The Runaway Bride Returns

The Runaway Bride Returns

By:  Cinnamon  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
10
1 Rating
12Mga Kabanata
4.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Shazna and Lucas are probably everyone’s couple goal. Their relationship is almost perfect, until their wedding day came and Shazna decided to leave Lucas in front of the altar. After three long years, she returned to get him back. But now Lucas was not the man he was three years ago. Everything about him changed. Will her love for him prevail over the pain she caused him?

view more
The Runaway Bride Returns Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Yohana Heart
Ay nandito na pala ito ...
2022-12-23 23:55:17
2
12 Kabanata
Prologue
Lucas stood at the altar as he waited for his bride, Shazna. He was wearing a white tuxedo and a big dorky eyeglasses. The thump in his chest grew stronger with each passing second.Just a moment later, a white car stopped in front of the church. He took a deep breath and stood straight up with a wide smile on his face. Everyone got into their positions and the whole church went quiet as the music started to play.The wooden church door opened and Lucas almost teared up when he saw his bride. There she was, standing right in front of the door. He felt like he was the luckiest man in the whole world today. At last, they're going to get married.Shazna took a deep breath and started walking slowly. Lucas never took his eyes off her while having that proud smile on his face."We've made it," naibulong pa ng lalaki sa sarili.Shazna was the most beautiful bride he had ever seen in his whole life. She was wearing a simple fit and flare white wedding dre
Magbasa pa
Chapter One
"WELCOME back to the Philippines!" bati ng mga kaibigan niyang sina Vanessa at Gabrielle.Ito ang sumalubong kay Shazna sa NAIA Terminal 1. Isang ngiti ang kaniyang ibinigay sa mga ito habang magkahalong saya at lungkot ang kaniyang nararamdaman."Thank you, besties," naluluha niyang wika bago mabilis na yumakap sa mga kaibigang tatlong taon din niyang hindi nakita."Wow! Look at you, bestie! You look so gorgeous!" kumento naman ni Gabrielle matapos nilang maghiwalay sa pagkakayakap."Ano bang in-i-expect mo? Siyempre, fresh from New York itong best friend nating writer!" ani Vanessa at humalik pa sa kaniyang pisngi. "Pero bakit naluluha ka diyan, ha? Ang arte mo, nandito ka na nga, o!""Gaga!" bulalas naman niya bago pinahid ang ilang luhang naglandas sa gilid ng kaniyang mga mata. "E, sa masaya akong makita kayo ulit, e!""Ewan ko sa `yo, ang drama mo! Halina nga kayo! Group hug uli tayo!" ani Vanessa at pagkatapos ay hinila sila ni Gabrie
Magbasa pa
Chapter Two
LUCAS GARCIA, a well-known model and the CEO of The Prime Hotel caught kissing the actress/model Olivia del Mundo.Napalunok si Shazna matapos basahin ang nilalaman ng magazine. Hindi niya alam kung madi-disappoint ba o matutuwa sa nalaman. Madi-disappoint dahil hindi naman dating ganoon ang lalaki. Hindi magagawa ng Lucas na kilala niya ang nakikita niya ngayon sa mga larawan sa loob ng magazine. At sa kabilang banda naman, matutuwa dahil nagkaroon siya ng pag-asa. Pag-asa dahil baka hindi naman talaga mahal ni Lucas ang fiancée nito.Muli na niyang nilapag ang magazine sa lamesa at nagmamadaling lumabas. Ganoon na lang ang gulat niya nang malaman kung saang hotel siya naroon, The Prime Hotel! Ang mismong hotel ng kaniyang ex-fiancé!Mabilis siyang luminga sa paligid habang may pagmamadaling lumabas ng hotel. Hindi pa sila puwedeng magkita ni Lucas. Hindi ngayon na ganoon ang ayos niya. Paniguradong pag-iisipan siya ng masama ng lalaki.Aga
Magbasa pa
Chapter Three
"Long time no see."Pakiramdam niya ay huminto ang oras. Ang kaninang ingay na bumibingi sa kaniyang pandinig ay biglang naglaho. Wala siyang ibang marinig kundi ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso para sa lalaking nasa kaniyang harap. "L-Lucas... " nauutal niyang sambit sa pangalan nito.Nakita niya ang pagngisi ng lalaki, at pagkatapos ay ibinaling nito ang atensiyon sa lalaking nasa kaniyang tabi. "Your husband?" he asked while raising an eyebrow, and looking at the guy beside her.Siya naman ay parang pinako sa kinatatayuan at hindi man lang nagawang magsalita. Nakapokus lang ang mga mata niya sa guwapong mukha ni Lucas. Ganoon pa rin ito, guwapo pa rin. Hindi nagbago ang hitsura, pero pakiramdam niya, hindi na ito ang Lucas na kilala niya. Patunay roon ang matatalim nitong mga titig nang muli siyang balingan ng atensiyon. Nawala na ang kislap sa mga mata nito na noon ay palagi niyang nakikita sa tuwing tititig ito
Magbasa pa
Chapter Four
HINDI mapigilan ngumiti ni Shazna habang nakadungaw sa billboard ni Lucas mula sa nakabukas na bintana ng kotseng sinasakyan niya. Malinaw niyang nakikita ang simpatiko nitong mukha, salamat sa mala-pagong na traffic sa EDSA.Ibang-iba na talaga ang lalaki kumpara noon, ang laki na ng ipinagbago nito. Ang ngiti at mga titig, pati kung paano ito manamit, malayo na sa Lucas na minahal niya. Malayong-malayo na."Tingin mo, kung natuloy ang kasal namin, magbabago kaya siya?" wala sa sariling naitanong niya kay Gabrielle.Natigilan naman ang babae sa pagtitipa ng text message sa kaniyang cell phone. Mula sa screen ay nabaling sa kaibigang si Shazna ang kaniyang atensiyon. Muli siyang umiling nang makitang nakangiti pa rin ito habang nakatitig sa billboard ni Lucas."Aray naman!" daing ni Shazna nang biglang umandar ang sasakyan, dahilan upang mauntog ang ulo niya sa salaming bintana. "Gabby, ano ba?" anas pa niya nang lingunin ang babae.Ininguso naman
Magbasa pa
Chapter Five
"PARE, take it easy. Ano ka ba?" saway ni Matteo sa sunod-sunod na paglagok ng alak ni Lucas.Kumunot pa ang noo nito habang nakatitig sa kaniya. Kanina pa siya umiinom ng devil springs vodka, isa lang naman sa pinakamalakas na alak sa buong mundo.Napapailing na lang si Matteo sa kaibigan, dahil kahit ano ang sabihin niya, ayaw pa rin magpapigil ni Lucas. "Luke, what's the problem, my man?" tanong naman ng kararating lang na si Claude.Nang hindi ito pinansin ni Lucas ay bumaling ang lalaki kay Matteo. Pagkibit-balikat lang ang itinugon ng lalaki sa kaibigan nilang si Claude. Kahit hindi niya alam ang totoong dahilan ng paglalasing ni Lucas, may hula na siya sa pinoproblema nito.Si Shazna.Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Lucas. Muli niyang tinungga ang isang baso ng devil springs vodka. He desperately wanted to forget Shazna. Ayaw niyang maalala ang mukha ng babae habang nakatingin ito sa kaniya kanina, na para bang an
Magbasa pa
Chapter Six
NAKATAYO si Shazna sa harap ng private bus, ang siyang sasakyan na gagamitin nila patungong Palawan. Sina Daniel at Sapphire, at sila na mga malalapit na kaibigan ng mga ito ang siyang mauuna sa lugar kung saan gaganapin ang kasal.Maliban sa kailangan i-featured ang kasal ng dalawa sa magazine ng kompanya na pagmamay-ari ng pamilya ni Vanessa, ay kilala rin ang mga ito sa buong bansa kaya paniguradong magiging laman sila ng balita. Daniel is the only son of a well-known business man, while Sapphire is the youngest daughter of the famous and rich action star, Ronaldo Baltazar.Para sa mga tao, maituturing na isa sa mga wedding of the year ang pag-iisang dibdib nina Daniel at Sapphire."Shazna, are you sure you're not coming with us?" pukaw sa kaniya ni Gabrielle.Nakatayo ito sa harap ng kotse ni Vanessa, habang ang huli naman ay abala sa pakikipag-usap sa kung sinumang kliyente nito sa cell phone. Napailing na lang siya nang makita ang kaibigan, kayod-ka
Magbasa pa
Chapter Seven
PILIT ngumiti si Shazna nang makapasok sa loob ng simbahan. Kung maibabalik lang niya ang nakaraan, gagawin niya ang lahat upang hindi mawala sa kaniya si Lucas. Sa pagkakataong ito, hindi na siya susuko. Hinding-hindi na niya ito iiwan.Isang pagkakataon, iyon lang ang kaniyang hiling. Pumikit siya at taimtim na nanalangin sa Maykapal. Ilang minuto rin siya sa ganoong ayos hanggang sa muli niyang imulat ang mga mata. At ang tawanan ng ilang mga batang naglalaro sa labas ng simbahan ang unang bagay na umagaw sa atensiyon niya. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi bago nilingon ang mga bata mula sa bakal na bintana ng simbahan. Hindi inaasahan na sa kaniyang paglingon, ang mukha ng lalaking laman ng kaniyang mga dasal ang siyang bumungad sa kaniya."Lucas . . . " her voice cracked when their eyes met.Mabilis na tumibok ang kaniyang puso nang magkatitigan sila nito. Pakiramdam niya ay biglang bumagal ang ikot ng mundo."A-
Magbasa pa
Chapter Eight
SHAZNA woke up with her head on Lucas' chest. Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ng nahihimbing na lalaki bago marahang hinatak ang asul na kumot sa kaniyang hubad na katawan.She slowly lifted her head off his chest and sat up carefully. Napalunok siya nang mapagmasdan maigi ang mukha nito. He looked so beautiful while sleeping. Ngayon niya napagtanto na mas guwapo pa ito kaysa noon. Para ngang araw-araw, lalo itong gumaguwapo. Hindi tuloy niya mapigilang suklayin ang buhok nito gamit ng kaniyang mga kamay.What she felt for him was something that dictionaries could not be able to explain. Mahal na mahal niya si Lucas hanggang sa maubos siya. Kahit gaano kasakit at kahit gaano kahirap, hahayaan niyang umikot ang mundo niya sa lalaking pinakamamahal.Hindi naman nagbago ang nararamdaman niya para dito, kinain lang talaga siya ng takot niya noon. At ngayon na kasama na niya uli ito, mas lalo lang lumalim ang nararamdaman niya.She stared at him for a few
Magbasa pa
Chapter Nine
HINDI mapakali si Shazna. Kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa loob ng kaniyang hotel room. Hindi niya alam kung tama bang puntahan niya si Lucas matapos ng naging pag-uusap nila sa simbahan.It's been three days since she last saw him. Three days and she misses him so bad. Nananabik na siyang muling makausap ang lalaki. Kahit pa sabihin na lagi na lang siyang sinasaktan nito sa tuwing sila ay nag-uusap, wala siyang pakialam. She badly wants to talk to him. "Shaz, kumalma ka nga. Kanina ka pa paikot-ikot. Ako ang nahihilo sa `yo!"Isang malalim na paghinga ang kaniyang ginawa bago binalingan ng tingin si Vanessa na ngayon ay nakaupo sa ibabaw ng kaniyang kama at naka-crossed arm."How can I calm down, Vans? Limang araw na lang, ikakasal na si Lucas sa ibang babae!" halos umiyak siya habang sinasabi iyon.Gusto niyang sumigaw at magwala. Muli niyang sinisi ang sarili dahil pakiramdam niya, hindi niya ginawa ang lahat upang mabawi si Lucas.
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status