Unti-unting dumidilim ang paligid dahil sa pader na lumilitaw sa buong quadrangle hanggang sa tuluyan itong nabalot. Kahit nakakaramdam na ng takot ang bawat isa ay nanatili pa rin silang kalmado at tahimik. Sobrang dilim na ng buong paligid. Naramdaman kong gumalaw ang bawat upuan na para bang inililipat kami nang pwesto. Matapos mailipat nang pwesto ay nagkakaroon na ng ilaw sa paligid.Nahahati kami sa dalawa, pinaghiwalay ang babae at lalaki. May isang malaking space sa gitna, bumukas ito at nagkaroon ng isang malaking ring. Muling gumalaw ang aking inuupuan, nahiwalay ako sa mga babae.Sa kanan ko ay ang mga babae, sa kaliwa naman ay mga lalaki, sa harap ay ring. Napansin ko namang nakatingin sa akin si Andrei. Ngumiti s’ya at kumaway-kaway pa sa akin. Napailing na lang ako.Sa harapan, sa bandang itaas natatanaw ko si Mr. Han na nakatayo at nagmamasid sa isang malaking glass. Walang ka
Read more