The Casanova's Contracted Wife

The Casanova's Contracted Wife

By:  Zenshine  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.9
26 Mga Ratings
70Mga Kabanata
33.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Ikakasal na dapat si Alexandra sa nobyo niyang isang half chinese na si Triton Chu. Handa silang suwayin ang lahat maging ang mommy ni Triton na hindi boto sa kanya. Pero isang gabing naimbitahan siya sa isang party sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay hindi niya ito pinalampas. Pero hindi niya inakala na iyon pa la ang magdadala sa kanya sa papunta kay Zachary Luthman, isang appointed CEO ng kanilang construction company- kilala bilang casanova. Lahat ng babae ay nakukuha niya sa alindog at kaguwapuhan niya. Gawa ng labis na kalasingan ay namali ng kuwartong pinagpahingahan si Alexandra at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalo niya sa isang mainit na gabi si Zachary. Sa kahihiyan kinabukasan ay halos gumuho ang mundo ni Alexandra. Wala siyang kaalam-alam kung sino ang nakasalo niya sa kama. Wala na siyang mukhang maihaharap sa nobyo niya. Pero paano kung ang kasalanang iyon ang maglalayo pa la sa kan'ya sa maling tao? Paano kung sa muling pagtatagpo nila ni Zachary ay makilala niya kung sino talaga ang isang Zachary Luthman? Mahulog kaya siya sa babaerong si Zach? Gayong dahil sa kasalanang iyon ay napagkasunduang ipakasal silang dalawa?

view more
The Casanova's Contracted Wife Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Mayfe de Ocampo
great story,,,highly recommended
2023-12-18 10:26:43
0
user avatar
Merlyn Gomez
Nice Story
2023-09-13 20:24:30
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-08-08 10:26:02
2
user avatar
JHAZPHER
Recommended!
2022-06-19 23:16:34
2
user avatar
Jana Cheskaas
another beautiful story congrats Ms A
2022-06-16 15:13:54
3
user avatar
Bhie Rambonanza In
another story of author Zenshine that I love to read although there's a part that I cried a lot...I feel Alex suffered a lot.
2022-04-26 10:29:48
2
user avatar
Gina Dalaguit
ang ganda..im sure maraming nakakarelate sa story na to...
2022-04-19 21:08:08
2
user avatar
Keziah Kairues
d talaga natin minsan maintindihan ang ikot buhay..may nakaplano pro hindi nangyayari...may mga nangyayari na hindi nsa plano..but gaya nga ng kasabihan...may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa ating buhay....ang importante atin itong hinarap ng walang takot at pag aalinlangan.
2022-04-19 18:53:56
2
user avatar
Wca Leigh
super gsnda at npapaiyak ako nito. superlab dis
2022-04-14 04:19:51
1
user avatar
RM Viray Cunanan Siobal
What a Beautiful Story Author ...
2022-04-13 11:16:34
1
user avatar
Zenshine
Hello po! Salamat po sa pagsubaybay ng kwento nina Zach at Alex. Marami pa pong kapanapanabik na mangyayari kaya kapit lang po kayo. ...
2022-04-13 08:56:22
1
user avatar
Bhie Rambonanza In
an inspiring story, it's really hit my heart, ramdam q ang nararamdaman ni Alex may part tlga na naiiyak aq, awang awa kay Alex
2022-04-05 19:27:09
2
user avatar
Juvz PEM
Nice story miss A ...
2022-04-05 17:56:04
2
default avatar
Binibining Mona
Exciting! I can't wait for the updates everyday! ...️...️...️
2022-04-05 17:54:20
2
default avatar
Binibining Mona
Exciting! I can't wait for the updates everyday. ...️...️...️
2022-04-05 17:53:47
0
  • 1
  • 2
70 Kabanata
CHAPTER 1
Habang nakahilata sa kaniyang kuwarto ay halos mapabalikwas si Alex nang biglang mag-ring ang cell phone niya. Napagod yata siya sa gawaing bahay. Siya na lang kasi ang pinagkakatiwalaan sa gawain bahay ng tiyahin niyang sobrang istrika. Bawal kahit na kaunting alikabok o kahit isang maliit na piraso ng balat ng candy ang dapat na nakakalat sa bahay. Wala naman siyang choice kundi sundin ang mga bilin nito. After all, ang tiyahin na lang niya ang nagpalaki sa kanya matapos siyang iwan ng nanay niya para sa ibang lalaki. Kahit na medyo labag sa loob ng tiyahin niya ang pagkupkop sa kanya. She reached for her phone at tiningnan kung sino ang biglang tumawag. Usually wala namang ibang tumatawag sa kanya bukod sa best friend niyang si Sandra. At hindi nga siya nagkamali. “O, Sandra? Bakit ka napatawag?” Hagikhik ni Sandra ang narinig niya sa kabilang linya. “Alex! I-prepare mo na ang outfit mo because tonight is going to be the
Magbasa pa
CHAPTER 2
Hiyang-hiya si Alex nang umuwi sa kanila. Unang pumasok agad sa isip niya si Triton. Pinagtaksilan niya ito. Namamaga ang kanyang mga mata na dumiretso sa banyo para paliguan ang madumi niyang katawan. Habang umiiyak ay pinagsasabunutan niya ang sarili niya. “Ang tanga-tanga mo, Alex! Ang gaga mo! P-Paano na ngayon? Paano na ang kasal mo kay Triton? Ibinigay mo ang pagkababae mo sa isang lalaking hindi mo kilala! T*ngina. T*ngina talaga!” aniya habang nakasabunot sa kanyang sarili. Garalgal na ang boses niya kaiiyak. “Hoy, Alex! Ano ba? Matagal ka pa ba diyan? Ano’ng dinadrama mo? Ha?! Ihing-ihi na ‘ko rito, bwiset ka.” Boses ng tiyahin niya. Nataranta siyang napahilamos sa kanyang sarili. Gusto na lang niyang magpakalunod.“S-Saglit lang p-po,” nauutal na sagot niya habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi. Nang makalabas sa banyo a
Magbasa pa
CHAPTER 3
Nagmamadaling lumabas si Alexandra para humagulgol sa tiyahin niya. She cried so hard. Kulang na lang ay lumuwa na ang mga mata niya kaiiyak. “T-Tita,” she uttered as she cried on her aunt’s shoulders.Kunot-noo naman na humiwalay sa mga yakap niya ang kanyang tiyahin.“Ano bang problema mo, ha??” asik ng tiyahin niya.Gustong-gusto na talaga niyang sabihin. Ito na nga yata ang oras para masabi niya ang totoo sa tiyahin niya. “K-Kasi p-po-”Pinutol nito ang sasabihin ng dalaga. “Teka, sandali. Tumatawag ang kumare ko,” anito sabay sagot sa tawag. “Hello, mare. Ano’ng balita?” tanong pa nito sa kausap sa kabilang linya. ”Naku, kumare! Huwag ka sanang mabibigla ha? E, kasi may kumakalat na larawan ngayon sa internet. Kamukha ni Alexandra. Aba e nakitang lumabas sa isang kuwarto, pagkatapos ay sinundan ng paglabas
Magbasa pa
CHAPTER 4
Matapos ng isang buwang pananahimik ni Alexandra, ipinasok siya ni Sandra sa construction company ng tito nito. Ang Luthman’s Construction Company. Nagdamit siya ng disente para maghanda sa pagpasok sa trabaho.  Mag-iisang linggo na rin naman siya sa trabaho pero hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin siya ng diskriminasyon. Nang makarating siya sa kumpanya ay ramdam niya agad ang mga mapanghusgang mga titig sa kanya ng ibang mga employee. Akala niya tapos na ang lahat. Hindi pa pa la. Dahil mukhang hanggang dito, maanghang ang magiging trato sa kanya. Sa bawat hakbang ng mga paa niya ay dinig pa niya ang bulong-bulungan ng mga ito.“Hindi ba’t iyan ang babaeng nag-viral sa facebook? ‘Yung lumabas sa isang kwarto kasama ng ibang lalaki?”“Oo. Alam mo ba, balita ko, ikakasal na dapat iyan ngayong buwan. E, sa lumandi. Ayan. Mabuti nga at natanggap pa dito.”“May pagka-makapal din ang mukha
Magbasa pa
CHAPTER 5
Nagmamadaling dinala ni Zach ang dalaga sa clinic para ihiga ito doon at ma-monitor ng daddy niya. Lagot na naman siya nito. Inis na napasabunot siya sa kanyang buhok. “This damn woman. Of all the people that could work with me? Siya pa talaga?!” inis nitong sabi sa sarili. “Boss, nandito na po ang daddy niyo.” Ang body guard niya ang nagsalita.Agad na tumabi si Zach. “Dad, she passed out.” Pagpapaliwanag niya. “Oh, isn’t she familiar to you?” Pag-uusisa ng daddy nito na tila sinusubukan siyang hulihin kung ide-deny sa akto ang krimen na ginawa niya. Madalas kasi siya kung pagsabihan ng daddy niya na itigil na ang pambababae para makaiwas na siya sa gulo na dala ng mga ito pero matigas pa rin talaga si Zach. Walang makakapigil sa kanya. “She was the girl at the guest room, Dad,” sagot ni Zach habang hindi nakatingin sa daddy ni
Magbasa pa
CHAPTER 6
Nang makauwi sa kanila si Alex ay halos mapatulala pa rin ito at hindi makapaniwala. Hindi pa rin mag-sink in sa utak niya na nagdadalang tao siya. Nagbunga ang kasalanang nagawa niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na isang kilala at makapangyarihang tao ang nakabuntis sa kanya, o mas lalo lang iyong magbibigay ng sakit ng ulo sa kanya. Isang simpleng buhay lang naman ang gusto ni Alexandra. Pero ngayong mukhang matatali na siya sa isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa bansa, hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya na tanggapin ang alok ni Doc. Zacaharias.  Iyak pa rin siya nang iyak. Nasasaktan siya. Kung hindi siya gumawa ng mali, 'di sana kasal na sila ngayon ni Triton. 'Di sana, namumuhay na siya kasama ang lalaking pinangarap niya at hindi ang isang babaerong Zachary Luthman ang pakakasalan niya.    Napakurap-kurap siya nang maamoy ang pagkain na galing sa maliit niyang kusina. Doon niya lang naisip na baka may iba
Magbasa pa
CHAPTER 7.1
Nang makarating sina Alexandra sa mansion ng mga Luthman ay tila nanumbalik na naman lahat ng mapait na nangyari sa buhay niya mahigit isang buwan lang ang nakalilipas. Hindi niya inakala na sa isang simpleng pagkakamali na yon ay mababago ng napakalaki ng buhay niya. Isang buwan pa lang ang nakakalipas pero para sa kanya ay sobrang dami nang nangyari at sa isang kisap mata, nawala ang lalaking pinakamamahal niya.    Naalala niya ang bawat sulok ng mansion na ito kung saan ginanap noon ang party. Naalala niya kung gaano siyang parang tangang nagpakalasing. Naalala niya kung paano niyang pinasok ang kuwarto na sumira ng kasal niya dapat. Wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Everything is her fault.    Hindi niya namamalayan na napaluha na pa la siya. Natigilan si Zach nang mapansin niya na hindi na nakasunod sa likoran niya ang dalaga. Nilingon niya. "Ano? Magda-drama ka na lang ba diyan?" Puna niya rito.
Magbasa pa
CHAPTER 7.2
Nakabusangot si Alexandra habang nilalagay sa kanyang malaking walk-in cabinet sa loob ng kwarto ang mga damit niya. Ano'ng sabi niya? Mga basura lang itong dala ko? Bwiset talaga ang lalaking 'yon. Manganganak yata ako sa kanya ng wala sa oras! Inis na inis na aniya sa isipan habang iniisa-isa ang mga damit na dala-dala niya. Masyadong malaki ang kuwarto para lang sa kanya. Masyadong malungkot. Napakalungkot naman talagang mag-isa sa ganito kalaki at kagarang bahay. Pakiramdam niya ay mabibingi siya sa katahimikan nito.   Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan. "Ma'am, Alexandra. Kakain na raw po. Tara na po sa baba." Yaya ng isa sa mga katulong. Alam na alam agad niya iyon dahil ang mga katulong lang ang natawag ng ma'am sa kanya kahit pakiramdam niya ay hindi naman siya karapat-dapat na tawagin ng gano'n. Para sa kanya, parehas lang silang mga ordinaryong tao na walang mataas na antas sa lipunan.  Napatigil siya sa
Magbasa pa
CHAPTER 8.1
Kinaumagahan, maagang nag-ayos si Alex para pumasok sa trabaho. Maliit pa man din ang tiyan niya. Kaya pa niyang magtrabaho. Pakiramdam niya kasi ay mas magkakasakit siya lalo kapag namalagi lang siya sa bahay na walang ginagawa. Better go to work nang mapakinabangan naman siya ng mga Luthman. Pagdating doon ay halos suriin na naman siya ng tingin mga kasamahan niya sa trabaho. Mula ulo hanggang paa kung makatingin ito sa kanya. Akala niya ay makakaligtas na siya sa mga mapangmatang mga tingin ng mga ito, pero nagkakamali siya. Hindi na nga yata sila natatapos sa pangungutya sa kanya. Wala bang katapusan ang lahat nang mga ito? "Ang kapal talaga ng mukha niya ano? Pagkatapos niyang duro-duruin ang CEO natin noong nakaraan? Papasok siya dito na taas noo at parang walang nangyari? Oh my gosh, nakakahiya!" sabi ng isa. "Oo nga, dai! Makapal talaga. Ewan ko nga rin kung bakit gano'n na lang ang lakas ng loob niyan na pumasok pa pagkatapos nang lahat lah
Magbasa pa
CHAPTER 8.2
Isang buwan matapos ang intimate wedding nina Alex at Zachary ay walang pinagbago ang trato nila sa isa't isa. Para pa rin silang mga aso at pusa kung magbangayan at mag-away minsan sa mansion. May dalawang buwan na rin ang tiyan ni Alex. Kung may kabutihan mang pinapakita si Zach, hindi iyon para kay Alex kundi para lang sa magiging anak nila.   Umaga nang magising si Alex ay sa baba na siya agad dumiretso. Isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang awayin siya ni Lily sa kumpanya kaya ngayon, heto siya at nagmumukmok na lang sa mansion. Mabuti na lang at mababait ang mga maids ng mga Luthman. She instantly found a family.   "Magandang umaga, manang. Ano pong niluluto niyo? I can help," wika ni Alexandra sa isang katulong na abala ngayon sa pagluluto ng agahan.   Umiling-iling ang matanda. "Ay, nako, Ma'am Alex, huwag na. Kapag ikaw nakita ni Sir Zach na patulong-tulong dito, malalagot tayo, e." "Pero manang
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status