Sabi nga nila High School ang pinakamasayang yugto ng buhay mag-aaral. madaming latest happenings at halos lahat ng mag-aaral sa loob ng campus ay tinuturing mo ng kapatid o minsan kaaway Ang buhay high school ay hindi biro minsan madaming problemang dumadaan na minsan ay Hindi nanatin ito kayang
View MoreHindi ako pinansin ni Florence maghapon tila naninibago ako dahil 'di niya ako kinukulit nitong araw, guilty tuloy ako sa ginawa ko sa kanya kahapon pero dala lamang iyon ng lungkot, tsaka nambabangga naman kasi siya, e, alam niyang pagod ako.Kasalukuyang naka tamabay kami ni Kimi dito sa canteen para kumain ng meryenda dahil katatapos lamang ng aming klase kaya napag pasiyahan naming tumambay muna dito at para palipasin ang oras."May point ka naman, Allen, kaso nga lang sumobra ka kahapon. Naaawa tuloy ako kay Florence, kung ako siya ay talagang 'di na kita papansinin pa forever." nakangising wika ni Kimi sabay higop nang binili niyang frappé.Pinanliitan ko siya ng mata. "Porket crush mo lang 'yung tao. Tsaka bakit kasi babanggain ako 'di ba? Ikaw kaya ang banggain ko, oh ano gusto mo?""Grabe siya, siyempre charot charot lang iyon. Pero kung talagang hindi ka na mapakali at 'di ka pinapansin, edi puntahan mo siya at humingi ka ng sorry.
Humarap ako kay Kimi nang makita ko itong nakangisi sa akin. "Titigil na talaga ako sa paghahabol diyan kay Denver, ayoko na peksman!"pagmamaktol ko."Weh, sure na ba 'yan o rehearsal mo lang? Saka tigil-tigilan mo nga ako sa mga inarte mo eh halos araw-araw nag lalaway ka diyan kay Denver, kaya imposibleng titigil ka na. Huwag ako."tugon naman nito na ikinaismid ko. "Ay pak! May pa JS Prom pala ang campus natin infairness naman itong president natin sa council at narinig na ang mga prino-prostesta ng mga soulsisters dito sa campus."dagdag pa niya habang naka titig sa laptop niya."Ayokong dumalo sayang oras, matutulog na lang ako o kaya babawi sa acads ko. Stress talaga ako kay Denver!""At ano namang kasalanan ni Denver sa'yo bakla."wika ng isang babae sa harapan namin kaya naman sabay kami ni Kimi na nag angat ng tingin. Ito ay walang iba kundi si Darlene; miyembro ng Spyce Girls."Wala, bakit kasali ka sa usapan namin?"tanong ni Kimi
HIGH SCHOOL LOVE ONWritten by: iMarjayNariKasalukuyang nakatambay na naman ako dito sa rooftop at abala sa pagmamasid sa mga estudyante, wala lang tila nakasanayan ko nang tumambay dito at tinuturing ko na itong sweetspot. Bukod sa mahangin dito ay gusto kong mapag isa. Habang sa ganoong posisyon ay nakita ko si Denver na nakaupo sa study park, mag-isa ito at abala sa pagpindot ng kaniyang cellphone habang nakadekuwatro ang paa. Kaya napag desisyunan kong lapitan ito at subukang umamin sa kaniya sa aking nararamdaman. Baka ito 'yung paraan para malaman kung may kinalaman siya sa lahat ng nangyayari sa buhay ko dito sa campus.Habang tumatagal ay nagiibayo na ang aking nararamdaman para sa kanya at hindi ko na ito madala-dala pa, ngunit kahit anong tibay ng loob ko ay tila nagdadalawang isip pa din ako na umamin.Pagdating ko dito sa kinaroroonan niya ay napatingin ito saka ngumiti, ako naman ay hindi ko alam ang gagawin kung aatras ba
Tulala at napako ang aking tingin sa notes ko ng Gen Math, kahit na paulit-ulit kong binabasa at isinasaulo ay wala ni isang impormasyon ang naiiwan sa 'king isip. Naparito kami dito sa study park dahil masiyadong maingay sa building namin."Nakakabanas na talaga! Ilang minuto na lang magsisimula na 'yung Gen Math,"sabi ko saka sinabunutan ang aking buhok."Ang taas naman kasi ng pangarap mo! Tsaka haller? Ikaw ang nag desisyon kahapon na 'di ka pupunta sa practice slash gimik nila Denver. Asaness ka vie! Hindi nga siya pumapatol sa beki, straight siya! Kasin tuwid siya ng ruler!"wika naman ni Kimi na abala ito sa pag t-take note. Ilang sandali ay nag-angat ito ng tingin at tinaasan ako ng kilay, "Mag focus ka diyan sa Gen Math mo, ang haba naman kasi ng buhok mo dahil nagkaroon ka pa ng secret admirer. Sana'y ako nalaaaaang!"wika nito sabay kanta't ginamit pa niya ang ballpen bilang mic."Grabe ka, assume lang naman tsaka pa'no kung siya nga e'di ang saya
Lumipas ang normal na araw bilang buhay estudyante. Matapos ang pagkapanalo nina Denver sa Basketball league ay nag focus na ang lahat sa pag-aaral."In fairness nagbago na ang takbo ng career ni Florence, char. Kung dati ay isa lang siyang tambay at sakit sa ulo, pero ngayon ay naging sikat na siya at kinagigiliwan ng lahat. I love him so much talaga,"wika ni Kimi habang nakatingin sa malawak na school ground."Sabi nga ng iba ay karibal ni Denver si Florence. Pero para sa 'kin magiging best buds sila,"tugon ko naman.Humarap si Kimi sabay halukipkip,"Kampihan mo nalang si Denver, akin na si Florence. Susuportahan ko siya kahit anong mangyari, maglalaban kami ni Denver sa mactan kung aawayin niya si Florence ko!"Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Boang na nga siya kay Florence, "Sa 'yo lang! Walang aagaw Kimi. Magpakaboang ka sa kanya, tsaka wala akong kinakampihan dahil pareho silang magaling sa paglalaro ng basketball,"tugon ko naman sabay irap.
Lumipas ang Ilang araw at dumating na nga ang pinaka aantay ng lahat; ang Municipal Basketball League Tournament. Labanan ito ng iba't-ibang paaralan dito sa lalawigan ng Ilocos Sur. Idineklarang maglalaban ang Team Lightning Volt at Blue Dragon ng Lauren High. Samantala, pinayagan kami ng aming Principal na manood ng paligsahan, kaya naman nagpagawa ang mga estudyante ng banner bilang simbolo ng suporta para sa 'ming manlalaro; na kung saan ay ang mga Lightning Volt. Gayunman ay hindi parin ako makakapanood ng maayos upang suportahan si Denver. Dahil ang mga kagaya kong student council ay naatasang magbigay ng inumin sa mga manlalaro namin.Mistulang magigiba ang buong auditorium dahil sa lakas ng hiyawan ng mga estudyante na galing pa sa iba't-ibang paaralan. May mga hawak silang balloon habang winawagayway sa ere.Kasalukuyang nakatayo kami ng aking kasamahan dito sa gilid ng auditorium, kasama si Kimi na kanina pa picture ng picture."Mag u-update ako
Biyernes. Free day namin ngayon kaya pwede naming isuot ang mga nais naming isuot. Dahil nga hindi ako sumipot noong inanyaan ako ni Denver para makipag friendly talk sa cafeteria, ay minarapat kong pumunta doon sa basketball court ng aming campus upang panoorin siya ngayon. Marahil, nagsimula na ang kanilang pag-eensayo.Parte si Denver ng varsity dito sa campus. At sa lahat ng kanilang laban ay naiuuwi nila ang titulo. Kaya naman labis ang aking paghanga sa kanya dahil sa pagiging matalino niya sa lahat ng larangan. Bukod pa Doon ay kasali rin si Zanbrix at Bryan sa varsity.Habang naglalakad ako dito sa hallway ay damang-dama ko ang tuwa ng bawat estudyante. Hindi lang naman ako ang humahanga kay Denver dito sa campus, madami kami at dinaig pa ang artista sa dami ng fans niya. Mukhang, marami talaga ang nag-aabang sa gaganaping practice mamaya.Diretso lang ang aking lakad at hanggang sa biglang may humarang sa 'king harapan, kung kaya bigla akong natig
Abala ako sa paghahanda para sa pagpasok sa aking paaralan. Tungkol naman sa black eye ko ay gumamit na lang ako ng concealer para itago; ngunit medyo pansin parin ito. Pero mabuti na lang at hindi na katulad kahapon na halos nagmu-mukha na 'kong panda. Binuksan ko ang aking closet upang kunin 'yong long sleeve at vest na uniform namin sa campus. Kulay maroon at may logo ito ng aming paaralan."Aalis na po ako,"pagpapaalam ko sabay labas ng aming tarangkahan at kaagad na sumakay sa loob ng traysikel. Medyo makulimlim ang buong kalangitan at tila may nagbabadyang malakad na ulan. Mabuti't nakapagdala ako ng kapote at payong para may gagamitin ako mamaya.Tumigil ang traysikel dito sa tapat ng maingate ng aming campus kung kaya agad akong bumaba kasabay nito ang pag-abot ko ng aking pamasahe. Pumasok na ako sa gate at sinalubong ako ng mga estudyanteng nakikipag-kwentuhan sa mga kabarkada nila, at ang iba naman ay nagbabasa ng aklat. Ngunit karamihan ay mga estudyant