My Boss, My Fiancé

My Boss, My Fiancé

By:  Iya Perez   Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
9
10 ratings
70Chapters
95.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa'yo." Iyan ang mga salitang palaging bukambibig ni Louise sa tuwing aasarin siya ng kaniyang childhood best friend slash boss na si Troy. Guwapo, mayaman, mabait. Halos lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nasa kaibigan niya na. Tunay ngang napakadaling sabihin sa isang tao na hindi mo siya gusto, pero napakahirap naman nitong panindigan lalo na kung araw-araw mo itong nakikita at nakakasama. Makakaya nga ba niyang panindigan ang mga salitang sinabi sa kaniyang kaibigan o kakainin niya ang kaniyang sinabi dahil sa paglaon ay hindi niya na rin mapigil ang damdaming nais kumawala sa kaniyang puso?

View More
My Boss, My Fiancé Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
user avatar
Gene Darden
Ang ganda ng story. Congrats po Ms. Iya. Isa sa mga fave kung writer. Sana may tampok din story si Leon gusto ko yong character nya(:
2023-10-11 02:41:32
0
user avatar
Xiah Lago Escalona
baka Po pwede mkahingi Ng full story thank u po
2023-08-09 16:41:42
0
user avatar
Mariefe Madiz
sino po may full story,pasend nmn po please
2023-08-07 18:24:51
0
user avatar
jho💚
highly recommended
2023-03-23 11:10:07
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-11-08 02:21:10
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-09-03 05:11:18
0
user avatar
Angelo Dela Cruz
nice story ...
2022-05-28 10:38:20
0
user avatar
Jerme Mallo Langga
good story
2021-12-03 17:19:37
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2021-11-14 13:01:40
0
user avatar
Judy Weber Harris
NOT ENGLISH!!!
2023-06-19 04:24:47
0
70 Chapters
Chapter 1
         “Ang guwapo talaga ni Sir Troy.”         Nakasimangot akong bumaling sa isang empleyado na panay ang tingin sa boss ko na katabi ko ngayon. Tahimik lang itong nag-s scroll sa kaniyang phone at sure akong narinig niya ang pinagsasabi ng mga empleyadong napapadaan sa kinaroroonan namin pero halatang balewala ito sa kaniya.         “Ang suwerte talaga ng secretary niya, palagi siyang kasama. I’m sure may hidden desire rin ‘yang babaeng iyan kay Sir Troy.”         Gusto kong matawa sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Ako? May hidden desire sa boss ko? Asa! Nakita ko namang nag-angat ng tingin sa akin ang boss ko.         “May kailangan ka?” taas-kilay kong tanong sa kaniya. Tumawa naman siya sa si
Read more
Chapter 2
          “Naayos mo ba yung schedule ko ngayong araw?” tanong niya pagkapasok niya kinabukasan sa kaniyang opisina. Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kaniyang kape nang bigla siyang lumapit sa akin.         “What’s that smell?”         Mas lalo pa siyang lumapit at halos idikit ang kaniyang ilong sa aking leeg. Inis na inilapag ko ang hawak na mug sa mesa at inis na humarap sa kaniya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-amoy sa leeg ko. Inis na itinulak ko ang kaniyang mukha palayo sa akin.         “Nagchange ka ng perfume?” balewalang tanong niya.         Pinameywangan ko siya at tinaasan ng kilay. Iyon talaga ang itatanong niya? At ano namang pakialam niya kung nagpalit ako ng perfum
Read more
Chapter 3
“Ma, bumili na ako ng gamot niyo pang dalawang buwan.” sabi ko pagkakita ko kay Mama na kalalabas lang sa kaniyang kuwarto. Mukhang kauuwi rin lang nito galing sa salon na kaniyang pinagtatrabahuhan.         Sinalubong ako nito para matulungan ako sa pagbubuhat ng mga groceries na pinamili ko. Sumunod naman na bumaba galing sa second floor ang nakababata kong kapatid na si Chase. Suot pa rin nito ang salamin at halatang kagagaling lang sa pagbabasa. Kagaya ni Rio, graduating na rin ito sa high school. Lumapit ako agad sa kaniya nang mailapag ko ang pinamili sa lamesa. Matagal akong tumitig sa kaniya at saka bumaling sa kaniyang salamin. Marahan ko itong inalis sa kaniyang mata at tiningnan kung maayos pa ba ito. Tiningnan ko ang grado nito ngunit agad ko ring inilayo sa mata ko dahil bigla akong nahilo sa sobrang taas ng grado ng kaniyang salamin.         Napanguso ako at isin
Read more
Chapter 4
  “Chase bumangon ka na at magsisimba pa tayo.” saad ko pagkatapos ilang beses kalampagin ang kuwarto ng kapatid ko. Kanina ko pa ito kinakatok at kanina pa rin ako naiinis dahil parang wala itong pakialam sa paulit-ulit na pagkatok ko. Kanina pa ako nakaligo dahil ang usapan namin sama-sama kaming magsisimba ngayong araw ng Linggo sa Cathedral tapos hanggang ngayon tulog pa rin sila. “Richelle Louise hinaan mo naman ang pagsasalita mo. Pati yata kapit-bahay plano mong gisingin.” saad ni Mama na kalalabas lang ng sarili nitong kuwarto at nag-iinat pa ng katawan. Gusto kong matawa. May nanggigising ba na mahina magsalita? Inirapan ko lang si Mama at ibinalik ang atensiyon sa pinto ni Chase at kinalampag iyon nang paulit-ulit. “Chase, ‘pag hindi ka pa lumabas, babawasan ko ang allowance mo.” Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay mabilis pa sa alas kuwatrong bumukas ang pinto ng kuwarto nito at iniluwa nito sa harapan ko ang kapatid kong dinaig pang
Read more
Chapter 5
 “So saan kayo pupunta nila Tita Belle at Chase after nito, Ate Rich?” curious na tanong ni Riye habang kumakain kami.Umayos naman ako sa pagkakaupo at sandaling ibinaba sa plato ko ang hawak na kutsara para kunin ang baso na may lamang juice at uminom doon.“Si Mama, mauuna nang umuwi kasi a-attend siya sa meeting ng mga homeowners sa village, kami ni Chase dadaan sa ophthalmologist niya at barbershop.” saad ko sabay turo ng buhok ng kapatid kong medyo mahaba na.“Sama ako Ate Rich, mahaba na rin ang buhok ko.” sabi ni Rio habang kumakain ng desert.“Ako na ang maggugupit ng buhok mo.” biglang singit ni Sir Troy.Napanguso naman ang kapatid niya habang ako ay sumimangot. Napaka-kill joy talaga.“Kuya naman, minsan lang eh. Lagi na lang ikaw ang nagugupit ng buhok ko. Tinatawanan tuloy ako ng mga kaklase ko kapag nakikita nilang hindi pantay ang buhok ko.” Reklamo ng k
Read more
Chapter 6
 “Andami mo namang dadalhin, ate.” puna sa akin ng kapatid kong si Chase.Nandito siya ngayon sa kuwarto ko dahil sira ang aircon sa kuwarto niya. Dinala niya lahat ng librong ginagamit niya sa eskuwelahan at itinambak ang mga iyon sa working table ko. Sinamaan ko siya nang tingin at sinenyasang tumahimik. Sa pagkakaalam ko kasi, nandito siya para mag-aral at hindi mag-ingay. Busy ako ngayon mag-asikaso ng mga gamit na dadalhin ko sa Palawan para sa kasal ng crush ko na pinsan ni Sir Troy.“Real talk ate, parang dinaig mo pa yung lalayas sa dami ng dress na dadalhin mo.”Pinagtaasan ko nang kilay ang kapatid ko. Lakas maka-comment huh. Palibhasa walang alam sa nangyayari sa akin. Porket hindi niya kilala ang boss ko bilang reklamador at maarte. Kung sa tutuusin, kung kaya ko lang dal’hin ang buong closet ko sa Palawan ay gagawin ko. Paniguradong boss ko na naman kasi ang mamimili ng isusuot ko.“Maganda ba?
Read more
Chapter 7
 “Wow himala, ang konti ng dadal’hin mo.” puna ng kapatid ko sa akin habang inaasikaso ko at chinicheck nang mabuti ang mga gamit na dadal’hin ko.“Pasalamat na lang din talaga ako kay Sir Troy dahil binilihan niya ako ng damit na susuotin. Makakahinga ako nang maluwag dahil konti lang ang bibitbitin ko.” sagot ko naman pagkatapos kong isara ang zipper ng maleta.Nanatiling nakatayo ang kapatid ko sa may pintuan mukhang hinihintay ako nitong matapos. Nakita kong hawak nito ang kaniyang necktie. Bumuntong-hininga ako at naglakad palapit sa kaniya at kinuha sa kamay niya ang necktie. Pinatuwid ko siya sa pagkakatayo para maayos kong maitali ang necktie niya.“Magka-college ka na, hindi ka pa rin marunong magsuot ng necktie.”Tipid siyang ngumiti habang natitig sa akin.“Nandiyan ka naman ate.”Nginisihan ko siya at tinulak palayo ang kaniya mukhang gamit ang palad ko. &nb
Read more
Chapter 8
 Alas dos na ng hapon nang makarating kami sa Pier. Bumaba muna kami ng sasakyan para bumili ng ticket sumakay muli para dumaan sa nagtitimbang ng sasakyan. Pagkatapos namin ay pansamantala muna naming iniwan ang sasakyan para magtungo sa grocery store at bumili ng kape at makakain. Ilang oras din kasi ang biyahe sa barko, just in case na magutom kami, bumili na ako ng mga puwedeng kainin. Paglingon ko sa pinakadulong bahagi ng estante ay may nakita akong kandila roon. Napalingon ako kay Sir Troy na abala sa pagkuha ng energy drink sa fridge ng café. Itinuro ko ang kandila sa tindera at sinabing bibili ako ng dalawang piraso. Mabuti na lang at pumayag itong pagbentahan ako ng tatlong piraso dahil may store na hindi nagbebenta ng per piraso.Nang makapagbayad na si Sir Troy ay sinabi kong mauna na siyang bumalik sa sasakyan. Kumuha na rin ako ng lighter at isinama sa kandila na nasa cashier’s desk.Napabuntong-hininga ako habang tinatanaw si Si
Read more
Chapter 9
 Gabi na nang makarating kami sa Pier ng El Nido. Inunahan ko na si Sir Troy na bumaba dahil antok na antok na ako at hindi man lang ako nakatulog sa buong biyahe dahil sa sobrang sama ng loob ko sa kaniya. From time to time na tatayo siya at maglalakad sa kung saan ay pinapanalangin kong madulas siya o hindi kaya ay madapa.“Louise!”Napalingon naman ako kay Millard nang tinawag nito ang pangalan ko. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa mga labi ko at kumaway pa ako rito. Naka-kotse rin pala ito. Kung wala lang sanang nakapagitan na sasakyan sa amin, edi sana mas nakikita ko pa siya nang malapitan ngayon. Kumaway rin ito sa akin na siya namang nagpakilig sa akin. Bakit feeling ko habang tumatanda kami lalo siyang gumuguwapo? He’s aging like a fine wine. Baka yummy rin!“Aray!”Inis na pinagmasdan ko si Sir Troy na pasimpleng dumaan sa harapan ko. Kung umarte ang kumag na ‘to parang hindi niya inapakan ang paa
Read more
Chapter 10
 Pagdating namin sa Nacpan Beach ay dumaan muna kami sa specific place kung saan nag-fi fill out ng details at magbabayad bago kami tuluyang papasukin sa lugar. Hindi ko mapigilan ang sarili sa pagkamangha sa mga nagtataasang puno ng niyog at iba’t ibang mga magagandang halamang nakapalibot sa entrance ng resort. Pagkapark ng sasakyan ni Sir Troy sa parking area ay mabilis akong bumaba.“Hoy, hoy Richelle!” Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko para mabilis makarating sa sand area ng Nacpan Beach Resort. Hindi ko na pinansin ang pagsigaw ni Sir Troy sa pangalan ko.“Wow. Parang paraiso.” bulong ko habang iniikot ko ang aking paningin sa malawak na karagatan. Ang buhangin ay ubod ng pino at ang kulay nito ay puti. Hinubad ko agad ang sapatos ko at excited na tumakbo-takbo sa buhangin. Hindi mainit ang buhangin dahil hindi mainit ang panahon ngayong araw. Ang haring araw ay natatabunan ng mga makakapal na ulap
Read more
DMCA.com Protection Status