Matalino, may kagandahang kaakit-akit, ngunit kinakatakutan ng karamihan ang kanyang taglay na aura. Isang babaeng walang kinakatakunan, short-tempered at walang damdamin. Natural na marahil sa mga babaeng katulad ni Margareth ang palaging mahusgahan. Isang sikat na writer mula sa Europe na ayun sa karamihan ay assistant ng demonyo sa impyerno. Ang lahat ng iyon ay pagkakilala lamang ng mga taong hindi malapit sa buhay niya. Kung naging pribado man siya ngayon, iyon ay dahil sa kanyang karanasan sa buhay. Ang mga sugat at marka ng mula sa kahapon na pilit niyang pina-hihilom sa paglipas ng mga taon. Ngunit paano kung ang sumugat nito ay muling mamimilit bumalik sa sarado na niyang puso? Matitibag pa kaya ang pader na nakapalibot roon?
View MoreNAKAKUYOM ang kamao at nag-iinit ang ulo ni Andrew habang tinatanaw ang malalaking hakbang palayo na si Margareth. Marami pa siyang gustong sabihin, marami pang gustong itanong, at gusto pa niya ng maraming oras na makausap ito ng masinsinan. Alam niyang wala itong plano na pakinggan ang kahit anong paliwanag niya at iyon ang ikina inisan niya. Hindi man lang siya nito hinayaang makapagsalitang muli at lakad-takbo itong umalis.HALO-halong emosyon ang naramdaman ni Margareth habang nakatingala sa kisame at nakalapat ang kanyang likod sa malambot na kama. Pagod na kanyang katawan ngunit ang kanyang diwa ay pilit na nagpaparusa dahil sa walang hanggang pag liwaliw ng kanyang diwa.
Lumipas pa ang ilang araw ay naganap ang formal contract signing with live airing sa mass media at nagkaroon ng formal script reading ang mga bidang artista. Pagkatapos ng event ay napag pasyahan na lumibot-libot ni Margareth. Dahil malapit lang naman ang convention nila sa BGC ay diretso na sila sa Ayala Malls kasama si Chelo at Rene.Namangha siya sa kasalukuyang pinagbago ng lugar matapos ang sampung taon. Binisita niya ang mga bookstore at nasa estante ang libro niya sa ilang bookstores na napasukan.Bago siya lumabas sa isang bookstore doon ay may nakita siyang isang lalaki na lumapit sa estante kung saan naka patong ang kanyang mga poetry. Naka focus it
MAAGANG nagising si Margareth upang i-check ang mga important emails niya. Kahit pa nandyan si Chelo, ang kanyang assistant ay mabusisi niya pa rin binabasa ang mga emails lalo at ngayon ay isa na siyang sikat na writer.Isa siyang poetry writer hanggang siya'y magkwento sa pamamagitan ng pagsulat. Ngayon ay nakapagsulat siya ng pang ikatlong nobela na pinamagatan niyang Tragic Young Lovers. Dahil sa pagiging isang misteryosong writer na nakatago sa likod ng isang masquerade mask, mas lalong nabuhay ang kyuryusidad ng kanyang mga mambabasa at pilit siyang kinikila base sa kanyang mga isinusulat. Sa launching ng kanyang libro ay dinumog siya ng mga taga-supporta mula sa book signing hanggang sa mabilisang pagsold-out sa kanilang online bookstore. Sa tulong na rin ng mga influencers ay mas domoble ang sales nila kum