Sukdulan ng Buhay

Sukdulan ng Buhay

By:  Evergreen Qin  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
9.4
Not enough ratings
1068Chapters
335.1Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Alex ang batang master ng pinakamayamang pamilya sa buong mundo, ang lalaking gustong pakasalan ng maraming prinsesa. Gayunpaman, mas masahol pa sa katulong ang trato ng bayaw niya sa kanya.

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
1068 chapters
Kabanata 1
Nang bumagsak ang gabi sa California, napuno ang Assex’s residence ng maliwanag na ilaw at masasayang mga ingay.Ngayon ang kaarawan ni Madame Claire ng pamilya Assex. Sa kabila ng kanyang edad, siya pa rin ang sagisag ng kagandahan at kagandahan. Higit na kapansin-pansin, ang kagandahan at tikas ng kanyang dalawang anak na babae. Ang isa sa kanila ay itinuring na pinakamaganda sa California; at ang isa ay sinabing pinakamaganda sa kanyang college. Hindi mabilang ang mga kalalakihan na naglalaway sa kanilang kagandahan ang sinamantala ang pagkakataon, at binati ng maligayang kaarawan si Madame Claire."Madame Claire, pinapakita ko sa iyo, Ang Pearl of the East Sea. Makakatulong ang pagsuot nito sa kutis mo. Maligayang kaarawan!"“Madame, inihahandog ko sa iyo, isang pares ng mga jade scepters. Hinahangad ko ang walang hanggang pagkabata mo at nawa'y matupad ang lahat ng iyong mga kahilingan."Habang isa-isang hinandog ang mga regalo sa kanya, hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ni
Read more
Kabanata 2
"Young Master Spark!" Agad na masiglang binati ni Madame Claire ang papalapit na tao.Nakasulat ang respeto sa mukha ng bawat tao sa villa. Siya si Spark Rockefeller, ang batang director ng Rockefeller Group. Bagaman hindi alam ng mundo ang totoong numero, tinatayang aabot ng hanggang tatlong daang bilyong dolyar ang yaman ng Rockefeller Group, higit pa sa pinagsamang yaman nila.Gayunpaman, nang makita ni Alex ang lalaking ito, sumugod siya sa kanya na may galit sa mga mata niya, hinawakan niya siya sa kwelyo at sumigaw, “Hayop ka. Sister-in-law mo si Dorothy. Paano mo tatawaging ang sarili mong isang tao kung gusto mong pakasalan ang sister-in-law mo?"Sa kasamaang palad, si Spark ay pinsan ni Alex. Anak siya ng kanyang uncle, si John Rockefeller. Matindi ang galit ni Alex sa kanilang dalawa. Naalala niya ang isang maliit na insidenteng nangyari noong Oktubre, pagkatapos ma-aksidente ang kanyang mga magulang, si John ang lumabas na nag-frame sa kanyang ama ng katiwalian at ninakaw
Read more
Kabanata 3
Nagulat si Alex. Sampung bilyong dolyar? Sino ang gagawa ng ganitong kalokohan?Ang Rockefeller Group ay napaka-respetado noong mga araw na malakas sila, na may market value na tatlong daang bilyon, pero karamihan dito ay mga fixed assets. Sa nalalaman niya, maging ang kanyang ama ay walang sampung bilyong dolyar na cash sa bangko. Ngunit higit sa lahat, sinabi ng matandang lalaki na nagtatrabaho siya para kay William Rockefeller. “Sinabi mong nagtatrabaho ka para sa aking ama? Ibig sabihin ba nito na ang Thousand Miles Conglomerate ... ”Tumango si Lord Lex at sinabi, "Opo, sa iyo ang buong Thousand Miles Conglomerate, Master Alex."Pak!Sinampal ni Alex ang sarili.Nagulat na sinabi ni Lord Lex, "Master Alex, anong ginagawa mo?"Sumagot si Alex, "Sa tingin ko ay nananaginip ako."Sinabi ni Lord Lex, "Totoo itong lahat. Ang iyong ama, si Mr. William Rockefeller, ang nagligtas sa aking buhay. Kung hindi dahil sa kanya, patay na ako ngayon. Noon, si Mr. Rockefeller ang nagtayo ng
Read more
Kabanata 4
Napatigil si Alex at hindi niya inasahang magpapakita siya. "Bakit ka nandito?"Tumingin si Lady Dorothy kay Chloe, pagkatapos kay Alex, na may kalungkutan sa kanyang mga mata at sinabi, "Nag-deposito na ako ng kalahating milyong dolyar sa account mo, iyon lang ang kaya kong gawin."Nagulat si Alex, “Saan mo nakuha ang pera? Galing ba ito kay Spark? Dorothy, hindi mo pwedeng tanggapin ang pera. Anong mangyayari sa atin pagkatapos mong kunin ang kanyang pera? At saka, meron akong pera, higit pa sa naiisip mo. Kaya kong ayusin ang problema mo.”Pak!Sinampal ni Dorothy si Alex at sinabi, "Hindi ba pa sapat para sa iyo ang sampung buwan kang nananaginip nang gising? Pwede mo bang itigil ang kalokohanng ito? Kalimutan mo na iyan at gawin mo ang gusto mo. Bukas, maghihiwalay na tayo!”Matapos siyang magsalita, lumingon si Dorothy at biglang umalis sa ospital.Sinubukan siyang habulin ni Alex ngunit pinigilan siya ni Chloe. May masamang ngiti sa kanyang mukha. “Naku, anong nangyayari d
Read more
Kabanata 5
Bumalik si Alex sa villa ng pamilya Assex na para bang isa siyang zombie. Kahit na tinawag itong isang villa, isa lamang itong maliit na bahay. Matapos gibain ang lumang family home, isang three-storey building ang itinayo mula diro. Malayo ito sa isang tunay na villa.Tumingin si Alex at nakitang nakabukas ang ilaw ng kwarto ni Dorothy. ‘Nasa bahay ba si Dorothy?’ Nagtatakang tanong ni Alex sa sarili. ‘Hindi pala niya kasama si Spark?’ Sa sandaling mapagtanto niya iyon, para bang nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib. Nakakita siya ng pag-asa at napagtantong hindi pwedeng pagkatiwalaan ang mga salita ni Madame Claire. Mapanlinlang siya. Gusto niyang gumawa ng mga bagay-bagay para tuparin lamang ang mga pantasya sa kanyang isip.Sumugod si Alex sa pintuan papasok sa villa. Nakita niya si Madame Claire sa sala, may ka-video call habang naglalagay ng nail polish sa mga daliri ng paa niyang nakataas sa hangin. Masaya siyang humuhuni.Labis na nag-alala ni Alex, nang makitanng natut
Read more
Kabanata 6
Umiling si Alex at ngumisi, “Chloe, hindi ka karapat-dapat para halikan ang mga daliri ko sa paa. Umuwi na lang kayo ng matabang lalaking kasama mo. Siguro, kapag napasaya mo siya, bibilhan ka niya ng walang kwentang kwintas na nagkakahalagang dalawang libo.”“Ikaw…”Sobrang tindi ng galit ni Chloe, na para siyang bombang sasabog anumang oras.Hinabol ng matabang lalaki si Chloe, aakitin niya na sana ito para maiuwi siya’t maikama, nang kinutya siya ni Alex. Sinabi ng matabang lalaki, “Ikaw ‘tong dukha, tingan mo nga ‘yang sarili mo, sa tingin mo ba kaya mong bilhin itong kwintas na nagkakahalagang tatlumpung milyon? Tingin mo ba tatlong libo lang ‘yan?”“Paano kung kaya ko ngang bilhin ‘yan? Kaya mo ba? Makakabili ka rin ba?” tanong ni Alex.Napagpasiyahan ni Alex na bilhin ang nasabing kwintas.Masyadong marami na ang kanyang pagkukulang sa nakaraang sampung buwan.Maaring masiyahan si Lady Dorothy kapag binigyan siya ng kwintas ng nagkakahalagang tatlumpung milyon, at makuha ang kan
Read more
Kabanata 7
Natigilan si Cassandra.Sa kasamaang palad, hindi makikita ang balanse ng kard sa makina.“Hindi ito kapani-paniwala, bakit siya labis na nirerespeto ni Mr. Jefferson, sinasabing siya ang supreme VIP, sa palagay ko walang nagtataglay ng supreme card ng L.G. Balfour?” puno ng katanungan ang kanyang isip.Tila hindi niya maintindihan ang dahilan. Nakikitira lang si Alex sa tahanan ng pamilyang Assex at nagsisilbi bilang katulong nila. Bakit ang laki ng pinagkaiba?Sa nakaraan, binuhusan pa nga ni Alex ng tubig ang kanyang mga paa para hugasan ang mga ito!Sumigaw si Chloe, “Imposible, imposible, napakaimposible. Sira siguro ang makina. Paano nagawa ng dukhang ‘to na makakuha ng tatlumpung milyong dolyar? Ni tatlong libong dolyar nga ay hindi niya kayang i-withdraw! Kayo, pakitingnan nga ulit ang transaksiyon! Bilisan ninyo!”Sumulyap si Jefferson kay Chloe. “Bale, pinagdududahan mo ba ang Thousand Miles Conglomerate? Ang lakas naman ng loob mong pagsabihan si Master Alex? Hinukay mo ang
Read more
Kabanata 8
Habang nakahiga siya sa kama ng pinakamagarbong presidential suite ng The Golden Age of Youth Hotel, hindi makatulog si Alex.Ang nangyari ngayong araw ay masyadong hindi kapani-paniwala.Hindi niya inaasahang may itinatagong malaking lihim ang kanyang ama, ang Thousand Miles Conglomerate, ang pinaka-makapangyarihang underworld sa California.Totoo kayang ang sanhi ng kanyang kamatayan ay dahil sa aksidente sa kanilang sasakyan?O hindi kaya’y may mga bagay akong hindi alam?Sa gitna ng hatinggabi, nang sa wakas ay nakatulog na siya nang mahimbing, nagising siya ng kanyang alarm. Bumangong siya at nagmadaling pumunta sa ospital.Sa huli, pagdating niya sa ospital, nakita niya ang ilang doktor na nakapalibot sa kama ng kanyang ina. Kasama sa kanila ay si Dr. Cheryl Coney, ang magandang doktor na may kaakit-akit na katawan.Nagulat siya.Akala niya’y may masamang nangyari sa kanyang ina.Mabilis niyang tinanong, “Dr. Cheryl, anong nangyari sa aking ina? Lumala ba ang kanyang kundisyon?”
Read more
Kabanata 9
Nagkaroon ng labis na katahimikan!Lahat ng nasa hapag kainan ay nagulat.Ngunit makalipas ng ilang segundo, nagambala ng sandamakmak na tawa ang katahimikan.Lahat ay tumawa.Tanging si Lady Dorothy lang ang labis na nadismaya pagkatapos na magulat.Ibinulalas ni Madame Claire, “Kaya mong bilhin ang kwintas na Love in a Fallen City na nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar? Sa lansangan ka ba natulog kagabi? Marahil ay tulog ka pa, nanaginip ka rin, ‘no? Kung may pera kang pambili ng kwintas na ‘yon, kakainin ko ang lamesang ito.”Walang interes na sumagot si Alex, “Mom, hindi ninyo na po kailangang kainin ang lamesa, sapagkat ang inyong mga ngipin ay hindi po matibay para kagatin ito.”Itinaas ni Madame Claire ang kanyang mga kilay at sumimangot, “Mom? Sino ang iyong ina? Nasa ospital pa rin ang nanay mo, halos patay na! Simula ngayong araw, si Spark Rockefeller na ang aking tanging manugang, at siya lang ang karapat-dapat na tawagin aong Mom. Ikaw, makipag-divorce ka na kay Dorot
Read more
Kabanata 10
Siyempre, hindi aaminin ni Spark na ang binigay niyang kwintas ay peke lamang na nagkakahalagang dalawang libong dolyar.Kung aaminin niya ito, hindi ba’t masasayang lang ang mga nakaraang pinagsikapan?Agad siyang tumayo, pinanduruan si Cassandra at sinabing, “Hindi ko alam kung anong relasyon sa pagitan ninyo ni Alex para ipagtanggol siya, sino ka ba para pagdudahan ang ibinigay kong kwintas? Kilala mo ba kung sino ako?Si Cassandra ay ngumisi at sinabi, “Siyempre kilala kita. Ikaw ang laki sa layaw na sinusubukang agawin ang mga ari-arian ng pamilya ni Alex. Sa totoo lang, lahat ng meron ka ngayon ay pagmamay-ari na ni Lady Dorothy. Inagaw mo ang kanyang kayamanan at binigyan mo siya ng pekeng kwintas para makuha ang kanyang katawan, wala ka talagang kahihiyan.”Ngayon ay pinaniniwalaan niya na si Alex Rockefeller.Tinawag pa niya ito bilang kanyang ama kaya natural lang para sa kanya na ipagtanggol siya.Malamig na ngumuso si Spark. “Patuloy mong sinasabi na naibenta mo na ang kwin
Read more
DMCA.com Protection Status