A VOW OF HATE

A VOW OF HATE

By:  Belle Cassy  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Crystal OduwaMate: Crystal Oduwa
10
9 ratings
68Chapters
11.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"Buong akala ko sa pelikula at libro lang nangyayari ang sapilitan kang ipakasal sa taong hindi mo mahal, malala pa ay hindi mo kilala... pero ngayon, hindi ko lubos matanggap dahil ikakasal na ako... hindi sa taong mahal ko kundi sa isang lalaking napakalayo sa pinapangarap kong maging asawa. Isang taong may pusong bato! Pero mas masakit pa rin para sa akin ang ibayad ako ng aking ama!" -ZOE > > > > Zoe Reyes' life turned upside down the moment she found out that her known father, whom she used to love used her as collateral for his debt. She has to marry the man she never once met, a cold-hearted man, and just like her, he was enmeshed to marry her. She doesn't love the man for she already had someone in her heart but she was forced accept the marriage for the sake of his father's sanctuary. Whether they like it or not, they had to face the altar together, and in the end, they made a VOW OF HATE!

View More
A VOW OF HATE Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-09-18 05:46:53
4
user avatar
Emmanuel
Nice nice nice
2022-03-09 18:54:51
9
user avatar
Ejhay
Next chapter please
2022-03-05 21:43:51
7
user avatar
Neon
.... ... ... .. .. .. .. ..
2022-03-04 01:26:34
4
user avatar
Ejhay
Paupdate po
2022-03-01 09:29:27
2
user avatar
Trini CassMin
Love the book so much I can't wait to see what would happen next. Thank you, Belle, for this wonderful novel.
2022-02-28 21:02:06
2
user avatar
Subaru Natsuki
Keep it up author
2022-02-28 20:40:37
2
user avatar
Emmanuel
interesting start!
2022-02-28 20:30:09
2
user avatar
Neon
..........
2022-03-04 01:22:20
2
68 Chapters
Chapter 1: Kidnapped
Chapter 1 Zoe's Perspective Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko nang umuwi ako ng bahay pagkatapos ng trabaho ko bilang isang waitress sa isang retaurant. "Bakit ba nandito ka ulit? Hindi ba't pinalayas na kita?" sigaw sa akin ng aking amain. Napahawak ako sa nang-iinit kong pisngi. Napakalakas ng sampal niya na halos ramdam na ramdam ko ang init ng pamumula ng pisngi ko. Gusto kong umiyak pero ginawa ko ang lahat para pigilan ang luha ko sa pagpatak dahil tiyak na mas magagalit ulit siya kapag nakita niya akong umiiyak. Halos mapakagat ako sa labi ko mapigilan lamang ang hikbing nagbabantang kumawala sa bibig ko. Nanginginig ang mga kamay niya at pulang-pula ang mukha niya. Lasing na naman siya, nasanay na ako doon dahil walang araw ata na di siya naglasing matapos mamatay ng aking ina. Napapikit ako at sinubukang labanan ang sakit na nararamdaman ko. At nang ibukas ko ang mga mata ko ay bigla naman akong tinalikuran ng aking ama at rinig ko ang mga kung anu-anong binu
Read more
Chapter 2: Knowing my Abductor
Chapter Two Zoe's perspective Nagising na lamang ako sa napakalawak na kwarto, nang mapagtanto ko na nakahiga ako sa isang malaking kama ay agad akong napaupo, halos sinilip ko pa ang katawan ko sa ilalim ng kumot na nakabalot sa akin, at agad akong napabuntong-hininga ng napakalalim, ramdam ko ang ginhawa sa loob ko nang makita kong may suot-suot pa rin akong damit. Akala ko ginahasa na ako ng mga dumakip sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong walang malay.   Nang tumayo ako ay nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo, hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko ay dahil may tama pa rin ang gamot na nasa panyong iyon sa akin. Gusto ko mang maupo pero kailangan kong makaalis sa lugar na ito. Agad akong nagtungo sa pintuan ngunit nang subukan kong buksan ito, napagtanto kong naka-lock ito mula sa labas.   Nakaramdam ako ng takot at pilit kong binuksan ang pinto pero ano mang pilit ko wala rin naging saysay. I'
Read more
Chapter 3: Going Home
Chapter Three   Zoe's Perspective   Ilang araw na akong nandito sa loob ng kwartong ito. Nagmumukmok at halos mabaliw na ako. May banyo at Cr na sa loob ng silid na ito kaya subukan ko mang magpanggap na naiihi ako upang makatakas ay hindi ko magagawa. Iniisip ko kung kamusta na kaya si Kurt? Ilang araw akong nagdasal na sana may taong magliligtas sa akin pero wala. Sigurado akong nababaliw na si Kurt kakahanap sa akin. At ang amain ko? Wala akong ideya kung ano ba ang nararamdaman niya, pero hindi niya nga siguro ako mahal dahil heto ako, nakakulong sa isang kwarto, at ikakasal sa taong hindi ko naman mahal.   Ilang beses akong nagmakaawa na pauwiin nila ako, pero kahit ano pang gawin ko hindi nagpapatinag ang matandang iyon. Hindi siya tumitigil hanggang hindi ako pumapayag na pakasalan ang anak niya, ni hindi ko nga kilala o alam ang pagkatao ng anak niya, kaya bakit ko siya papakasalan? Hindi ko alam kung bak
Read more
Chapter 4: Zoe's Father
Chapter 4 Zoe's Perspective Habang nag-iikot kami sa lugar, papunta sa bahay namin ay ramdam ko ang nakaka-awkward na katahimikan sa pagitan namin ni Mr. Herbert. Hindi siya nagsasalita at seryoso lamang siya sa buong biyahe namin. Ako naman ay walang tigil sa pagtingin sa tinted na bintana ng sasakyang ito at minememorize ang bawat lugar na nadadaanan namin. Sinisigurado kong alam ko kung saan ako nanggaling para masabi ko kay Kurt ang lahat. Habang pinagmamasdan ko ang daan ay napansin kong palapit na kami ng palapit sa bahay at hindi ako makapaniwala na medyo may kalapitan lang pala ang lugar kung saan ako kinulong dito sa bahay namin.   Maya't maya pa ay huminto ang sasakyan at napagtano ko na lang na nasa tapat na pala kami ng bahay. Nang titigan ko ito, ang kaninang excited kong nararamdaman ay ngayo'y napalitan na ng matiniding kaba. Mabibingi na ata ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Napakabigat ng bawat paghinga ko.  
Read more
Chapter 5: Forcing Daxton
Chapter Five   Daxton's Perspective   "Ano? Hindi ako papayag, papa. Hindi ko man lang siya kilala, " sagot ko sa tatay ko nang sabihin niya sa akin na ikakasal ako sa ayaw at sa gusto ko.   "Kilala mo man o hindi, ikakasal kayo ngayong Lunes," seryosong sabi niya na siyang ikinagulat ko? Lunes? Tatlong araw mula ngayon? Hindi ko alam kung ano bang nakain ni papa para magdesisyon ng wala man lang akong nalalaman, hindi man lang niya ako tinanong bago niya ako ipakasal.   "Enough, dad. Kahit pa pilitin mo ako, hindi ko papakasalan ang babaeng iyon. I didn't even know her name," sagot ko.   "Then you have two days to get to know each other before your wedding." Ngumiti siya sa akin.   "No, dad. Buo na ang desisyon ko, hindi ko papakasalan ang babaeng iyon!" sigaw ko. "Don't make me mad, Daxton," my father groaned. "Tama ang anak mo, Herbert. Hin
Read more
Chapter 6: Meeting my soon-to-be Husband
Chapter Six   Zoe's Perspective Nakasakay ako ngayon sa isang napakagarang sasakyan, hindi ito ang sasakyang ginamit namin ni Mr. Herbert noong nakaraan- mas maliit ito ng kaunti pero mas mukha itong mamahalin. Napakalamig dito sa loob kahit na napakaaraw sa labas, iyon ay dahil sa air conditioner nito. Ganito nga ata kung mayaman ang isang tao, nagagawa nilang bumili ng ganitong klaseng sasakyan. Mga bagay na hanggang pangarap na lang naming mga mahihirap.   "Nandito na tayo," sabi ni Mr Herbert sa akin at bigla namang bumaba ang drayber ng sasakyan at pinagbukasan niya ng pintuan si Mr. Herbert at sinunod naman niyang buksan ang katabi kong pintuan.   "Salamat," pagyuko ko sa kanya at tumingin ako sa isang napakalaking restaurant. Isa ito sa mga nadadaanan ko lamang na kainan. Isa sa mga sikat na restaurant dito sa lugar namin. Hindi ko alam kung dapat ba akong mamangha o dapat ba akong matakot dahil sa ora
Read more
Chapter 7: Breaking up with my Boyfriend!
Chapter Seven Zoe's Perspective "Ma'am, ayos ka lang po ba?" tanong sa akin ng make-up artist na syang nag-aayos sa akin. Tinignan ko siya mula sa reflection niya sa salaming nasa harapan ko. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng sakit ng nararamdaman ko. I broke up with Kurt bago pa man ako ikasal. At hindi ko matanggap na ang taong pinakamamahal ko ay kinamumuhian ako. Ramdam ko pa din lahat ng sakit.   *Flash back*   Nasa isang park ako naghihintay. Hindi sana ko magpupunta dito dahil dalawang oras na lang ay ikakasal na ako, pero buti na lang nagawa kong pakiusapan si sir Herbert na makipagkita ako kay Kurt bago ko tuluyang iwanan ang buhay ko bilang Zoe Reyes. Dahil magiging ganap na Zoe Shaw na ako maya-maya, at ibig sabihin nun ay ako at si Kurt ay wala na ring kinabukasan pa. Hinayaan naman ako ni sir Herbert pero syempre may bantay ako. Sumama sa akin ang isa sa mga maids nila at dalawang body guards. &nb
Read more
Chapter 8: The Vow
Chapter Eight Zoe's Perspective Pagkahakbang ko ng simbahan, lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Napakaunti lamang ng bisita halos nabibilang lang sila. Siguro nasa mga 20 lamang ang bisita kasama na doon ang pamilya ni sir Herbert. Hindi ko alam kung bakit kakaunti lamang sila, marahil kaunti lamang ang may alam dahil isa lang naman itong biglaang kasalan. Pero kahit na kakaunti lamang ang nasa paligid ko pakiramdam ko, mga higit isang daang mga mata ang nakatitig sa akin.   Huminga ako ng malalim at patuloy lamang sa paglapit sa altar. My groom is waiting there, wearing a beautiful white suit. Seryoso ang mga tingin niya sa akin at ako naman ay pilit na itinatago ang lungkot. Tulad ng sabi ni Mr. Herbert, huwag kong ipapahalata ang tunay kong nararamdaman, so I am currently faking a smile, napakahirap itago na nasasaktan ako.   The wedding continued and it is time for us to say our vows. Humarap ako sa supladong
Read more
Chapter 9: After the Wedding
Chapter Nine Daxton's Perspective Standing in front of me is this girl, I am observing her as she is letting out her vow. And honestly, her words are coming from somewhere. Hindi ko alam kung parte ba ng pagpapanggap niya ang mga sinasabi niya ngayon. When did I become her best friend and later on his boyfriend? Hindi ko alam pero habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya, imbes na mainis ay nalilito ako, tila pakiramdam ko ay may pinaghuhugatan siya. Her words sound substantial in my ear, like it really happened. She is saying every word with sincerity.   'Come on! Daxton, don't be lost in her facade. She is only acting! That's her nature!' Bumuntong-hininga ako at ramdam ko ang kumukulo kong dugo pero pilit kong kinakalma ang sarili ko. I just let her say what she wants to say at nang ako na ang sumunod na magsasalita. Hindi ko na mapigilan at sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Ramdam ko ang kaba sa hitsura niya.
Read more
Chapter 10: After the Wedding 2
Chapter Ten   Zoe's Perspective Nakatitig ako sa salamin habang pinagmamasdan ang mamahalin kong wedding dress... Dahan-dahan ko itong hinubad at nagpalamig muna ako sa umaagos na tubig sa shower room. Nakakarelaks ang lamig na dumadaloy sa katawan ko pakiramdam ko naaalis ang mga kinikimkim ko.    'Zoe, kaya mo 'to! Makakaalis ka rin, balang araw makakalaya ka rin!' bulong ko.    Nang lumabas ako matapos kong nagtagal sa loob ng shower room ay agad namang tumingin sa akin si Daxton at napakasungit niya kung tumingin, parang kakainin niya ako ng buhay... Kulang na lang masuka siya sa tuwing nakikita niya ako. Kung alam niya lang mas nakakainis siyang tingnan. Nakakairita ang awra niya, lagi na lang seryoso. "Zoe, anak, halika maupo ka," biglang tawag sa akin ni sir Herbert. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Isa pa siya, bigla na lamang naging iba ang trato niya sa akin matapos ang kasal, as if we are so c
Read more
DMCA.com Protection Status