. Dito pala makikita ni Carlo ang kanyang ama na matagal nang nawala. Dito niya matutuklasan ang katotohanan ng matagal na niyang hinahanap ang mga kasagutan. Ang mga sigaw na lagi niyang naririnig mula ng bata pa siya magpasa hanggang ngayon ay dito lang pala niya malalaman ang mga katotohanang nagaganap . Ang kanyang laging nakikita sa panaginip . Ang taong sumisigaw at humihingi ng saklolo. Ang taong sinaksak, pinaghiwa hiwa ang mga laman nito na parang karne. Ginawang chop at nilagyan ng paminta , asin, soysauce, bawang , sibuyas, asin , sugar. Saka minarinate ng dalawang oras . Pagkatapos ay nilagay sa oven niluto at pagkatapos ay inihain sa mesa at kinain. Brutal ang pagpatay at talagang hindi makatao ang ginawa . Ano ang intesiyon ng kanilang Ceo bakit sila pinadala sa isang forest para magbakasyon. Ano ang magiging papel ng kanilang Boss sa kwentong ito. Bakit parang weird ang kanyang mga galaw. Abangan niyo mga tagpong kagimbal gimbal dito lang yan sa aking kwentong oven. Sana po ay tatangkilin niyo po ang aking obra maestra at inyong subaybayan ang mga tagpo . Salamat po..
View MoreCHAPTER 17" Paparating na ang matanda. Maghanda na kayo. Magmatyag kayong lahat. Huwag tayo magtiwala kahit kanino. Nararamdaman kong nililinlang lamang tayo ng kagubatang ito. Isipin niyo. Unang mga pangyayaring kababalaghan doin sa resthouse na iyon. Tapos bigla na lamang tayo napadpad dito sa hindi natin alam na mga kadahilanan. At hindi nga natin kilala mga taong nakakasalamuha natin. Mukhang lahat ng mga kababalaghang nangyayari sa atin ay kasinungalingan.! Nililinlang lamang tayo ng kagubatang ito. Nandiyan na ang matanda. Huwag kayo maingay ako lang ang makikipag usap sa matanda."sabi ko sa kanila. " Opo sir! tumahimik tayo. Andiyan na ang matanda." ani naman ni Myla.Tumahimim ang lahat. Hinintay namin na makapasok ang matandang lalaki sa kubo niya. Nakangisi ito na parang nakakaluko." Wala na po ba ang mga aswang na iyon lolo?"agad kung tanong sa matanda ng pumasok na ng bahay. " " Wala na sila! magpahinga na muna kayo! May mga pagkain diyan sa loob ng mga box tingnan niyo
Chapter 16 Malayo na ang aking inikot ngunit akoy nagtataka mukhang pabalik balik lang ako sa aking dinadaanan. Nagulat ako ng may nakita akong liwanag sa bandang dulo sa kaliwa. Kaya agad akong naghakbang papunto roon. Biglang nawala ang takot na aking nararamdaman ng masipat kong parang may mga kubo sa bandang dulo. At may mga gaserang nakasindi sa labas ng bawat kubo nito. Nang akoy papalapit na sa lugar. Dinig na dinig ko ang sigawan. Palakpakan. Nakakarinig ako ng mga taong naghihiyawan. Mukhang may kasiyahan na ginaganap sa lugar na iyon. Kaya mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad upang marating ko na ang kinaroroonan ng mga boses na iyon. Dali dali kong pinuntahan ang mga nakasinding ilaw kanina. Pahakbang na sana ako papunta doon sa mga tao ng may biglang humila sa akin at tinakpan ang aking bunganga at sabay sabi. " Huwag kang maingay! Tumahimik ka lang at huwag kang gumawa ng hakbang na makakagawa ng ingay!"mahinang wika nito sa akin. " Mamaya ka n
CHAPTER 15 Kakaiba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Habang ako'y nakaupo malapit sa kusina. Biglang nagliwanag ang OVEN at biglang nag umpisa nang nangangamoy ang mga karneng nasa loob ng oven. Hindi ako tinatablan ng amoy. Maya pa ay nararamdaman kong may nagbubukas ng pintuan ng kuwarto. Kaya agad kong itong hinarang. " Huwaaaaaag! Di ba sabi ko huwag niyong buksan ang pinyuan. Baka papasok ang amoy at kayo ay malalason ! Bakit ba hindi kayo nakikinig ! Gusto niyo po ba na mamatay kayong lahat? Galit kung sigaw nito sa kanila. Walang kaalam alam si Myla dahil tulog pala ito kaya walang sumita sa isa sa mga kasamahan nila sa loob. "Huwag ! Na huwag niyo bibuksan ang pintuan hanggat maari.! Ilang beses ko nang bilin ito sa inyo! Bakit ayaw niyo makinig!" galit kong sigaw kung sino man ang nagtangkang buksan ang pintuan. Maya maya pa narinig kung may nagtatalo sa loob. Nag away away na pala sila sa loob. Narinig kung nagsisigaw si Myla. Hindi ko naman puwed
CHAPTER 14 " Carlooooo! Pumasok ka sa loob ng kuwarto! Magpahinga ka muna! Hindi kayo magagalaw dahil nandito ako! Pasok kana at matulog! Ako na ang bahala!" isang tinig na hindi ko alam kung saan nanggaling pero parang nasa tabi ko lang ...napakalamig na parang nasa ilalim ng lupa naggagaling. Kaya agad akong kumatok ng kwarto. At isinara ito. " Ano ang makain dito? Magpahinga na kayo. Kakain muna ako bago matulog. Huwag na huwag kayong lalabas kapag ako tulog! Huwag niyong subukan baka pagsisihan niyo! Matulog na po kayo kung tapos na kayo mag dinner. Kakain muna ako pagkatapos matulog na din ako. Myla sweetheart magpahinga kana."sabi ko nito. " Agad na nag ayos ng higaan namin ang pinakamaganda kung kasintahan. " Takpan niyo ang inyong mga mukha. Upang wala kayong maamoy kahit na ano galing s
CHAPTER 13 Nagtataka ako kung bakit may oras ang kaluluwang pumapasok sa katawan ko. Bakit may limitasyon ang kanyang oras. Paano mailigtas ang mga nabiktima nito kung paglampas ng alas dose ay umaalis na ito. Paano namin maipagtanggol ang bawat isa. Nahiwagaan talaga ako sa OVEN na ito. Maya maya pa'y nabigla ako ng umusok ang oven. Bigla itong umusok ng maitim na maitim at naririnig ko ang kakaibang mga hiyaw o sigaw nito na para bang nahihirapan! Nasasaktan ng sobra na parang kinakatay. Bumabalik sa aking alala ang mga naririnig ko noong hindi pa kami nakakarating dito sa kagubatang ito. Mga sigaw at ingay na sobrang sakit na sakit. Kaya ako nagtataka. Kaya unti unti akong lumapit sa Oven. Ngunit nabigla ako ng hinihila naman ako papalayo ng puting usok. Maya maya pa'y parang may sumabog sa loob ng Oven at biglang naw
CHAPTER 12 "Hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo! Hindi! Si Engrid! Huhuhu!!!" halos hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig. At nakita nila mismo ang chop chop na katawan ni Engrid. Napaluhod sila at nakatingala sa langit! Agad ko silang inutusan. " Bilisan niyo may buhay pa tayo na dapat iligtas. Sa pagkakataong ito kailangan kong mabawi si Diane! Myla! Ikaw na ang bahala dito ! Ang bilin ko sainyo huwag na huqag kayo lumabas ng bahay! Maglock kayo ng kuqarto. Magdala kayo ng makakin niyo. Hintayin niyo ang aking pagbabalik. Kailangan kong makuha si Diane. Hayaan niyo na nakabukas ang oven. Pagbalik ko mamaya abo na yan!" Huwag na huwag kayo lalabas. Huwag kayo matakot sinasabi ko sainyo malalaman at malalaman din natin kung sino ang nasa likod nang nakakubling sunog na mukha! Bilisan niyo umakyat na ka
CHAPTER 11 Nagmamadali na akong makarating sa kinaroroonan ni Engrid. Nasa panganib na ang kanyang kalagayan. Halos iwanan ko na si Myla upang mapabilis ang aking paglakad. Pero kailangan ko siya. Upang makuha kona si Engrid at mailigtas. " Myla, pagdating natin doon, magpakita ka sa killer na iyon. Gumawa ka ng paraan kung paano mo malibang ang taong iyon. Upang mabigyan ako ng pagkakataon na mapasok ko ang kinaroroonan ni Engrid. Maliwanag ba. Nagkaintindihan ba tayo. Kailangan mailigtas na natin si Engrid. Nasa panganib na ang ang kanyang buhay. Diti ako dadaan sa likod at ikaw sa harapan upang mapansin ka kaagad ng lalaking iyon." bilin ko kay Myla. " Sige ! Maghiwalay na tayo dito. Basta mag ingat ka."habilin ko sa mahal kung kasintahan. Naawa ako sa kanya dahik simula ng naging kami ay nararamdaman kong
CHAPTER 10 " Sama sama kayo! Kahit na anong mangyari walang iwanan. Bantayan ang bawat isa. Dahil ayokong mabawasan pa tayo. Wala na si Engrid . Ayokong may madagdag pang mawala sainyo. Hahanapin ko at iligtas si Engrid. Pinapangako ko sainyo ibabalik ko siya dito na buhay katulad sa ginawa ko kay Myla. Maliwanang ba? Diane hawak kamay lang kayong tatlong babae. Kayong tatlong lalaki ang siyang magbantay ng maiigi sa mga babae natin. Kahit saan kayo magpunta magkasama kayong pito. Maliwanag ba? Dito lang kayo sa bahay . Doon kayo sa kwarto sa taas. Ikandado niyo ang pintuan at huwag na huwag niyo itong buksan hanggat hindi ako nakakabalik. Ihanda niyo mga bolo! Kutsilyo! Malaking kahoy na puwede niyo magamit pangpalo. Kahit anuman ang mangyari walang iwanan. Maipapangako niyo ba sa akin?"agad kung tanong sa kanila. " Ipinapangako nam