Highschool sweet heart sina Monette Del Gado at Jared Lopez. Noong una, alangan si Jared kay Monette ngunit para sa dalaga, si Jared na ang kaniyang kapalaran. Kaya kahit na anong mangyari ay pinanatili niya ang relasyon nila ng binata. Karaniwan na sa isang relasyon ang paminasan-minsang hindi pagkakaunawaan. Umabot sila ng walong taon kahit na malaki ang disgusto ng mga magulang ni Monette sa binata. Ipinaglaban niya ito. Madaming pagkakataon na halos sumubok sa pag-iibigan nila at sa halos walong taon nilang relasyon, bukod-tanging si Monette ang nanatiling 'di nagbago sa kanilang dalawa. Kahit ang totoo'y labis-labis nang nasasaktan ang dalaga, pilit na inuunawa niya si Jared. Halos nalagpasan nila ang lahat ng uri ng pagsubok. Ngunit paano kung isang araw, subukin sila ng isang trahediya na babago sa pagkatao ng bawat isa. Kasabay ng trahedyang iyon, dumating ang isang matabang estrangherong hubad na lalaki sa buhay ni Jared. Nagpakilala ito bilang Eros at madami itong nalalaman tungkol sa kanila. Batid ng binata na hindi lamang pangkarinawang nilalang ang bagong kakilala. Malaking palaisipan din dito kung bakit siya lamang ang nakakakita at nakakausap dito. Ganunpaman, kahit anong tanggi ng isip niya ay nanatili siyang nakikinig at umaayon rito. Halos mabaliw-baliw na si Jared sa magiging desisyon. Hahayaan ba niyang pailalim sa mga dikta ng salita ni Eros o tuluyan siyang 'di maniniwala rito? Magpapailalim ba siya ng tuluyan sa binuong laro ng isang mapaglarong nilalang o ibibigay niya rito ang buong tiwala upang maisalba ang buhay ng nobya at maitama ang mga pagkakamali sa reyalidad?
View MoreMATAPOSna maihatid ni Jared sa mansiyon ng mga ito si Monette ay dumaan muna siya sa supermarket pala bumili ng beer can at mapupulutan na rin niya.Muli siyang bumalik sa burol upang doon uminom. Unang beses na iinom siya sa tanang buhay niya.Kaya ng makadalawang lata na siya ng beer ay mahilo-hilo na siya. Bubuksan na sana niya ang pangatlong lata ng makarinig siya ng tikhim sa tabi niya.“E-Eros? I-Ikaw nga ba iyan, o namamalikmata lang ako?”naiiling at nabubulol niyang sabi.“Of course! Ako nga si Eros ang magandang nilikha na hulog sa langit ng ama ng lahat!”kumumpas-kumpas pa ito sa harapan niya.
NANATILIlamang na nakahiga sa malambot niyang kama si Jared. Wala siyang kagana-gana sa mga oras na iyon.Ano bang bago, sa lumipas na araw ay nagkukulong na lamang siya sa sariling silid. Walang kinakausap, kinakatok lamang siya ng mga magulang kapag kakain na.Magkagayunman ay nawalan ng sigla sa lahat ng bagay ang binata.Tila may isang bahagi ng pagkatao niya ang tuluyang naiwala niya.Isang marahan pagkatok ang nadinig ni Jared mula sa pinto niya.“Kuya Jared! May bisita ka!”pagtawag sa kaniya ni Jhyruz mula sa labas ng nakasaradong pinto.“Pwedi ba ayaw kong tumanggap ng bisita ngayon. Kaya paalisin mo na!”Hiyaw ni Jared.Tuluyan siyang nagtalukbong ng kumot.Muli sanang sisigaw si Jared, dahil rinig niya ang pagbukas ng kaniyang pinto. Agad ang pagbangon nit
DUMAANang ilang araw, linggo at Buwan na lagi lamang sumusubaybay si Jared sa dalaga.Tuwing break time niya ay sinusundan niya ng palihim sakay ng itim niyang toyata ang pinupuntahan ng nobya.Tila naging instant stalker siya ng dalaga, sa totoo lang ay unti-unti ay natutunan na rin niyang tanggapin mula sa sarili na hindi talaga sila para sa isa’t isa nito.Ngunit may isang bahagi pa rin ng pagkatao niyang umaasa na balang-araw ay babalik sa dati ang lahat sa kanila ni Monette.Kabababa lamang ni Jared sa mga sandaling iyon sa sasakiyan niya nang sinalubong siya ng ina.“Saan ka galing iho, siya nga pala napatawag ang boss mo. Tinatanong
AGADang pagmulat ni Jared ng mga sandaling iyon, kinusot-kusot pa niya ang mga mata.Marahan niyang inilibot ang tingin sa buong paligid. Kasalukuyan siyang nasa function room sa kanilang kumpaniya ng mga sandaling iyon.Napatayo at bigla niyang ipinihit ang sarili ng biglang may mabunggo siyang babae.“Oh I’m sorry!”Agad na paghingi ng sorry ni Jared.“It’s okay Mr. Lopez, siya nga pala bakit andito ka pa? Kanina pa tapos ang general meeting diba?”Nagtatakang usisa nito sa binata.“G-Ganoon ba, siya nga pala s-sino ka ba? Bago ka lang ba r
WANGISng mga nagkatawang sanggol ang halos lahat ng naroroon, maliit na pak-pak sa bawat likuran ng mga ito. Nagkakaingayan at puno ng sigla ang buong paligid.Napapalibutan ng makakapal na puting ulap na animo’y kaysarap higaan. Nakatanglaw ang haring araw sa lahat na tila nakikisaya sa pag-iingayan ng mga nilalang na hindi magkamayaw.“Ano ka ngayon Eros, mukhang pumapalya na ata ang bisa ng kapangyarihan mo. Tanggapin mo na kasing nalalaos ka na!”Kantiyaw ng kasamahan nitong may kulay pulang buhok na kulot.Parehas niyang may maputing kulay din ng balat ito. May nakakabit din sa katawan nito na bow and arrow.Pero kapag buma
MULIisang tapik ang ginawa ni Brix sa braso ni Monette.“So balik na lang ako sa ibang araw, okay lang matapos ang burol ng Mommy at Daddy mo’y huwag ka munang magreport sa office,”bilin pa ni Brix.Mataman nag-isip si Jared. Agad ang pagbangon ng hinila sa sulok ng isipan nito.Pinigilan ni Jared na magtanong sa babae, dahil kasalukuyan itong nagdadalamhati sa pagkawala ng mga mgulang nito.Mahigit isang oras din siyang namalagi sa burol ng mga magulang ni Monette, bago ito magpasiyang magpaalam.“Kailan ka babalik love?”nasa tinig ng dalaga ang pag-aasam.
PATULOYlang sa pagtipa si Jared sa kaharap nitong laptop ng mga oras na iyon. Hinilot-hilot niya ang batok dahil nangalay na rin siya.Paano ba naman kasi nag-uwi na naman siya ng trabaho galing opisina. Sa dumaan na tatlong taon ay naging abala siya sa trabaho.Pabor sa kaniya iyon, dahil kinakailangan niyang abalahin ang isip.Inaakala ni Jared ay hindi na siya makakaligtas sa car accident na kinasangkutan nila ng nobya.Dahil halos mayupi ang harapan ng sasakiyan nila. Ipinagpapasalamat pa rin ng binata na walang napuruhan sa mga nakasakay sa bus na nakabanggaan nila. Katulad niya’y minor injuries lamang din naman ang natamo ng mga sakay sa pampasaherong sasakiyan.
NAPAGDESISYUNANni Jared na putulin na ang lahat ng ugnayan nila ng dalaga.Tinikis niyang hindi makipag-usap at makipagkita rito.Kahit panay pa rin ang pangungulit ni Monette sa kaniya nanatili siyang nagmatigas sa lumipas na Buwan.Pero sadiya yatang nanadiya ang tadhana sa kanila. Dahil isang araw ay dumating ang hindi inaasahan na trahediya sa buhay ni Monette para muli silang magkaroon ng koneksyon. . .“Andito na po ako Ma!”Agad pagtawag ng pansin ng binata.Ngunit nagtaka siya dahil hindi siya sinalubong ng gabing iyon ng ina.Tuluyan na niyang inalis ang suot na leader shoes, maski