Ang Malamig Na Si Mr. Lu

Ang Malamig Na Si Mr. Lu

By:  Blue-collared lad  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
9.5
48 Mga Ratings
766Mga Kabanata
180.8Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

“Mr. Lu, nabanggit mo kanina na gusto mong magpakasal, iniisip ko kung papasa ba ako?” si Tang Ruochu ay nagpasyang magpakasal sa isang lalaking hindi niya kilala matapos siyang pagtaksilan ng kanyang nobyo. May kanya-kanya silang dahilan para magpakasal, sa hindi niya inaasahan, ang kasal na ito ang babago sa buhay niya. Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari—mawawasak ba ang kanyang puso, iibigin ba siya ng tunay, o di kaya’y magkakasama sila habang buhay?

view more
Ang Malamig Na Si Mr. Lu Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-12-04 08:25:02
0
user avatar
good novel
ganda din ng kwento
2022-11-22 21:13:47
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-09-24 11:30:21
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-07-01 07:56:39
1
user avatar
Tin Man Sangga Infante
wow super ganda kaya 5 star ...
2022-02-25 01:59:41
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful
2021-10-11 12:03:39
2
user avatar
Jeranel Canja
Ang ganda naman nang story
2021-10-11 05:17:18
0
user avatar
Ychin Remaxia
wow so nice story
2021-10-08 02:07:25
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one beautiful
2021-09-19 12:08:35
1
user avatar
Fe Diguma Loreto
Ang ganda ng story
2021-09-16 21:09:21
1
user avatar
Fe Diguma Loreto
Ang ganda ng kwento...
2021-09-16 21:07:58
1
user avatar
Jack Tolentino Mateo
maganda kaya nararapat lang na ito ang boto ko
2021-08-31 12:41:50
0
user avatar
Eurie Shin
I give 5 star
2021-08-08 16:12:16
2
default avatar
heyitsmeLessLie
Bakit hindi mabasa yung 375 - 381?
2021-08-07 15:15:15
2
user avatar
Leslie Mae Miranda
? . Maganda un story.. Bakit wala pa po ung kasunod..
2021-08-07 12:07:18
1
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
766 Kabanata
Kabanata 1
Tanghaling tapat at ang nagbabagang araw ay sumisinag mula sa kalangitan.Si Tang Ruochu ay nakatayo sa harap ng bridal studio suot-suot ang kanyang puting wedding dress, at ramdam niyang naubos ang dugo sa kanyang mukha nang makita niya ang magkasintahang madamdam na nagyayakapan sa loob ng isang Porsche.Ito dapat ang araw para sa kanyang gown-fitting appointment at may plano na siyang makipagkita sa kanyang nobyo sa harap ng bridal studio. Nagulat siya sa eksenang ito matapos niyang hintayin ng napakatagal na oras ang kanyang nobyo.Nakatalikod sa kanya ang lalaki at mainit nitong hinalikan ang babaeng yakap niya habang humahalik din ang babae ng may kaparehong sigla. Gayon pa man, nakita ni Tang Ruochu na biglang ngumisi ang babae mula sa bintana ng kotse.Naramdaman niya na para bang tinamaan siya ng kidlat, sapagkat ang ideya na ang nobyo niya ay nakikipaglandian sa kanyang kapatid ay hindi pumasok sa isip niya kahit minsan!Tumulo ang mga luha sa kanyang mga pisngi habang s
Magbasa pa
Kabanata 2
“Maaari ko bang malaman kung bakit mo siya hinahanap?” maingat na tanong ng assistant ni Lu Shijin habang tumayo siya sa harap nito....Mabilis na naglakad si Tang Ruochu papunta sa dalawang lalaki at tumango habang dumiretso na siya sa kanyang punto. “Narinig ko kay Mr. Lu kanina na naghahanap siya ng babaeng papakasalan, kaya’t naisip ko kung papasa ba ang isang tulad ako?”“Huh?” pasigaw na sabi ng assistant niya na napanganga sa pagkagulat....Hindi akalain ni Lu Shijin na ang babaeng ito ay may tapang na nakikipag usap sa kanya, kaya’t hindi niya napigilan na tignan siya ng pangalawang beses. Kakaibang itsura ang nasilayan ng kanyang mga mata nang mapansin niya ang wedding gown at ang walang buhay na mga mata ni Tang Ruochu, na bahagyang ikinagulat niya sa kanyang nakita.Nakaramdam ng konting kaba si Tang Ruochu nang tinitigan siya ni Lu Shijin.Nasabi man niya ng matino ang kanyang pakiusap, subalit hindi siya sigurado kung tatanggapin ni Lu Shijin ang kanyang alok.
Magbasa pa
Kabanata 3
Dumiretso pauwi si Tang Ruochu matapos nilang magkita ni Lu Shijin.Agad niyang nakita si Gu Ruoruo at ang kanyang ina, si Zhao Xiaowan, na masayang nakikipagkwentuhan sa kanyang ama sa sandali na pumasok siya sa pintuan. Silang tatlo ay mukhang isang masayang pamilya, at pakiramdam ni Tang Ruochu na pumasok siya sa maling bahay.Para bang hindi siya nababagay sa sarili niyang tahanan.Pumait ang kanyang mukha habang isinara niya ang pintuan at nagsimulang umakyat sa hagdanan nang hindi man lang sila binabati.“Huminto ka nga muna!” ang sabi ni Tang Song nang makita niya na umaakyat si Tang Ruochu sa hagdanan ng wala man lang isang pagbati.Huminto sa pag akyat si Tang Ruochu at malamig na sumagot nang “Bakit?”...“Bakit parang wala kang tahanan na inuuwian? Dalaga ka pa lang pero nagpapalipas ka na ng buong gabi sa labas at hindi ka man lang babati pagbalik mo ng bahay? Ito ba ang uri ng respeto na pinapakita mo sa iyong magulang?” pagalit ni Tang Song kay Tang Ruochu na halat
Magbasa pa
Kabanata 4
Kumain ng tanghalian sina Tang Ruochu at Song Anyi bago sila bumalik sa opisina.Sa sandaling pumasok sila sa pintuan, nakita nila ang ilan sa mga katrabaho nila ay nagaaway sa isang mainit na talakayin habang nasa tapat sila ng kompyuter.“Diyos ko, ito ba talaga ang lalaking tinitingalaan ko? Hindi ko to inaasahan sa kanya!”“Isang tingin ko palang ay alam ko na agad na matindi na ang mga nangyayari sa kanila!”“Naging masyadong pabaya siguro si Ji Yinfeng. Paano niya hinayaan ang sarili niyang maging paksa ng mga iskandalosong litrato? Nangangamba ako na ito ang magiging sanhi ng permanenteng pagkasira sa imahe niya sa publiko.”“Uy, Ruochu, Anyi, halikayo at tingnan niyo ito. Mayroong malaking pagbubunyag na may pamagat na ‘Ang Young Master ng Ji Group ay Nagdala ng Babae mula sa Nightclub Papunta sa Hotel, Ngunit Lalabas Lamang Makalipas Ang 3 Oras’.”Sabik na kumaway ang mga katrabaho nila Song Anyi at Tang Ruochu sa kanila at kumumpas para sila’y lumapit.Huminto saglit s
Magbasa pa
Kabanata 5
Ang iskandalo ni Ji Yinfeng ay nagsimula ng malaking kontrobersiya online, at ang Ji Group ay mabilisang gumawa ng press conference para talakayin ang isyu.Noong nagsimula ang press conference, umamin si Ji Yinfeng na siya nga ang tao na laman ng mga litratong iyon pero ang babaeng nasa litrato ay hindi isang babae mula sa nightclub. Sa halip, siya ay ang aking nobya, at ipinahayag niya na malapit na kaming ikasal.Ang pahayag niya ay biglang nag sanhi ng ingay mula sa mga tao.Tumingin si Tang Ruochu ng walang pakialam pero salungat ang nararamdaman niya.Ito ang lalaking minsan na nangako na ipapahayag niya sa mundo na si Tang Ruochu ang asawa niya.Ngunit, ngayon ay tinutupad niya ang pangakong iyon sa ibang babae.Sinara niya ang tab ng balita sa kanyang kompyuter at nilayo niya ang sarili niya sa lahat ng bagay na may kaugnay kay Ji Yinfeng.Subalit, hindi niya inaasahan na gagantihan siya ni Ji Yinfeng matapos niya iklaro ang balita tungkol sa kanyang iskandalo.Napansin
Magbasa pa
Kabanata 6
Lahat ay tumingin kay Lu ShijinGayunpaman, hindi pinansin ni Lu Shijin ang mga tingin na nakuha niya at nakatuon lamang ang atensyon niya kay Tang Ruochu, na nasa kanyang mga bisig. Ang boses niya ay banayad ngunit lalaking lalaki at sinabi niyang, “Ayos ka lang ba?”“Oo… Ayos lang ako, salamat!” bulong ni Tang Ruochu habang iniling niya ang ulo niya....Nawala na ang gulat na naramdaman niya kanina pero siya ay tila hilo parin ng kaunti.Patagong huminga ng maluwag si Lu Shijin. Tinulungan niyang tumayo si Tang Ruochu at bumitaw lamang noong nakatayo na siya ng maayos. “Mag iingat ka lalo sa susunod,” ang dagdag niya.“Oo,” sinabi ni Tang Ruochu at tumango.Hindi niya mapigilan na sumulyap kay Lu Shijin na para bang gusto niyang malaman kung ano ang ginagawa niya sa opisina nila.Walang ibang sinabi si Lu Shijin at siya ay kumilos na para bang hindi sila magkakilala. Lumingon siya palayo at tumingin sa Chairman ng Times Entertainment News bago niya sinabing, “Mr. Zhao, ang o
Magbasa pa
Kabanata 7
Nakaalis na si Tang Ruochu kasama si Song Anyi sa opisina pagsapit ng gabi.Nang maghiwalay na sila sa pintuan ng kanilang office, tumingin si Song Anyi kay Tang Ruochu na may kasamang pagaalala at sinabing, “Ruochu, gusto mo bang magpatuloy muna sa tinutuluyan ko ng ilang araw?”Hindi siya komportable na hayaang umuwi si Tang Ruochu sa tahanan nila dahil magkasamang nakatira si Tang Ruochu at Guo Ruoruo sa isang bahay at nagkikita sila ng madalas. Sobrang sama ng ugali ni Guo Ruoruo at walang makakapagsabi kung kailan ulit siya maghahasik nang kasamaan niya.Alam ni Tang Ruochu kung ano ang pinag-aalala ng kanyang kaibigan at naramdaman niya ang malasakit niya.“Salamat sa pag-alok, Anyi. Pero ako na ang bahala sa kanya,” ang sabi niya.Hindi siya takot sa isang tulad ni Gu Ruoruo.May pangako din siya kay Lu Shijin na titira na sila ng magkasama sa isang tahanan, kaya kailangan niya umuwi para masimulan na ang preparasyon sa paglilipat.“Pero…” ang pagtutol ni Song Anyi. Gayun
Magbasa pa
Kabanata 8
Kumaluskos ang hangin sa loob ng kotse dahil sa kakaibang tensyon.Si Mu Ling, na nagmamaneho ng kotse, ay tahimik na tumawa. Ang mga balikat niya ay nanginig sa tangkang pigilan ang kanyang pagtawa.Tatawa na dapat siya nang malakas kung hindi lang siya binigyan ng babala ni Lu Shijin mula sa likod na kotse.Ang mga pisngi ni Tang Ruochu ay namula at bahagyang mapula na rin ang kanyang makitid na leeg.Ang mga mata ni Lu Shijin ay biglang dumilim at dinagdag niyang, “Hindi mo na kailangan mag alala. Hindi ako mahilig manamantala ng iba, kaya’t hindi kita hahawakan hangga’t hindi ka pa handa.”Ang sinabi niya para mawala ang pagkahiya ni Tang Ruochu pero ito rin ay isang pangako.Agad na huminga ng maluwag si Tang Ruochu.Tumingin siya kay Lu Shijin ng may pasasalamat. Ito ang unang pagkakataon na pakiramdam niya ay tama ang desisyong niya na pakasalan si Lu Shijin.Tunay na maginoo siya at hindi niya gagalawin si Tang Ruochu dahil ito ay ipinangako niya!Nagtiwala si Tang Ru
Magbasa pa
Kabanata 9
Tumagal ng lagpas dalawang oras bago nila matapos ang kanilang romantikong wedding dinner.Maaga silang natapos sa kanilang dinner, kaya matapos makuha ni Lu Shijin ang bill, nagmungkahi siya na manatili muna sa burol para pagmasdan ang tanawin ng bago sila bumalik sa siyudad.Hindi tumanggi si Tang Ruochu.Bagamat marriage partnership lamang ito, di niya maitatanggi na nasiyahan siya sa oras na magkasama sila.Higit pa dito, tila nakaramdam si Tang Ruochu ng pagiging mahinahon at nakakalimutan niya ang mga problema niya kapag kasama niya si Lu Shijin.Namangha siya na mayroon palang ganoong epekto si Lu Shijin sa kanya.Magkakilala pa lamang sila ng wala pang isang araw, pero sa kung anong kadahilanan, nararamdaman ni Tang Ruochu ang kapayapaan kapag nandyan siya.Ang tanawin mula sa burol ay sadyang napakaganda. Mayroong malumanay na hangin at ang mga bituin at buwan ay maaliwalas sa paningin. Pumunta sa obserbatoryo sina Tang Ruochu at Lu Shijin para tumingin sa mga bituin ba
Magbasa pa
Kabanata 10
Lumipat na paalis ng bahay nila si Tang Ruochu matapos isang araw matapos ang pakikipagtalo niya kay Tang Song.Ipinadala ni Lu Shijin si Mu Ling para sunduin si Tang Ruochu at hindi niya napigilan na magbigay ng isang huling sulyap sa bahay nila bago siya umalis, mabigat sa puso ang pakiramdam niya.Ito ang naging tahanan niya ng higit sa 20 taon, kaya’t mabigat ang pakiramdam niya na lumisan dito.Gayunpaman, hindi niya hinayaang manatili sa kanya ang kalungkutan.Wala nang rason para siya ay manatili sa kanilang tahanan.Ang mansyon ni Lu Shijin ay nasa isang lugar na kung tawagin ay Royal Dragon View, na matatagpuan sa maunlad na parte ng siyudad sa bandang timog. Gayunpaman, ito as nasa tahimik na distrito kung saan malayo ito sa mga ingay ng siyudad. Ang lugar sa loob ng komunidad ay maganda at puno ng mga high-end na pasilidad. Mataas din ang seguridad at ligtas, kaya’t mataas ang mga presyo dito. Ang pangkaraniwang tao ay hindi makakabili ng mansion sa komunidad na ito kah
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status