Heartless Tears

Heartless Tears

By:  KenTin_12  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
14 Mga Ratings
62Mga Kabanata
11.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

"She had me at my worst. You had me at my best. Pero binaliwala mo ang lahat... and you chose to break my heart." Napasinghap ako sa kanyang sinabi habang ang kanyang mga mata ay walang buhay na nakatingin sa akin. Hindi ko man gustong masaktan siya pero kailangan kong gawin dahil alam kong sa huli masasaktan ko rin siya. Ngiti na lamang ang binigay ko sa kanya habang pinupulot isa-isa ang damit kong nakakalat. "Sana maging masaya ka. I'm sorry." "I am, Ali, masaya ako sa kanya." Tuluyan ng tumulo ang luhang pinipigilan ko at tanging narinig ko lang ang pagsara nang malakas na pinto. "I'm sorry, Xerxes... I'm sorry!"

view more
Heartless Tears Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
KenTin_12
Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbibigay ng gems and patuloy na nagbabasa ng story nina Xerxes and Alistair!......
2023-10-20 13:02:10
0
user avatar
Mharjz Gahisan Hamac
nice author..... more stories please.....
2023-07-31 19:26:55
1
default avatar
m16_babyarmalite
hope you have a story for kuya Zachs love life as well as kuya Reed...
2023-05-19 16:53:41
1
user avatar
KenTin_12
Gusto ko ulit gumawa ng bagong book dito. Sana suportahan niyo po ako incase na magkaroon ulit ako ng story. Thank you po sa mga patuloy na nagbibigay ng gems an nagbabasa. Godbless po! =)
2023-04-05 13:24:17
1
user avatar
Jogielyn Manuel Marzo
Eto Yong gusto ko Yong maikli Lang ang. Kwento. Salamat saiyo author
2023-01-02 17:42:45
2
user avatar
KenTin_12
THANK YOU PO SA MGA NAGBABASA, NAGBASA AT NAGBIBIGAY PO NG GEMS. :)
2022-05-04 08:42:53
6
user avatar
NottiePha
Much! Recommend! ......
2022-04-09 13:51:24
1
user avatar
Miyano
Intense na iyong bawat episode. :( Naaawa ako Kay Alistair huhuhu
2022-04-08 10:06:50
0
default avatar
chenzkie112186
sobrang sakit nman,,kakainis ganitong ugali ng lalaki,,,happy sya sa edel ni d don sya
2022-04-07 18:55:12
3
user avatar
Miyano
Highly recommended!!
2022-04-01 17:01:43
1
user avatar
Charmz1394
matinding iyakan na nmn ang magaganap dto,ngayon pa lang eh ngpaparamdam na ang sakit
2022-03-25 13:44:46
1
user avatar
KenTin_12
Hi, sana po masubukan niyo pong basahin ang story ko.... Daily update na po siya this April 1. Thank you po sa nagbibigay ng gems and nagcocomment. ......
2022-03-21 13:04:55
1
user avatar
Liecel Gan Caguioa
eyy maganda kwento ng author namin na to.........
2022-02-25 22:13:04
2
user avatar
Miyano
Maganda ang kwento, otor-nim. ... Update na poooooo
2022-02-25 18:22:12
2
62 Kabanata
HT - 1
"Xerxes! Hintay!" malakas na sigaw ko kay Xerxes, ang bilis kasi niya maglakad. Alam naman niyang maliit ako kumpara sa kanya kaya nahuhuli ako sa paglalakad niya. "Alistair, mahuhuli tayo sa pagpasa ng project natin baka umuwi agad sila Ma'am." pagmamadaling sabi niya sa akin, lumingon siya sa akin at pinuntahan niya ako sa aking p'westo saka ako inalalayang lumakad. Sabay na kaming naglalakad ngayon. "Alam mo namang maliliit ang mga binti ko, Xerxes! Kasalanan ko bang maliit akong babae." pagtatampo ko rito at napanguso sa kanya habang hila-hila pa rin niya ako.  Huling linggo na namin bilang senior high school student, papasok na kami bilang college student ni Xerxes buti na lang talaga parehas ang kursong kinuha namin.  Napahawak ako sa aking kanang dibdib ng makarating kami sa English department, nagtaas-baba ang aking balikat dahil sa bilis maglakad ni Xerxes.  
Magbasa pa
HT - 2
"Ma," tawag ko kay Mommy ng makauwi ako galing sa paglabas namin ni Xerxes.  "Alistair, are you okay, princess?" nag-aalalang niyang tanong sa akin.  Dahan-dahan akong tumango sa kanya. "Inatake ako kanina, mommy." Umupo ako sa isahang sofa namin. "Buti na lang nawala rin po agad ng makainom ako ng tubig." Bakas sa mata niya ang pag-aalala sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.  "Is the pain throbbing, princess?" she asked me a worried question. Even if Mommy doesn’t show it to me I know she cares deeply about me. Umiwas ako ng aking tingin sa kanya. Binasa ko ang aking ibabang labi dahil ramdam kong nanunuyo na ito dahil sa nerbyos na nararamdaman ko.  Dahan-dahan akong tumango kay mommy. "Mom, sure po bang effective iyong gamot na tina-take ko po?"  Hindi naman siya, hindi ako
Magbasa pa
HT - 3
"Hi po, Tita Anna! Good morning po! Si Alistair po?"  Napahinto ako sa paghakbang pababa ng bahay namin nang marinig ang boses na iyon. Ang boses ni Xerxes. "Nasa k'warto pa niya, Xerxes, iho. Pero, pababa na rin si Ali. Bihis na bihis ka yata, saan ang punta niyo ngayon?"  Napakunot ang aking noo at naguguluhan sa kanilang usapan. Nakabihis si Xerxes? May pupuntahan ba kami na nakalimutan ko?  Kinagat ko ang aking kanang kamay at pilit na inaalala kung may lakad ba kami ngayong araw.  "Wala talaga. Wala siyang sinabing may lakad kami ngayon." Nakakunot na ang aking noo at pilit na inaalala sa aking isipan kung may sinabi ba talaga siya sa akin pero wala talaga akong maalala. "Ako lang po, Tita Anna. Pinapapunta po kasi ako ngayon ng adviser namin sa school."  Huh? Pinapapunta siya ni Mrs. Reyes sa school? Para sa
Magbasa pa
HT - 4
Hapon na pero wala pa rin akong nakukuhang text galing kay Xerxes. Hindi pa rin kaya tapos iyong pinapagawa ni Mrs. Reyes sa kanya?  Nakatulog na lang ako lahat-lahat kahihintay sa text niya pero wala akong natanggap man lang.  Bumaba ako sa sala namin at tumungo roon sa dining, nakita ko si mommy na nagluluto ng pancake. Kinuha ko ang pitchel sa refrigerator, nagsalin ako sa aking baso.  "Princess, gising ka na pala. Gusto mo?" Lumingon ako kay mommy habang nilalagok ko ang aking tubig.  "Opo, mommy. Thank you po." aniya ko at nilagyan ulit ng tubig ang aking baso.  Dinala ko ang aking baso sa lamesa, kumuha na ako ng dalawang plato at dalawang tinidor. Inayos ko na ito sa dining table namin.  "Ali," napalingon ako kay mommy ng tawagin niya ang pangalan ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Sumasakit pa rin ba?"  
Magbasa pa
HT - 5
"Hi, babe!"  Ang aga niya ngayon. Alam kong bawal ma-late sa entrance examination pero sobrang aga naman niya.  "Good morning," tipid na bati ko sa kanya.  Nilagay ko sa tabi niya ang bagpack kong kulay pink, "kumain ka na, Xerxes?" pagtatanong ko sa kanya at nilahad ang aking kanang kamay.  "Mm-hmm... But, I want to see you eating, babe." anito sa akin at nakita kong may ngisi sa kanyang labi. "Ang pilyo mo na naman, Xerxes! Kumain na tayo baka mahuli tayo mamaya!" saway ko sa kanya at kinurot ang kanyang tagiliran. Pasaway naman kasi.  Sumakay na lang kami ng jeep papunta sa Carter's University, malapit lang naman ito sa subdivision kung saan kami naninirahan.  "Sana makapasa ako, Xerxes. Kinakabahan tuloy ako." mahinang sabi ko sa kanya at kiniskis ang magkabila kong kamay para mawala
Magbasa pa
HT - 6
"Hi, my one and only bestfriend, Ali! How are you naman?" Napangiti ako ng makita ang bestfriend ko kahit sa screen lamang ng phone ko. "Tiny, I miss you!" masayang bati ko sa kanya at kumaway sa screen ng phone ko. "Kumusta ka na d'yan, Tiny?""Of course, I'm doing great here, Ali! Look, lalo akong gumaganda and I have a good news for you! Pumasa ako sa Carter's University!" sabi niya sa akin at sumisigaw na siya ngayon sa kabilang screen. Naka-upo ako ngayon sa gitna ng aking kama. Kakauwi ko lang galing sa hospital dahil nawalan ako nang malay tao. Ayon sa doctor may nagpa-trigger sa akin kaya sumakit ang aking dibdib na siyang kinasanhi ko ng consciousness. Dinagdagan na naman ang gamot ko. "Aren't you happy that I passed, Ali?" Nawala ang gumugulo sa aking isipan ng magsalita na ulit si Tiny sa kabilang screen. "Ah? I'm happy for you, Tiny! Makakasama na ulit kita dito sa Pilipinas!" pinasigla ko ang aking boses para 'di siya mag-alala.
Magbasa pa
HT - 7
"Kuya Zach, dito lang po ako sa National bookstore. Saan ko po kayo hihintayin?" pagtatanong ko sa kanya nang makapasok kami sa mall. "Samahan na kita, nag-promise ako kay tita Anna na hindi ka pababayaan. Come on," aniya sa akin at hinila ang aking kaliwang kamay. Napatitig ako sa kanyang pagkahawak sa aking kaliwang pulso. Napahinto ako sa paglalakad kaya maging siya ay napahinto rin. Tumitig siya sa akin pero ang aking tingin ay nasa kamay niyang nakahawak pa rin sa aking pulsuhan. "Ay! Sorry! Sorry, Ali!" agaran niyang sabi sa akin at bumitaw siya sa aking kaliwang pulsuhan. "Pasensya na, Ali. Nakalimutan kong ilag ka pala sa ibang lalaki. Sorry, ha?" hingi niya ulit sa aking ng patawad. Mahina itong tumawa sa akin at nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa likod ng kanyang ulo. "Huh?! O-okay lang po, kuya Zach." said to him and I focused my gaze on something else. "Saan ko po kayo hihintayin after ko po sa National Bookstore?" ulit na tanong
Magbasa pa
HT - 8
Wala ako sa aking sarili ng maihatid ako pabalik ni kuya Zach sa amin. Blangko ang mga mata ko at maging ang pakiramdam ko ay wala. Hindi ko nga alam kung ano ang sinasabi ni kuya Zach sa akin kanina habang bumabyahe kami pabalik dito. Maging si mommy ay hindi ko naririnig ang sinasabi niya sa akin. Naging tahimik ang paligid ko. Pagka-akyat ko sa aking k'warto, ni-lock ko ito at hinarangan ng aking gaming chair. Ayokong may kumausap sa akin ngayon. Nilapag ko sa tabi ng aking table ang pinamili namin. Nakalimutan ko tuloy ang bagong bag, hindi ako nakabili. Umupo ako sa sahig ng aking k'warto at sumandal ako sa gilid ng kama. "Bakit mo nakalimutan ang anniversary natin, Xerxes? Hindi lang niyon kasama mo pa si Edel. Hindi ka na ba masaya sa relasyong mayro'n tayo?" Huminga ako nang malalim at pinalo nang mahina ang aking dibdib. Sinandal ko ang aking noo sa tuhod ko. "Pinaglalaban kita laban sa sakit na mayro'n ako..." aniya ko sa aking sarili at
Magbasa pa
HT - 9
Para pa rin akong nakalutang sa alapaap dahil sa nangyari kahapon. Ang sarap sa pakiramdam ang ginawang sorpresa ni Xerxes sa akin. Ang dami ko tuloy na-upload na pictures namin sa facetagram ko, nagcomment nga si Tiny, e. "Hala, kayo na ang sweet na couple. Hmmp! Happy anniversary to my fave couple!" Na-heart ko tuloy ang comment niya at ang maging ibang nagcomment sa post ko. Tinaas ko ang aking index finger, pinagmasdan ko ang singsing na binigay niya sa akin. Simple lang ito na crown ang design at may naka-engrave na 'X' and 'A'. Xerxes and Alistair. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya kagabi, lumuhod lang naman siya sa akin at sinabi ang mga sinasabi ng mga nagpo-propose sa mga kasintahan nila. "Ali, si Xerxes nasa ibaba." Napatingin ako sa pinto ng k'warto ko ng may kumatok at nagsalit roon, si mommy."Mommy, bababa na po ako!" masayang sabi ko sa kanya at tumayo na sa aking gaming chair. Magtatype na sana ako ng aking
Magbasa pa
HT - 10
"Good morning, World!" masayang bati ko sa aking sarili sa salaming nandito sa k'warto ko.Ang ganda ng panaginip ko kagabi. Isa raw akong bida sa isang k'wento tapos ang prince charming ko si Xerxes. Kinasal kaming dalawa at nagkaroon ng maraming anak sa panaginip ko.Panaginip. Napaisip ako bigla dahil sa panaginip ko. Mangyayari pa kayo iyon? O, magiging isang panaginip lang ang mga iyon? Iniling ko ang aking ulo upang mawala ang aking iniisip. Hindi dapat ako magpatalo roon. Lumalaban ako para sa kanya at kila mommy. Matatalo kita, gagawin ko lahat para manalo kontra sayo at saka ko pinalo nang mahina ang aking kaliwang dibdib.Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko, "wake up, Ali! Dapat maging masaya tayo dahil gumagana ang gamot sa atin kaya 'wag tayo mag-isip na hindi maganda." kausap ko sa aking sarili sa salamin. Ngumiti ako sa huling pagkakataon sa salamin bago pumasok sa bathroom, maliligo na muna ako at bababa na rin. Mamaya na ang laban nil
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status