Mr. Vilmora's Accidental Bride

Mr. Vilmora's Accidental Bride

By:  yoonsofi  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
0.0
Not enough ratings
39Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

It was supposed to be just a night of a pleasurable mistake but when that night gave them an unexpected gift, Chyna and Hendrix will be wedded just for the sake of this gift. A wedding without any emotional connection, a story of a not-so-perfect married life, what will happen to the newly wedded and their blessing?

View More

Latest chapter

    Interesting books of the same period

    Comments
    No Comments
    39 chapters
    1 - Pleasurable Mistake
    “Opo Ma, sa isang araw na ho ako uuwi dahil bukas ay didiretso na ako ng pasok,” wika ko habang naglalakad na palabas ng locker room ng trabaho ko.“Oh sige, batiin mo na lang si Hanz para sa’kin,” sagot naman ni Mama, agad naman akong kumaway dahil nakita ko na si Hanz na hinihintay ako sa labas.“Ikaw na magsabi sa kaniya oh,” sabi ko at agad na iniabot kay Hanz ang telepono ko bago naglakad na patungo sa passenger seat.Nakita ko naman na tumatawa pa siya habang kausap ang nanay ko, sobrang close nila ni Mama na halos anak na rin ang turing sa kaniya nito. Pumasok na rin siya nang siguro ay ibinaba na ni Mama ang tawag.“Buti na lang talaga napapayag ka ni Tita na sumama ngayon,” sabi niya naman habang inaayos ang seatbelt niya.“Ewan ko sa ‘yo, kapag ako hindi nakapasok sa school bukas, sasakalin kita,” sabi ko na ikinatawa naman niya.“Regalo ko?” tanong niya kaya kinuha ko naman sa bag ko ang isang paper bag
    Read more
    2 - Parents always win.
    Ilang linggo ko ng tinatago ang nalaman ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko, isa lang ang sigurado ko at iyon ay ang hindi ko pa kaya maging isang Ina. Hindi ko pa nasasabi kay Mama dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya.“Nakauwi na ho ako,” malakas kong sabi pagpasok ko ng bahay namin ngunit hindi ko man lang narinig si Mama.“Ma?” tawag kong muli pero nang wala akong marinig ay umakyat na lang ako sa kwarto, nagulat naman ako ng makita ko si Mama sa loob at mas nanindig ang balahibo ko ng makita kung ano ang hawak niya.“Ma,” mahina kong sabi at lumapit sa kaniya ngunit agad napabaling sa gilid ang mukha ko ng makatanggap ako ng isang malakas at malutong na sampal sa kaniya.Read more
    3 - I do(n't)
    Wala pang isang linggo ang naging preparasyon sa kasal ni Chyna at Hendrix, halos ang mga magulang lang nila ang nagkakausap tungkol dito dahil pareho may pasok si Chyna at Hendrix. At ngayon na ang araw ng kasal nila, isang garden wedding ang mangyayari at imbitado ang ilan sa mga business partners ng mga Vilmora at ang pamilya ni Chyna na hindi naman ganoon kalaki.“Akala ko joke lang ‘yung ikakasal ka,” hindi pa rin makapaniwalang saad ni Veronica sa kaibigan.“Kahit ako ay hindi ko rin naman ine-expect na ikakasal ako ng ganito kaaga at lalo na sa lalaking ni hindi ko man lang kilala,” sagot ni Chyna.“Bakit feeling ko pinakinggan ni Lord ‘yung sinabi ko sa birthday ni Hanz medyo sumobra lang ‘yung nangyari,” sabi ni Veronica at naalala na
    Read more
    4 - Rumors and that red lipstick.
    Chyna’s POV“Salamat po,” sabi ko bago bumaba ng sasakyan.“Ingat po ma’am,” sabi naman ni Kuya kaya ngumiti ako.Mabait ang nakuhang driver ni Tita, kung ituring niya ako ay parang anak kaya hindi lang rin driver ang turing ko sa kaniya. Ilang araw na rin mula ng magsimula siya sa paghatid at pagsundo sa akin.Pagkababa ko ng sasakyan ay naglakad na ako papunta sa meeting place namin nila Nica pero napansin ko na parang tinitingnan ako ng mga nakakasabay kong studyante pero hindi ko na lang pinansin.“Natapos mo ‘yung activity kay Sir Gamboa?” tanong ni Nica sa’kin pagkaupo namin sa loob ng classroom.<
    Read more
    5 - Falling for you?
    Nagpa-panic na ako ngayon dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nalimutan ko lang naman sa bahay ang drawing tube ko at dalawang plates ko ang nakalagay doon na ngayon na ang deadline.“Ayaw sumagot ni Hanz,” halos paiyak ko ng sabi kay Veronica habang nandito kami sa comfort room.“Kumalma ka, sasagot rin ‘yan okay? Or kung hindi mo makuha ‘yon ngayon ay makiusap ka na lang kila prof, ngayon lang naman nangyari sa ‘yo ‘yan eh,” sabi ni Nica at hinagod pa ang likod ko dahil konti na lang ay iiyak na talaga ako.Sa dalawang major ko ang plates na ‘yon kaya hindi ko alam paano ko ie-explain sa kanila na naiwan ko sa bahay ang gawa ko. Sinasabunutan ko ang sarili ko ng bigla naman mag-ring ang phone ko, dahil sa paga-akalang si Hanz ang tumawag ay agad ko na itong sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang caller ID.“Hello! Hanz! Kanina pa kita tinatawagan,” sabi ko habang hinihingal pa.“Chyna,” nandilat naman ang mata k
    Read more
    6 - With the Vilmora family.
    Tinawagan ko na si Hendrix habang naglalakad kami palabas ng building, buti naman at nakisama si Nica at tumahimik kahit papaano pero hindi pa rin nawala ‘yung mapang asar niyang mukha.“Hello?” sagot ni Hendrix sa kabilang linya.“Bakit mo ako susunduin? Wala si Kuya Ruel?” tanong ko naman.“Sa bahay tayo magdi-dinner at naghanda sila Mommy, nandito na ako sa labas,” sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at binilisan ko na ang paglalakad habang humahabol naman si Nica sa’kin. Binaba ko na ang tawag at saktong paglabas ko ng lobby ay nakita ko agad siya kahit ang daming naglalakad palabas dahil naka park ang sasakyan niya sa tabi niya at nandun na rin si Hanz pero mukhang hindi sila nagu-usap.“Anong mayroon ngayon?” tanong ko naman pagkarating ko doon.“Trip lang ni Mommy maghanda, baka nag-experiment ulit ‘yon,” sagot ni Hanz kaya tumango na lang ako.“Una na ako, ingat kayo,” paalam ni Nica sa tabi ko kay
    Read more
    7 - Is it bad to fall in love with my husband?
    Sa bawat araw na lumilipas ay ayoko mang aminin pero unti-unti na talaga akong kinikilig kay Hendrix. Alam kong walang meaning ang mga ginagawa niya, lahat ‘yon para lang sa anak namin pero hindi ko naman kasi kayang hindi pansinin kung gaano siya kabuting lalaki. Lord, sobrang gentleman nito, tulungan niyo po akong ‘wag mahulog kasi baka lumagapak ako sa lupa.“Good morning Nay,” bati ko kay Nanay pagkababa ko sa may dining area para kumuha ng tubig.Pabukas na sana ako ng pinto ng ref nang makita kong may note doon, binasa ko naman at napairap na lang ako at nagpigil ng ngiti. Lord sabi ko tulungan mo ko ‘wag mahulog eh.‘I bought you new vitamins, it is good for you and the baby. Drink it every morning.’ - HDelikado na ata ako, vitamins lang ‘yan pero ‘yung kilig ko akala mo ay nag-propose sa’kin
    Read more
    8 - 'Good night, Mrs. Vilmora'
    Nagtutupi na ako ng mga dadalhin kong damit dahil kila Veronica ako matutulog ngayon dahil first day na ng midterm examination namin bukas. Palagi naman kami ganito dahil mas nakakapagreview ako ng maayos kapag may kasabay akong nagre-review.“Nanay Mely, si Kuya Ruel po?” tanong ko naman ng malakas pagkababa ko sa may sala at bitbit na ang mga damit ko, para akong maglalayas.“Ako na maghahatid sa ‘yo,” napalingon naman ako ng marinig ko ‘yon, nakita ko si Hendrix na naghuhubad ng coat niya.“Ha? ‘Wag na baka pagod ka rin, si Kuya na lang,” sabi ko naman.“Ako na. Para alam ko rin ang bahay ng bestfriend mo,” sabi pa niya at ibinaba lang ang bag niya sa may sofa at naglakad na palabas.Wala na rin naman ako nagawa kaya sumunod na ako sa kaniya palabas ng bahay. Hindi niya na pinasok ang sasakyan niya sa garahe siguro ay expected niyang ihahatid niya ako, nag-message kasi ako sa kaniya na kila Veronica ako matutulog dahil baka magalit siya kung hindi ako magsabi sa kaniya.“Bango,” ko
    Read more
    9 - Misunderstanding
    Paakyat na sana ako ng makasalubong ko si Hendrix na mukhang nakaporma rin, tiningnan niya naman ako at kumunot kaagad ang noo niya.“Are you alright? Namumutla ka,” komento niya kaya umiling ako.“Pagod lang sa exam,” sabi ko naman at ngumiti ng tipid.“Magpahinga ka na, may pupuntahan-” hindi ko na siya pinatapos at tumalikod na ako.“Ingat kayo,” sabi ko at naglakad agad paakyat sa kwarto ko.Ayoko na marinig na magde-date sila nung babaeng ‘yon. Akala ko ba ex-girlfriend na? Bakit nandito? Ano ‘yon bonding ng mag-ex?Dumiretso ako ng higa sa kama ko at tumitig na lang si kisame, sila na ba ulit? Hindi sila bagay. Bigla naman nagtubig ang mata ko ng maisip ko ang possibility na baka magkabalikan sila, huminga ako ng malalim para hindi matuloy ang pagtulo ng luha ko.Tama si Nica, ako lang talaga nagbibigay ng malisya sa mga ginagawa niya. Bakit kasi pinalaki ka ng mga magulang mo bilang mabuting lalaki? Paano ko maiiwasang hindi mahulog sa ‘yo? Napaiyak na lang ako ng tuluyan nun
    Read more
    10 - Hide and seek?
    Third Person’s POVIlang araw na mula noong nagsimulang dumistansya si Chyna sa asawa at unti-unti na ‘yon napapansin ni Hendrix ngunit wala naman siyang magawa dahil halos hindi na sila magkita ng dalaga sa mismong bahay nila. Tuwing umaga ay maaga na itong umaalis at sa gabi naman ay maaga na ito palaging natutulog.Kahit na si Chyna ang umiiwas ay hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot dahil sa ginagawa niya pero hindi niya naman matigilan dahil naaalala niya na baka nagkabalikan na si Hendrix at Kim dahil ilang beses na niya ito nakita sa bahay nila.“Oh ano na naman ang iiyakan natin today?” tanong ni Nica ng makita ang kaibigan na nakatulala sa meeting place nila.“Wala. Kalmado ako today,” sagot naman ni Chyna.“Sana talaga true!” malakas naman na sabi ni Nica.“Hayaan mo na siyang ganiyan at baka umiyak pa,” sabi rin ni Allyson kaya napasimangot na naman si Chyna sa mga kaibigan niya.“Pasok na,” bungad ni Hanz pagkarating niya at inabutan lang ng strawberry milk si Chyna.“
    Read more
    DMCA.com Protection Status