Iniwan si Kea ng kanyang ina sa babaeng nabubuhay lamang sa pamamasura. Simula pagkabata niya ay namuhay na siya sa lansangan. Nang nasa panganib siya at akala niya ay iyon na ang katapusan ng kanyang buhay ay nakilala naman niya si Shilla—ang babaeng tumulong sa kanya para makaalis sa lansangan at makahanap ng pamilyang tutulong sa kanya sa buhay. Doon niya nakilala ang angkan ng mga Alcantara. Minahal siya ng mga ito na para bang isa siyang tunay na anak ng mga 'to. Kaya labis ang utang na loob niya kay Shilla, nangako siya rito na tutuparin niya ang lahat ng hihilingin nito pambawi sa buhay niyang niligtas nito. Dahil sa malaking utang na loob niya sa babaeng nagpabago ng kanyang buhay, ay hindi niya matanggihan ang alok nito na maging babae ng asawa nito. Kailangan niyang paibigin si Caleiv De Silva, para makalimutan nito ang asawa, na ilang buwan na lang ang natitira para mabuhay sa mundong ito. Labis ang pagtitiis niya sa ugali ng mag-ama dahil ayaw nito sa kanya noong una siyang dumating sa bahay ng mga ito. Ngunit di kalaunan ay natanggap din naman siya ng mag-ama lalo na at iniligtas niya ang buhay ng anak nito. Naging mabait ang dalawa sa kanya at sila na ang magkaramay sa lahat ng problemang dumating sa kanilang buhay. Pero anong gagawin niya kung unti-unti na siyang nahuhulog sa binata at saka naman bumalik ang asawa nito, at inaangkin ulit ang dating sa kanya? Makakaya kaya niyang iwan ang binata para matupad ang pangako niya sa babaeng nagpabago sa buhay niya?
View More