Stuck With The Billionaire

Stuck With The Billionaire

By:  Iya Perez   Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
14 Mga Ratings
136Mga Kabanata
70.0Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Paano kung ang buhay mo na inaakala mong sa'yo, ay hiram lang pala mula sa taong matagal nang wala? At sa tulong ng isang guwapong bilyonaryo na ang ngalan ay Jacob Castillo, matutuklasan ni Andra ang malalim na lihim ng kaniyang pagkatao.

view more
Stuck With The Billionaire Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Leny Alindogan Meneses
Ang ganda ng story.. i give 10star
2024-02-28 21:25:20
0
user avatar
Naduma Liza
nice story thank you
2023-10-02 11:30:01
0
user avatar
Gene Darden
ang ganda ng story... basahin nyo rin... kikiligin kayo(:
2023-01-12 21:10:00
3
user avatar
Gene Darden
ang cute at ang ganda ng story... daming kilig moments eh... thanks Ms. Iya.
2023-01-07 15:26:17
3
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-09-20 08:28:41
1
default avatar
LouiseDizon15
Author di na ako makapaghintay sa mga rebelasyon... ang ganda talaga
2022-06-10 08:05:41
0
default avatar
juliama47826586
Akin nalang si Jacob otor, hehe ...
2022-06-04 23:19:46
0
default avatar
mija_lodge
Oemjiiii. Recommended ito ng friend ko. Ang ganda nito kahit on-going. Marami akong tanong pero sure naman ako masasagot ni Miss Author sa mga susunod na chapter. Mine na po si Jacob Castillo. ...
2022-06-03 10:38:17
1
default avatar
LouiseDizon15
Ganda author
2022-06-03 10:24:53
1
user avatar
Iya Perez
Grabe author. Ang ganda po ng story. Talagang ka-abang abang. More pa pls.
2022-06-03 10:02:28
0
user avatar
Angelo Dela Cruz
nice story
2022-05-28 11:50:29
0
user avatar
Iya Perez
Another update, tuloy-tuloy na po ang update ng story ni Andra Bernardo at Jacob Castillo!
2022-05-16 15:55:34
0
user avatar
Iya Perez
Please be reminded that the chapters are currently on editing. The edited version will be available soonest!
2022-05-16 14:43:58
0
user avatar
Mercy Billones
miss A kelan po update nito?
2022-01-19 22:39:21
0
136 Kabanata
CHAPTER 01- THE CHALLENGE SHE IS FACING EVERYDAY
“Siya pala ‘yun. Sayang. Ang ganda pa naman, kaso ang sabi ng kaibigan ko nagtatrabaho raw ‘yan sa isang entertainment bar sa Quezon City.” “Oo nga raw. Plano pa naman siyang ligawan ng kuya ko noon dahil mukha siyang matino pero nagbago ang isip ng kuya ko noong malaman niya ang trabaho ng babaeng iyan.” Kalalabas ko lang ng classroom pero kung anu-ano na agad ang naririnig ko. Matagal na akong nakakarinig ng ganitong chismis na kumakalat sa eskuwelahang pinapasukan ko pero binabalewala ko nalang kasi hindi naman totoo. Hindi ako isang bayarang babae. Hindi ako isang prostitute at alam ko iyon sa aking sarili. “P****k naman pala, pero kung makaasta akala mo Santa.” Humugot ako nang malalim na hininga nang marinig ang sinabi ng isa sa mga babaeng dumaan sa harapan ko. Iyon ay walang iba kundi si Karina, ang kaklase ko na kalaban ko sa pagiging rank 1 sa buong Architecture Department dito sa UST. “P****k pero sa Catholic school nag-aaral? Ang kapal ng mukha.” Sanay na ako sa ganit
Magbasa pa
CHAPTER 02- THE MAN SHE MET IN THE BAR
“Oh, bakit nakakunot ang noo ng Architect namin?” bungad sa akin ni Kyla, isa sa mga staff dito sa bar nang makita niya akong lumabas ng opisina ni Mama. Dala ko ang aking bag dahil nagdesisyon akong uuwi muna ako ng bahay. Dahil sa nangyari kanina, pakiramdam ko ay hindi ko kaya na makita siya pansamantala. Huminto lang ako sa tapat ni Kyla at tipid na ngumiti. Marahan kong pinasadahan ang kaniyang suot na damit. Fully covered ang kaniyang itaas na parte dahil nakasuot siya ng itim na t-shirt na may tatak ng pangalan ng bar. Pero bahagya akong napangiwi nang makita ang kaniyang suot pang-ibaba. Nakasuot siya ng pencil-cut skirt na above the knee ang haba. Wala rin siyang suot na stockings kaya naman litaw ang kaputian ng kaniyang binti at ibabang parte ng kaniyang hita. “Bakit ganyan ang suot mo? Nagbago na ba ang uniform ng mga staff na babae rito?” Natigilan siya nang marinig ang aking tanong. Bahagya pa siyang nagkamot ng batok bago nagsalita. “Oo eh. Utos ni Ma’am Diana. Mas m
Magbasa pa
CHAPTER 03- THE UNEXPECTED TURN OF EVENTS
Napuno ng hiyawan ang paligid nang halikan ko ang lalaking sumalo sa akin kanina. Karamihan sa mga nag-iingay ay mga kasama nito. Tila nabigla ito sa aking ginawa kaya hindi ito nakagalaw nang maglapat ang aming labi. Nang ma-realize ko kung anong ginagawa ko ay agad akong lumayo sa kaniya saka mabilis na naglakad palayo rito. Kahit nahihilo ay nagmadali ako sa paglalakad para makalabas na ng bar na iyon. Nang makarating ako sa parking area ay sinampal ko nang paulit-ulit ang aking pisngi. Anong naisip ko kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon? Parang gusto ko tuloy sabunutan ang aking sarili sa nangyari. “Arghhhh!” Inis na nagpapadyak ako at nagmadaling hinanap ang aking sasakyan. Mabuti nalang at nasa bulsa ko ang wallet ko at susi ng sasakyan. Kung hindi, paniguradong mayayari ako kay Mama pati na rin kay Yaya Gina. “Nakita niyo ho ba yung babaeng lumabas ng bar?” Nang marinig ko ang boses nung Jacob ay agad akong yumuko para magtago sa mga nakaparadang kotse. “Ah yung magand
Magbasa pa
CHAPTER 04- THE NEGOTIATION
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa mga magnanakaw na ito o dahil sa lalaking nakatayo sa harapan ko. He was holding one of my wrists. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak na tila ba ayaw niya akong bitawan. He was looking directly in my face. Ramdam kong pinagmamasdan niyang mabuti ang aking mukha. Sa kaniyang tingin ay wari ba’y inaaral niyang mabuti ang bawat anggulo nito. “Ano? Hindi mo ba hahalikan ang asawa mo? Magtititigan lang ba kayo riyan dalawa?” Nakagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ang sinabi ng lalaki. Napaigtad ako nang itutok nito ang baril sa aking likuran. “Mukhang hindi naman sila mag-asawa p’re,” sabat naman ng isa. “Kung ganoon, imbes na itong lalaki ang gawin nating hostage, bakit ‘di nalang si Miss Ganda?” Akmang hahawakan na sana ng lalaki ang aking kamay nang bigla akong hinila ng lalaking kaharap ko palapit sa kaniya. Nahigit ko naman ang aking hininga nang makita kong sobrang lapit na ng aming mukha sa isa’t isa. Mayama
Magbasa pa
CHAPTER 05- THE SAVIOUR AND THE KISS
Sa buong buhay ko, hindi ko pinangarap na madamay sa ganitong gulo. Gusto ko lang naman ng isang tahimik na buhay. At ang orihinal ko na plano ay mag-deposit lang ng pera sa bangkong ito. Kung minamalas nga naman ako at ganito pa ang mararanasan ko sa araw na ito. At ang malala pa, kasama ko pa ang lalaking ito—si Jacob Castillo na walang ginawa kundi asarin ako. Buti sana kung iyon lang. Dalawang beses din akong n*******n ng mokong na ‘to. Well, technically isang beses lang. Kasi yung pangalawa, ako na ang h*****k sa kaniya. Ah basta! Nakakairita siya. Maling desisyon talaga ang pagpunta ko rito. Sana sa ibang branch nalang ako nagpunta, edi sana ligtas ako at wala akong kasamang asungot ngayon. “Nilalamig ka ba?” Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya nang tanungin niya ako. Napansin yata niyang kanina pa ako nakayakap sa aking sarili. Kung bakit ba naman kasi napakatagal ng negosasyon ng mga robber na ito sa mga police. Ang daming hinihiling. Hindi ko tuloy maiwasang maawa roo
Magbasa pa
CHAPTER 06- THE INVESTOR AND HIS PLAN
Dahil sa mga titig niya ay naging mabigat ang sunod-sunod kong paghinga. Umiwas ako nang tingin dahil pakiramdam ko ay napapaso ako sa bawat pagtama ng kaniyang tingin sa iba’t-ibang parte ng katawan ko.“Matagal kong hinintay ang pagkakataong makita ka ulit. Damn, I even waited for you to graduate.”Napakurap-kurap ako ng aking mga mata nang marinig ang sinabi niya.“Sinadya mo bang hindi magpakita sa akin dahil hinihintay mo akong gumraduate?” curious na tanong ko.Tumango naman siya.“Yes, I did that.”“Why?”Heto na naman ako, palagi nalang gustong malaman ang iniisip ng ibang tao. Palaging curious. Kaya palaging nasasaktan.“Hindi pa ba obvious? Intresado ako sa’yo. Gusto kita. At alam kong gusto mo rin ako, Leandra.”Yumuko ako sandali para humugot ng lakas ng loob bago muling tumingin sa kaniya.“Eh ano naman kung gusto kita? May magbabago ba? For sure hindi lang naman ako ang babaeng gusto mo? At sigurado rin ako na kaya ka nandito ay dahil alam mo na ang background ko. Kaya s
Magbasa pa
CHAPTER 07- THE EVER-ANNOYING JACOB CASTILLO
Dahil sa napagkasunduan na plano ni Mama at Jacob para sa itatayo nilang bar sa Siargao, lahat ng plano ko sa buhay ko para sa mga susunod na buwan ay hindi na matutuloy. May parte sa isipan ko ang nagrereklamo, pero sa tingin ko naman ay mas mabuti na ito. Hindi naman siguro aabutin ng kalahating taon ang pagpapatayo ng building sa Siargao. Sigurado rin akong hindi maso-short sa budget dahil bilyonaryo ang makakasama ko roon. Like my mom said, Jacob Xavier Abad Castillo is a freakin’ billionaire. “Sigurado ka bang sasama ka sa business partner ng Mama mo? Kilala mo ba ang Mr. Castillo na tinutukoy mo?” tanong ni Yaya Gina. Tumango naman ako. “Opo. Kilala ko naman. Saka, sigurado naman akong mags-stick siya sa pangako niya kay Mama na iingatan niya ako.” Nang tumahimik si Yaya ay saka ko siya nilingon. Kitang-kita ko na titig na titig siya sa akin. “Baka naman kung ano ang gawin ng lalaking iyon sa iyo. Baka may gusto sa’yo ang lalaking iyon.” Huminto ako sa pagtutupi ng ilang d
Magbasa pa
CHAPTER 08- THE MAKING OUT SESSION
“Kung ‘di mo sasabihin kung saan tayo pupunta, edi hindi nalang ako sasama,” pagtataray ko sa kaniya. Hawak niya ako sa aking palapulsuhan habang palabas kami ng mall. Hindi ko na nga nabili ang mga dapat ay bibil’hin ko dahil nagmamadali siya.“Come on, Leandra. Huwag ka nang makulit diyan. Malalaman mo rin naman pagkarating natin sa condo ko.”Napahinto ako sa paglalakad. Nanlaki rin ang aking mga mata sa sinabi niya.“Sa condo mo? Hoy, Mr. Castillo. Anong tingin mo sa akin? Pick-up girl? Ang tingin mo ba sa akin ay sumasama nang basta-basta lang?”Hindi ko napigilang matawa. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kaniya. Bumuntong-hininga naman siya. Halatang nauubusan na siya ng pasensiya.“Can you just come with me? I promise not to take advantage of you. Nagkataon lang na nasa condo ko yung ipapakita ko. My secretary brought the papers there and the designs are also there.”Kumunot ang noo ko.“Papers? What papers?”Napatingala siya at pumikit. “Leandra, please lang. Can we just go
Magbasa pa
CHAPTER 09- THE SOFT SIDE OF HIM
“Ganito ba ka talaga sa mga babae?” Hindi ko napigilang magtanong habang nasa kusina kami. Sinabi niya kasing bago ako umalis ay dapat kumain ako. Him, being superior all the time, didn’t allow me to leave his place. Kanina pa kating-kati ang paa ko at kanina pa rin ako mapakali. Pakiramdam ko hindi ako safe rito. Una, dahil nahihirapan akong magtiwala kay Jacob. Pangalawa, dahil wala rin akong tiwala sa sarili ko. I’m always losing my control whenever I’m with him.Ngayon, nandito kami sa kusina dahil pinaglulutuan niya ako ng pagkain. Ilang beses ko ring sinabi na hindi naman ako gutom, pero ayun, mapilit talaga siya. Kaya nandito lang ako, walang ganang nakatunganga sa lamesa habang paminsan-minsang lumilingon sa kaniya. He’s still wearing his white shirt and shorts with above the knee length.Pagkatapos niyang tingnang mabuti ang niluluto niya ay inilapag niya ang sandok na ginamit sa isang plate na nasa gilid ng stove.“What’s that again? Sorry, I had to focus on cooking. Baka ma
Magbasa pa
CHAPTER 10- THE POSSESSIVE SIDE OF HIM
Halos thirty minutes din ang hinintay ko bago lumabas si Kyla at Felix sa staff room. Nakayuko lang si Felix habang si Kyla naman ay tila wala nang hiya sa katawan at taas-noo pang naglalakad at nakangiting lumapit sa akin.“Hello, Miss Andra. Nag-enjoy ka ba sa live show na nakita mo kanina?” tanong niya sabay kindat sa akin. Dahil malapit siya sa akin ay nagawa kong hilahin ang buhok niya.“Ouch!” “What do you think you’re doing? Grabe ka, Ky. Sa dinami-rami ng lugar na puwede kayong mag-sex, doon pa talaga sa staff room? Hindi pa kayo nag-lock ng pinto. Paano kung ibang tao ang nakakita sa inyo?” Nanggigigil ako sa kaniya. Hindi man lang siya nag-iingat.“Gusto ko nga iyon, may thrill.”Tumawa pa siya at umikot para makapasok sa station kung saan naroon ang mga alak.“Kailangan ko lang naman mag-destress. My gosh, I’m so stressed in the past weeks. Ang hirap kaya pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho sa bar.”Nginisihan ko siya.“Tapos nagawa mo pang makipag-sex sa waite
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status