Ang Kwintas

Ang Kwintas

By:  Cristina_deLeon  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
29Chapters
289views
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Tumakas si Nikki sa obsess na kababata para hanapin si Christian sa Manila. Pero paano kung hindi na siya maalala nito at ikakasal na pala ito sa iba? At paano rin kung sundan siya ni Saion doon na gagawin ang lahat para makuha lamang siya kahit pa ang pumatay? Sila pa rin kaya ni Christian sa bandang huli?

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
29 chapters
Prologue: The Necklace
Prologue: The NecklaceWritten By: Cristina de Leon ILANG LINGGO na rin simula no'ng mailibing ang mama at papa niya. Isang pangyayari ang naganap na tuluyang nagpabago sa buhay niya. Parehong namatay ang mga ito sa isang sunog na pinagtatrabahuhan ng mga ito bilang factory worker kaya napilitan siyang isanla ang bahay at lupa nila para lang may maipalibing ang mga ito. Malapit na rin siyang pumunta sa Manila para roon mag-trabaho. Aalis siya sa lugar na ito dahil wala na rin naman siya ritong matitirhan. Ang lugar na kinalakhan niya...Muling nagbalik sa ala-ala niya ang masayang pamilya na mayroon siya noon. Napakabait ng mga magulang niya no'ng nabubuhay pa ang mga ito. Kailan man ay hindi nag-away ang mga ito at sa kabila ng edad ay napaka-sweet pa rin sa isa't-isa. Naging mabuti ring mga magulang ang mga ito para sa kanya kahit na mahirap lang sila. Sa tuwing maiisip niya ang mga ito ay hindi niya maiwasang ma
Read more
Chapter 1.1 : Nikki's Family
Chapter 1.1 : Nikki's FamilyWritten By: Cristina_de Leon HACIENDA YBANEZ. Nakasalubong niya sa pagdating niya ang mga ate niyang sina Bettina at Margaret. Paakyat na sana siya sa hagdan nang harangin siya ng dalawa. Hindi niya kasundo ang dalawa noon pa man. Hindi niya alam kung bakit pero alam niya na mabigat ang loob ng dalawa sa kanya. Marahil dahil na rin sa siya ang paborito ng daddy nila.“Saan ka na naman nanggaling? Nakipaglandian ka na naman do'n sa lalaking nagtitinda ng isda sa palengke ‘no? Hmp! No wonder, malansa ka!” Nakataas ang kilay na sabi ni Bettina.“Ate, nakapagtataka pa ba naman iyon? E, malandi ang nanay niyan kaya natural malandi rin siya! Nakakatawa lang kasi, ni hindi na namili ng lalaki! Do'n pa sa hampaslupa pumapatol! Pero sabagay, bagay nga naman pala kayo kasi isa ka ring basura!” pang-iinsulto naman ni Ma
Read more
Chapter 1.2: Saion Fortalejo
Chapter 1.2: Saion FortalejoWritten By: Cristina de Leon HACIENDA FORTALEJO.            “Tito Manuel, where’s Nikki? Bakit hindi n’yo yata siya kasama?” takang tanong ni Saion nang hindi nito makita si Nikki sa kotse.            “I’m sorry, Saion, masakit daw ang ulo niya kaya hindi raw siya makakarating para salubungin ka.”           “Gano'n ba? Alagaan ninyong mabuti si Nikki dahil ayaw ko siyang nagkakasakit," bilin na lang nito na parang na-disappoint nang hindi makita ang inaasahan nito.            Nang makarating sa loob ay inuman na kaagad ang inuna nila pagdating sa marangyang sala ng mga Fortalejo. Hindi n
Read more
Chapter 1.3: Ang Paghihiwalay
Chapter 1.3: Ang PaghihiwalayWritten By: Cristina de Leon NANG MAKAHANAP ng pagkakataon ay palihim na tumakas si Nikki. Alam niyang magagalit ang daddy niya na umalis siya na walang paalam pero kailangan niyang puntahan si Christian. Ngayon na kasi ang alis nito papuntang Manila.Napangiti ito nang makita siya sa terminal ng bus. Mukhang matagal yata itong naghintay sa kanya."Akala ko, wala ka nang balak na puntahan ako, e. Sasakay na sana ako sa bus," tudyo nito."Gusto mong patayin kita? Hindi ka aalis dito nang wala kang kiss and hug mula sa akin!" nakangusong sabi niya saka ngumiti nang mahawa siya sa napaka-cute ring ngiti nito.Hawak-kamay silang nagpunta sa simbahan. Hindi niya maiwasang hindi mapatingin kay Christian habang nagdadasal ito nang mapayapa. Kumabog nang malakas ang dibdib niya habang tinititigan ang mukha nito na nakapikit pa at magkadikit ang dalawang palad. Napaka-cute
Read more
Chapter 2.1: Ang Utang
Chapter 2.1: Ang UtangWritten By: Cristina de Leon             NAGALIT si Saion nang dumating ito na wala na si Nikki sa Hacienda Ybanez. Naghintay ito nang napakatagal pero ni anino ni Nikki ay hindi nito nakita.            “May kasunduan tayo na makikita ko si Nikki ngayon pero hindi ka tumupad. Hindi mo rin nagawang dalhin siya no'ng araw na dumating ako at pinalagpas ko iyon. Pero ngayon ay hindi na! Huwag mo akong niloloko, Tito Manuel. Alam ko naman na dati pa ay ayaw mo na sa akin para sa anak mo, hindi ba? Pinaalis mo ba siya? Kinunsinti mo ba? Kapag nalaman ko na may ibang lalaki iyang anak mo ay magkapasensyahan na tayo!” Galit na galit si Saion. Halos nawalan na ito nang galang sa kanya nang marinig nito ang pinagke-kwentuhan nina Margaret at Bettina na baka pinuntahan na naman ni N
Read more
Chapter 2.3: Forced Love
Chapter 2.3: Forced LoveWritten By: Cristina de Leon KINABUKASAN...            Tuwang-tuwang niyakap ni Saion si Nikki pagkakita nito sa babae. Hindi malaman ni Don Manuel kung maaawa ba siya kay Saion o hindi. Masyado itong sabik na sabik kay Nikki.­­Si Nikki naman ay hindi alam kung paanong kikilos. Naaasiwa siya sa yakap ni Saion pero hindi naman niya magawang itulak ito dahil sa hiya. Nasa harap kasi sila ng daddy niya at ni Senator Fortalejo.            Iniwan na sila nina Senator Fortalejo at ng Daddy niya sa sala. Asikasong-asikaso siya ni Saion at pinakita pa at pinagmalaki ang mga list of achievements nito sa kanya.Nalula rin naman siya kahit papaano sa dami ng medals, trophy at awards na nakuha nito. Lahat ng iyon ay mga achievements ni Saion hind
Read more
Chapter 2.2: Obsessive Love
Chapter 2.2: Obsessive LoveWritten By: Cristina de Leon NAGPUNTA si Saion sa Phoenix Bar and Grill para magpakalasing. Kabi-kabila ang mga babaeng nakapulupot sa kanya pero wala siyang pakiaalam dahil nagpunta lang naman siya roon para uminom at mag-alis ng sama ng loob.Hanggang ngayon ay alam niya na ayaw pa rin sa kanya ni Nikki. Patunay lang na hindi nito ninais na makipagkita sa kanya at sa halip ay nagpunta pa ito sa boyfriend nito. Naging loyal siya rito kahit nasa ibang bansa siya pero ito ay pinagpalit na siya sa ibang lalaki!            “Oh, pare, problema mo? Nakita mo na ba ang prinsesa mo?” pagbibiro ni Arnold. Ang nag-iisang kaibigan ni Saion sa lugar na iyon dahil tanging ito lang ang nakakatiis sa ugali niya.            “Hindi, Arnold! Alam mo ba kung bakit
Read more
Chapter 3.1: Cinderello
Chapter 3: CinderelloWritten By: Cristina de Leon             SA KABILANG DAKO ay narating na ni Christian ang Manila. Totoo nga ang mga sinabi ni Nikki noon. Napakaganda nga ng Manila. Maraming mga nagtatayugang buildings at magagandang lugar. Bukod doon ay talagang mas maraming opportunity na hindi niya makikita sa San Felipe para sa mga taong katulad niya. Pero sa kasamaang palad ay wala siyang pagkakataon para i-grab ang opportunity na iyon dahil heto siya at nakakulong sa isang trabaho na wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gawin.            Nakilala niya ang Tito Victor niya, ang kapatid ng ina niya na dati ring galing sa hirap at ngayon ay may kaunti na ring narating sa buhay. Ang asawa nitong si Imelda na walang ibang ginawa kundi ang sumbatan siya sa pagpapatira ng mga ito roon sa kanya
Read more
Chapter 3.2 : Matamis Na Ala-Ala...
Chapter 3.2 : Matamis Na Ala-Ala...Written By: Cristina de Leon "BILISAN MO, GIRL! Mahuhuli tayo ni Teacher Abie niyan e!" Narinig niyang may nagsalita mula sa kabilang bahagi ng pader.Naroon siya sa likod ng school para magbasa ng libro. Mas nakakapag-concentrate kasi siya kapag mag-isa at nakahigang nagbabasa roon sa damuhan pero may maingay pa rin pala kahit umiiwas na siya sa ingay.Iritableng napalingon siya sa nagsasalita. Nakita niya ang pinakasikat na babae sa school. Si Nikki Ybanez.Sobrang ganda ng mukha nito. Maputi, mahaba ang super straight na buhok at nakakahumaling ang mga mata. Mas lalo itong gumaganda kapag ngumingiti ito. Bukod doon ay sexy pa ito at mayaman. Leader ng cheering squad kaya halos lahat ng lalaki sa campus na kakilala niya ay may gusto rito o nagdaan sa pagkakagusto rito kahit na second year high school pa lang ito.Well, except lang siya. He finds her so irri
Read more
Chapter 4.1 : Trapped
Chapter 4.1 : TrappedWritten By: Cristina de Leon NAGULAT si Nikki nang magising siya kinabukasan. Dahil katabi na niya si Saion at titig na titig ito sa kanya habang haplos ang mukha niya. Para bang hindi na ito natulog buong gabi nang dahil sa pagbabantay sa kanya. Pero ang higit na nagpabigla sa kanya ay nang mapansin na wala na siya sa sariling kwarto. Bahay na ng mga Fortalejo iyon!Bumangon siya at pinilit inalala ang nangyari kagabi. May pinainom sa kanya ang Daddy Manuel niya na naging sanhi kaya siya nawalan ng malay.Napapikit siya sa kunsimisyon. Hindi makapaniwala na ipinagkakanulo na siya ng sariling ama ngayon para lang sa lalaking ito na humaling na humaling sa kanya. Ano na bang nangyayari sa daddy niya? Hindi naman ito dating ganoon.            “”Alam mo bang ito ang pangarap ko, Nikki?” Ang magising sa umaga n
Read more
DMCA.com Protection Status