One Night Stand With the CEO(GNPH1)

One Night Stand With the CEO(GNPH1)

By:  luna  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
0.0
Not enough ratings
4Chapters
138views
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Celine Rye Mendoza is an innocent, kind, beautiful, and also smart girl. She is the type of girl that all man wants because she is wife material. She's a 'No boyfriend since birth' kind of lady because, for her, dreams come first before love. Paano kung isang umaga ay makikita nalang niya ang kaniyang sarili sa loob ng hindi kilalang silid at katabi ang isang gwapong lalaki na walang saplot kagaya niya? Ano ang gagawin niya? Tatakasan ba niya ang lalaking iyon? O gusto niyang panagutan siya nito kahit hindi naman niya ito kilala? Paano kung mabuntis siya? Hahanapin ba niya ang lalaking nakabuntis sa kaniya? She doesn't know that the father of her child is a CEO of a big company. Paano kung malaman niya na ito pala ang ama at ang unang lalaking kumuha ng dangal niya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Will she be shocked? Or will she be angry? Paano kung ang bata ay ang daan para magkita sila ulit ngunit hindi niya kilala kung siya ba iyon o hindi? That child will be the way to find her true love.

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
4 chapters
Chapter 1.
(Celine's POV)  “Celine, sige na kasi!” niyugyug ako ni Aminah. Kanina pa nila ako pinipilit na sumama para magcelebrate raw kami sa club. Kaka-graduate lang namin kahapon at gusto nilang magsaya kahit ngayon lang daw.  “Ayoko! Magagalit si Nanay,” tanggi ko habang patuloy pa rin sa pagwawalis.  Nagwawalis lang ako ng bakuran namin nang bigla silang sumulpot. Akala ko kung anong kailangan nila, naga-aya naman pala ng inuman.  “Hindi ‘yan. Ako bahala sa'yo. At saka wala naman ang nanay mo rito kaya pwede kang sumama sa amin,” napatingin ako kay Betia nang kuhanin niya ang walis saka inilagay doon sa gilid ng bahay namin.  Nandoon sa probinsya si Nanay at bukas pa siya makaka-uwi rito. Kinuha niya roon ang kapatid kong lalaki para rito pag-aaralin at para na rin ma-kompleto ka
Read more
Chapter 2.
(Celine's POV)  Naalimpungan ako ng tumama ang araw sa mukha ko. Umupo ako sa pagkakahiga saka hinawakan ang aking ulo. S**t! Ang sakit ng ulo ko! Inilibot ko ang paningin ko at napakunot-noo nang ma-realize na hindi pamilyar ang kwartong ito.  Napakunot ang noo ko lalo nang maramdamang may nakadagan sa kaliwang paa ko. Tumingin ako sa gilid ko. Lumaki ang aking mata sa aking nakita. Isang lalaking nakadapa habang yakap-yakap ang unan. Wala itong saplot at tanging kumot lang ang nakatabing sa ibabang bahagi ng katawan nito.  Wala sa sarili akong napatingin sa sarili kong katawan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang wala akong samplot dahilan para kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Agad-agad kong hinila ang kumot paitaas para takpan ang aking katawan. “S**t! Hindi,” gulat kong bulong.  Hindi, hindi, hindi
Read more
chapter 3.
(Celine's POV)  Nagising ako nang makaramdam ako na parang naduduwal ako. Dali-dali akong tumayo saka dumiretso sa banyo. Hindi ko pinansin ang mga tawag nila Freya na alam kong kanina pa sila rito sa loob ng kwarto ko. Agad akong sumuka sa bukana ng inidoro habang nakaluhod.  Naramdaman kong may humawak sa buhok at tinali iyon. Hinayaan ko nalang at patuloy pa rin sa pagsusuka. Napaupo ako nang matapos. I feel weak and drained. Nakahawak rin ako sa tiyan ko dahil nakaramdam ako ng kaunting gutom.  “Are you okay, Celine?” napatingin ako kay Freya. Kasama niya ang tatlo ko pang kaibigan.  Mahina akong tumango. “Okay lang ako,” at sinusubukang tumayo ngunit napaupo rin dahil nanginginig ang tuhod ko.  “Celine, may pagkain sa study table mo. Kumain ka na. Alam naming hindi ka pa kumakain n
Read more
chapter 4.
(Celine's POV)  “Anong gagawin ko?” pabalik-balik akong naglakad sa harap nila Freya.  Nandito pa rin kami sa loob ng kwarto. Kinakabahan na ako kung ano ang posibleng mangyari. Sinabihan kasi nila ako na umamin kay Mama para malaman nito ang kalagayan ko. Alam kung magagalit ito ng husto at baka ipapalayas ako kaya kinakabahan ako.  Nang malaman ko na buntis ako ay huminto ang mundo ko. Nawalan ako ng lakas at blanko ang isip ko. Umiyak ako nang umiyak at napaisip nalang, wala na. Tapos na ang mga pangarap ko. Hindi ko naman sinadyang mangyari iyon. Hindi ko magawang sisihin ang mga kaibigan ko kaya sarili ko nalang ang sinisi ko. Sa totoo lang, wala naman talagang kasalan ang mga kaibigan ko dahil sariling katawan ko at sariling galaw ko ito. Parang nawala lahat ng pinaghirapan ko sa school. Parang isang pitik lang ay nawala na ang mga award na nakuha ko sa sc
Read more
DMCA.com Protection Status