Martina : Love and Lies

Martina : Love and Lies

By:  Rubye GT  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating
12Chapters
3.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Lumaki at nagkaisip si Martina na palagi nang naroon sa kanyang tabi si Jethro. Ayon dito, ay ito raw, at ito lamang, ang tanging lalaking nakalaan para sa kanya. At pinatunayan naman iyon ng binata, hindi lamang sa babaeng iniibig, kundi maging sa mga taong nakapaligid dito. Buong akala ni Martina ay pulos kilig at kaligayahan lamang ang hatid ng pag-ibig. Ngunit, mayroon bang pag-iibigang hindi sinusubok ng mapaglarong tadhana? Paano kung mga taong malalapit sa kanya ang gamitin nitong tauhan sa larong iyon. Kasabay ng pagkatuklas ng isang lihim na magpapabago ng kanilang mundo.

View More
Martina : Love and Lies Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
default avatar
Venus Nakajima
Searching for you novel. Thanks to you. You have a brilliant
2022-02-05 18:39:39
0
12 Chapters
Prologue
NANG matapos ang seremonya ng binyag ay dumiretso na ang mga bisita sa reception, na ginanap sa isang hotel malapit sa simbahan.Naroon ang lahat ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ng pamilya Montez Samonte upang makisaya sa selebrasyon.Nakangiting nakatunghay si Dawn sa anak na mahimbing na natutulog sa stroller nito. Wala itong kamalay-malay sa mga nagaganap sa paligid niya. Na ito pala ang dahilan ng selebrasyon na iyon. Katabi ng stroller nito ay ang stroller naman ng anak nina Greg at Toni na mahimbing ding natutulog. Mas matanda ito ng ilang buwan kaysa sa anak nila.Naroon din at kumakain ang mag-asawang Greg at Toni."Darling..." nag-angat siya ng tingin nang marinig ang tinig ng asawa.Agad na bumaling ang tingin niya sa mga kasama nito na kapwa nakangiti rin."Darling, I want you to meet Tyron, a good friend of mine. Bestfriend ni Dad ang father niya. We actually, met in New York when we took a vacation there, together with Mo
Read more
Chapter 1
PABUNTONG-HININGANG pinihit ni Martina ang seradura ng pintuan ng unit ng kasintahan. Nakailang door bell na siya ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto. Sa totoo lang ay alam niya naman ang passcode niyon, dala na lamang ng kagandahang asal at bilang pagsasa-alang-alang na rin sa privacy ng kasintahan, kaya't pinili niyang mag-door bell kaysa kapagdaka ay pakialaman agad na buksan ang pinto. Nang sa tingin niya ay talagang walang tao sa loob para pagbuksan siya ay saka niya na lamang napag-pasyahang pakialaman na iyon at sa loob na lamang maghintay.Hindi naman siguro ibibigay sa kanya ng nobyo ang passcode ng pinto nito kung hindi siya maaaring pumasok doon kung wala ito.Nauna na siyang nanggaling sa opisina nito ngunit sinabi ng sekretarya nito na maaga raw umalis ang binata, ngunit hindi naman masabi kung saan ito nagpunta, kaya't naisipan niyang magpunta na lamang sa bahay nito.Mula nang makatapos si Jet ng kursong
Read more
Chapter 2
"FUCK!"Namalayan na lamang ni Martina na nasa kabilang silid na sila, habang yakap pa rin siya ng matipunong bisig na iyon mula sa likuran.God! That voice!"Love!" bulalas niya, sabay mabilis na tinanggal ang kamay na nakatakip sa mga mata niya at agad na humarap dito, bago mahigpit na yumakap sa leeg ng kasintahan. "Oh, my God, Love... I thought... I thought..." hanggang sa mga oras na iyon ay nanginginig pa rin siya.Nagtatanong ang mga mata at naka-angat ang kilay na tiningnan siya nito. "You thought, what?""I-i thought..." aniyang umiiling-iling. "Oh, my...""Shh... you thought wrong, Love." masuyong sabi nito habang hinahagod-hagod ang ulo at likod niya."S-sino ba kasi 'yong mga 'yon? At... at bakit sila nandito sa bahay mo? And... and..." aniyang hindi na makaapuhap ng tamang salita.Masuyo siya nitong iginiya paupo sa k
Read more
Chapter 3
"HURRY up, Martina, nasa baba na si Jet, waiting for you!" narinig ni Martina'ng sigaw ng Mommy niya kasabay ng ilang katok mula sa labas ng pinto ng kanyang silid."Coming, Mom!" balik sigaw niya rito na binigyan pa ng huling sulyap ang sariling repleksyon sa salamin bago dinampot ang bag niya.Pupunta ang kanilang buong pamilya, kasama si Jet, sa gaganaping welcome party daw, para sa pamilya ng Uncle Atticus niya. Kasabay noon ang selebrasyon para dito bilang bagong Director ng pag-aaring chains of hospital ng pamilya nito sa side ng ama.Kung siya lamang ang tatanungin ay mas gugustuhin niyang hindi pumunta sa nasabing selebrasyon at matulog na lamang. Alam niyang magiging kabagot-bagot ang mga ganitong uri ng pagtitipon para sa kanya.And besides, it's not naman as if, sa ibang bansa matagal na nanirahan ang pamilya ng Uncle Atticus niya, no! Sa Davao lang naman ang mga ito manggagaling.
Read more
Chapter 4
"HELLO..." sagot ni Martina sa telepono sa paos na tinig."Hey... what's with the voice, Love?" kahit hindi nakikita ay ramdam niya ang pangungunot ng noo ng kasintahan. Bakas ang pag-aalala sa tinig. "I'm on my way there, just checking if you're ready."Napapikit ang dalaga at nalaglag ang mga balikat. Shit! Oo nga pala, how can I forget that.Sa araw-araw ay hindi pumapalya ang nobyo sa paghahatid sa kanya sa eskuwela bago pumasok sa opisina, maliban na lamang kung mayroon itong importanteng meeting. Ayon dito, ay sa kanya nito nais palaging umpisahan ang bawat araw nito."Oh, i'm sorry, Love, hindi kita natawagan. Hindi ako papasok today, i'm not feeling well. Tatrangkasuhin yata ako. Naambunan kasi ako kahapon habang papunta sa kabilang building," she coughed. "Huwag ka nang dumaan dito, dumiretso ka na lang sa office mo.""Oh no, Love. Mas lalong kailang
Read more
Chapter 5
KUNOT ang noong nag-angat ng tingin si Martina nang marinig ang mga impit na tilian at bungisngisan ng mga kababaihan sa kanyang paligid. Kabilang na ang mga kaibigan niyang kanina lamang ay masinsinang pinag-uusapan ang tungkol sa topic na tinalakay sa huling subject nila. Tila iisa ang mga ulong nakatingin ang mga ito sa bukana ng kantinang kinaroroonan nila. Nang hayunin niya ang tinitingnan ng mga ito ay nailing siya nang makita ang pinsang si Gray at ang mga kaibigan nito na papasok ng canteen."Sis, ang hot talaga ng pinsan mo. Juskolord, kapag naging jowa ko yan, promise, kahit sagutin ko ang rubber shoes ng buong basketball team nila, okay lang sa'kin." kinikilig pang bulong ni Anette. Kaibigan at kaklase niya.Naiiling na ipinaikot niya ang mga mata. "Sira ka talaga."Kanya-kanyang ngisihan at ilingan din ang mga kasama nila sa mesa.Matagal na itong nagpaparamdam ng pagkagusto sa pinsan niya, ngu
Read more
Chapter 6
KUNOT ANG noong nilingon ni Martina ang kasintahan.Mula pa lamang nang umalis sila sa Unibersidad ay hindi na napaknit ang nakakainis na ngisi sa mga labi nito, na akala mo nilalaro ng anghel."Saya-saya natin, no?" sarkastiko niyang sabi na lalong ikinalapad ng ngisi ng nobyo.Nang saglit itong sumulyap sa kanya ay inangatan niya ito ng isang kilay. Kagat ang pang-ibabang labi na ibinalik nito ang tingin sa kalsada upang pigilin ang nag-uumalpas na ngisi."Bakit ka ba kasi ngisi ng ngisi diyan?" sikmat niya rito. "Kakainis ka pong tingnan, para kang sira..."Malapit na talaga siyang mapikon dito."Love, kinikilig ako..." anito, na ewan niya kung totoo, o, inaasar lang siya. Abot tainga pa rin ang pagngisi.Inis na hinarap niya ito at pinaningkitan ng mga mata. "Isa, Jet, ha..." naroon ang pagbabanta sa tinig ni Martina. "Tantanan mo 'ko..."
Read more
Chapter 7
"HEY, Loverboy..." sabi ni Zyrist na sinundan ng maharot na paghagikgik nang buksan ni Jethro ang pintuan sa tabi nito.Nailing na lamang ang binata.Hindi niya alam kung gaano karami na ang naimon nito nang makita niya itong mag-isang umiinom sa bar, kung saan sila nagpunta ng mga kasamahan sa trabaho, upang doon i-celebrate ang kaarawan ng kanilang boss.Noong una ay hindi niya agad ito nilapitan sapagkat hindi niya inisip na magpupunta ito sa lugar na iyon ng mag-isa. Gayunpaman, ay hindi niya maiwasang sumulyap-sulyap dito mula sa mesang kinaroroonan nila ng kanyang mga kasama.Hindi sa kung ano pa man, ngunit pinsan pa rin ito ni Martina. At alam niyang hindi ikatutuwa ng nobya kung mapahamak ito at malalamang naroon naman siya, ngunit wala siyang ginawa upang tulungan ito.Nangunot ang noo niya nang mapansin ang isang matangkad at mest
Read more
Chapter 8
Warning : SPG Ahead!  "HI..." bungad ni Zyrist sa bagong dating, pagbukas pa lamang ng pintuan.Naroon at nakapaskil ang mga ngiting walang lalaki, sa kanyang matinong kaisipan na hindi maaakit. Huwag nang idagdag pa ang kakarampot na kasuotan nitong halos wala nang tinakpan sa katawan nito.Ngunit nanatiling pormal ang mukha ng binatang nakatunghay sa kanya. Pilit nitong pinananatili ang tingin sa mukha ng dalagang alam niyang sadyang ibinabandera sa kanya ang sariling katawan."What do you want this time, Zyrist?" tila pagod at walang buhay nitong turan.Papauwi na sana siya galing sa isang bar kung saan sila nagkayayaang uminom ng kanyang mga kaibigan nang tumawag ang dalaga at sinabing nais siya nitong makita.Ewan niya, pero kahit alam naman niyang walang patutunguhan ang pakikipaglaro niya ng apoy sa dal
Read more
Chapter 9
PAGDATING ni Martina sa bahay kasama ang kasintahan ay sinabihan sila ng kanilang kasambahay na naroon daw sa library ang kanyang ama at hinihintay sila, kaya't doon na sila dumeretso.Naghalo ang kaba at pagtataka sa dibdib niya nang datnan nila ang kanyang ama sa loob ng kanilang silid-akalatan kasama ang Uncle Atticus niya. Kapwa pormal ang mga mukha ng mga ito, at sa wari ay talagang hinihintay sila."Good afternoon po, Tito," bati agad ni Jethro sa kanyang ama bago binalingan ang Uncle Atticus niya. "Sir..."Nang tumuon ang paningin ng Uncle Atticus niya rito ay tumiim ang bagang nito ngunit nanatili pa ring walang imik, na muli niyang pinagtakhan. Gayundin, ang ama niya na pormal na tinanguan lamang ito.Ano ang maaaring nagawa ng kasintahan upang magalit ang mga ito rito?"Dad..." bati niya rin sa ama. Tumingin lamang ito sa kanya na wala pa ring kahit na anong emosyong makikita sa
Read more
DMCA.com Protection Status