Seducing My Overweight Wife

Seducing My Overweight Wife

By:  Cinnamon  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.3
7 Mga Ratings
33Mga Kabanata
5.4Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Hannah Perez had never been in a relationship before both of her parents were killed in a car accident. A family friend, the chairman and owner of an airline company, asked her to marry his grandson, Delta Empire's only heir. Her peaceful life turned upside-down after her wedding with Rafael. She learned that he agreed to marry her against his will in order to inherit the company of his family. He had no intention of staying with her and is still madly in love with Samantha, his ex-girlfriend and a famous model. Will Hannah, a 300-pound lady, and Rafael, a fastidious man who is constantly attempting to stay on top of things, find love in their loveless marriage?

view more
Seducing My Overweight Wife Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Agumq Sampang
buhay pa ba ang story na eto mukhang napabayaan na
2023-10-02 14:58:11
0
user avatar
Yohana Heart
Update na, pusaaaaaa ...
2022-12-23 23:56:07
0
user avatar
Yohanna Leigh
Always looking forward to updates! Good job, author ...
2022-04-12 07:27:27
1
user avatar
Ella Jane Olesco
love this......
2022-04-11 08:25:15
1
user avatar
Ella Jane Olesco
Love this......
2022-04-11 08:19:36
1
user avatar
Belle Cassy
Keep it up, dear. ...
2022-02-26 23:33:24
1
user avatar
Rosmu
Aaw... Too bad. ... This story seemed so interesting! But it's not in English... Plot seemed so intriguing and I already got excited! Hopefully I find something similar or if this gets translated. ...
2022-07-06 20:50:36
0
33 Kabanata
Prologue
HILAM pa sa luha ang mga mata ng dalagang si Hannah nang maramdaman niya ang lamig na dulot ng malakas na aircon sa buong silid. Nanunuot iyon sa kaniyang balat na nakapagpadagdag lamang sa nararamdaman niyang kaba.Nasa loob siya ng isang malaking study room ng pamilya Fernando habang nakaupo sa harap ng isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas."Our deepest condolences, hija," saad ng matandang lalaki, the chairman of the well-known airline company in the Philippines and in Asia—the Delta Empire. Iyon ang naaalala niyang sabi ng mommy niya noong bata pa lamang siya."S-salamat po," tugon niya rito matapos magbaba ng tingin. Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. Tumikhim ang matanda. "We know that this is not the right time to talk about something like this, but we want you to marry my grandson as soon as possible."Dahil sa narinig, mabilis siyang nag-angat ng mukha. Ang totoo ay hindi na nabi
Magbasa pa
Chapter One
"YOU may now kiss the bride!" Hindi na siya nagulat nang dampi lamang ang ginawad na halik ni Rafael sa kaniya matapos iyon sabihin ng pari. Ni wala itong katiting na kislap o sigla sa mga mata katulad ng ibang lalaking ikinakasal. Ano nga ba ang in-i-expect niya? Ang matuwa ito o ngumiti nang malapad? Himala na ngang maituturing na pumayag itong makasal sa kaniya. Humarap si Rafael sa mga taong abala sa pagpapalakpak. Ni wala itong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa camera. Wala ring makikitang bahid ng kahit na anong emosiyon sa mukha nito. Humarap na rin siya sa mga tao pero nakayuko lang ang ulo—dala na rin ng nararamdaman niyang hiya. Ilang beses siyang napalunok habang paulit-ulit silang kinukunan ng litrato ng mga mangreretrato. Hindi naman kasi lingid kay Hannah na alam ng mga taong naroon sa loob ng simbahan na wala ni katiting na pagmamahal si Rafael para sa kaniya. Ang totoo, hindi na iyon kailangan pang hulaan ng mga taong
Magbasa pa
Chapter Two
MAHIGIT tatlong oras ding nagkulong ang babaeng si Hannah sa loob ng suite habang nakatulala sa kawalan, nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Rafael. Sa loob ng ilang minuto, nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niya ang matalim nitong paningin. Nang hindi niya makayanan ang nakapapaso nitong mga titig ay kusa siyang nagbawi ng tingin. "Nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Andrea," narinig niyang sabi ng lalaki mula sa malamig na tinig. Bahagya pa siyang nagtaka sa tinawag nito sa sariling ina, Andrea. Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilin ang mga luhang nagbabadya na naman sa pagbagsak. Sandali niyang ipinikit ang mga mata at humugot ng malalim na hangin. Nagbaba siya ng tingin at pinilit na manatiling tahimik habang nasa paligid ang lalaki. Makalipas ang ilang sandali ay nilingon niya ito nang maramdaman ang pag-upo nito sa gilid ng kama malapit sa sofang inuupuan niya. "Gusto mo bang mag-honeymoon pa tayo
Magbasa pa
Chapter Three
"SH*T!" mahinang mura ni Hannah sa isip niya nang maalalang nakatuwalya nga lang pala siya. Mabilis siyang tumalikod mula sa lalaki sa labis na pagkapahiya. She heard him cussed under his breath. Naramdaman niya ang mga yabag nito patungo sa kama at sandaling nanatili roon. Pagkatapos niyon ay agad na rin itong lumabas ng kuwarto. Nang masigurong nakaalis na ito ay saka siya nagbuga ng hangin. "Ano ba itong ginagawa ko? Umaakto pa akong sexy! Hindi naman iyon magkaka-interest na tingnan ako, e!" sigaw ng isang bahagi ng isip niya. Umiirap siyang bumuntong-hininga. "Ano ba ito? Pati sarili ko, iniinsulto ko na," nakasimangot pa niyang dagdag. May pagmamadali siyang naglagay ng lotion sa buong katawan bago nagbihis ng pambahay. Nang matapos ay agad rin siyang bumaba dala ang sariling maleta. Hindi pa man tuluyang nakabababa mula sa hagdan ay muli siyang natigilan nang makarinig ng boses ng mga taong nag-uusap galing sa loob ng maliit na library. Kunot a
Magbasa pa
Chapter Four
SIMULA nang sabihin ni Hannah kay Rafael na hindi siya papayag sa pakikipaghiwalay nito, mas lalo pa itong dumistansya sa kaniya. Sa loob ng isang linggo, maaga siya kung umalis ng bahay at late na kung umuwi. Kung sakali mang magtagpo ang mga landas nila sa kalagitnaan ng gabi, para itong walang kasamang tao sa paligid. Para bang hangin lang siya para sa lalaki. Ganoon siya kung ituring ni Rafael. Kaya nagdesisiyon siyang ibaling na lang sa pag-aaral ang buo niyang atensiyon. Malapit na ang finals nila kaya sinubsob na lamang niya ang sarili sa pagre-review. Kung walang klase, lagi siyang nasa loob ng library at abalang nag-aaral. Naisip na rin niya, kung iintindihin pa niya ang nangyayari sa buhay niya, mapapabayaan niya lalo ang pag-aaral niya. Ito na lang ang tanging bagay na mayroon siya sa ngayon. Hindi puwedeng mapabayaan niya ito. "Hey, kanina ka pa nandito?" Mula sa librong binabasa niya, nag-angat si Hannah ng paningin nang marinig ang boses
Magbasa pa
Chapter Five
TUMATAMA sa kaniyang mukha ang sinag ng araw na tumatagos mula sa puting kurtina ng balkonahe ng kuwarto niya. Sa sandaling minulat niya ang mga mata, langhap agad ni Hannah ang pinaghalong amoy ng piniritong isda at sinangag.Napangiti siya nang bahagya nang maisip na dumating na si Aling Myrna at nagluluto na ng agahan. Naramdaman niya naman ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Ilang araw na kasi siyang hindi nakakakain nang maayos. Kagabi nga'y natulog lang siya na tanging tubig ang laman ng sikmura. Ang nakatatawa lang... hindi siya nakararamdam ng gutom kahit ilang araw na siyang walang matinong kain. Mas higit kasi ang sakit na nararamdaman niya sa puso kaysa sa sakit ng tiyan.Pero lahat ng pait at pighati, mabilis na naglaho nang masilayan niya ang larawang nasa ibabaw ng mahabang drawer sa harap ng kaniyang kama. Kuha iyon noong nabubuhay pa ang kaniyang mga magulang. Noong family day nila sa school isang taon na ang nakararaan. Nakangiti silang tatl
Magbasa pa
Chapter Six
NAALIMPUNGATAN si Hannah nang marinig ang pabagsak na pagsarado ng pintuan ng bahay. Malakas ang naging pagtibok ng puso niya nang maisip na dumating na si Rafael. Mabilis niyang nilingon ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table niya, at nakitang alas-kuwatro na ng madaling araw.Narinig niya ang mabibigat na yabag sa hagdan. Dahan-dahan naman siyang bumangon at nagtungo sa pinto ng sariling kuwarto. Gusto niyang silipin kung si Rafael nga talaga ang dumating, at kung kasama nito ang babaeng si Samantha.Kasabay ng pagbukas niya ng pintuan ang siyang pagbukas naman ni Rafael ng pintuan ng silid nito. Pinagmasdan niya ito habang halos mabuwal na ito sa paglalakad. Lasing na lasing ang lalaki.Nang makita na tuluyan na itong nakapasok sa loob ng kuwarto nito, muli na sana niyang isasara ang pintuan ng kuwarto niya, pero mabilis din natigilan nang marinig ang sigaw ni Rafael sa kabilang silid. "Hannah!"Napasinghap siya sa ginawa nitong pagtaw
Magbasa pa
Chapter Seven
ISANG mariin na paglunok ang ginawa ng dalagang si Hannah nang makarinig ng impit na ungol mula sa pamilyar na boses. Tila siya pinanlalamigan ng katawan at halos manlumo sa kinatatayuan nang makilalang boses iyon ni Rafael."Raf! Harder, babe!"At si Samantha ang babaeng katalik nito. Napuno ng ungol ng dalawa ang buong paligid. Pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo at nakulong siya sa oras na iyon kung saan ang malalakas na ungol lang ng dalawa ang naririnig niya."Deeper, Raf!"Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago nagmamadaling bumaba ng hagdan at dumiretso sa labas ng bahay.Walang pag-aalinlangan siyang humakbang papalayo, nang hindi lumilingon sa pinanggalingan. Mabilis na nagbagsakan ang mga luha niya nang makalayo sa bahay na iyon.Pakiramdam niya, sinasadya ni Rafael gawin ang lahat ng ito, upang saktan siya at mapahiya. Nang sa ganoon, ibigay na niya ang gusto nitong mangyari. Kasi kung hindi, bakit ito ginagawa n
Magbasa pa
Chapter Eight
ILANG araw na ang lumipas, ilang araw na rin silang nag-iiwasan ni Rafael. Hindi pa man sumasapit ang alas-sais ng madaling araw, umaalis na siya ng bahay para pumasok sa trabaho. Kahit ang totoo nama'y ayaw niya lang talagang mag-abot sila ni Rafael sa bahay.At isa pa, ayaw niya rin na makita ang dalawa na maglandian. Panigurado, hindi niya kakayanin iyon.Noong gabing iyon, matapos nitong ipaalam na sa bahay nito patitirahin si Samantha, wala na siyang ibang nagawa kundi tumango at pagkatapos ay umiyak sa silid niya. Sino ba siya para humindi? Hindi kaniya ang bahay, hindi rin kaniya si Rafael. Wala siyang karapatan sa mga ito.Sinisiguro niya lang na hindi talaga sila magkikita ng lalaki. Bago ito magising o si Samantha ay nakaalis na siya ng bahay. Sa gabi naman, late na rin siya umuuwi. Minsan ay alas-siyete na, madalas, alas-otso y medya. Sa mga oras na iyon, panigurado busy na sa panghimagas ng mga ito ang dalawa kaya hindi na siya mapapansin pa.
Magbasa pa
Chapter Nine
MAHINA siyang napasinghap nang makita ang pagtigil ng sasakyan hindi kalayuan sa kanila. Bakit ngayon lang ito nakauwi? Hindi ba dapat kanina pa ito sa bahay? Nakagat niya ibabang labi habang nakatitig pa rin sa kotse ni Rafael. Matapos ng ilang segundo, tuluyan na itong umibis ng sasakyan. Pagkababa na pagkababa pa lang ay matalim na agad ang mga mata nito.Kahit na nilalamon ng kaba, nakapagpasalamat siya sa lahat ng santo nang mapansin na hindi nito kasama si Samantha. Baka kasi gumawa na naman iyon ng eksena, mahirap na. Lumapit sa kanila si Rafael nang hindi inaalis ang matalim pagkatititig sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng paningin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. "Bakit ngayon ka lang?" mahinahon ngunit matigas nitong tanong nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Bullet.Napalunok siya bago sinulyapan ang lalaking si Bullet. Napansin niya ang pagtataka sa mukha nito habang nagpapalipat-lipat ito n
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status