HB 1: HIS BEAUTIFUL START

HB 1: HIS BEAUTIFUL START

By:  WeirdyGurl  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
10 ratings
46Chapters
8.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

RAVE SANJERCAS - Five years ago, Rave had closed his life from the world and from everyone. Simula nang mamatay ang kanyang asawa ay itinuon na niya ang atensyon sa limang taong anak na si Ross, sa paggawa ng mga comic illustrations at pagsusulat ng mga nobela. For 5 years, he never let anyone enter his life, even GOD. Not until his best friend Mykael pestered him every day to get out and have fun. Nagawa nitong mapapayag siyang umalis sa bahay niya para samahan ang kaibigan na mag-bar. What he didn't expect ay bumili ito ng babae para paligayahin siya sa gabing 'yon. Si Laura, ang babaeng mala anghel ang mukha ngunit tila tinanggalan ng pakpak dahil napadpad ito sa ganoong trabaho. At one glance, Rave hated everything about Laura and her work. But what if Laura is different? Paano kung masyado lang siyang naging judgmental sa babae? Paano kung talagang anghel talaga ito? What if… Laura can be HIS BEAUTIFUL START?

View More
HB 1: HIS BEAUTIFUL START Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Emari Rose Cabataña
A must read ......
2023-01-31 08:11:54
0
user avatar
Emari Rose Cabataña
His Beautiful Start is ...
2022-10-11 06:26:49
0
default avatar
Michael
Story is good, it has sad and fun vines to it
2022-01-11 16:24:31
2
user avatar
Rose Kabanata
A slice of life indeed
2021-09-05 00:32:15
0
user avatar
Emari Rose Cabataña
One of a kind, love it
2021-08-14 01:38:51
1
user avatar
Emari Rose Cabataña
Very interesting
2021-08-11 01:44:41
1
user avatar
Reincarnated Soul
excited for thisssss!!!
2021-08-08 23:54:45
1
user avatar
Rose Kabanata
Kaabang-abang
2021-08-06 04:53:53
1
user avatar
Rose Kabanata
Yay, series!
2021-08-06 04:53:39
1
user avatar
Emari Rose Cabataña
HB1 is a ... Love it!
2021-08-06 04:51:22
1
46 Chapters
PROLOGO
NAPAUNGOL si Rave nang gumuhit ang sakit sa kanyang sentido pagbangon na pagbangon niya. Awtomatikong naipikit niya muli ang mga mata. Natutop niya ang noo and let out a deep and heavy sigh of frustration. Hindi niya alam kung bakit sobrang sakit ng ulo niya. Heck, he couldn't even remember a thing.May ilang imahe na paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. Masyadong mabilis ang mga eksena. Hindi niya gaanong maintindihan ang mga pag-uusap. Lalo lamang tuloy sumakit ang ulo niya. He tried to knock his head with the lower part of his palm as if it could somehow give him back the memories of yesterday that his mind had shut down. Damn!Ang huling naalala niya ay kasama niya ang kaibigan niyang si Mykael sa isang bar na hindi niya na rin maalala kung saan at kung anong oras na silang nakauwi. Sa pagkakatanda niya ay hindi naman sila uminom ng kaibigan. Pero bakit pakiramdam niya ay buong gabi siyang uminom sa tindi hangover niya?Natigilan siy
Read more
KABANATA 1
NAAASIWA at hindi pa rin nasasanay hanggang ngayon si Laura sa tuwing tini-table siya ng mga VIP customers nila sa bar. Mag-iisang taon na siya sa Off Lights Night Bar na pagmamay-ari ng Tiyang Esme niya. Bata pa lamang siya ay alam na niya ang maruming trabaho ng tiyahin niya. Nakababatang kapatid ito ng kanyang ama.Umuuwi ito sa Cebu para kumuha ng mga inosenteng babaeng maibubugaw nito sa Maynila. Hindi niya rin masisi ang mga kasamahan niya sa bar na kunin ang trabaho. Malaki na ang tip kahit tini-table lang. Pero mas malaki ang bayad kapag inuuwi sila ng customer. Isang bagay na hindi niya pa kayang gawin ngayon – ang mailabas at maikama.Hindi niya gusto ang trabaho niya. Araw-araw umiiyak siya sa kamiserablehan ng buhay niya. Kung maari ay pwede naman siyang humanap ng mas matinong trabaho sa Cebu. Hindi dahilan iyon para pasukin niya ang trabahong iyon. Pero ginawa siyang pambayad ng kanyang ama sa malaking utang nito sa asawang Hap
Read more
KABANATA 2
“ANONG gusto mong sabihin? Na winawaldas ko lang ang mga perang pinapadala mo sa akin? Boang ka man diay! Ni hindi nga kami kumakain dito dahil sa mga litseng gamot ng kapatid mo! Tapos isusumbat mo pa sa’kin kung bakit wala ng natira sa mga pinapadala mo?!” Kausap ni Laura ang ama sa cell phone.“T-Tay naman, hindi naman sa ganoon –”“Puwes ipaintindi mo sa akin! Hindi 'tong susumbatan mo ako ng kung anu-ano! Kung sana nakipag-ano ka na lang diyan sa mga mayayaman diyan 'di sana matagal mo nang napa-operahan 'tong kapatid mo!”“‘Tay, alam mo naman na hindi gaanon kadali para sa’kin 'to.” Sinubukang pakalmahin ni Laura ang boses. “Alam n'yo na hindi ito ang gusto kong trabaho. Pumayag lang ako dahil sa utang n'yo kay Tiyang at may sakit si Lawrence.”“Ano bang masama sa trabaho ng tiyang mo? Ayaw mo no’n? Kumikit
Read more
KABANATA 3
KANINA pa parito't paroon si Laura habang naghihintay sa isa sa mga VIP rooms. Para siyang naghihintay ng oras ng kamatayan niya. Mas kabado siya ngayon kaysa sa normal na pagkakataon. Siya lang kasi mag-isa at alam niyang may mangyayari na talaga. Na hindi lang simpleng pag-aaliw ang kailangan niyang gawin.Natutop niya ang dibdib nang biglang may kumatok. Heto na, nandiyan na sila. Kalma lang Laura! Mabilis na pinakalma niya ang sarili. Okay, Laura, ito na. Hinintay niyang bumukas ang pinto. Malakas ang tibok ng puso niya. Oras na bumukas ang pinto wala na talagang atrasan.Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang isang matangkad at gwapong lalaki. Parang na engkanto siya sa kinatatayuan. Ngayon lang siya nakakita nang ganoon kakisig na lalaki sa Bar. Kung hindi mga matatanda ay mga bata namang batak ang katawan ng mga tattoo o 'di kaya mga foreigners.Pero iba ang lalaking nasa harap niya.Mukha
Read more
KABANATA 4
PAGLINGON ni Rave sa likod ay talagang natigilan siya nang makita ang babae kanina. The woman in front of her is a lot different from the woman he met earlier. Alam niyang maganda ito kahit na wala itong make up. But he didn’t expect that she possesses a beautiful innocent face. Tila isa itong anghel sa sobrang amo ng mukha nito.Her big brown curls complimented her small and round face. Mapupula rin ang maliit at manipis na mga labi nito. Medyo chinita. Matataas ang pilik mata at tama lang ang tangos ng maliit nitong ilong. She was sexy and has all the perfect curves in the right places. She wore a simple dirty white blouse and black skinny jeans. She paired it with white strapped sandals na may naka desinyo pang mga perlas.Masasabi niyang maputi ito pero mukhang nababad sa araw kaya bahagya itong nangitim. But nonetheless, she was still fair. He won’t admit it verbally, but he liked her pink puffy cheeks. He meant it as a c
Read more
KABANATA 5
SA HULI ay inabala na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa mga nakahandang pagkain sa mesa sa dining room na inihatid kanina. Hindi basta-basta pagkain lang dahil animo’y inilabas ‘yon sa mga food menu ng isang restaurant. Natakam siya nang makita ang mga pagkain. Hindi siya gaanong nakakain kanina dahil sa kaba. Hindi rin naman masarap ang pagkain sa bar.Naglalaway na siyang tikman ang mga ‘yon. Natatakot lang siyang kumain at baka isipin pa nito na patay gutom siya. Sirang-sira na nga ang imahe niya. Mamaya niyan tawagin na siya nito na babaeng hamog. Dinala niya ang isang daliri sa bibig. Pwede kayang tumikim?Naigala niya ang tingin sa buong dining area. Kanina pa wala si Rave. Ewan kung na saan. Baka pwedeng tumikim lang naman siya nang kaunti, ‘di ba? Lumunok muna siya.“Gutom na talaga ako.” Pikit mata at mabilis ang mga kilos na kinuha niya ang leg part ng lechon manok. Napangiti siya nang malasahan
Read more
KABANATA 6
Kumunot ang noo niya. “Bakit naman?”“I always forget things when I’m drunk. I don’t know, why? It’s kind of weird, right? Kaya malakas ang loob ko na sabihin sa’yo ang mga bagay na ito dahil bukas makakalimutan ko rin lahat ng mga ito.”“Buti ka pa,” mahinang sagot niya. Medyo naiinggit siya. Sana ganyan din siya. At least, kahit papaano, pwede niyang kalimutan ang mga bagay na hindi niya gustong maalala pa.“What are your dreams in life, Laura?” pag-iiba na naman nito.“Madami. Sa sobrang dami ng mga pangarap ko. Mahirap na silang abutin. Gustohin ko man alam ko na hindi pa pwede sa ngayon. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Hindi pa nga lang sa ngayon.” At baka hindi sa buhay na ito.“You’re too cautious with your answers. You really don’t want me to get inside your mind, ha? I want to know you, Laura. I tend to judge things based on
Read more
KABANATA 7
SUNOD–SUNOD NA SAMPAL at tadyak ang natanggap ni Laura mula sa Hapon na asawa ng kanyang Tiyang Esme na si Akihiro Sato. Ramdam na ramdam niya ang sakit hindi lamang sa kanyang buong katawan pati na rin sa kanyang kalamnan. Nalasahan niya ang dugo sa bibig. Hinang–hina na siya at nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa pananakit ng tiyuhin.Naisandal niya ang likod sa malamig na pader ng opisina nito. Ramdam niya ang mga luhang umaalpas sa kanyang mukha. Pagod na pagod na siya. Hindi na niya kaya ang sakit. Parang mamamatay na siya.“Akihiro–san!” sigaw ng kanyang tiyang. “Tomete kudasai! Please stop.”Malakas na nagmura ito sa linggwahe nito.“Kuso! Mister Satoshi… an important customer,” sigaw nito sa matigas nitong Ingles. “Laura… do her job. She already did it. Why can’t… do it again?! Talk to your niece, Esme! She made me a fool… id
Read more
KABANATA 8
“WHAT?!”He put Mykael under loud speaker dahil nagda–drive pa siya. Mas lalo pa siyang natagalan sa daan dahil may truck at taxi na nagbanggaan. Kinailangan pa niyang humanap ng ibang route dahil kung maghihintay lamang siya roon ay baka umagahin na talaga siya. It was already past 10 pm on his watch.Banas pa siya sa kaibigan dahil niloko siya nito kanina. Akala niya ay kung ano nang nangyari rito. ‘Yon pala, Mykael set him up for a blind date. Nahilot niya ang sentido sa alaala ng date kanina. Pamela was okay. She’s beautiful, prim and proper, and also intelligent. In fact, papasa ito sa panlasa ng kanyang ina. Good family background, heiress ng isang mall. Active sa mga social elite gatherings at isang ideal daughter–in–law.“How was your date, Rave?”“She’s beautiful.”“And?”“I’m not interested.”Mykael groaned in the other line
Read more
KABANATA 9
GULAT ANG UNANG rumihistro sa mukha ni Laura nang magising siya. Napabalikwas siya ng bangon para lang mapangiwi sa naramdamang sakit sa buo niyang katawan. Kumawala ang mahinang ungol mula sa kanyang bibig. Maka–ilang beses niyang naikurap ang mga mata hanggang sa naging malinaw ang buong paligid sa kanya.Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Mula sa walang kulay na pader sa apat na sulok na silid na ‘yon hanggang sa kulay itim na sofa, mesa sa tabi ng kanyang kama, at maliit na ref na nandoon. Ngayon din lamang niya napansin ang nakatusok na swero sa likod ng kanyang kanang kamay.Bigla ay naalala niya ang Tiya Esme niya. Dios ko! Ano na kaya ang nangyari sa tiyahin niya? Sana ay nasa maayos ang kanyang tiyang. Sana ay hindi ito pagdudahan ng asawa nito na tumulong sa kanya para makatakas.“You’re awake.”Mabilis na naibaling niya ang tingin sa direksyon ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sin
Read more
DMCA.com Protection Status