My Love From The Past

My Love From The Past

By:  jeanneration  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
28Mga Kabanata
2.2Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Kilala si Lucky bilang sikat na artista ng kanyang panahon. Matapos ang isang trahedya, malalaman niya ang pinakatatagong lihim ng kanilang pamilya.

view more
My Love From The Past Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
28 Kabanata
Kabanata I
 Lucky's POV "Miss Lucky may emergency po." Bungad sa akin ni Yana, ang personal assistant ko, pagkapasok ng dressing room. Kakatapos palang ng guesting ko sa isang talk show at mukhang sasalubungin na naman ako ng isang masamang balita. "Kung tungkol na naman kay Agatha 'yan, don't bother. I knew it already, siya na ang bagong endorser ng Shoebizz and I don't care." Sagot ko at umupo na sa upuan ko. Alam kong magagalit na naman si Mommy dahil may tinanggihan na naman akong kontrata. But like I said kanina, I don't care. Hindi kayang abutin ng Shoebizz ang mga list of demands ko. So, why would I settle for less? Isa pa, hindi kawalan sa akin ang endorserment na iyon dahil madaming brands ang nagkakandarapang makuha ang pirma ko. Ako nga pala si Maria Anna Lucia de Legazpi o mas kilala bilang Lucky sa show business. Anak ng isang superstar at isang businessman.
Magbasa pa
Kabanata II
 Lucky's POV "Kapag nakita ko lang talaga ang Roy na 'yan, mata lang ang walang latay sa kanya." Sabi ni Kuya Leo habang kumakain kami sa canteen ng hospital. Inayos ko ang pagkakalugay ng buhok at ang shades na suot ko. Medyo may nakakahalata na kasi kung sino ako. "Sinabi mo pa, tutulong ako sa paghahanap sa lalaking iyon at tuturuan natin ng leksyon ang gagong iyon." Dagdag pa ni Kuya Paul dahilan para mapailing ako. "Sali din ako Kuya." Sabat naman ng kapatid kong si Harold na kanina pa nakikinig sa usapan naming magpipinsan. Pinitik ko naman ang ilong niya, "Hindi pwede dahil bata ka pa. 'Wag kang tutulad sa mga pinsan mong basagulero." Paalala ko sa kapatid ko. Sa pamilya nila Tatay, mas lamang ang bilang ng mga lalaki sa babae. Kakaunti lang ang mga babaeng de Legazpi kaya naman na overpower kami ng pagka-macho ng mga pinsan ko.&nb
Magbasa pa
Kabanata III
  Lucky's POV "Totoo ba ang balitang mamahinga ka sa show business?" Tanong ng reporter sa akin. Nandito ako ngayon sa premiere night ng movie ni Rita, isa sa mga alaga ni Ms. Martha. Obligado akong pumunta dahil na din sa utos ng manager ko at isa ito sa mga kondisyon niya bago ako mag-bakasyon. Ayoko sanang magpa-interview dahil ayokong maagaw ang atensyon kay Rita. Gabi niya ito, dapat nasa kanya ang atensyon ng mga tao. Ngunit wala na akong magawa, na-corner na ako ng mga reporter. "Gaano ka katagal magpapahinga?" "Saan mo binabalak na magbakasyon?" "Hey guys!" Bati ng lalaking sumulpot sa likuran ko at umakbay sa akin. Natigil lang ang sunod sunod na tanong ng mga reporter nang sumulpot si Kian, ang ka-love team ko. Matagal na akong napipikon sa lalaking ito, masyadong mayabang at ayaw n
Magbasa pa
Kabanata IV
 Lucky's POV Hindi maalis ang tingin ko sa papel na hawak ko.  Sila kaya ang mga babaeng nabiktima ng sumpa sa pamilya namin? Kasama ang pangalan ko! Hindi ko alam kung totoo ba ang sumpa dahil hindi ko pa nararanasang magmahal. Mabilis kong kinuha ang phone ko, "Hello." Sabi ko ng sagutin niya ang tawag. "I swear to god Lucky kung hindi ito emergency makakatikim ka ng sermon sa akin." Bungad ni Gio sa akin, ang nag-iisa kong bestfriend. "Sorry kung nagising kita." "Really? Are you?" Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa naging sagot niya sa akin. Kilala talaga ako ng lalaking ito. "Ano bang kailangan mo ngayong dis oras ng gabi?" "Gio, pwede mo ba akong samahan sa sementeryo?" "Sementeryo? Lucky, ano namang gagawin mo doon?" Gulat na tanong nito sa akin. Pakiramdam ko nawala pa ang antok sa boses ni
Magbasa pa
Kabanata V
 Lucky's POV "Ayoko."Sigaw ko at pilit na hinahawakan ang kamay niya. Ayokong bumitaw, ayoko siyang iwan dito. Hindi ko alam kung paano itutuloy ang buhay nang wala siya sa tabi ko. "Sabihin mong ayaw mo akong mawala sa tabi mo. Ikaw ang pipiliin ko." "Lucky." Sabi niya at binitawan ang kamay ko. Hinaplos niya ang pisngi ko dahilan para mapapikit ako at namnamin ang huling pagkakataong mahahawakan niya ang mukha ko. "Gustuhin ko mang manatili ka sa tabi ko, bumuo ng pamilya kasama ka ngunit hindi ito ang tamang panahon." "Paano mo naman nasabi?" Inis na tanong ko sa kanya. "Hindi ka naman manghuhula ahh. Nakausap mo ba si Papa Jesus? Hindi naman di ba? Kung sinabi man niyang oo, pwede naman natin siyang kausapin. Mabait 'yun, promise!" "May mga taong naghihintay sa pagbabalik mo. Maraming masasaktan kung mas pipiliin mong manatili sa panahong ito." Tinanggal ko ang k
Magbasa pa
Kabanata VI
 Lucky's POV Binabantayan ko ang lalaking naaksidente dahil sa pagiging paranoid ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung napatay ko ang lalaking ito. Teka! Nasa langit na ako, paano ko magagawang makapatay? Baka nakatulog lang siya sa ginawa ko. Hindi ko mapigilang mapapikit. Baka ipatapon na ako sa baba dahil sa kakagawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mapupunta ako sa impyerno. Mabuti nalang at sugat lang ang natamo niya. Muli akong napadasal dahil sa takot, "Lord, mabait ka naman di ba? Hindi mo naman ako basta bastang ipapatapon sa baba di ba? Sorry na! Hindi na mauulit, promise!" Bulong ko habang nakatingin sa langit. Agad ko nilinis ang sugat gamit ang tubig mula sa anyong tubig na katabi namin at tinalian ang sugat niya para hindi na muling magdugo. Pasalamat na din ako dahil tinuruan ako noon ng kasambahay namin kung paano gum
Magbasa pa
Kabanata VII
Lucky's POV  "S-salamat." Tanging nasabi ko habang buhat buhat niya ako. As usual, hindi na naman niya ako pinansin, nakatuon lang ang attention niya sa nilalakaran. Mabuti na iyon, mamaya kapag binuka na naman niya ang bibig niya, mauwi na naman kami sa away.  "Señorito Magnus, saan ka ba naglagi?" Tanong ng isang babaeng sumalubong sa amin. "Kanina ka pa hinahanap ng iyong ama." Hindi rin pinansin ng lalaki este ni Magnus ang babae. Ugali niya ba talagang mag-snob ng babae, gwapo ahh! "Nakipagkita ka na naman ba kay Juana? Tiyak na magagalit iyon kapag nalamang sinuway mo ang utos niya." Sabi nito na napapadyak pa sa sobrang stress. "Hindi magagalit si ama sa akin." 
Magbasa pa
Kabanata VIII
Lucky's POV Hindi ko mapigilang mapaubo dahil sa pagpapausok nila sa akin. "O masamang espiritu, lubayan mo ang katawan ng babaeng ito." Sabi ng mananambal na dumating.  Oo, mali ang dinig ko. Hindi manananggal ang tinawag nila, kundi mananambal. Kaya naman ngayon hawak hawak ako ng dalawang babae para hindi ako makatakas sa pag-orasyon sa akin. Tuloy tuloy lang ang pag-ubo ko at kita ko ang pag-aalala sa mukha ng pamilya ni Lucia lalo na ng babaeng feeling ko nanay niya. "Mang Tasyo, bakit hindi tumitigil sa pag-ubo ang anak ko?" Tanong nito. "Nilalabas niya ang mga masasamang espiritung bumabalot sa kanya." Sabi nito na nagpa-init ng ulo ko. Kung magpalit kaya namin ng pwesto at siya ang pausukan ko, tignan ko lang kung hindi siya ubuhin. Nakaupo si Magnus sa tabi ng tatay ni Lucia at pinapanuod ang pagpapahirap sa akin. For sure, tuwang tuwa siyang nahihirapan ako ngayon.
Magbasa pa
Kabanata IX
 Lucia's POV Paano ko ba ma-contact itong si Lucia?  Alam kong konektado siya sa sumpa. Hindi naman siguro ako ipapadala sa panahong ito na walang dahilan. Buong gabi kong kinakausap ang sarili ko baka sakaling magsalita itong si Lucia pero nagmukha lang akong tanga. "Hoy babaeng talandi. Alam kong nandito ka lang sa loob ng katawan na ito, kaya naman lumabas ka na at kausapin mo ako." Sabi ko sa harap ng salamin. Naghintay akong ilang segundo pero wala akong narinig mula sa kanya.  "Sasaktan ko itong katawan mo?" Panghahamon ko pero wala akong narinig mukha sa kanya. Kaya naman kinuha ang isang suklay at sinaksak ang sikmura ko. Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig, bukod sa sobrang sakit ay muntikan na akong masuka sa kalokohan ko. Sandali akong natigilan nang may kumatok sa kwarto. "Señorita Lucia, ma
Magbasa pa
Kabanata X
 "Señorita, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Perlita nang makita akong nakadungaw sa bintana sa kalaliman ng gabi. Hindi ko siya pinansin. Feeling ko ang habang oras sa panahong ito, bawat segundo parang oras ang katumbas. Ganun yata kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo or sa case ko napuntahan kong panahon. Lucia. Lucia. Lucia. Bakit mo naman kasi sinumpa ang angkan mo? Para sa lalaking hindi ka mahal. Dagukan nalang kaya kita baka sakaling matauhan ka. Paksht ka! Ang dami mong sinirang buhay dahil sa pagiging bitter mo. Bwisit ka. "Perlita." Sabi ko nang tumabi siya sa akin. "Anong klaseng babae ako noon?" Ngumiti si Perlita. "Masunurin kang anak, mapagmahal at malambing kaya naman paborito kang anak ni Señor at Señora. Sinubukan mong magsanay kung paano maging isang maybahay ngunit nahirapan ka dahil hindi ka naman sanay sa gawaing bahay.
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status