Lovin' My Enemy's Daughter

Lovin' My Enemy's Daughter

By:  jhoelleoalina  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Rating
34Mga Kabanata
10.8Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti?

view more
Lovin' My Enemy's Daughter Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
lakwatsera_sg
update please
2021-08-04 05:46:11
2
34 Kabanata
Simula
Hindi mapigilan ng batang si Carl Angelo ang maawa sa nakatatandang kapatid na si Caren habang naririnig niya ang pag-iyak at paghihirap nito. Kasalukuyan siyang nasa labas ng kwarto ng kapatid kasama ang kanyang magulang na katulad niya ay walang ibang magawa para tulungan ang kanyang Ate Caren. Bakas din ang pagkahabag ng magulang sa kanyang kapatid na lalong ikinatiim ng kanyang bagang dahil sa namumuong galit para sa taong gumawa noon sa pamilya niya lalo na sa kanyang Ate Caren.Sa murang edad ay alam na niya ang lahat ng nangyari noon dahil walang inilihim sa kanya ang magulang. Kung saan nagsimula ang lahat at kung ano ang pinagdaanan at dinanas ng mga ito sa kamay ng isang baliw na lalaki. Kung paano nito sinubukang sirain ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang buhay ng Ate Caren niya. Alam din niyang isa siyang bunga sa hindi inaasahang pagkakataon. Dahil nabuo siya sa isang napakasamang araw sa buhay ng pamilya niya. Nabuo siya dahil sa kabaliwan ng lal
Magbasa pa
Kabanata I
Unang araw na walang pasok si Vanessa sa school kaya tinatamad siyang bumangon buhat sa kanyang kama. Feel na feel pa niya ang humiga dahil wala din naman siyang masyadong gagawin sa bahay. Linis at luto lang dahil kadalasan ay katulong lang siya ng kanyang ina sa mga gawaing-bahay. Nasa bahay lang din naman ito para alagaan ang kanyang pitong taong gulang na kapatid na babae.Twelve years na ang mabilis na lumipas buhat nang lumipat sila sa Isla Montellano. At sa mga taong lumipas na iyon ay naging tahimik ang kanilang pamumuhay doon. Nagsimula sila bilang isang buong pamilya kasama ang kanyang Tito Ziggy na ngayon ay itinuturing niyang ama. Ito rin ang lalaking tumulong sa kanila para tumakas at kahit noon pa ay sadyang malapit na ang kanyang loob sa ginoo.Mula noong bata pa siya ay ito na ang tumayong kanyang ama. Ito ang kasama ng mama niya sa pagpapalaki sa kanya at mas naging ama pa ito kumpara sa totoong papa niya. Mahal din naman siya ng kanyang papa pero mas
Magbasa pa
Kabanata II
"Ate, wala pa ba si Vanessa? Wala ba siyang text? Hindi ba siya natawag sa cellphone mo?" naiinip at hindi maipinta ang mukhang anas ni Angelo habang pabalik-balik siya sa tabi ng Ate Caren niya.Kasalukuyan itong may ginagawa sa kusina at nasa living room naman ang kambal na abala sa paglalaro. Ang panganay naman nitong anak na babae na si Carla Jane ay kasama ng mom at dad niya para doon magbakasyon. Abala naman ang Kuya Jayvee niya sa laptop nito at nandoon din ito sa loob ng kitchen na hindi na niya ipinagtaka dahil kung nasaan ang Ate Caren niya ay nandoon din lagi ito. Kahit nga yata sa bathroom ay magkasama lagi ang mga ito.It's already nine in the morning pero hindi pa dumadating si Vanessa at kanina pa niya ito hinihintay. Kanina pang hindi maipinta ang kanyang mukha dahil inaasahan niyang paggising sa umaga ay nandoon na si Vanessa sa bahay ng kanyang Ate Caren pero halos tanghali na ay wala pa ito. Kagabi pa niya ito gustong makita pero gabi na
Magbasa pa
Kabanata III
HALOS kalahating oras nang pabalik-balik sa paglalangoy si Vanessa sa ilog pero hindi man lang siya nakakaramdam ng pagod. Labis ang sayang kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay muli siyang nakaligo doon.  Hindi na niya maalala ang huling beses na pumunta at naligo siya doon dahil lagi siyang abala sa school at tuwing bakasyon lang siya nakakapunta doon kapag may libreng oras siya.  Kaya susulitin na niya ang araw na iyon habang hindi pa muling nagpaparamdam sa kanya si Angelo. Dahil sigurado siyang hindi na naman ito mawawala sa tabi niya at magkakaroon na naman siya ng mga limitasyon. Pilit niyang inalis sa isipan si Angelo dahil nagsisimula na namang mapuno ng imahe nito ang kanyang isipan. Kaya siya nagpunta sa ilog ay para magsaya bago muling humarap dito pero hanggang doon ay pilit pa rin itong sumisiksik sa isipan niya. Wala na nga siyang takas kapag nasa paligid niya ito pati ba naman sa kanyang isipan ay nagagawa niton
Magbasa pa
Kabanata IV
HAPON na nang naisipan nilang umuwi at kasalukuyan silang sakay sa sasakyan ni Angelo. Tahimik lang siya sa tabi nito at doon niya lang naramdaman ang pagod sa ginawa niyang halos maghapon na pagliligo at paglalangoy sa ilog.Sinamahan siya doon ni Angelo at hindi na ito umalis sa tabi niya. Naligo rin ito at hindi naman nito sinira ang araw niya pero ang ginulo naman nito ay ang kanyang isipan dahil sa nangyaring halik sa pagitan nila. Hindi na naman 'yon naulit dahil dumidistanya siya dito na tinatawanan lang ng pilyo niyang asawa. Yeah, asawa niya. Wala rin naman siyang ibang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang asawa na niya si Angelo. Hindi naman sa ayaw niya dahil magsisinungaling lang siya sa sarili kung itatanggi niyang hindi niya gusto ang ideyang asawa siya ni Angelo. Sa halos twelve years na kasama niya ito ay hindi maiiwasan ang mahulog ang loob niya dito pero iyon ang matagal at pilit niyang sinusupil at pinipigilan dahil alam niyang masasaktan
Magbasa pa
Kabanata V
KINABUKASAN, maagang nagising si Vanessa pero wala na si Angelo sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil sa sobrang himbing ng kanyang tulog kagabi. Hindi na rin niya nagawang kumain ng hapunan dahil tuloy-tuloy na ang kanyang mahimbing na pagtulog dahil sa pagod sa ginawa niyang pagliligo sa ilog. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit kumukulo na ang kanyang tiyan dahil sa gutom na nararamdaman.Umalis siya sa ibabaw ng kama at bahagyang kumunot ang noo nang magkita ng isang sticky note na nakadikit sa malaking salamin niya sa kwarto. Kinuha niya 'yon at may sumilay na ngiti sa labi niya nang mabasa ang nakasulat doon. Nakagat niya rin ang labi dahil sa kilig na nararamdaman dahil iyon ang unang beses na ginawa iyon ni Angelo.'Good morning, honey.. How was your sleep? Did you dream of me last night? Dahil ako, lagi kang kasama sa mga panaginip ko. I'm sorry kung di na ako nakapagpaalam bago ako umalis kagabi. Ang himbing kasi ng tulog
Magbasa pa
Kabanata VI
MALAWAK ang ngiti ni Angelo habang hinihintay ang pagdating ni Vanessa. Kahapon pa umalis ang kanyang Ate Caren kasama ang asawa at ang kambal na anak ng mga ito at ngayon ang unang araw na masosolo niya ang kanyang asawa.Excited na siya sa maaaring mangyari at maraming mga ideya ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Mga ideya na matagal na niyang gustong mangyari at isang magandang pagkakataon para sa kanya ang maisakatuparan iyon lalo na at solo niya si Vanessa ngayon.Kasalukuyan siyang nasa living room para hintayin ang pagdating nito at unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagka-inip. Ilang minuto pa lang naman siyang nakaupo doon pero dahil sa masyado yata siyang excited ay ang katumbas ng isang minuto ay isang oras ngayon sa kanya. At pinipigilan niya lang ang sariling huwag puntahan si Vanessa sa bahay ng magulang nito.It's already seven in the morning at dapat sa gano’ng oras ay nandoon na si Vanessa. Naghintay pa siya ng ilang minuto dahil baka tinangh
Magbasa pa
Kabanata VII
PAGKATAPOS magluto ni Vanessa ng breakfast ay sinabayan niyang kumain si Angelo. Tahimik lang sila pareho pero ramdam niya ang matiim na titig nito sa kanya. Hindi pa rin niya maiwasan ang mailang sa mga titig nito kahit na kadalasan ay ganun ang ginagawa ni Angelo kapag magkasama silang dalawa. At halos magtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil pakiramdam niya ay tagos hanggang laman at sagad hanggang buto kung tumitig ito sa kanya. Parang pati yata kaluluwa niya ay nakikita nito. It's kinda creepy pero sanay na siya kay Angelo. Tunog ng kubyertos ang namamayani sa dining room at nanggagaling iyon kay Angelo dahil nakakamay lang siyang kumain. Mas gusto niya ang magkamay lang dahil pakiramdam niya ay mas nabubusog at nae-enjoy niya ang pagkain. Pero syempre, kapag nasa bahay lang naman siya o kaya ay kakilala niya ang mga taong nakakakita sa kanya. Pero kapag sa harap lang din naman ni Angelo, wala siyang pakialam kung anong isipin nito o kung
Magbasa pa
Kabanata VIII
KANINA pang hindi maipinta ang mukha ni Vanessa habang pinipilit na ayusin ang cellphone niya. Nakalimutan niyang nasa bulsa niya iyon at nang maalala ay mabilis niya iyong kinuha pero huli na ang lahat. Naipit iyon ni Angelo kanina habang nakadagan sa kanya at hindi na 'yon mabuhay. Nadamay ang kawawang cellphone niya sa kalandian nito.Natuluyan na ang mumurahin niyang cellphone na kasama niya buhat pa noong una dahil iyon ang una at huli niyang cellphone na bigay pa ng mama niya. Tuluyan na itong sumuko at kasalanan iyon ni Angelo.Mula nang lumabas siya sa kwarto nito ay hindi na niya ito nakita. Iniwan niya ito sa kwarto kanina nang tumawag ang mom nito dahilan nang pagtigil nito sa pagpapak sa labi niya. Halata ang pagkainis nito sa mukha nang sagutin iyon at sinamantala na niya ang pagkakataong iyon para iwanan ito. Hindi siya nagpasindak sa masamang tingin nito dahil wala naman itong magagawa para habulin siya sapagkat kausap nito ang ina."Mabuhay ka, plea
Magbasa pa
Kabanata IX
INUBOS nila ang oras sa paglalangoy sa pool at hapon na nang umalis sila doon. Pareho nilang hindi napansin ang paglipas ng oras at sobra silang nag-enjoy habang magkasama. Walang kapilyuhan o kalokohang ginawa si Angelo sa kanya at kakaibang side ang ipinakita nito nang araw na iyon. Namayani ang tawa at halakhak nila at parang mga batang nagpaligsahan sa paglalangoy at pagsasabuyan ng tubig. Tila bumalik sila sa nakaraan dahil noong mga bata pa sila ay nangyari na rin iyon sa ilog. Nagtatawanan at nagkukulitan lang sila ni Angelo at hindi niya itatanggi na sobra niyang nagustuhan ang gano’ng side nito. Kasalukuyan siyang nasa kitchen at nagluluto ng dinner ni Angelo. Isa iyon sa dahilan kung bakit humingi ng pabor sa kanya ang kapatid nito dahil hindi ito marunong magluto. Alam na niya 'yon sa simula pa lang at isa iyon sa hindi kayang gawin ng isang Carl Angelo sa kabila ng pagiging perpekto nito sa mata ng nakararami lalo na sa mata ng mga babaeng nahu
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status