Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

By:  GirlonFire28   Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
26 Mga Ratings
78Mga Kabanata
24.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?

view more
Entrapped To Be His Wife Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Co Li Na
Simula palang puro pasakit nah agad nkukuha ni Cassie ......kakastart ko lng magbasa nito KC nah curious Ako NASA chapter 9 paku pero nagandahan nku agad sa story ......
2023-09-10 23:17:44
1
user avatar
Jeckk Tan
Highly recommend Love it ...
2023-08-15 01:30:10
0
user avatar
Jeckk
highly recommended
2023-08-14 17:54:32
0
user avatar
cristina nagaliza
maganda nakakalungkot pero nakaktawa Ang story nya
2023-06-22 21:26:12
2
user avatar
Evy Enteria
soooo sad nman d tnanggap proposal pero ok lang yan Tristan, intndhin mo nlng si Cassie. ......
2023-05-06 20:50:13
1
user avatar
Mariz Sardido
recommended very much...
2023-05-04 11:28:44
1
default avatar
Leticia
Update na po author
2023-04-24 06:09:24
0
user avatar
Merlyn Gomez
Highly Recommende
2023-04-16 19:25:25
0
user avatar
Cheng Cheng
abangers lagi sa update miss A
2023-04-13 07:51:06
0
user avatar
Cali
Update na po author
2023-04-03 21:20:54
0
user avatar
Cali
Sulit bawat update
2023-04-03 17:56:44
0
user avatar
Liezel Manalansan Tangaag
waiting for next update Ang Ganda Ng story
2023-04-01 22:56:11
0
user avatar
Astrid Rosh
Waiting for the next update: i really like this plot po...
2023-03-29 16:35:11
1
user avatar
jewel
i really did like the story...️...️...️
2023-03-28 07:19:58
0
user avatar
Te Ly Alteros
Ang galing ng author na to......good job bebe.........
2023-03-18 10:47:19
0
  • 1
  • 2
78 Kabanata
Chapter 1
Chapter 1Cassie's PovNAKAPIKIT pa na kinapa ko ang tumutunog kong cellphone. Kahit hindi ko tingnan ang screen niyon ay alam ko na kung sino ang tumatawag dahil naka-personalize ang ringing tone na iyon para kay Jason, ang aking nobyo. He was my first boyfriend, first love, and best friend and had been my boyfriend since high school."Hmm..?" namamaos na sagot ko nang sagutin ko ang tawag nito. Nakapikit pa ring kinuha ko ang unan sa paanan ko at saka niyakap."Cassie..."Bigla akong napamulat nang marinig ko ang tila namamalat nitong boses. Tila nawala ang antok na nararamdaman ko, bumangon ako habang hindi inaalis ang cellphone sa aking tainga. Umayos ako ng upo at saka sumandal sa headboard ng kama."Hello, babe?" sabi ko."Cassie..." Hindi maipagkakaila na umiiyak ang aking nobyo, kakaiba kasi ang boses nito.Sumulyap ako sa side table ko para tingnan ang orasan at nakita kong alas dos pa lang ng madaling araw. Bigla akong kinabahan dahil bakit tatawag sa akin nang ganitong oras
Magbasa pa
Chapter 2
Chapter 2Cassie's PovSA LOOB ng tatlong araw simula nang malaman ko ang pagtataksil si Jason, nawala ako sa focus. Nawalan ako ng gana sa lahat kaya't isang desisyon ang ginawa ko. Nagpaalam ako sa Boss ko kanina na uuwi muna ng Pilipinas dahil hindi ako matatahimik na ganito ang nangyari sa amin ni Jason. Mahal ko siya at mas'yadong malalim iyon para hayaan ko siyang mawala nang gano'n-gano'n na lang.Habang nag-iimpake ay hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang nararamdaman ko. Dapat masaya ako dahil uuwi ako ng Pilipinas pero hindi, napakabigat ng dibdib ko. Ni walang katiting na saya at tuwa sa puso ko ngayon. Muling naglandas ang mga luha ko sa sobrang sama ng loob. Habang nag-iimpake ay panay ang iyak ko. Hindi na maubos-ubos ang luha ko mula pa noong gabing tumawag si Jason.Nang dumating ang alas onse ng umaga ay umalis na ako sa apartment kung saan ako nakatira. Bitbit ang mga maleta ay sumakay ako ng taxi papunta sa airport. Isang oras lang ang ginugol ko at nakar
Magbasa pa
Chapter 3
Chapter 3Cassie's PovTATLONG araw mula nang makabalik ako ng Pilipinas, tatlong araw ko na ring sinusubukan na makausap si Jason para linawin ang nangyari sa amin pero walang nangyari. Paulit-ulit akong nabibigo dahil hinaharang ako ng babaeng nabuntis nito. At ngayon nga, pakiramdam ko palubog nang palubog ang mga paa ko sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa nobyo kong si Jason habang ikinakasal sa ibang babae. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang nakikinig sa palitan nila ng vow sa isa't-isa.Ang sakit. Ang sakit-sakit na makitang ikinakasal sa iba ang lalaking mahal na mahal ko. Sa akin siya nangako na ako ang pakakasalan niya pero bakit sa iba siya ikinakasal ngayon."Ako dapat iyan, Jason. Ako dapat ang pinapangakuan mo ng mga iyan at hindi ang babaeng iyan," sabi ko sa mahinang boses. Parang pinupunit ang puso ko habang nanunuod sa kanila. "And now, I pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride."Ang mga salitang iyon ng Pari ang tila lalong nagpab
Magbasa pa
Chapter 4
Tristan Seth POVHABANG mahimbing na natutulog sa kama ko ang babaeng muntik ng mapagsamantalahan kanina ay hindi ko maiwasang mapaisip. Ilang beses ko na siyang nakita at sa tuwing magsasanga ang mga landas namin ay parati siyang umiiyak na parang wala ng bukas. Lalo akong napaisip nang makita kong habang natutulog ito ay umiiyak pa rin. Gets ko nang malamang niloko ito ng boyfriend dahil na rin sa sinabi nito kaninang huwag siyang iwanan, na bumalik na rito ang lalaking iniiyakan nito. Naiiling na inayos ko ang kumot na itinakip ko sa katawan nito kanina. Matapos kong ayusin iyon ay tumayo na ako at saka lumipat sa sofa para roon matulog. Humiga na ako at ginawang unan ang isang braso ko habang ang isa naman ay ipinatong ko sa aking noo. Sana lang tuloy-tuloy na ang paghimbing ng tulog niya. Piping usal ko sa isip ko. Minsan ko pa itong tiningnan mula sa kinahihigaan ko at kapagkuwa'y pumikit na rin ako para matulog. Madali naman akong nakaramdam ng antok dahil na rin siguro sa p
Magbasa pa
Chapter 5
Tristan Seth POVMATINDING kahungkagan ang naramdaman ko ng umagang iyon dahil nagising akong wala na ang babae sa tabi ko. Ni walang bakas na roon ito nagpalipas ng gabi. Tinangka ko pa siyang hanapin sa loob ng banyo pero wala na talaga. Tanging ang long sleeve na isinuot ko rito kagabi ang naiwan nito sa banyo. Naiiling na lamang ako dahil naninibago ako sa nararamdaman ko. Parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang kalagayan nito kagabi. Nag-aalala ako dahil naiisip ko na paano kung maglasing na naman siya? Paano kung sa lalaking mapagsamantala siya mapunta? Tsk! Bakit ka ba nag-aalala, ha? Let her be dahil iyon naman ang gusto niya. Piping sikmat ng isang bahagi ng isip ko. Oo nga naman. Bakit ba ako mag-aalala eh hindi naman kami magkaano-ano? Nagdesisyon akong maligo na lamang para iwaglit sa isip ko ang babaeng iyon. Pero habang nakatapat sa lumalagaslas na tubig na nagmumula sa shower ay muling sumagi sa isip ang babaeng iyon. Ramdam ko ang pag-i
Magbasa pa
Chapter 6
Cassie's POVNasa bahay ako ng parents ko nang tumawag si Jason kanina, ang sabi niya gusto niya akong makausap. At dahil gusto ko rin siyang makausap kaya pumayag ako kaagad. "Saan ka pupunta?" Boses iyon ni Papa mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Magkikita lang po kami ni Shiela, Papa," paiwas na sagot ko. Alam kong pipigilan niya ako kapag nalaman niyang si Jason ang kakatagpuin ko ngayon. "Si Shiela ba talaga, Cassandra?" "Y-Yes po, 'Pa, si Shiela po." Medyo na-guilty ako dahil hati sa katotohanan at kasinungalingan ang sinabi ko. Totoong kay Shiela ako pupunta pero pupunta roon si Jason para doon kami mag-usap.Hindi puwedeng dito sa bahay namin dahil tiyak na magagalit ang parents ko kapag nakita nila si Jason na tumuntong sa pamamahay namin. "Cassandra, binabalaan kita," seryosong saad ni Papa habang matamang nakatingin sa akin. "'Pa." "May asawa na si Jason kaya umayos ka! Hindi kita pinag-aral para maging other woman ng kahit na sino--""Papa," awat k
Magbasa pa
Chapter 7
Cassie's POVNANG makaalis si Jason ay muli akong bumalik sa loob ng condo unit ni Shiela. Nanlalambot ang mga tuhod na umupo ako sa sofa, saka nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga para kalmahin ang sarili ko. Ang hirap ng ganito, iyong tuluyang pakawalan ang lalaking naging sentro ng buhay ko for 8 long years. Napapagod na dumausdos ako ng upo, saka sumandal sa sandalan ng sofa. Tumikhim ako nang makailang ulit para alisin ang pagbabara ng lalamunan ko. Gusto kong umiyak pero para saan pa, wala na ring saysay kahit lumuha pa ako nang lumuha. Tapos na. Tinapos ko na ang lahat sa amin ni Jason dahil iyon ang pinakatama kong gawin. "Umalis na?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Shiela sa tabi ko. Umupo pa siya sa tabi ko, saka pinisil ang kamay ko. "Siguro naman magsisimula ka ng mag-move on niyan kasi nakita mo kung gaano kairesponsable si Jason," sabi nito. "Kasi naniniwala akong walang mabubuo kung hindi rin nagpadala sa init ng katawan iyang ex mo. At saka hindi
Magbasa pa
Chapter 8
Cassie's POVMATAPOS akong saktan at pagalitan ni Papa ay nagmamadali na akong pumasok sa kuwarto ko. Sobrang sama ng loob ko, dapat sila ang mas nakakakilala sila sa akin pero napakadali sa kanilang husgahan ako. Walang tigil sa paglaglagan ang mga luha ko habang sapo pa rin ang namamanhid kong pisngi. Ang sama ng loob ko dahil ito ang unang beses na nagawa akong pagbuhatan ng kamay ni Papa. Impit akong napaiyak nang kumirot ang kanang pisngi ko. Hinagilap ko ang kumot ko at iyon ang ginamit kong pamunas ng mga luha ko. Sandali akong natigilan nang marinig kong may kumakatok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. "Cassie, si Ate 'to, usap tayo please?" Boses ni Ate Catelyn habang kumakatok.Hindi ako sumagot, lalong hindi ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. "Cassie, please open the door," sabi pa nito. Hindi siya basta makakapasok dahil ini-lock ko iyon. Hindi pa rin ako sumagot, sa halip ay dumapa ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari
Magbasa pa
Chapter 9
Cassie's POVMATAPOS ang nangyari sa bahay namin apat na araw na ang nakakalipas ay hindi ako na nakalabas ng bahay. Bantay-sarado ako kay Papa dahil iniisip nitong kapag lumabas ako ng bahay ay makikipagtagpo lang ako kay Jason. Hindi na rin ako nagpumilit lumabas o tumakas dahil napapagod na akong makipagtalo pa kay Papa. Kahit naman anong gawin ko mukhang hindi siya makikinig sa akin dahil sarado na ang isip niya. Mukhang nalason na ng Tristan na iyon ang isip ni Papa. Nalaman ko kasi kay Ate Catelyn na araw-araw pumupunta rito sa bahay ang lalaking iyon para kumbinsihin akong magpakasal sa kaniya pero nagmatigas ako. Ni hindi ako nagtangkang lumabas ng kuwarto sa halip ay ini-lock ko pa iyon para hindi sila makapasok sa kuwarto ko. Masamang-masama ang loob ko sa kanila dahil walang gustong maniwala sa akin. Gusto ko sanang makausap si Shiela pero kinuha rin nila ang cellphone ko para huwag ko raw matawagan si Jason. Puro na lang sila Jason, Jason, Jason! Paano ko siya makakalim
Magbasa pa
Chapter 10
Cassie's POVHABANG nakikinig sa pinag-uusapan nila ay panay ang ismid ko kapag si Tristan ang nagsasalita. Buwisit na buwisit ako sa pagmumukha nito kahit gaano pa kaguwapo. Yes, aaminin kong guwapo naman talaga siya pero hindi man lang ako maakit sa angking kaguwapuhan nito, sa halip nag-iinit lang ang ulo ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Lalo pang nadagdagan ang inis ko rito nang ilang beses ako nitong kinindatan pero pamatay na irap lang ang isinusukli ko rito. "Ang mata mo, makita ka ni Papa," pabulong na sita sa akin ni Ate nang mahuli akong inirapan si Tristan. "Nakakabuwisit siya, Ate." "Ang guwapo kaya niya," anito na waring kilig na kilig. Hindi ko na lang pinansin si Ate. Ibinalik ko ang atensyon kay Papa na ngayon ay tila bilib na bilib kay Tristan. Bakas ang katuwaan sa mukha nito dahil talagang pinanindigan nitong makasal daw kami sa lalong madaling panahon.At kanina pa ako kating-kati na tumayo para iwanan sila ngunit palagi akong bigo sa tuwing magagawi
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status