Kung and Makati City ay may Forbes Park, ang San Juan ay may Greenhills, at Ayala Alabang Village naman ang sa Muntinlupa, ang Tarlac City ay mayroong Moon Village. Kilala rin sa tawag na Moonville, isa itong private subdivision and gated community na sikat hindi lamang sa buong probinsiya kundi maging sa mga karatig bayan ng Tarlac. At katulad ng mga nasabing subdivision, puro mga mayayaman at kilalang mga pamilya din ang nakatira sa Moonville. Halos lahat ng pinakamayamang pamilya sa Tarlac ay sa Moonville nakatira. Ang mga bahay dito ay sari-sarili ang disenyo. Walang itinalagang batas ang pamunuan ng subdivision pagdating sa tema ng bahay na gustong itayo ng mga may-ari. Kung ano ang gusto ng homeowner, pwede nilang ipagawa. Wala ring limit ang laki ng lupa na pwede mong bilhin sa Moon Village. Kahit isang ektarya pa ang bilhin mo, basta kaya mong bayaran, pwedeng mapasayo. Isa sa mga mayayamang pamilyang nakatira doon ay ang mga Martine
Read more