Ang Napakalambing Kong Asawa

Ang Napakalambing Kong Asawa

By:  Cloud Tree  Completed
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
9.5
Not enough ratings
1087Chapters
308.1Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ang kanyang kasintahan at ang kanyang kapatid na babae ay magkasama sa iisang kama, kaya nilakasan na lamang niya ang kanyang loob at nagpakasal sa nakakatakot na negosyanteng si Gideon Leith. Hindi lamang kasikatan ang naabot niya, naging anyo siya ng publiko at isang entreprenyur? Isang magaling na race-car driver? Isang tanyag na gold-medalist designer sa buong mundo?! Sino nga ba ang babaeng ito at saan nagmumula ang kanyang kinang!!! Mula sa pagiging kaawa-awa naging isa siyang diyosa na tinitingala ng libo-libong mga tao. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit mula Jincheng hanggang Kyoto ang pila ng mga tagahanga niya. Si Leith, na nakakita sa diyamanteng ito, ay mabilis na isinuksok ang dalaga sa kanyang mga braso. “Nell, kailangan kitang itago nang mabuti. Sa akin ka lang!! "

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
1087 chapters
Kabanata 1 Sorpresa
Nang dumating si Nell Jennings sa Lihua Hotel, 11:00 na ng gabi.Sa oras na tulad nito, hindi ligtas para sa isang taong nagtatrabaho sa isang negosyo na nagbebenta ng mga erotikong produkto na gumawa ng mga delivery nang personal.Lalo na kung isa itong dalaga at magandang babae.Subalit, wala ng ibang paraan. Hindi madali ang buhay. Kailangan ng pera sa kahit saan, mula sa pagkain, sa damit, sa bahay, hanggang sa pamasahe. Bukod pa roon, ilang araw na lang at uuwi na si Jason Morton.Anim na taon na silang nagde-date, subalit kalahati ng panahong ito ay hindi niya kapiling ang binata. Nag-aasikaso ito ng negosyo sa lokal at internasyonal na lebel. Ayaw rin naman niyang maging sagabal sa mga gawain nito.Mabuti na lang at malalim ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Nagsimula pa nga siya ng maliit na negosyo dagdag sa kanyang araw-araw na trabaho upang mabigyan ng sorpresa si Jason sa nalalapit nitong kaarawan.Habang iniisip ito, umangat ng bahagya ang dulo ng labi ni Nell
Read more
Kabanata 2 Nalagpasan ang Master
Habang nakatayo sa likuran ni Sylvia, napaungol sa galit si Shaun Jennings. "P*ta ka! Anong sinabi mo?"Ngumisi ni Nell. "Ang katotohanan."Hindi niya talaga inaasahan na ang babaeng kasama ni Jason ay si Celine.Noong una, naisip lang niya na pinagtaksilan siya ni Jason. Kumilos lang siya nang ganoon dahil sa galit at upang maibsan ang sama ng loob.Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi lamang siya niloko ng kasintahan niya, ang babaeng kinakasama nito ay mismong nakababata niyang kapatid.Anong biro naman ito!"Ikaw!"Galit na galit ang matanda nang itinaas niya ang kanyang tungkod upang ibagsak ito kay Nell, ngunit mabilis siyang pinigilan ni Sally Youngs.“Ma, makipag-usap tayo nang maayos. Wag kang magalit. Maaapektuhan lang ang kalusugan mo."Pagkatapos, lumingon siya kay Nell. “Nell, hindi mo dapat galitin ang lola. Si Celine ang may kasalanan dito, kaya siya ang bulyawan mo hanggang magsawa ka, ngunit ang iyong lola ay may edad na. Makinig ka sa akin at huwag kang sum
Read more
Kabanata 3 Talo ka nanaman
Nang makita ni Nell ang mahina at walang magawang itsura ni Celine, labis na inis ang naramdaman niya.Malamig niyang pinaalis si Celine. "Huwag mo akong hawakan!"Wala namang lakas na tinulak ito ni Nell, ngunit biglang nadapa si Celine at bumagsak sa lupa habang humihiyaw."Celine!"Agad na lumapit si Jason upang tulungan siya. Galit niyang binulyawan si Nell. “Nell! Anong ginagawa mo?""Hindi ako ..."Nagbago ang mukha ni Nell nang sinubukan niyang ipaliwanag ang sarili subalit pinutol siya ni Celine,“Jason, huwag mong sisihin si Nell. Ako ang nang-akit sayo. Kahit itulak niya pa ako, kahit sigawan o bugbugin, tama pa rin siya. ”Nanliit ang mata ni Nell.. Puno ng gulat ang mukha niya.Inangat niya ang kanyang ulo upang makita ang dismaya sa mga mata ni Jason.“Hindi ko akalaing magiging ganito ka. Kasalanan ko ito, kaya dapat mong idirekta ang galit mo sa akin! Bakit mo pinagtataasan ng kamay si Celine? "Binuka ni Nell ang kanyang bibig, ngunit bigla siyang nasamid, ti
Read more
Kabanata 4 Muling Pagkikita
Mula noong bata pa si Nell, gustung-gusto siyang kalabanin ni Hayley Morton. Hindi siya nabigo na makipag-away kay Nell.Wala sa mood si Nell na harapin siya, kaya't naglabas siya ng ilang perang papel mula sa kanyang bag at naghanda nang magbayad.Gayunpaman, pinuntahan siya ni Hayley at hinarangan ang kanyang daanan."Bakit ka aalis? C'mon, ipakita mo sa akin. Condom ba o pampadulas ngayon? "Inabot niya ang kamay upang kunin ang bag ni Nell.Umatras si Nell, nanlilisik ang mata sa kanya."Hayley Morton, sumosobra ka na!!""Sumosobra? Haha… ” kumilos si Hayley na para bang may naririnig siyang mahusay na biro. “Nell Jennings! Sa tingin mo boyfriend mo pa rin ang kapatid ko? Wala kang kwenta ngayon! Bakit ka ba nagmamataas? "Humigpit ang panga ni Nell habang wala siyang ekspresyon.Kumaway si Hayley. "Ikaw! Hawakan mo ang bag niya! ""Ano ang point ng pagtingin lang sa bag niya? Hindi ba siya nagbebenta ng ilang mga erotikong produkto? Gabi na kaya, subalit nandito pa siya
Read more
Kabanata 5 Bawasan Ang Pagkalugi
Mahinang sumandal si Nell sa bintana ng kotse, pinapanood ang tanawin ng gabi na dumaan. Namumula ang mga mata niya.Ang mga salita ni Jason ay tumutunog pa rin sa kanyang tainga, ngunit natagpuan lamang niya itong katawa-tawa.Ilang beses siyang binully ni Celine kasama ang kanyang pamilya sa likuran niya? Nanatiling tahimik at mapagparaya si Nell, iniisip na makakakuha siya ng kapayapaan sa ganoong paraan, ngunit sa halip ay naghanap pa rin si Celine ng ibang paraan para saktan siya.Hindi mahinang tao si Nell, kaya natural na natutunan niyang lumaban kapag hindi na niya matiis ito. Gayunpaman, sa mata ni Jason, iyon ang naging pambu-bully niya kay Celine?Pinagtabuyan siya palabas ng pamilyang Jennings. Alam ng bawat isa sa Jincheng na hindi siya mahal ng pamilya Jennings, lalo na ang kanyang lola.Upang hindi mapahiya si Jason, iniwasan niya ang pakikipag-ugnay sa iba at pinagsikapan niyang huwag lumitaw sa publiko, ngunit sa kanyang paningin, gumagawa siya ng mga dahilan at t
Read more
Kabanata 6 Sertipikasyon
Hinimas ni Gideon ang kanyang kilay habang nagsisimulang kumirot ang ulo niya.Matapos ang mahabang sandali, tuluyan na siyang bumuntong hininga at pinalambot ang kanyang tono. "Bitawan mo ko, dadalhin kita sa loob para makapagpahinga ka na.""Ayoko."Pinulupot ni Nell ang kanyang mga braso sa leeg ni Gideon at inilibing ang mukha nito sa kanyang dibdib na parang bang nalulunod at nakahawak na lamang siya sa huling piraso ng lumulutang na kahoy.Sa loob ng anim na taon, tumanggi si Jason na hawakan siya.Iniisip niya lang na dahil sa respeto at pag-aalaga niya ito.Pero nalaman na niya ngayon na dahil sa wala siyang appeal at hindi siya nakakaakit. Sa kanyang mga mata, sa ilalim ng kanyang balat, hindi siya naiiba sa isang lalaki.Lalong nasisira lamang ang pride niya habang iniisip ito..Upang may mapatunayan, niyakap niya ang lalaki at hinalikan muli ang labi.Sa pagkakataong ito, hindi malambing ang halik na ibinigay ni Nell. Talagang diniin niya ang kanyang labi sa lalaki, d
Read more
Kabanata 7 Agarang Kasal
Hindi mapigilan ni Nell na mapasigaw sa gulat.“Kasal? Tayo? I-Imposible ‘yan! Lasing ako kagabi. Hindi mabibilang ang dokumentong ito! ”Tiningnan siya ni Gideon nang mahinahon sabay malamig na ngumiti."Sinabi mong pipirma ka kagabi, pero ngayon ayaw mo nang umamin dahil bihis ka na?"Nell. "...""Hah!"Tumawa ulit si Gideon ng may bahid ng pangungutya.Hindi makapagsalita si Nell. Sa wakas, may nasambit na rin siya matapos ang mahabang katahimikan. "Kailangan ng pahintulot ng bawat isa sa mga ganyang bagay.. Paano mo naman masasabi na kasalanan ko lang talaga? "Babae si Nell. Kung tumanggi si Gideon, mapipilit niya ba ang sarili niya rito?Subalit, sa susunod na segundo, binuksan ni Giden ang mga butones ng kanyang suot.“Alam kong hindi mo aaminin. Buti na lang at may natirang ebidensya. "Sinundan ni Nell ang galaw niya at tinignan ito. Sa ilalim ng kuwelyo nito, kita ang mga bakas ng halik ni Nell at pati na rin mga kaunting gasgas ng kanyang kuko.Mukhang matindi ng
Read more
Kabanata 8 Anunsyo ng Kasal
Gayundin, sa bahay ng Jennings.Punong-puno ng mga tao ang sala nila, naroroon ang lola nilang si Sylvia Walker, ang ama na si Shaun Jennings, ang nanay na si Sally Youngs, at ang kapatid ni Jason Morton, si Hayley Morton, pati na rin ang iba pang mga kaibigan ni Celine Jennings.Magkatabing nakaupo si Celine at Jason sa sopa ng sala. Bahagyang malumbay ang ere nila.“Celine, kung ako ang tatanungin mo, ang dali mo kasing i-bully! Mahal niyo ang isa’t is ani kuya, bakit niya naman ‘yun ginawa? Alam niyang maselan ang pagkatao mo, pero tinawag niya pa rin talaga ang pulis para ipaaresto ka. Hindi ba halatang gusto ka niyang sirain?”“Totoo iyan. Bukod pa roon, nakikipaglokohan na nga siya kasama ang ibang lalaki pagkatapos nilang maghiwalay ni Young Master Morton, ibig sabihin hindi talaga siya mabuting tao!”“Celine, mas kawawa ka dahil sikat ka. Ngayon, pinag-uusapan na ng lahat ang relasyon mo sa Internet, sinasabing inakit mo raw si Jason at inaakusahan ka rin nilang gumagamit
Read more
Kabanata 9 Napilitang Umuwi
“Ikaw!”Galit na galit si Shaun. “Tinatanong kita ulit. Uuwi ka ba?”“Hindi!”“Sige! Tandaan mo iyan! Huwag mong akong sisihin na hindi kita binalaan. Mismong lola mon a ang hahabol sa iyo.”Naramdaman ni Shaun na tila ba di niya talaga kayang tagusan ang malamig na pagkatao ng kanyang anak at ibinaba na lamang ang tawag.Napasinghal si Nell at hinayaan na lamang siya. Itinabi niya ang kanyang cellphone at nagpatuloy na lamang na kainin ang inorder niyang pagkain.Sa kabilang banda, nakaupo si Sylvia sa dining room. Napasimangot siya nang makitang galit na pumasok si Shaun.“Kumusta? Sinabihan mo ba siya? Makakauwi ba siya?”Hindi na kinaya ni Shaun, “Paano naman ako mananalo sa kanya? Matatag na ang kanyang pakpak at hindi naman siya nakaasa sa atin. Hindi siya uuwi hangga’t walang susundo sa kanya.”Dumilim ang mukha ni Sylvia.Ibinagsak niya ang chopsticks sa mesa.“Bastos na bata!”Napatalon ang lahat ng naroroon. Simula nang mamatay ang Old Master Jennings, si Sylvia n
Read more
Kabanata 10 Ano ang Iniwan ni Mama
Nanigas ang mukha ni Celine.“Ate, paano mo naman iyan nasabi sa akin?”Pumilit si Sally ng isang ngiti. “Nell, wala namang masamang intensyon ang kapatid mo, bakit hindi mom una siya kausapin? Ayusin niyo ang mga hindi pagkakaunawaan. Pamilya pa rin naman tayo.”“Pamilya! Pasensya ha! Kaya kong maging pamilya ang kahit sino sa bahay na ito maliban sa inyong dalawa.”“Bukod pa roon, isa lang ang anak ng mama ko. Kailan pa ako nagkaroon ng kapatid? Pakiusap huwag mong pansinin ang mga problema ko. Mag-ingat kayo sa multo ng mama ko, sana hindi niya kayo bisitahin sa gitna ng gabi!”“Ahhh—!”Napasigaw si Celine sa takot mula sa malamig at matikas na anyo ni Nell at saka lumapit kay Sally.Sa pagkakataong iyon, isang malakas na sigaw ang maririnig sa hagdan.“Nell Jennings!”Tumingin si Nell sa itaas at nakita niya na naglalakad si Sylvia habang may tungkod ito.Kahit matanda na ang Old Madam, malusog pa rin naman ito at malinaw ang paningin. Laging mabigat ang ekspresyon nito a
Read more
DMCA.com Protection Status