Once Loved by the Billionaire

Once Loved by the Billionaire

By:  Aesthetica_Rys  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
3Chapters
217views
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Mabigat man sa loob ni Amber ay mas pinili niya pa rin ang umalis at makipagsapalaran sa Maynila. Sa pag-aakala na mas gagaan ang buhay niya, ibang kapalaran pala ang naghihintay sa kaniya. Nagbago ang buhay niya ng makilala si Sean Matthew Balenciaga na tagapagmana ng mayamang pamilya na pinagtatrabahuhan niya. Ngunit dahil sa isang maling akusa ang wawarak sa mga puso nila dahilan para sapilitan na mapalayas si Amber. Huli na nang malaman niya na nagdadalang-tao siya. At makalipas ang dalawang taon, muling pinagtagpo ang mga landas nila. Huli na ba para kay Amber ang patawarin ang ama ng anak niya?

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
3 chapters
PROLOGUE
“Hindi kita niloko, Sean! At kailan man hindi ko magagawa ‘yon sa ‘yo,” pagpapaliwanag ni Amber habang patuloy sa pag-agos ang mga luha at walang humpay na sakit ang nagpapa bigat sa dibdib niya. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Sean at sinundan ng mga pag-iling. "Sa tingin mo maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo? I've seen enough, Amber. You are a cheater!” Napahagulgol na lang si Amber at napasabunot sa sarili habang nakaluhod sa harap ni Sean. Hindi na niya alam kung paano dedepensahan ang sarili at kung paano niya papaniwalain si Sean na hindi totoo ang ibinibintang sa kaniya. “H-hindi! Alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama. Paniwalaan mo naman ako! Please...” pagmamakaawa niya. Gumapang si Amber patungo sa p
Read more
CHAPTER 1
"SABAY na tayong umuwi, Amber!" Napalingon si Amber sa likuran niya kung saan nakatayo si Mica, kaibigan niya. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit para makauwi na. Katatapos lang ng buong araw niyang pagtatrabaho sa karinderya na tanging bumubuhay sa kaniya at sa kapatid na tanging kasama niya sa buhay dahil kamamatay lang ng lola niya. "O siya, bilisan mo. Hihintayin kita sa labas," wika niya sa kaibigan. Lumabas siya ng karinderya at doon hinintay ang kaibigan. Napangiti siya dahil bukas ay day off na nila."NAPAKASAMA talaga niyang pamilya Santiago na 'yan! Mga matapobre! Mayayabang sila kasi may pera sila," inis na inis na bulong ni Mica kay Amber. Iniiwasan niyang may makarinig. Nasa daan sila papauw
Read more
Chapter 2
AMBER’S POV Nagising ako dahil nakaramdam ako ng masakit sa bandang perlas ko. Nanatili akong nakapikit dahil sa antok at pagod na nararamdaman, marahil ay dahil masyado akong napagod sa paglilinis ng malaking kwarto— Mabilis na napadilat ako at napabangon nang may mapagtanto ako. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa katawan ko kahit na kinakabahan dahil batid kong may mali. Malalim na pagsinghap ang ginawa ko nang makitang tanging kumot lang ang nagsisilbing takip sa katawan ko. Nasaan ang mga damit ko? Bakit ako nakahubad? Napansin ko ang isa pang pares ng paa sa bandang kaliwa ko. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko ang katabi na nagmamay-ari ng mga paa na ‘yon. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas ay malinaw na nakita ko ang gwapong mukha ng katabi; maputi, makapal
Read more
DMCA.com Protection Status