Ang Mukha ng Pag-Ibig

Ang Mukha ng Pag-Ibig

By:  Maria Angela Gonzales  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
11Chapters
3.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Nang iwanan si Zak Zapanta ng asawa niyang si Irene, isinumpa niyang hindi na siya maniniwala at magtitiwala sa kahit na sinong babae pero, bakit kinain niya ang kanyang sinabi ng makita niya si Candelaria Ynares, ang asawa ng kanyang kaibigan? At bakit nakikita niya rito si Irene gayung ibang-iba naman ang hitsura nito sa kanyang ex?

View More
Ang Mukha ng Pag-Ibig Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
No Comments
11 Chapters
Prologue
Treinta'y singko  anyos na si Benjamin Morales pero ang galit na nasa kanyang puso ay hindi pa rin mawala. O wala siyang balak palisin hanggang sa hindi natitikman ni Zak Zapanta, ang nakababata niyang kapatid ang kanyang paghihiganti. Lahat na lang kasi ng babaeng minahal niya ay inagaw nito.Una, si Nicolette…“Nanay, Nanay, sabi ng teacher ko very good daw ako.” Buong kasabikan niyang pagbabalita sa kanyang ina nang pumasok siya sa kanilang barung-barong sa Tondo. Limang taong gulang pa lang siya noon at wala siyang ibang gusto kundi ang mapasaya ang kanyang ina na mahal na mahal niya. “Mabuti at kahit paano ay may mabuti ka ring nagagawa sa buhay,” buwisit na sabi sa kanya ng inang si Nicolette. Ni hindi nito tinapunan man lang ng pansin ang mga stars na nasa kanyang braso. Patuloy lang ito sa pagpipindot sa cellphone nito. Abot-tenga ang pagkakangiti ng kanyang ina habang nakatitig sa aparatong iyon samantal
Read more
Chapter 1
ISLA Zapanta.            Marami mang hindi maalala si Candy sa kanyang nakaraan, parang may kasiyahan siyang naramdaman ng mabasa niya ang pangalan ng lugar sa arkong iyon. Bigla tuloy niyang nilingon si Nathaniel, ang kanyang mister, na malungkot na nakatingin sa dagat. Parang may kung ano itong inaalala.            “Nu’n bang hindi pa ako naaaksidente ay palagi tayong nandito?” Nakangiti niyang tanong habang nakatingin sa dagat. Sa kanyang isipan kasi ay may malabong alaala na nagpipilit sumiksik. At sa sobrang kalabuan ay hindi rin niya maaninag ang mga mukha ng dalawang taong naghahabulan sa kanyang isipan.            Gulat itong napatingin sa kanya at buong panggigilalas din itong nagtanong ng, “Anong sabi mo?”       &nb
Read more
Chapter 2
DAMN! Galit na sabi ni Zak sabay balibag ng pinto ng kanyang silid. Marahas na hininga ang kanyang pinawalan dahil bumabalik na naman ang sakit na naramdaman niya. Pagkaraan ay napatingin siya sa wedding portrait nila ni Irene, na kahit na inamin nito sa sulat na pinagtaksilan siya ay hindi pa rin niya magawang ialis iyon.Ganoon ba ito kamahal?Ang sagot sa katanungan niya ay kitang-kita niya sa kanilang larawan. Ang mga mata niya roon ay parang Christmas light na nag-iilaw at ang pagkakangiti niya ay mas matamis pa sa honey. Katulad din ng ngiting nakikita niyang kislap sa mga mata ni Irene at sa lapad ng pagkakangiti nito.Perfect couple.Alam niyang ang salitang ‘perfect couple’ ay hindi lang tumutukoy sa panlabas nilang anyo kundi sa tunay na nararamdaman nila para sa isa’t isa. Ngunit, bakit bigla na lang naglaho ang pag-ibig sa kanya ni Irene gayung lahat naman ay ibinigay niya rito? Hindi rin naman siya nagkulang sa sex para magh
Read more
Chapter 3
ANG akala ni Nathaniel, kapag kasama niya si Candy ay babalik na sa normal ang kanyang buhay pero isang pagkakamali ang lahat. May mga pangyayari talaga sa ating buhay na hindi na natin magagawang ibalik, gustuhin man natin. Alam niyang kahit na hindi magsalita sa kanya si Candy ay nasasaktan niya ito sa kalamigang kanyang pinapakita. May mga pagkakataon din talagang ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi nito tulad kanina. Ang sabi kasi nito kanina, may alaalang bumabalik sa isipan nito sa pagpasok pa lang nila sa Zapanta Resort. Masaya daw silang naghahabulan at nagtatawanan. Hah, paano mangyayari iyon kung...hindi na niya nagawa pang ituloy isipin ang mga salitang iyon. May mga pagkakamali siyang kailangan na talagang ibaon sa limot. Ngunit, kahit anong gawin niya ay sumasampal pa rin sa kanya ang katotohanang hindi na ang Candelaria Ynares na kasama niya ngayon ang mahal niya. Patunay 'yung kahit kurot ay wala siyang naramdaman sa kanyang puso
Read more
Chapter 4
"BENJAMIN...""Mabuti naman at kilala mo pa rin pala ako," sarkastikong sabi nito Masamang-masama ang tingin nito sa kanya kaya naman hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Pakiwari niya ay nakaamoy siya ng panganib kaya naman tinangka niyang pagsarhan ito ng pinto pero parang nahulaan na nitong gagawin niya iyon kaya agad nitong naiharang ang paa. "Mabuti naman at kilala mo pa rin ako," sarkastikong sabi nito sa kanya. "Hindi naman nagbago ang mukha mo, paanong hindi kita makikilala?" sarkastikong tanong niya rito. Ayaw niyang ipahalata kay Benjamin na kinakabahan siya kaya naman sinubukan niya itong tarayan. Nag-iisa na lang siya sa buhay kaya walang tutulong sa kanya kundi ang kanyang sarili kaya kinakailangan niyang mag-isip ng paraan kung paano niya magagawang lagpasan ang pinakamatinding pagsubok ngayon sa kanyang buhay. Unang beses pa lang niyang nakita si Benjamin Morales ay may kaba na siyang naramdaman dito d
Read more
Chapter 5
Sa buong buhay ni Zak ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding galit kaya naman hindi nagawang pigilan ang kanyang sarili, sinunod-sunod niya ang pagsuntok kay Benjamin. Wala siyang pakialam kung nakatatandang kapatid niya ito. Ang mahalaga lang sa kanya ay maiganti niya si Irene.Alam niya kaya gumawa ng ganoong kapahangasan si Benjamin dahil alam nitong masasaktan siya at sisisihin niya ang sarili kapag napahamak si Irene. Tama naman ito. Ngayon tuloy ay sobra ang galit niya sa kapatid. Wala talaga itong pakialam sa kung ano ang mararamdaman niya. Nang marinig niya ang sigaw ni Irene pagbaba niya ng sasakyan ay para ng nilamutak ang puso niya sa takot. Kaya naman, nagmamadali siyang pumasok sa bahay nito para mailigtas ito at ganoon na lang ang galit niya nang makita niya si Benjamin na pinagtatangkaan ng masama si Irene. 
Read more
Chapter 6
KAHIT wala na si Benjamin ay hindi pa rin magawang umalis sa pagkakayakap ni Zak. Ang sarap-sarap kasi sa pakiramdam na nasa bisig siya nito. Pakiwari niya'y magagawa siya nitong protektahan sa lahat ng pagkakataon.  Nang maisip lamang niyang walang dahilan para gawin nito iyon, bahagya niya itong naitulak. Hindi naman kasi sila tunay na magkarelasyon kaya walang dahilan para siya'y dumipende rito. Dapat pa nga siyang mahiya rito sapagkat dahil sa kanya ay nagkasira ang magkapatid. Hindi naman kasi niya alam kung anong sumapi sa kanya kung bakit naisipan niyang tumakbo patungo sa isang estranghero at sabihin kay Benjamin na boyfriend niya ito.  Well, ang nais lang naman niya ay tigilan na siya ni Benjamin dahil natatakot na siya rito. Mistulan naman kasi itong doberman na laging nakabuntot sa kanya mula ng sabihan siya nito na type na type siya at lahat ay gagawin nito para maangkin siya. Nang marinig niya ang mga salitang iyon buhay kay Dok Benjamin, talag
Read more
Chapter 7
SABI ni Zak, kapag nasa Manila ito ay sa condo na iyon tumutuloy. Kahit na sinabi na nitong wala siyang dapat na alalahanin ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala. Alam kasi niyang magiging malaking kaabalahan kung makikipisan siya rito gayung hindi naman niya ito kaanu-ano.Para nga lang gusto niyang magtawa nang maisip niyang pinagpanggap nga pala niya itong boyfriend para matakasan niya ang kapatid nitong nau-obsess na sa kanya. At sa tingin niya ay mas lalong naging mabangis si Dok Benjamin dahil 'girlfriend' siya ng kapatid nito na labis nitong kinamumuhian. "Tuloy ka," wika ni Zak matapos nitong mailagay ang password nito sa pintuan kaya bigla na iyong bumukas. Hindi niya napigilan ang mapasinghap nang ihakbang na niya ang kanyang mga paa papasok sa  unit nito dahil kitang-kita talaga roon ang karangyaan.  Hinsi iyon basta condo unit dahil nasa tuktok sila ng building kaya nasisiguro niyang mas akma iyong tawaging penthouse. May
Read more
Chapter 8
"TOTOO bang may nararamdaman ka rin para sa akin?" marahang tanong sa kanya ni Zak habang nakatitig sa kanyang mga mata. Bahagyang kumunot ang noo ni Irene sa tanong na iyon ng lalaki. Para tuloy gusto niyang ma-offend dahil pakiramdam niya'y pinagdududahan nito ang kanyang salita. "Iniisip mo bang niloloko lang kita? Na kaya ko sinabing may feelings ako sa'yo dahil gusto ko lang tumanaw ng utang na loob?" hindi makapaniwala niyang tanong. Hindi kumibo ni Zak. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya na para bang pinagdududahan nito ang ipinagtapat niya. "Ayoko naman talagang magkaroon ng boyfriend dahil makakasagabal lang 'yan sa pangarap ko. Gusto kong maging International writer. Gusto kong makilala hindi lang dito kundi sa buong mundo at alam kong hindi ko magagawa iyon kung magkakaroon ng kahati ang pangarap ko.""Pero..."Marahas na buntunghininga muna ang kanyang pinawalan dahil nakita niyang nakangiti na ngayon si Zak na para bang may k
Read more
Chapter 9 
SA Isang linggong pamamalagi ni Irene sa condo ni Zak ay sobra ang saya niya. Paano ba naman kasi, tinotoo nga ni Zak ang request niyang ligawan siya. Sa tuwing gigising siya ay mayroong red rose sa kanyang tabi. Tapos ito pa palagi ang naghahanda ng kanilang agahan. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang prinsesa na pinagsisilbihan ng isang prinsepe. "Good Morning," bati sa kanya ni Zak nang malingunan siya nito. Abala ito sa paghahanda ng hapagkainan. Bigla tuloy kumalam ang kanyang sikmura nang makita niya ang hinanda nito -- daing, omelette, hotdog at sinangag. Shucks, bulalas niya nang lumipad ang tingin niya rito at  makita na naman niya ang killer smile nito dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Kain na tayo," wika nito. 
Read more
DMCA.com Protection Status