A Wife For Revenge

A Wife For Revenge

By:  Daylan  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
12 Mga Ratings
10Mga Kabanata
3.4Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Mga bata pa lamang sila ay mahal na ni Ann ang CEO ng Luxury Hotel and Resort na si Collin, kaya nang ligawan siya nito at yayaing magpakasal agad ay hindi siya nagdalawang-isip at pumayag agad. Akala niya ay magiging masaya ang buhay niya dahil sa lalaking mahal niya siya nagpakasal ngunit nagkamali siya. Dahil kinasangkapan lang pala siya ni Collin para paghigantihan ang daddy nito na siyang pangalawang asawa ng mommy niya. Dahil sa sobrang pagmamahal niya sa asawa ay tiniis niya ang mga pasakit na ginagawa nito sa kanya. Ngunit hanggang saan ang gagawin niyang pagpapaka-martir dahil sa pag-ibig? Kung sobrang durog na durog na ang kanyang puso? Kung pati sa kanyang sarili ay tuluyan na siyang mawalan ng respeto at hindi na niya kaya pang bumangon pa? Bago pa mangyari iyon ay lumayo na siya habang dala sa sinapupunan niya ang bunga ng pagmamahal niya sa asawa. Pagkalipas ng limang taon ay muling nag-krus ang mga landas nila. Lahat gagawin ni Collin makuha lamang sa kanya ang anak nila. Ngunit hindi siya papayag sa plano nito dahil may sarili siyang plano. At ang planong iyon ay uumpisahan niya sa pamamagitan ng kanyang anak. Subaybayan ang kuwento ng isang babaeng sobrang nagmahal kaya sobrang nasaktan. Kung paano niya binuo ang pira-pirasong puso at kung paano niya pinalambot ang tila bakal na puso ng kanyang dating asawa sa pamamagitan ng kanilang nag-iisang anak na siyang muling magbubuklod sa kanilang dalawa.

view more
A Wife For Revenge Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Leny Alindogan Meneses
Hanggang 10chapter lang talaga ito ? Wala na bang kasunod.. matagal ang update po
2024-03-20 00:58:37
0
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
pls update nmn Ms author
2024-03-11 13:31:01
0
user avatar
Ruth Rendon
please complete the series
2023-09-27 20:39:26
0
default avatar
malditah
Ganda ng story.
2022-03-16 12:15:44
0
default avatar
CHEL
Ganda po ng story.
2022-03-16 12:06:26
1
user avatar
MATECA
good story
2022-01-29 09:11:55
0
user avatar
Rena Cheska Bustamante
update ka po pls...
2022-01-03 22:09:14
1
user avatar
Jen Rose Azulac Marcelo
next please
2022-01-01 11:37:31
1
user avatar
Jen Rose Azulac Marcelo
good story
2022-01-01 11:37:14
1
user avatar
Jen Rose Azulac Marcelo
good story
2022-01-01 11:36:57
1
default avatar
shinichistan
pa update po......️...️
2021-12-28 23:53:05
1
user avatar
Ovhei
very nice!
2021-12-16 22:46:48
1
10 Kabanata
Chapter 1
Araw ng kasal ko. Ikakasal ako sa lalaking minahal ko mula pagkabata kaya naman walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Naroon lahat sa loob ng simbahan ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Pakiramdam ko ay nakalutang ako alapaap nang mga sandaling ito. Sabihin man ng ibang tao na OA ang reaksyon kong ito ay wala akong pakialam. Hindi naman nila alam ang mga pinagdaanan ko bago kami nauwi sa simbahan ng lalaking pakakasalan ko na walang iba kundi si Collin Dela Serna. Ang kapitbahay at minahal ko ng lihim simula pa pagkabata namin. Suplado at aloof si Collin noon kaya hindi ko siya malapitan para makipag-kaibigan. Noong nagbinata siya at nagdalaga naman ako ay mas lalo lamang akong nawalan ng tsansa na makalapit sa kanya dahil maraming mga babae ang may gusto sa kanya sa school namin. Nanliliit ako sa sarili ko dahil kumpara sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay wala akong panama. Puro kasi magaganda, seksi, mestisa
Magbasa pa
Chapter 2
"Si Collin dumarating!"  Hindi ko magawang kumilos sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sigaw na iyon ng isa sa mga lalaking nasa loob kanina ng simbahan.  "Bakit ngayon ka lang, Collin? Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan itong nagawa mo? Hindi mo na inisip ang mararamdaman ni Ann," galit na tanong agad ng daddy ni Collin nang makapasok na sa loob ng simbahan ang binata. "I'm sorry. Medyo naparami kami ng inom kagabi ng mga kaibigan ko kaya't tinanghali ako ng gising," paumanhin ni Collin sa ama ngunit pakiramdam niya ay kulang iyon sa sinseridad. Parang hindi naman ito humihingi ng sorry kundi nagsasabi lamang ng dahilan kung bakit hindi ito nakarating sa kanilang kasal. "Wala na ang mga taong a-attend sana sa kasal ninyo pati na rin ang pari ay umalis na. Ano na ngayon ang gagawin mo?" narinig kong tanong ni Mommy kay Colt. Hindi pa kasi ako lumilingon. Nananatili l
Magbasa pa
Chapter 3
Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal ang asawa ko. Ito ang unang araw namin bilang mag-asawa kaya dapat lamang na pagsilbihan ko siya. Kahit paano ay marunong naman ako magluto ng pagkain pero mga basic lamang at iyong madaiing lutuin lamang. Pagkatapos ng handaan kahapon ay pareho kaming pagod kaya agad kaming nakatulog pagsapit ng gabi at walang pulot-gata na na naganap sa amin. Ayos lang 'yon dahil marami pa namang araw at isa pa'y hindi pa ako handa para sa bagay na iyon.  Tulog pa si Collin nang bumangon ako sa kama para ipaghanda siya ng almusal. Simplen almusal lang naman ang inihanda ko para sa kanya. Sinangag na kanin, itlog at bacon na may umuusok pang black cofee. Hindi kasi mahilig sa kape na may creamer ang asawa ko katulad ko. Sa kape pa lang ay nagkakasundo na kami kaya siguradong magkakasundo rin kami sa iba pang mga bagay. Tapos na akong magluto at nakahanda na ang almusal sa mesa na
Magbasa pa
Chapter 4
Pasado alas otso na ng umaga ngunit nananatiling nakahiga pa rin ako sa ibabaw ng kama ni Collin. Nakatulala lamang  sa ceiling ng kuwarto na tila wala sa aking sarili. Iniisip ko kung bangungot lamang ba ang nangyari kahapon sa pagitan namin ng asawa ko. Na hindi totoo ang sakit na naramdaman ko at hindi rin totoo ang natuklasan ko. Ngunit laking pagkadismaya ko nang pagbangon ko ay nakita ko ang mga inayos ko sa loob ng kuwarto para sana sorpresahin ang asawa ko. Muling nanariwa sa isip ko ang masasakit na salita na binitawan niya sa akin. Nakagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang pag-alpas ng isang hikbi. Ang sakit, ang sakit-sakit pa rin ng nararamdaman ko ngayon. San ay hindi na lang ako nagising para hindi ko na maramdaman ang sakit. Napahinto ako sa pag-iyak nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko kung saan nagmumula ang tunog dahil hindi ko makita kung nasaan ang phone ko. Nakita ko ito sa gilid sa ibaba ng kama. Hi
Magbasa pa
Chapter 5
Pagkagising ko kinabukasan ay wala pa rin si Collin. Nadudurog ang puso ko sa isiping magkasama ang dalawa sa buong magdamag habang ako ay parang tanga na hinihintay siyang umuwi sa condo. Kaysa isipin na naroon si Collin sa bahay ng ibang babae ay minabuti ko na lamang na alisin na ang mga nasayang na dekorasyonna ginawa ko. Mahirap na at baka maabutan pa iyon ng aking asawa ay mas lalo lamang siyang magalit sa akin dahil hindi ko pa naliligpit ang aking "kalat" Pagkatapos kong magligpit ay naglinis na rin ako ng buong condo at naglaba ng mga damit. Nilabhan ko rin ang mga maruruming damit ng asawa ko para naman pag-uwi niya ay matuwa siya sa akin kahit saglit lamang. Pagkatapos ko sa mga gawaing bahay ay saka pa lamang ako naligo at nagluto ng aking makakain. Kahit tila ayaw malunok ng pagkain ay pilit ko pa ring nilunok para malagyan ng laman ang aking sikmura. Kasalukuyan kong is
Magbasa pa
Chapter 6
Masakit ang ulo ko nang magmulat ako ng mga mata. Napansin ko na nasa loob na ako ng silid namin sa condo at nakahiga sa kama. Ang huling natatandaan ko ay bigla akong hinimatay matapos kong matagpuan ang kuwintas ni Collin na aksidente kong naitapon sa basurahan.  Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay bumangon pa rin ako sa kama at hinanap ang asawa ko ngunit wala siya sa loob ng condo. Nalungkot ako nang malaman kong umalis n siya kaagad. Hindi man lang niya ako ipinagluto ng almusal kahiy siguradong alam niya na masama ang pakiramdam ko dahil mainit ang katawan ko.   Walang ibang magbubuhat sa akin at magpapasok sa loob ng condo lalo pa ang bihisan at nilisan ako kundi ang asawa ko. Basang-basa ksi ako kagabi at maruming-marumi dahil sa mga basurang kinalkal ko mahanap lamang ang kuwintas niya. Kahit paano ay nakadama ako ng ligaya sa pag-iisip na binihisan at nilisan ako ni Collin. Ibig sab
Magbasa pa
Chapter 7
Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal si Collin. May kasabihan kasi tayo na "A way to a man's heart is through to his stomach" kaya naman susubukan ko ang paraan na 'yan at baka sakaling umepekto sa asawa ko.    Bago ako lumabas sa kusina para magluto ay naligo muna ako para presko at magaan sa pakiramdam. Napangiti ako paglabas ko sa kuwarto nang makita ko na bukas ang ilaw sa kabilang kuwarto kung saan natutulog si Collin. Hindi kasi kami magkasamang natutulog sa iisang kuwarto. Ako ang natutulog sa kuwarto niya noong wala pa siyang asawa at siya naman ay sa guest room natutulog.      Kahit magkaiba kami ng kuwartong tinutulugan ay masaya pa rin ako dahil umuuwi na siya rito tuwing gabi. Kahit ang simpleng bagay na iyon ay nagpapasaya na rin sa akin.       Hindi naman ako gano'n kagaling magluto pero ngayong may asawa na ako ay mas natuto pa ako. Para ka
Magbasa pa
Chapter 8
Hindi man lang nagpaliwanag sa akin si Collin pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina niya. Pagdating niya sa condo ay deretso lamang siya sa kuwarto niya na para bang walang nangyari. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko siya sa guest room na ngayon ay kuwarto na niya. Talagang hinintay ko ang pagdating niya para makapag-usap kaming dalawa.  "Anong kailangan mo?" malamig ang tono na tanong niya sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pintuan. Kahit konting pagka-guilty ay wala akong nababanaag sa kanyang mukha. Para bang hindi siya nagkaroon ng kasalanan sa akin.   "Hindi ka man lang ba magpapaliwanag tungkol sa nakita ko kanina sa loob ng opisina mo, Collin?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapatatag ang boses ko para huwag itong gumaralgal. Palagi na lang kasi akong nagmumukhang kawawa sa harapan niya kaya kahit sa mga ora na iyon ay maging matapang man lang ako na harapin siya. 
Magbasa pa
Chapter 9
Nagising ako sa isang silid na puro puti ang pinturang nakikita ng aking mga mata. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Ito ba ang langit? Magkakasunud-sunod kong tanong sa aking isipan. Ngunit dagli ring nabura ang ideyang patay na ako nang mapansin ko ang nakakabit na dextrose sa aking kamay. Hindi pala ako patay kundi nasa loob lang pala ako ng isang ospital. Malamang ay si Collin ang nagdala sa akin dito sa ospital.  Tinangka kong bumangon sa kinahihigaan ko. Hindi pa ako nakakabangon ng tuluyan nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Collin na may dalang   isang basket ng mga prutas. May pag-aalala na napatakbo siya palapit sa akin.  "Huwag ka munang bumangon at hindi ka pa magaling," pigil niya sa akin. Maingat na ibinalik niya ako sa pagkakahiga sa hospital bed. "Kumusta ang pakiramdam mo? Sumasakit ba ang sugat mo?"  Hindi ako makakibo. I'm speechl
Magbasa pa
Chapter 10
Pakiramdam ko ay may hindi nakikitang kamay na pumipiga sa aking puso. Ang sakit at tila ba hindi ako makahinga. Akala ko ay nag-uumpisa nang maayos ang relasyon namin ni Collin. Akala ko ay magiging maayos na ang pagsasama naming dalawa. Hindi pala. Dahil lahat ng iyon ay puro lang pala akala. Kalahating araw akong nag-iiyak hanggang sa ma-realized ko na hindi ako dapat na umiyak. Dapat ay ipaglaban ko ang karapatan ko bilang asawa ni Collin. Sa halip na magalit ako ay dapat ipakita ko kay Collin na karapat-dapat akong maging asawa niya. Sa isiping iyon ay lumakas ang loob ko. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat na magpatalo sa Samantha na iyon. Imbes na isipin ko ang nakita ko ay nilibang ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay at pagkatapos ay nag-grocery ako sa supermarket. Magluluto ako ng masasarap na pagkain at sabay kaming maghahapunan ng asawa ko. Pagkatapos kong magluto ng mga pagkain ay nagpahinga lang ako saglit pagkat
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status