My Ella

My Ella

By:  Ma. Zaira Cailles  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
0.0
Not enough ratings
68Chapters
1.0Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Is cheating a choice or a mistake? Sabi sa "Wikipedia" cheating generally describes various actions designed to subverb rules in order to obtain unfair advantages. It is also define as infidelity at madami pang iba. Pero ikaw as a person do you see yourself cheating to the one you love? Dahil sa kanya mo nahanap ang wala sa present partner mo? Or Nagsasawa ka na dahil sa tagal n'yong magkarelasyon naging, dull na ang lahat at nawala na ang "spark" sa pagitan n'yong dalawa. Sino ang dapat sisihin? Ang taong nawalan ng oras o ang taong naghanap ng iba? Zander Alvarez isang binatang nabighani sa karisma ni Michaella Tan. Nagkrus ang landas ng dalawa sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging malapit sa isa't isa at hindi naglaon ay mas lumalim ang kanilang pagiging magkaibgan at nauwi sa hindi inaasahang pagkakaintindihan. Pinagtagpo ang dalawa ng tadhana sa maling panahon at maling pagkakataon. Maitatama pa kaya ng dalawa ang mga pagkakamali ng pinagbabawal na relasyon? Tama bang ipagpatuloy ang isang relasyong sinira ng tukso at kasinungalingan? Ipagpapalit mo ba ang sampung taong relasyon sa isang walang kasiguraduhan na pagmamahalan?

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
68 chapters
Chapter 1
"Good morning sa inyong lahat, i-welcome natin si Mr. Zander Alvarez sa ating firm," pakilala ni Mr. Villanueva sa binatang kanyang kasama. "O, ituro ninyo ang tama at hindi ang shortcut!" ani ni Mr. Villanueva sa lahat. "At isa pa, mag-take 'to ng boards kaya tulungan natin s'yang makapasa okay? 'Yung mga topnotchor natin d'yan, ipakita ang husay n'yo sa pagtuturo sa kanya!" sabi ni Mr. Villanueva. "Fresh grad. si Zander at unang trabaho n'ya ito. Kaya be nice to him," dagdag nito.   "Good morning, Zander Alvarez po," pakilala ng binata sa kanyang sarili at nginitian ang lahat.   Abot tenga ang kanyang ngiti dahil sa tuwang kayang nadarama. Ito ang unang araw ni Zander sa trabaho at malaki ang pasalamat nito dahil mainit ang pagsalubong sa kanya ng lahat.   Nilapitan ni Boron si Zander at tinapik ang kanyang balikat. "Yes sir! Don't worry ipap
Read more
Chapter 2
Dumaan ang maghapon ni Zander sa opisina, panay lang ang tingin nito ng mga file sa lamesa ni Junel. Nagtatanong ng mga routine nila sa opisina at kung ano-anong bagay tungkol sa kanilang trabaho.    Natutuwa naman si Junel dahil nakakitaan nito ng pagiging interisado ang binata. Ngunit hindi ito nakakasiguro kung hanggang saan tatagal ang baguhang si Zander. Ilang taon na rin kasi s'ya sa kumpanya at marami na rin s'yang nahawakang mga tao, karamihan sa kanila ay hindi nagtatagal dahil sa dalawang dahillan. Una, mababang sahod bilang panimula at pangalawa, ang pagka-culture shock sa tunay na mundo bilang isang empliyado. Lalo na kung  ang hahawak sa kanila ay ang batikang si Ella na walang patawad kahit gaano pa kataas ang iyong pinag-aralan.    Wala pa talagang pinagawa si Junel sa binata, tulad ng sinabi nito ay mag-relax at magmasid muna sa paligid para sa kanyang unang araw. Sadyang mabait si Junel, at away nito
Read more
Chapter 3
'Yon! Ang aga ko pa! Ani ni Zander sa kanyang isipan habang papalapit pa lang ito sa gusali ng kanilang opisina.Isang linggo na rin ang nakalipas at sobrang ginaganahan si Zander na pumasok sa firm na kanyang pinapasukan. Marami s'yang natututunan at nakukumpara na n'ya ang kanyang mga pinag-aralan sa kanyang trabaho. Kahit nag-training pa lang s'ya ay talaga nagpapakitang gilas na ang binata at mabilis na nakisama sa lahat.    Naglalakad ito patungo sa kanilang gusali ng naisipan nitong dumaan muna sa coffee shop katabi nito upang mag-kape. Alas-sais asado pa lang noon ng umaga at alas-otso pa ang pasok ng binata. Matapos mag-order ng kape ay agad itong nakahanap ng pwesto sa may sulok.    Habang nagkakape ay nagmasid ito sa kanyang paligid ng may natanaw si Zander, isang babaeng papasok sa pinto.    Balingkinitan ang katawan, may itim na buhok na hanggang 
Read more
Chapter 4
"Nice meeting you Alvarez," pormal sa wika ni Ella. Tinignan ito ng dalaga mula ulo hanggang paa, tila kinikilatis nito ng maigi si Zander.Ah, ikaw pala si Zander Alvarez. Hmmm. Hanggang saan kaya ang itatagal mo? Fresh graduate at mukhang totoo nga ang sinabi ni Anica na mabait ka. Mabait at humble ka naman, baby face, mala anghel ang itsura, pero ibahin mo ako Zander. Hindi ako mabilis magpalinlang sa mga ganyang itsura. Kung sila nakuha mo ang loob ng isang linggo, ako hindi ako kasing bait ng tatlong 'yan. Iba si Ella iba si Tan.Nabalot ng katahimikan ang paligid, tila may pwersang nilalabas si Ella na sobrang nagpapakaba sa binata kahit wala pa itong ginagawa sa kanya.  Sa mga titig pa lang ni Ella, nangangatog na ang binata, idagdag pa ang mga sabi-sabi sa paligid. Magkahalong pagka-ilang at kaba ang kanyang nararamdaman habang tumatagal ang pagkilatis sa kanya ng dalaga."So paano ba 'yan, Alvarez, magpapakabait ka ha. 'Yung mga bilin ko, 'wag na '
Read more
Chapter 5
"Walang dyo! Talaga ba? Ginawa n'ya 'yon!" wika ni Junel habang tumatawa. "Grabe talaga 'tong si Tan, walang patawad! Nag-ala HR naman ngayon!" dagdag pa nito."'Wag naman po kayong ganyan, kanina ko pa nga po iniisip kung tama po ba ang mga sagot ko sa mga tinanong n'ya. Para nga po akong naga-apply ulit, pero mas matindi." Nakatungong sabi ni Zander.Sumabak si Zander sa isang matinding interview. Simula sa tell me about yourself hanggang sa what do you expect to this company. Bukod doon ay nagtanong din si Ella tungkol sa pagiging accountant. Debit at credit, mga terms na ginagamit. Mga basic computation na madalas gamitin at kung ano ano pa. Kung sa ilalim ni Junel ay naging chill at relax ang binata, pagdating naman kay Ella ay kabaliktaran ang lahat.Pinipigil ni Junel ang kanyang pagtawa, nakita n'ya kasi ang pamumula ng binata dahil sa hiya. Naisip nitong baka mapikon ang binata sa kanyang magiging reaksyon kung s'ya ay tatawa. "Okay lang 'yon, noong nak
Read more
Chapter 6
"Miss Ta---," napahinto si Zander nang biglang lumingon si Ella sa kanya. "Tan, Tan pala," wika nito."Yes?" ani ni Ella habang walang emosyong nakatingin sa binata."Ano po kasi." Hindi alam ni Zander kung paano sasabihin kay Ellang uwian na. Hindi sinasadyang sumulyap ito sa wall clock na hindi kalayuan sa kanilang pwesto. Saktong alas-singko pa lang naman ngunit nagsisilabasan na ang karamihan. Nakita ito ni Ella, pasimpling tinignan nito ang kanyang relo, uwian na pala at hindi nito namalayan ang oras."Yes?" ulit na tanong ni Ella.Bakas sa mukha ni Zander ang tensyon. Akala n'ya ay nawala na ito kanina ngunit ng binalot muli silang dalawa ng katahimikan at ang tanging naririnig n'ya lamang ay ang pagtipa ni Ella, umusbong unti-unti ang kaba sa kanyang dibdib."Mauuna na po ako?" magalang na tanong ni Zander.Tumalikod si Ella at nagbuklat ng mga files sa kanyang harapan. "Sige," maiksi nitong tugon.Parang nabunatan ng tinik si
Read more
Chapter 7
Kitang kita ni Ella ang mga nangyari, nakaramdam ito ng awa para kay Zander ng mga oras na 'yon. May kasungitang taglay ang dalaga, akala mo ay walang paki-alam sa iba. Ngunit tao lang din s'ya na nakakaramdam ng awa kahit minsan."S'ya siguro ang nobya ni Zander," usal ni Junel, pinagmamasdan din pala nito ang magkasintahan mula sa kanilang kinatatayuan.Napalingon si Ella kay Junel. "Girlfriend?" tanong ni Ella.Tumango si Junel ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. "Mukhang nag-away yata 'yung dalawa, kawawa naman si Zander. Ano kayang pinag-awayan nila?" saad nito.Sinundan ng tingin nina Junel at Ella ang magkasintahan. Halata sa kilos ni Dennise ang iyamot kay Zander, hindi kasi ito pumapantay sa paglalakad sa kasintahan at halos iwan na si Zander."Baka na-late, kaya nag-away," ani ni Ella."Baka nga," sabi ni Junel. Bigla itong napalingon kay Ella. "Oy! Baka naman late mong pinag-out si Zander kaya na late s'ya sa pagsundo
Read more
Chapter 8
Kinatok ni Junel ang bintana ng sasakyan at agad naman itong binaba ni Baron. "Baron, ingat! Si Anica iuwi mo 'yan ha," bilin ni Junel kay Baron."Oo, diretso uwi na kami! Salamat, ingat din kayo ni Ella ha," paalam ni Baron sabay turo nito kay Ella. Matapos ay tuluyan ng umandar ang taxing kinuha ni Ella para kayna Baron at Anica. Tinanaw ng magkaibigan ang taxi haggang sa makalayo na ito."'Yung susi ni Anica?" tanong ni Ella.Inangat ni Junel ang kanyang kamay at inilawit ang susi. "Ito po," tugon nito.Sabay ng pumasok ang dalawa sa resto bar at bumalik sa kanilang upuan. "Ano, ubusin na lang natin 'to o order pa tayo?" tanong ni Junel. "Maaga pa naman, kaso mag-drive pa tayo ng motor."Walang kaabog-abog na tinaas ni Ella ang kanyang kamay upang tumawag ng waiter. Agad namang may lumapit na waiter sa dalawa."Kuya, pa-take out nitong natirang sisig tapos o-order pa ako ng isa pang sisig at kahit
Read more
Chapter 9
"Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel." Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika
Read more
Chapter 10
"Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel." Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika
Read more
DMCA.com Protection Status