Agent Ex-Lover

Agent Ex-Lover

By:  Maria Angela Gonzales  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings
34Mga Kabanata
8.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Hindi man ang fiance ni Katrina Sa Juan ang kanyang first love ay nagdesisyon na siyang pakasalan ito dahil pakiramdam niya ay wala ng magmamahal sa kanya kundi ito lang. Ngunit, hindi nangyari ang gusto niya dahil sa araw ng kasal ay kinidnap siya ng kanyang ex-boyfriend. Sabi ni Jeremy Rosales, ang kanyang first love gusto lang siya nitong iligtas sa kapahamakan. Ngunit, bakit pakiramdam niya ay puso na naman niya ang muling mapapahamak kapag nagkamali na naman iyong tumibok sa ex niyang nag-iwan sa kanya ng sobrang sakit.

view more
Agent Ex-Lover Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
EmotionlessMissK
gandaaaaaaaaa .........
2022-05-23 20:38:48
0
user avatar
Ernie Bueno
The more i turn ang pages, the more it become interesting. Good Job
2021-08-09 08:49:33
1
user avatar
mooncake_o07
I love it! Ang ganda ng batuhan ng mga linya at ang lalalim. Good job, author! 😁😊😊
2021-07-20 06:57:23
3
34 Kabanata
Chapter One
IKAW lang ang mamahalin ko, habambuhay. Ito ang pangakong kayang-kayang panindigan ni Katrina San Juan dahil wala namang nakakakita kung ano ang nilalaman ng kanyang puso. May mga tao naman kasing dumidepende lang sa kung ano ang sinasabi sa kanila maski kasinungalingan pa ang maibulalas sa bibig nila. At sa palagay niya'y ganito siya ngayon. Nagsasabi siya ng I love you sa isang tao, hindi dahil sa iyon ang kanyang nararamdaman kundi dahil gusto niyang mabigyan ito ng kasiyahan. Ibig niya kasing maibalik sa kanyang kasintahan ang pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. Ewan nga lang niya kung bakit parang hindi nakikita ng mga taong nasa paligid niya ang damdamin sa kanya ni Flaviano. Second year Anniversary ng pagiging magkasintahan nila ngayon ni Flaviano pero parang wala siyang kasiyahang naramdaman dahil umabot sila ng ganoong katagal. Ni hindi nga rin bumibilis ang pintig ng kanyang puso kapag nakikita niya ito at nakakasama. Hindi tulad nu'ng… Ipinilig niya ang kanyang ulo
Magbasa pa
Chapter Two
Months ago..."Mission accomplished!" mayabang na sabi ni Special Agent Jeremias Rosales sabay nguso sa baril na kanyang pinaputok. Nakabulagta na kasi sa kanyang harapan ang big time drug lord na ilang buwan na rin naman nilang sinusubaybayan. Isa na namang salot sa lipunan ang kanyang nabunot pero hindi pa rin siya masaya sapagkat ang alam niyang marami pang taong gumagawa ng masama para sa pera at kapangyarihan. Bata pa lamang siya ay ginusto na niyang maging alagad ng batas dahil ibig niyang makatulong para magkaroon ng kaayusan sa mundo. Iyon nga lang parang mahirap gawin dahil may mga pagkakataon na pati ang mga taong dapat ay maging tagapag-ayos ng bansa ay sumasali pa maitago ang karumal dumal na gawain. Ngunit, dahil mahal na mahal niya ang kanyang trabaho ay hindi niya hahayaang magtagumpay ang massama laban sa kabutihan. "Congrats!" wika pa ng boses na kilalang-kilala niya mula pa pagkabata. His bestfriend, Veronica Sarmiento. 
Magbasa pa
Chapter Three
UNTI-UNTING iminulat ni Katrina ang kanyang mga mata at ang kanyang namulatan ay ang di pamilyar na ceiling. Kasabay noon ay ang pagbundol ng matinding kaba sa kanyang dibdib. Nagbalik na rin kasi sa alaala niya kung ano ang nangyari. Kaya naman, napabalikwas siyang bigla nang bangon. Ang unang pumasok sa isip niya ay may kumidnap sa kanya at ipatutubos siya sa kanyang fiance pero nagbago ang isip niya. Kung nais kasi makasiguro ng kidnapper na may makukuha sa kanya, dapat ay hinayaan muna siya nitong ikasal bago siya kinidnap. Oh, kinabahang bulalas niya nang muli niyang maalala ang sinabi ng kanyang kidnapper bago siya nawalan ng malay. Tiyak niyang may pampatulog ang panyong itinakip nito sa kanyang ilong. “Kung inaakala mong hahayaan kitang magpakasal sa lalaking iyon, nagkakamali ka!”
Magbasa pa
Chapter Four
"IBALIK mo na ako kay Flaviano," mariing sabi ni Katrina kay Jeremy habang nilalagyan siya nito ng sinangag at pork adobo sa kanyang plato. Hindi niya kasi gusto ang nararamdaman niya dahil sa pag-aasikasong ginagawa nito sa kanya. Ang traydor kasi niyang puso ay bumibilis na naman ang pintig.  Kahit kasi tatlong taon na silang hiwalay ni Jeremy, kailanman ay hindi ito nawala sa puso't isipan niya. Sigurado nga siyang kaya niya sinagot si Flaviano ay dahil gusto niyang maibaling dito ang pag-ibig niya kay Jeremy. Akala niya kasi ay magagawa niya iyon lalo na't nararamdaman naman niya ang pagmamahal nito sa kanya.  Pekeng pagmamahal, hindi niya napigilang sabihin. At sa kaisipang iyon ay gusto rin niyang magtawa dahil pekeng pagmamahal din naman ang binibigay niya rito. Ang dahilan lang naman kaya ginusto niyang pakasalan si Flaviano ay dahil inakala niyang mahal na mahal siya nito at hindi gugustuhing iwanan siya.  Tulad ng ginawa sa kanya ni J
Magbasa pa
Chapter Five
"DAD..." hindi nagawang ituloy ni Katrina ang sasabihin dahil ibinaling agad ng ama niya ang tingin sa kanya. Hindi  maipagkakaila sa mga mata nito ang disappointment. At hindi naman kataka-taka na makita ang reaksyon nitong iyon. Ikakasal siya dapat pero makikita nitong ganito ang kanyang ayos sa piling ng ibang lalaki. Sa piling ng kanyang ex-boyfriend. "Magbihis ka at saka tayo mag-usap," mariin pang sabi ni ex-general Leopoldo San Juan sa makapangyarihang boses. Pagkatapos ay matagal nitong tinitigan si Jeremy na para bang gustong pagbabarilin ng mga oras na iyon kaya naman para siyang nakahinga nang maluwag ng umatras ito at isinara ang pintuan. "Shucks, hindi na talaga ako iinom," bulong niya sa sarili. Kahit anong pilit niya, hindi niya magawang alalahanin ng buo ang nangyari pero tiyak niyang siya ang gumawa ng hakbang para magising siyang talop na talop. Napatingin lang siya kay Jeremy nang humalakhak ito. Marahas na buntunghining
Magbasa pa
Chapter Six
"HUWAG kang ngumisi diyan na parang may gagawin tayo," inis na sabi ni Katrina kay Jeremy nang nasa loob na sila ng bahay. Umalis na rin ang Daddy niya at ang Ninong Sunday niya pero sinabi ng mga ito na babalik din."Hindi ba pagkatapos ng kasal, honeymoon ang kasunod?""Heh," inis niyang sabi. Kahit ano kasing galit na gusto niyang maramdaman kay Jeremy, parang marsmallow na lumalambot ang kanyang puso kapag napapatitig na siya rito. Kaya lang, hindi dapat nito makita ang kalambutan niya pagdating dito. "Hindi tayo nagpakasal dahil nagmamahalan tayo. Ayoko lang talaga na ma-disappoint ang Daddy ko sa akin kapag sinuway ko na naman siya.""Hindi pa rin naman mababago ang katotohanang, akin ka na."Sa mga salita nito ay parang gusto niyang isipin na mahal na mahal siya nitong talaga kaya nagawang sabihin ang mga salitang iyon pero isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi na huwag itong basta paniwalaan. Dahil kapag naniwala na naman siya rito ay maaari na
Magbasa pa
Chapter Seven
“LOLO Segundo…” Hindi makapaniwalang bulalas ni Jeremy nang makitang bumaba sa Starex van ang matandang lalaki matapos itong pagbuksan ng driver/bodyguard nito. Magmula nang umalis siya sa Hacienda Rosales ay hindi man lang niya ito tinawagan para makapag-explain. Masyado kasing naokupa ni Katrina ang kanyang utak dahil sa matinding pag-aalala at determinasyon na makuha ito buhay sa fiance nito kaya naman nagtaka siya kung paanong nalaman ng Lolo Segundo niya kung nasaan siya. Napaungol lang siya at napamura nang maalala niyang nag-video chat nga pala sila ni Ronnie para ipaalam niya rito kung anong nangyari sa kanya. Matalik na kaibigan niya ito kaya naman dapat lang na sabihin niya rito ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Katrina. Kahit na ikinabigla nito ang bilis ng pangyayari, hindi naman nito napigilan ang humalakhak sa paraan na ginawa niya para mapadali na mapapayag niya si Katrina na magpakasal sa kanya. Kahit na inulan siya ng panunukso ni Ronnie, hindi niya nakuhang map
Magbasa pa
Chapter Eight
"OH, my God!" hindi makapaniwalang bulalas ni Katrina nang pumasok na ang sasakyan nila sa Hacienda Rosales.  Kahit naman kasi alam niyang ipinaghanda na naman si ni Lolo Segundo ay nakagugulat pa ring makita niya na parang mayroong fiesta dahil sa dami ng handa na nasa bakuran ng mga Rosales at marami ring bisita na naroroon na alam niyang karamihan ay mga tauhan ng hacienda base sa suot ng mga ito.  "Ganyan ka-OA maghanda sa akin ang Lolo Segundo kaya marami akong pinsan na nagagalit sa akin. Dama kasi nilang ako ang paborito ng lolo kahit na nga hindi ako gaano tumutulong dito sa hacienda." "Dapat nga kasi talaga itong hacienda na lang ang pagtuunan mo ng pansin," hindi niya napigilang sabihin.  Kahit na nakaparada na sila ay hindi pa rin nila nagawang bumaba. Hindi pa rin naman kasi pinapatay ni Jeremy ang sasakyan saka alam niyang hindi siya nito hahayaang bumaba mag-isa. Mas gusto nitong alalayan siya sa kanyang pagbaba. Siyempre,
Magbasa pa
Chapter Nine
PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay.  Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito.  Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga S
Magbasa pa
Chapter Ten
AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte. Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak. Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kany
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status