Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)

Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)

By:  Apratyashita Thakur  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Mia XMate: Mia X
packnumPack: 4
Not enough ratings
48Chapters
7.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Translated by BELLE CASSY Magsisimulang bumaligtad ang mundo ni Aurora nang makulong siya sa gitna ng isang hindi naman niya ninais na pagbubuntis at ang makipagsapalaran para lang sa‘Heart of Magic.’ Mga , werewolves at witches; lahat ay tumataya para lamang sa isang bitag, ang tuksuhin at gamitin si Aurora upang makuha ang kakaisang bato. Paano mapoprotektahan ni Aurora ang kanyang sarili at ang kan’yang dinadala mula sa mga nilalang na nagugutom lamang sa kapangyarihan? Kanino siya papanig: sa mga makapangyarihang , mabangis na werewolves, o sa mga tuso na mangkukulam o pipiliin niya bang maging mapag-isa?

View More
Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
48 Chapters
CHAPTER 1
Aurora’s POVIsang malalim at mahabang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ko itulak ang pintuang gawa sa salamin.“Miss Aurora, maupo po kayo. Mga ilang minuto ay nandito na po si Dr. Dixon upang samahan kayo,’’ sabi ng matangkad, at payat na assistant at saka ako iniwanan na nag-iisa.Tumibok ang puso ko na halos tila lalabas na sa aking dibdib. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng upuan, habang pinag-aaralan ang mga nasa paligid ko, para libangin ang aking sarili.Ang lugar ay sadyang mala-gynecologist’s cabin na siya namang dapat talaga; jet white walls na may mga tsart mula sa iba’t ibang stages ng mga sanggol at fetus. Isang partikular na imahe ng isang sanggol ang nakakuha ng aking atensyon.Noon pa man ay gustong-gusto ko na ang mga sanggol ngunit pagkatapos ng pagtataksil ni Leonard, lumayo ako sa anumang seryosong mga relasyon.“Ah, Ms. Aurora…. sakto lamang ang pagdating mo,
Read more
CHAPTER 2
TYSON’S POV Mas lalong pahirap ng pahirap ang pagkontrol ko ng galit. Mismong sarili kong kapatid ay niloko ako. Pinakamalala pa ay sinusubukan niyang kausapin ang babaeng iyon, na s’yang responsable sa lahat ng ito.At kung magpapatuloy pa ito, maaring hindi ko na makokontrol ang pagbabagong-anyo ko. Kailangan kong umalis bago ko pa mapatay ang sarili kong kapatid.Itinulak ko si Aslan papalayo at nagmadali akong nagpunta sa may underground chamber. Pinipilit ang sarili na mangapa ng hangin. Naupo ako sa isang kulay berde, at magarbong trono, gawa ito sa purong Jadite. Dahil ito ang birthstone ko, nagagawa nitong pakalmahin ako. Mga ilang minuto pa ay dumating si Aslan. Pagkakita niya sa akin na nakaupo sa trono ay huminto siya sa harapan ko at tumayo na nakayuko ang ulo.Ako ang hari ng Fire Dragons. At ang kanyang ginawa ay ang bigyan ako lamang ako ng respeto. Naririnig ko ang tibok ng kanyang puso a
Read more
CHAPTER 3
 AURORA’S POV Nakahiga lamang sa kama, patuloy lamang ako sa pagmumuni-muni sa blankong lugar na ito. Paano ba ako nadawit sa gulong ito?Napakataas ng ego ni Tyson, isang cold-blooded killer. Ni hindi nga siya kinilabutan nang dumating ang mga pulis. May duda ako na iniutos ni Tyson na patayin ang mga taong dumating kanina.Minasahe ko ang aking ulo habang sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang mga nangyayari. At bakit bigla na lamang siyang umalis na parang wala sa matino nitong pag-iisip.May pakiramdam akong kokontakin ni Micheal ang lahat ng kaibigan ko sa Texas. Walang sinumang hahanap sa akin at hindi ko din magagawang tumawag ng kahit sino. Sa madaling salita, wala na talagang pag-asa.Bumukas ang pinto na siyang humila sa akin pabalik mula sa malalim na pag-iisip ko. ‘’ Dinalhan kita ng pagkain,’’ sabi ni Aslan nang siya ay pumasok.“Ayaw kong kumain ng kahit ano…&rsqu
Read more
CHAPTER 4
ASLAN’S POV Nakita ko si Tyson na tinabunan na ng mga papeles nang pumasok ako paloob sa cabin. Ang mukha niya ay nagpinta ng pag-aalala.“May problema ba, kapatid?’’ tanong ko.“Ang bilang ng mga werewolves sa lungsod ay tumaas nan ang husto. At may ilang mga pag-atake na din.”“Hindi ba’t pumirma na tayo ng kasunduan ng kapayapaan sa kanila? Ano pa bang napakahalagang bagay at handa silang ipagsapalaran ang kanilang buhay?’’“Sa palagay ko alam ko kung ano ang hinahabol nila ... Tingnan mo ito ...’’ sabi niya at inabot sa akin ang isang file na kulay berde. Kumunot ang mga kilay ko nang tanungin kong, “Bakit mo sinusuri muli ang profile ni Lina?Huwag mong sabihin na iniisip mong isa siyang traydor? Napaparanoid ka na ba?’’“Sigurado akong isa siyang traydor. Dahil siya ang taong nag-tip sa mga wer
Read more
CHAPTER 5
AURORA’S POVNagising ako sa isang kakaibang tunog. Medyo natagalan ako bago ko mapagtanto na ito ay walang tigil na pag-uusap. May pinag-uusapan sila.  Medyo mainit ang pakiramdam ko at komportable ngunit hindi ko nais na buksan ang aking mga mata. Ang pagkasindak at pagkabalisa na nararamdaman ko nitong nakaraang linggo ay nawala. Bukas sarado ako sa mga mata ko para lang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan nila.Maya’t maya pa ay isang mainit at mabibigat na paghinga mula sa may mukha ko ang siyang gumulat sa akin kaya binuksan ko ang mga mata ko. Napanganga na lamang ako nang may isang pares ng napakagandang mga mata ang sumalubong sa paningin ko, matang kailan ma’y di ko nakita, kulay abo na may halong kulay gintong guhit.Niyuko niya ang ulo niya at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ang matalim na ngipin mula sa labi niya ang siyang nagbalik sa akin sa katinuan. Tinulak ko siya at tumayo, pero sa huli napagtanto ko
Read more
CHAPTER 6
ASLAN’S POV Sa mga lumipas na oras ay nababaliw na ako sa kakahanap kay Aurora At naiinis ako nang makita ko si Tyson na kalmado lang na humihigop sa kanyang inumin.“Hindi ka man lang ba nag-aalala, kapatid? Kahit hindi ka nag-aalala kay Aurora, mag-alala ka man lang sana sa anak MO!’’Itinaas niya ang kanyang ulo at nagpalabas ng hangin mula sa kanyang ilong at sinabing, “Relax ka lang kuya, mahahanap din natin siya sa lalong madaling panahon.’’“Hindi pwedeng ganito na lamang. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi ko sana pinagkatiwalaan si Lina. Hindi ako magpapahinga hangga’t di siya nahahanap.’’“Gusto mong pagurin ang sarili mo, sige gawin mo, kuya…’’ sabi niya nang nakangisi at tinuon muli ang pansin sa iniinom.Nagpakawala ako ng isang mahaba at malalim na buntong hininga. Nagagawa niya pang mag-relax habang
Read more
CHAPTER 7
AURORA’S POVUmupo ako sa may dulo ng upuan at mahigpit ko itong hinawakan. Pinipilit kong pigilan ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking mga pisngi pero wala ding kabuluhan. Lahat ng mga sinabi ni Tyson ay patuloy kong naririnig sa tainga ko. Punong-puno siya ng labis na galit. Kung bibigyan ako ng isang pagkakataon, anumang oras, mas pipiliin ko si Caleb kaysa kay Tyson.Ano naman kung siya ang leader ng mga mafia, napakabait naman niya sa akin.“Iniisip mo ba ang kapatid ko, tama ba?’’ isang malambing na boses ang narinig ko sa paligid ko na siyang naging dahilan ng pagkalundag ko mula sa kinatatayuan ko.Itinaas ko ang ulo ko at nakita ang isang napakagandang babae. Lahat sa kanya ay perpekto, malalim at asul na mga mata, mala-cherry sa pula ang mga labi niya, at may isang perpektong pustura ng katawan. Bahagyang namula ang kanyang mukha at sinabi niya, “Salamat sa iyong mataas na papuri sa aki
Read more
CHAPTER 8
Caleb’s POVAbala ako sa pagtingin ng mga papeles nang makaramdam ako ng biglaang pag-iba ng kapaligiran. Napakatahimik ata at nakakabingi sa tainga sa sobrang tahimik.Napaisip ako at sinuri ko ang kuha ng CCTV. Natigilan ako nang makita ko na halos walang laman ang karamihan sa aking lungga. Samantalang halos bahain na iyon sa dami ng tao ko na ngayo’y halos wala na. Sa likas na hilig, inilabas ko ang mga baril ko at nag-patrol ako sa may quarters. Ilan sa mga natirang tao ko ay mula sa mababang ranggo, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa iba. Nagtungo ako sa conference room at maging ito ay blanko maliban kay Lina.“Lina, saan nagpunta ang iba?’’ tawag ko sa kanya nang pumasok ako.“Alpha Caleb. What a pleasant surprise!’’ matamis na sabi ni Lina at saka lumapit sa akin.Kinabahan ako dahil sa tono ng pananalita niya. Ano na naman ang pinaggagawa niya?Itinutok ko ang bari
Read more
CHAPTER 9
ASLAN’S POV  Naglalakad ako malapit sa likod nina Tyson at Aurora nang harangan ako ng di ko makitang harang. Lumingon sa akin si Tyson at saka ngumisi sa akin, maya’t maya pa ay biglang naglaho ang harang.“Ano iyon?’’ tanong ko habang sinusundan siya.“Mayroon akong isang napakalakas na witch na naglagay ng isang spell sa paligid ng palasyo na ito. Lahat ng harang ay nakaugnay sa akin. Kaya naman, walang sinuman ang makakapasok at makakalabas ng wala sa aking kahilingan.’’“Ibig sabihin ba niyan binibihag mo kami?’’ hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.“Huwag mong sayangin ang iyong oras sa hindi naman kinakailangang mga detalye. May mga pagsubok pa tayong dapat paghandaan,’’ sabi ni Tyson at nauna ng naglakad sa harapan namin.Nagnakaw naman ako ng patagilid na tingin kay Aurora.  Namumutla ang kanyang mukha at medyo
Read more
CHAPTER 10
CALEB’S POV  Nasasaktan akong nakikita si Aurora na umiiyak ng ganito. Natutukso akong lusubin ang mga masamamang flamers na iyon at turuan sila ng leksyon, pero sa ngayon, kailangan ako ni Aurora.‘Sa palagay ko, may ilang ngang mga pangarap din ang siyang nagkakatotoo. Matagal na kitang gustong yakapin, simula noong araw na iniligtas mo ako…’’Nanlambot ang puso ko sa mga sinabi niya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya at sinabing, “Hindi mo na kailangan pang bumalik doon ulit. Nasa atin na si Aslan, kaya magagawa na nating ibigay sa iyo ang dugo niya kapag kinakailangan mo.’’“Pero Caleb…’’ nagsimula ulit siyang magsalita pero inilagay ko ang daliri ko sa may tapat ng labi niya. Hindi ko siya gustong mag-aalala pa sa mga teknikal na detalye.Ipinatong ko ang ulo ko sa may balikat niya nang biglang tumunog ang cellphone niya mul
Read more
DMCA.com Protection Status