Ang Pulang Kuwintas

Ang Pulang Kuwintas

By:  Whiteknight Magico  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 Mga Ratings
61Mga Kabanata
9.4Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Dichas, sol y amores (ligaya, liwanag at mga pag-ibig) Te esperare, senorita Toma unos cientos de anos En la primera reunion Te mirare de Nuevo (Maghihintay ako, binibini Abutin man ng ilang daang taon Sa unang tagpuan Muli kita'y susulyapan) Sa inaakala mong tahimik na buhay, pa'no kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? ‘Yong tipong hindi mo na nga sineryoso history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang mga kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na't wala ka nag iba pang pagpipilian… Ano ang gagawin mo? Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handing abutin ng siyam-siyam. Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya? Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat? Paano kung kinakailangan mo nang mamili? Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kan'yang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kan'yang isipan?

view more
Ang Pulang Kuwintas Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
oishiiii
ganda ng storyyy... oishiiii interesting!
2021-12-22 13:40:18
2
user avatar
bread&butter
series ba ito??? waaaahhh kakilig at nakakadala yong ibang eksena
2021-12-15 07:09:16
2
user avatar
bread&butter
nice storyyyy... interesting concept...
2021-12-15 07:08:54
2
user avatar
Sundanie Aliasar
Agila series sounds good...... when Ang story ni Casimiro??? Magkakaseries po ba talaga ito??? as in?!?!? Can't wait kapag nagkatotoo nga ang Mapang-angking mga ginoo series!!!! kyahhh
2021-10-07 14:06:42
3
user avatar
Sundanie Aliasar
Bits of twists and comedy as well... Looking forward on it's ending...️ Nakakathrill!!!
2021-09-19 17:26:43
3
user avatar
Jenny Bagangan
Good book ...
2021-07-29 09:01:43
4
61 Kabanata
[Prologo]
Dichas, sol y amores(ligaya, liwanag at mga pag-ibig) Te esperare, senoritaToma unos cientos de anos En la primera reunion  Te mirare de Nuevo(Maghihintay ako, binibiniAbutin man ng ilang daang taonSa unang tagpuan,Muli kita’y susulyapan) Tierra de oriente, 1872(Lupain ng Silangan)            Sa kabisera ng bayan ng Oriente, mga taumbayan ay nagkukumpulan—mga nilalang na ibig makasaksi sa kahihinatnan ng pamilya Villamarquez.         &n
Magbasa pa
Kabanata Uno –Ang Simula
  Manila, 2019; present year        Sa isang pangkaraniwang klase, mangingibabaw ang pinaka-kakaiba sa lahat. “Miss Medrano!!! Are you listening?”  bulyaw ng lecturer sa isa sa mga estudyante niyang nakapandekwatro at tila may sariling mundo habang ngumunguya ng bubble gum. Pagkarinig ay umayos siya ng upo at agarang bumalik sa reyalidad.  “Yes, Ma’am,” sagot niya. “Talaga ba? Umayos ka nga ng upo, Miss Medrano.”           Tumango naman ang estudyante sa kanilang lecturer na muling nagpatuloy sa kanilang talakayan. Pinagpag niya ang u
Magbasa pa
Kabanata Dos – Happy   Birthday!!!
 SCHOOL CAMPUS, 8;00 AM , MARCH 23           Nakapandekwatrong upo si Vahlia sa isa sa mga bench ng covered court habang ang ibang mga estudyante ay busy sa kanya-kanyang gawain, ipinikit niya ang kanyang mga mata sa pagkayamot dahil higit sa trenta minutos na siyang nakaupo roon.   ‘Alas otso ang departure time tapos wala pa yung mga bus? Tss Pilipino nga naman,’  aniya sa kanyang isipan.  Paano ba naman kasi? Hindi pa kompleto ang mga estudyante, idagdag mo pa ang mga napulot niyang mga kaibigan na  hanggang ngayon ay wala parin. Ganoon rin ang mga bus na sasakyan sana nila.            Maya-maya pa’y naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya, ano pa nga ba? Pati sa simp
Magbasa pa
Kabanata Tres- Silid-aklatan
              Muli ay napuno ng kantahan ang naging byahe gamit ang bangka. Karamihan sa mga estudyanteng nasa kabilang mga bangka ay kumukuha ng litrato ngunit ang bangkang sinasakyan nina Vahl  ang pinakamaingay dahil sa mga kantahang nagaganap . ‘Hindi ko na siguro kailangan ng camera para picture-an ang kung ano nang nakikita ko. Sapat na siguro na alam kong napuntahan ko itong paraisong ito at nakita nang personal kung gaano ito kaganda,’  nakangiting aniya sa kanyang isipan.              Napatigil si Hudson sa pagkanta nang sumingit si Skye. Ngunit bago niya tugtugin ang gitara ay maangas nitong inayos ang manggas ng kanyang leather jacket.  Pinantapat nito ang isang country pop na sinabayan naman ng buong k
Magbasa pa
Capitulo  Cuatro – Nasaan na ako?
 Tierra de Oriente, 1871 Volverá…Cambiará el curso del tiempo y el tiempo,Se escribirá otro capítulo.(Babalik…Babaguhin ang takbo ng oras at panahon,Panibagong kabanata ang siyang maisusulat.)              Mga pangungusap na nagpapaulit-ulit sa isipan ni Vahlia habang kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata. Akmang babangon na siya nang sumulpot ang isang mahinhing boses. “Kumusta naman ang iyong siesta, Victoria? Ipinag-init ka nga pala ni Ina ng arroz caldo.”               Biglaan siyang napaupo sa
Magbasa pa
Capitulo  Cinco- Kasunduan
             Nakailang ikot na ang kamay ng orasan ngunit hindi pa rin mapakali si Vahlia sa loob ng silid. Nagpapaikot-ikot sa buong kwarto, binubuksan-buksan ang mga aparador at mga kalsunsilyo tapos isasara na lang ulit. ‘Nakakabagot pala ‘pag ganito. Wala akong magawa!’ reklamo nito.                  Muli ay tinanaw niya ang malawak na lupaing nasasakupan ng pamilya Esperanza mula sa azotea. ‘Ano kaya kung magtatatakbo ako roon? Can that solve my boredom?’                Dapit-hapon na rin at anumang oras ay lulubog na ang araw. Napadukmo na lamang si Vahlia sa kinauupuan niya nang mahinuhang hindi nga pala magand
Magbasa pa
Capitulo Seis – Takas
              Maingat na ibinagsak ni Vahlia ang ilang mga unan at kumot sa ibaba ng azotea sa kaniyang silid. Maging ang ilang mga gamit at malalambot na bagay ay inihagis niya. Plano niyang tumakas mula sa mansiyon Esperanza at magpakalayo-layo.             ‘Kung hanggang dito ay hinahabol ako ng kasal-kasal na iyan, pwes! Magagawa kong takbuhan ulit iyan.’               Tatlong hakbang paatras at turbooo! Kumuha siya ng buwelo bago tuluyang lumundag paibaba si Vahlia, mabuti na lamang at ligtas siyang nakatalon mula sa ikalawang palapag  dahil sa mga unan at kumot na nakaabang at handang sumalo sa kan’ya sa ibaba.        
Magbasa pa
Capitulo Siete- Pangahas
               Alas-siete na ng umaga nang magising si Vahlia. Hindi na siya nagulat nang matagpuan ang sariling nasa ilalim ng puno pagka’t inaasahan na niya ito. Sino ba namang maglalayas at pupunta sa gubat na kinabukasan ay matatagpuan ang sarili sa loob ng kastilyo kasama ang isang prinsipe? Sana all na lang sa ganoon.                 Akmang tatayo na sana siya upang mag-inat nang makarinig siya ng sumisitsit sa kan’yang tabi. Nag-aalangang lingunin ito sa pangambang bigla itong umatake. Nag-uunahang tumulo ang pawis mula sa kan’yang noo kasabay ng pasimpleng paglandas ng ahas sa kaliwang binti niya. Nasa isa’t kalahating talampakan ang haba nito.                 Inakala niyang aalis na ang sawa
Magbasa pa
Capitulo Otso- Aleman
  “Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?”   “Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.”               Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura.   “Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.”   “Heh? At bakit?”
Magbasa pa
Capitulo Nueve-Daan pabalik
 “Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo.               Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman.                Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.  “Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo.
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status