In Love With My Ex-Bestfriend

In Love With My Ex-Bestfriend

By:  Grace Ayana  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
33 Mga Ratings
53Mga Kabanata
92.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Van and Chad are bestfriends. While Chad considers Van as bestfriend, Van's feelings exceeds friendship. She has been secretly in love him since they were kids. But, she can only love him in secret. Aside from being best buddies, Chad sees Van as tomboy and it is impossible for the latter to notice her as a woman. Will Van have her ever after with Chad, or will she remain the tomboy who secretly loves her bestfriend?

view more
In Love With My Ex-Bestfriend Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
AveryHayz
Nakakaiyak talaga.
2023-09-23 11:04:17
2
default avatar
Arlene Helacio
...️...️...️...️...️...️...️
2023-06-21 00:26:49
2
default avatar
paezice
Saan p po ibang stories niyo? Apps??
2023-02-15 04:31:31
7
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-10-28 07:42:26
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-09-06 09:32:06
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-09-06 09:30:42
0
user avatar
Sherryl Tibay
Ang ganda po ng story. Salamat po
2022-09-05 04:30:30
2
user avatar
RIAN
Ang ganda, recommended
2022-07-28 16:12:14
4
user avatar
Twilight
I hope palagi pong may update...
2022-07-26 00:33:42
2
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-07-07 05:07:09
4
user avatar
JHAZPHER
Recommended!
2022-06-19 23:20:30
4
user avatar
katiepangandan
try q nga to mukang mgnda rin bsahin
2022-06-18 10:25:23
4
user avatar
IamMiLoPen
Nice story! ...
2022-06-14 15:29:32
2
user avatar
Berry
Mapanakit pero sobrang ganda ng story! Galing mo author!
2022-03-07 21:14:19
4
user avatar
Billit Billit Billit
usual at simple book pero ang ganda ng flow ng kwento...gustung gusto ko tlga ang kwento pagdating sa mag best friend na lalaki at babae..kakaiba kasi ung kwento nito...sulit kahit may bayad na coins..thanks otor..hehehe keep it up...nabasa ko narin sya kahit super kulit ko sau sa kabila hehehe
2022-02-18 00:43:25
4
  • 1
  • 2
  • 3
53 Kabanata
Excerpt
“Hindi ka dapat minamahal. Nakakasuka ka. Nakakasakal. I regret the day na hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. I hate you, Van. I hate you so much that I could strangle you right now."Sunud-sunod na suntok sa dingding ang pinakawalan ni Chad na para bang mukha ni Vanessa ang nais nitong patamaan. Hindi niya napigil ang pagtulo ng mga luha. Chad had always been gentle with her, ngayon ay para itong liyon na nakahandang manlapa. Hindi niya ito masisisi. May nagawa siyang mabigat na kasalanan.“Go home hanggang kaya ko pang kantiin ang galit ko, habang naalala ko pa na minsan ay naging magkaibigan tayo.”Naging. Past tense.Bakit pa kasi siya nagpadala sa bugso ng damdamin? Sana itinago na lang niya hanggang hukay ang lahat. Things would have been better. Tama si Chad. Napaka-selfish niya at nararapat siyang maparusahan. If only she had the power to undo what happened.Naramdaman na lang niya ang pagluwag ng espasyo sa pagitan nila ni Chad. Hanggang sa laylay ang mga balikat na naglakad
Magbasa pa
Prologue
Konti na lang at malapit nang mabuo ang imahe ng babaeng kinopya ni Van mula sa isa sa mga larawang nasa photo gallery ng cellhpone na nakapatong sa maliit na mesita sa gilid niya. Tingin. Marka. Tingin. Marka. Bawat detalye, metikulosa niyang kinokopya. Ang pagtata-tattoo ang isang bagay na masasabing magaling siya kaya pinagbubutihan niya. Isa, dalawa, tatlo pang tarak ng mga karayom. Viola! Another masterpiece had been created. Buhay na buhay niyang na-capture ang magandang mukha ni  ‘Dear Michelle’ sa outer layer ng balat ng kustomer na si Brando. “Tapos na ba?” Simula kanina nang magsimula ang tattoo painting ay mahigpit nitong hawak ang armrest ng recliner na kinahihigaan nito. Kay laki-laki ng katawan, takot pala sa karayom. Halos maluha-luha pa ito kanina nang magsimula ang session nila. Kung bakit ba naman kasi nagpadala sa pressure at buong mukha pa ng kasintahan nito ang pinagaya sa kanya. Mabuti sana ku
Magbasa pa
1
Hardcore music. Loud noises. Pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo, perfume at human scent. Nakakaliyo din ang ilaw na nagmumula sa LED board sa pinaka-stage ng venue. Chaotic. ‘Yon ang tamang deskripsyon sa paligid. Sa gitna ng mga nagsasayawang kabataan na sumasabay sa pinatutugtog na hardcore OPM rock ay hinanahap ni Van ang pamilyar na gwapong mukhang iyon. Napangiti siya nang matagpuan ang pigurang hinahanap. Her Chad. All smiles itong nakatingin sa gawi niya at kumakaway pa. Kapag nakikita niya ang matamis na ngiti ng kababata ay hindi mapigilang lumukso ang kanyang puso. Mas lumalabas kasi ang angking kagwapuhan ni Chad. Kaya naman maraming kababaihan ang nahuhumaling dito. Gaya na lang ngayon, ang daming nagpapa-charming sa binata. Lalo pa at ang galing nito sa pagtugtog ng bass guitar. Ang may kahabaan nitong buhok na tumatabing sa mukha nito ay mas nakakadagdag ng appeal nito habang sumasabay sa bawat nitong galaw. Standing at 6’1” with a body that can keep women drooling
Magbasa pa
2
2 Hatinggabi na nang makalabas sila ni Chad sa venue. Imbes na sumama pa ito sa mga ka-banda ay humindi ito. Marahil, mag-iinuman na naman sa kung saan man. Minsan, naiisip niya kung gaano ka-unhealthy ang lifestyle ng mga ito. Sumusugod sa puyatan at hindi naiiwasan ang alak. Pasalamat na nga lang siya at may disiplina sa sarili ang kaibigan niya. Kahit papaano ay nahahawa ang mga kasamahan. “Van and I have other plans.” “Other plans? Ano ‘yan, parang magtsi-check in lang sa motel?” Alam man niyang biro lang ang sinabing iyon ng kabanda nito na si Derek ay naasiwa siya. Kung ‘di lang sana madilim, nakita na ng mga ito na pinamulahan siya ng mukha base sa pag-iinit ng sulok ng kanyang pisngi. Mabuti na lang at medyo madilim sa parteng kinaroroonan nila. “Huwag ninyo namang ganyanin si Van at baka mainlab ‘yan nang tukuyan kay Chad. Mamaya niyan iiyak ang tsikababe nito.” Pinag-tripan na naman siya ng mga walanghiya. Ang ganitong mga jokes ay madalas na lang niyang sinasakyan kahi
Magbasa pa
3
What the hell was that? Napapailing na lumulan si Chad sa motorsiklo at pinaandar ang makina. Alchohol got the better of him at sa isang iglap ay nag-iiba ang tingin niya kay Van. Napatingin siya sa daliring ipinampahid sa dumi ng bibig nito kanina. God knows how much he felt different habang dumadantay iyon sa malambot nitong labi. It was so soft na tila kay sarap kuyumusin ng h***k lalo pa nang nakaawang lang itong nakatingala sa kanya. Namumungay ang mga mata nito. Malayo sa lagi na ay astig na kaibigang laging kasa-kasama. Hinihintay ba nitong hah***kan niya ito? Ridiculous! What an insane thought. It was an incestuous ide. Si Van ay parang nakababatang kapatid na niya at kinukunsdirerang younger brother. Ano man ang kakatwang pumasok sa utak niya ay kailangan niyang alisin. Natatawang ipinilig niya ang kanyang ulo at tinawag na ito na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa kinaroroonan nila kanina. “Hey, halika na.” Tumalima ito. Sumampa s
Magbasa pa
4
Araw ng Sabado. Magkasama sila ni Chad sa Dutdutan Tattoo Festival sa World Trade Center sa Pasay. Best of the bests sa tattoo art ang nagtipon-tipon para sa dalawang araw na kaganapan. May exhibition at contest na nagaganap kaakibat sa pagta-tattoo.  "Bakit hindi ka sumali diyan?" Inginuso ni Chad ang isang sulok kung saan nagaganap ang paligsahan ng mga professional inkers. Mula pa sa iba-ibang sulok ng bansa at Asia ang mga naturang tattoo enthusiasts.  "Eh, ‘di, hindi ko na-enjoy ang panonood," sagot niyang nagkibit-balikat. Nasa venue rin si Chad, kasama ang banda nito sa tumugtog kanina para sa maikling opening program. Bands and tattooing, they just clicked. "It's nice to be a spectator kaya. Less stress, walang hassle, walang kaba." Kumukuhasiya ng mga bagong ideas at techniques na pwede niyang magamit sa shop. Nakasali na siya dati at ayaw niyang nakikipag-compete. Imbes kasi n Ca maging maganda ang obra niya, nanginig siya ng
Magbasa pa
5
Van, punta ka ng maaga sa bar, ha. We’ll spend the whole day at the bar today. Ang ganda ng gising ni Van na unang-unang tumambad sa kanya ang text message ni Chad. Napapangiti siya nang wala sa oras. Kaagad siyang bumangon at ilang sandali munang nakatitig sa screen ng cellphone bago binaklas ang nakatabing na gray blanket sa katawan. Inilapag niya sa bedside table ang phone at mabilis ang mga kilos na inayos ang higaan. Aligaga ang mga kilos niya. “Ano ba 'yan!” May pakagat-kagat sa labi pa siyang nalalaman. Mukha siyang tanga sa inasal. “Hayst, Vanessa!” Matapos ayusin ang kama ay agaran siyang pumanhik ng banyo at mabilisang naligo. Wala naman siyang maraming ritwal sa katawan. Sabon sa buong katawan at shampoo sa buhok, okay na siya. Ang pinaghubaran niya ay mamaya na lang niya aayusin. Siya lang naman ang gumagamit sa kwarto niya kaya walang makakakita sa nakabuyangyang nyang mga damit na basta na lang nakabuyangyang sa sin
Magbasa pa
6
Naging karaniwan na ang presence ni Natasha sa bar simula noong unang araw na dalhin ito ni Chad. All of a sudden, sa loob ng maikling panahon ay napalitan siya ni Natasha sa pwesto sa buhay ni Chad. Laging magkasama ang mga ito, hindi napaghihiwalay. Parang Louis and Clark lang. Natasha’s charm and wit had smitten Chad. Suddenly, she became an outcast. Literal na naging third wheel siya. Ang mga lakad na dating magkasama sila ay nakaligtaan na rin nito. kagaya na lang ngayon. Roaming around the CCP Complex for an art exhibit had never been the same without the company of Chad. Ang gaganda ng mga obra ng mga batikan at amateur artists na nakikita niya pero ang interes niya ay tila tumapon sa kung saan. Dati, para siyang batang hindi magkamayaw sa pagtitig sa mga iyon. Parang paru-parong palipat-lipat sa bawat likhang makikita.  Hindi niya mahanap ang kaparehong sigla ngayon. Para lang pagkain na walang lasa, hindi niya mahanap ang tamang timpla. It was because o
Magbasa pa
7
Awards night ng mga musikero sa local music scenes. Isa ang banda ni Chad sa nominado para sa isang category. Chad and Natasha looked so sweet habang magkatabi sa upuan sa unahang bahagi niya. Ang ikinaiinis pa niya ay may dalang isa pang babae si Chad. Maganda, sexy, malandi. Sa tingin niya ay bisexual. “She will be your date,” bulong ni Chad sa tenga niya kanina na ikinamulagat ng mga mata niya. Kung alam lang nitong nasusuklam siya. Nasusuka. Nagpupuyos ang damdamin niya. Talagang pinangunahan na nito ang buhay niya. Ang sarap lang talagang manapak lalo na ang babaeng ito na ipinakilala ni Chad bilang si Jessa. Por diod por santo, humakaway na ang boobs nito at ang bibig, namumutok sa pula ng kolorete at nasobrahan yata sa mascara. “Hey, you’re cute.” Pasimple niyang inalis ang braso nitong nakapulupot sa braso niya na parang linta itong nakakapit. Nandidiri siya sa kaloob-looban niya. Ilang baldeng pabango kaya ang ibinuhos ng babae sa katawan nit
Magbasa pa
8
“It’s a surprise seeing you around.”  â€œI’m thrilled to be here, Tita Marga,” sarkastiko niyang sagot sa kaanak na bahagya niya lang tinapunan ng pansin. Nagpatuloy siya sa paglalagay ng Chef’s Salad sa plato niya at bumalik sa mahabang mesa kung saan masayang nagkikuwentuhan ang mga kamag-anak. Death anniversary ng lolo niya at dito sa La Union ang venue ng celebration. Kung anu-ano ang topiko ang pinag-uusapan ng mga ito, lahat pinalampas niya lang sa kanyang tainga at sumige sa paglamon. Food is a better companion than her family. ‘Di rin naman siya pinapansin ng mga ito. Sa sobrang bigat ng loob nang manggaling sa party ni Chad ay nagkulong siya sa silid niya at napagpasyahan niyang huwag pumasok ngayon. Sumama siya rito. Nag-abiso na lang siya kay Pido sa pamamagitan ng isang text. Iisnabin na niya ang lahat ng family gatherings h’wag lang ang araw na ito para sa Lolo Federico niya. Ang lolo miya ang naging direktang magulang niya simula noong b
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status