ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)

ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)

От :  Iza Wan  Полный текст
Язык: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 Рейтинг
36Главы
7.5KКол-во прочтений
Читать
Добавить в мою библиотеку

Share:  

Report
Aннотация
Каталог
Пишите ваше обозрение в приложении

NAGING mahirap ang buhay para kay Sunshine simula nang yumao ang ama at magkasakit naman ang ina. Mabuti na lamang at nagawa niyang pag-aralin ang sarili hanggang sa matapos niya ang kolehiyo. Naka-graduate man, hindi na siya nag-inarte sa kung ano ang trabahong pwede niyang pasukan. As long as her job can provide her mother's maintenance, go lang. Besides, nag-e-enjoy naman siya kahit pa minsan ang gabi ginagawa niyang araw. Papasok siya bilang waitress mula tanghali hanggang gabi at fire dancer naman hanggang hatinggabi. Nakakapagod, pero kailangan– para sa kaniyang Mamang. Maayos naman sana ang lahat, not until this summer. Not until she met Norman Luther. Ang arogante sa lahat ng aroganteng nakasalamuha niyang bakasyunista ng Palacio Grande Resort, na pinsan ng kaniyang Boss Lowelle at isa sa may pinakamalaking share sa resort na iyon. Hindi maintindihan ni Sunshine kung ano ang kasalanang nagawa niya sa lalaki at trip na trip siya ng lalaki. Na sa sobrang pan-ti-trip nito, ipinatanggal pa talaga siya sa trabahong matagal niyang iningatan dahil lang hindi niya tinanggap ang alok nito. Alok na nagpababa sa kaniyang dignidad at pagkatao. Mahuhulog kaya si Sunshine sa bitag ng binatang gumulo sa nananahimik niyang buhay, gayong ginagamit na ni Norman ang 'impluwensiya' makuha lang ang dalaga?

Узнайте больше
ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Комментарии
user avatar
endlessutopia
exciting po ng story, good luck pooo ... aabangan ko ito hanggang duloooo
2022-01-28 20:58:16
1
user avatar
Denniza Catap
nice Ang story..
2022-01-27 12:19:09
2
user avatar
Rachel Arcalas
gusto ko Tung story na to..
2022-01-27 09:18:08
2
user avatar
Rachel Arcalas
subrang ganda ng story na to writer.maraming salamat po.
2022-01-27 09:17:27
1
36
Chapter 1: The Fire Dancer
  “MAMANG, kumusta na ang pakiramdam mo?" Bumungad sa maliit na silid ang banayad na boses ng beinte dos anyos na si Sunshine pagpasok nito sa kwarto ng ina.   Agad na nilapitan ang ginang na nakaupo sa higaang yari sa papag at nakasandal sa dingding sa likod nito. Inayos niya sa pagkakasandal ang ina, nilagyan ng unan ang likod para maginhawahan ito.   "Ayos na, anak. Sige na, umalis ka na at huling-huli ka na sa trabaho mo. Nandiyan na rin naman si Espie, siya na ang bahala sa akin," pagtataboy Aling Aurora sa anak, pagkaraa'y bumunghalit ito ng ubo.   Napapabuntonghininga si Sunshine habang hinihimas ang likod ng ina. "Sige po. Pasensiya ka na, Mang. Gusto ko man na ako ang mag-alaga sa inyo, hindi naman ako pwedeng mag-absent. Nag-uumpisa na po kasing dumami ang mga turista, kulang na kulang pa sa tauhan ang restobar." Halata sa tinig ng dalaga ang pag-aalala. Kung pwede lang na mag-absent muna siya sa t
Читайте больше
Chapter 2: The Arrogant Luther
"GOOD MORNING, Mr. Luther. Our chef would like to know what do you want for breakfast," tinig mula sa kabilang linya nang abutin niya ang awditibo ng nag-iingay na telepono."Just tell him that I will be downstairs." Ibinaba ni Norman ang apararo at inayos na ang sarili.Tinungo niya ang tokador at kinuha ang puting long-sleeve fitted shirt na may bahid na asul sa balikat. Tinernuhan iyon ng itim na cargo pants at itim na sandalyas na sapin sa paa. Itinali niya ng rubber-band ang buhok na hanggang batok ang haba saka inililis ang sleeve hanggang siko, bahagya rin siyang nagwisik ng Canary perfume bago tuluyang lumabas ng suite.Plano lamang niyang maglibot sa paligid ng resort na pag-aari ng kaniyang tiyuhin pagkatapos ng agahan. Titingnan niya muna kung ano ang pwedeng gawin sa loob ng isang buwan na maglalagi siya roon.Pagbaba niya sa lobby ay agad siyang pinalibutan ng apat niyang bodyguard, na nakapagbigay sa kaniya ng iritasiyon. Bak
Читайте больше
Chapter 3: He's Enjoying The Show
"Anong problema mo?!" bulalas ni Sunshine nang mag-angat siya ng mukha at tiningnan ang lalaking tumabig sa mga dala niya.Saglit na natigilan si Norman sa dalagang kababakasan ng galit. Pinakatitigan niya ito. Hindi niya maintindihan, pero ang galit nitong mukha ay higit na nakakuha sa kaniyang atensiyon. Para itong maamong tupa noong nakangiti, ngunit naging leon nang ginalit."Anong problema ko? Kanina ko pa kinukuha ang atensiyon mo para ibigay ang order ko, pero hindi ka man lang lumalapit!" singhal ni Norman na halos magtalsikan na ang laway nang makabawi ito sa pagkatulala. Nanlilisik pa ang mga mata nito sa hindi malamang dahilan.Natigagal ang dalaga dahil sa sinabi ng kaharap, muling napaawang ang bibig nito at inis na itinirik ang mga mata. Pilit humuhugot ng pasensiya."Sir, kaliwa't kanan po ang ang kostumer ko. Sinusubukan ko kayong lapitan pero may mga lumalapit naman po sa inyo na kasamahan ko, kaya iyong iba na ang
Читайте больше
Chapter 4: Bed Pleasurer
“Do you want me to enjoy my stay here?” Humarap siya kay Lowie na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi. “Ofcourse! It's an honor for the resort, that the famous Luther is enjoying his stay here!” “Then do me a favor,” aniya na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mga labi. “What favor?” “I want Sunshine.” “What!? Are you serious?!” “Yes, and if you do that, I will give you unlimited access in my airline. Unlimited ticket, unlimited tours, what else?” “Woah! Pinsan, nahihibang ka ba? Talagang iyan ang kapalit ni Sunshine?” “Kidding aside, Low. You could have all that privileges once you convince her. I don't know if I can. Actually, hindi lang ikaw ang nag-offer sa akin para lang kumbinsihin siya na sumama
Читайте больше
Chapter 5: She's Pretty and Damn Sexy
PAULIT-ULIT na umaalingaw-ngaw sa kaniyang isip ang pagtangging iyon ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pa niya pinag-aaksayahan ng oras upang isipin ang babaeng iyon.'Ha! Akala mo napakaganda! Kung makapagsalita. Tsk!'Para siyang tangang kinakausap ang sarili. Hindi niya kayang aminin na may babaeng tumanggi sa kaniya. Dahil iyon ang unang beses! Samantalang… ha!'Hindi ba niya alam na babae ang humahabol sa akin?! Ni hindi ko na nga kinakailangang bayaran ng ganoon kalaking halaga! Sila mismo gusto akong makasama! Pero siya?! Sampung milyon! Tinanggihan niya?!''Teka nga! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hayssss! Grabe kang babae ka!'Sa sobrang inis ni Norman ay naihagis niya ang unan. Simula kasi nang makausap niya kanina si Sunshine ay para na siyang siraulo. Pilit na umuukilkil sa kaniyang balintataw ang malungkot nitong mga mata. Hanggang sa makarating na nga lang siya sa suite na inookupahan niya ay ito p
Читайте больше
Chapter 6: Conditions
"YOU ARE?" tanong ng babaeng nasa mid 30's marahil ang edad, habang nakatingin sa resumè niya na hawak nito. "Sunshine Valdez, Ma'am." "Hmmm… you came from Hell Grill Restobar at Palacio Grande. You work there for two years? When did you stop?" "Recently lang po, Ma'am." "May I know why?" matiim itong nakatitig sa kaniya, para bang hinahalukay nito sa kaniyang kaibuturan ang katotohanan sa kaniyang isasagot. "Ahm… my boss fired me." Yumuko siya pagkasabi no'n. Narinig niyang bumunt
Читайте больше
Chapter 7: Not Attracted
"TATANGGAPIN ko ang trabahong iniaalok mo. Pero may kondisyon ako."Sumilay ang ngiti ng tagumpay sa mga labi ni Norman pagkarinig sa sinabing iyon ni Sunshine na nagpaulit-ulit pa sa kaniyang isip. Dahan-dahan siyang humarap sa dalaga at ipinaskil ang seryosong mukha."What is it?" pigil ang sariling ipakita ang tuwang nadarama na tanong niya."Ahh… n-no sex involve! P-pagsisilbihan lang kita! Susundin ko lahat ng ipag-ipag-uutos mo, p-pero hindi ang p-pagsilbihan ka sa kama!" nauutal na anang dalaga."Alam m—""Hep! Hindi pa ako tapos! Hindi ko kailangan ng ten million mo. You just need to pa
Читайте больше
Chapter 8: Gusto Mong Tikman?
"Clean my room first, the first door on your left." "Ah… nasaan ang cleaning materials, sir?" malumanay niyang tanong. "Next door to the bathroom, it's the storage room… and that would be your room. Just clean it later." "Y-yes, sir." Mabilis siyang tumalima. Pinasok niya ang storage room at gano'n na lamang ang pagkakunot ng kaniyang noo, dahil taliwas iyon sa kaniyang inaasahan. Masinop na nakasalansan ang mga gamit doon at ni alikabok ay wala siyang makita. At malaki iyon para sa isang storage room. Hinanap niya ang pinaglalagyan ng cleaning materials at kinuha ang mga kakailanganin niya. Pagkatapos ay tinungo na niya ang silid ng amo. "Eehh?" anas niya nang maigala ang paningin sa kabuuan ng silid. "Anong lilinisin ko rito?" mahina niyang usal. Paano ba naman ay napakaaliwalas ng kuwarto. Wala siyang makitang kahit kaunt
Читайте больше
Chapter 9: Stop Staring
"Hi, Summer!" bati ng isang foreigner at nang lingunin iyon ng dalaga ay hindi niya napigilang hindi mapangiti.   "Hello, Sir!" ganting bati niya.   "You look pretty with your dress," papuri nito sa kaniya.   "Thank you, Sir."
Читайте больше
Chapter 10: Mamang
"Surprise!"   "What are you doing here?" gulat na tanong ni Norman ng mabungaran niya sa loob ng suite na prenteng nakaupo sa sofa ang isang maganda at sopistikadang babae.   Wala naman talaga siyang lakad, inihatid lang niya ng personal si Sunny pagkatapos ay dumiretso na siyang muli rito sa suite upang magkulong. Pero ito ang dadatnan niya? Tsk!   "I'm on vacation. Then, I heard from someone that you are also here. That is why I'm here," malanding sagot ng babae. Tumayo ito at iniangkla ang mga braso sa batok ng binata.   Iritadong binaklas ni Norman ang mga kamay ng dalaga at salubong ang mga kilay na naupo sa single sofa.   "Who gave you the access here?"   "Well, Lowelle knows me." Umupo ito sa tabi ng binata at walang salitang hinalikan ito.   "Come on, Claire. I'm not in the mood," iritadong inilayo ni Norman ang mga labi sa dalaga
Читайте больше
DMCA.com Protection Status