Catalog
18 chapters
Simula: Ayla Encarquez
AYLA ENCARQUEZ Mahirap daw ang buhay ng isang taong hindi kilala ng iba. ‘Yong tipong parang alikabok lang sa earth at walang silbi. Mahirap daw kapag hindi ka pa kagandahan, walang papansin sa ’yo kasi hindi ka naman talaga kapansin-pansin. Mahirap ka na nga, mas lalo ka pang pinahirapan dahil sa mga pinagdaanan mo sa buhay. Hindi ako maganda. Mahirap ako. Walang nakakapansin sa akin. Alikabok ako sa earth kaya automatic daw na wala akong karapatan sa lahat ng bagay. Pero no’ng makilala ko siya, no’ng aksidente akong nakapasok sa buhay niya, sa unang pagkakataon sa buhay ko… pinangarap ko na sana naging ka-level ko na lang sila, mas mapapadali siguro ang buhay at mas lalong hindi ko sisisihin ang sarili ko sa nangyayari ngayon sa leche kong buhay. Huminga akong malalim at pinagsalikop ang a
Read more
Clouded Feelings 1: The Beginning
"Ayla, bumangon ka na riyan at ihatid mo na itong agahan sa Tatay mo." Napasinghap ako at pinutol ang pakikipagtitigan sa bubong ng aming bahay nang marinig ko ang sigaw ni Nanay mula sa labas ng aking silid. Bumangon ako at humarap sa maliit na basag na salamin ng aking silid. Pinusod ko ang buhok ko at tinanggal lang ang muta at ang mga natuyong laway. Lumabas ako ng aking silid at agad kinuha kay Nanay ang isang basket na nilagyan ng pagkain, tubig, basahan, at extra'ng damit. "Bilisan mo para makapasok ka sa eskuwelahan mo nang maaga," bilin pa sa akin ni Nanay nang ma-i-abot sa akin ang basket. "Opo." Tinalikuran ko si Nanay at kahit hindi pa naliligo, tinahak ko ang daan papunta sa bukirin kung saan ngayon ang trabaho ni Tatay. Papasikat pa lang ang araw at palabas na ako ng kawayang bakod ng aming bakuran nang may dumaan mismo sa t
Read more
Clouded Feelings 2: The Old Flame
Panghihinayang sa lahat ng nangyari sa nakaraan, isang pakiramdam na pinakamahirap sagupain. “Ayla!” Nabalik ako sa realidad at agad pinutol ang titig ko sa litratong iyon nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko sa dagat ng tao. “Ayla! Saan ka ba galing? Kanina pa ako nagti-text sa ’yo ha!” Agad kong nakita ang pagmumukha ni Zubby. “Dinaanan ko pa—“ “Halika na, baka mawala pa ‘yong ni-reserve kong bangko natin doon, e.” Napa-iling na lang ako sa biglang paghablot ni Zubby sa akin pero nagpapasalamat din na hindi niya binanggit ang tungkol sa tarpaulin na iyon. Kapag nalaman na naman ni Zubby ito, tatalakan na naman ako ng babaeng ito. Bitbit ang malaking bag ni Sia, nakipagsapalaran kaming dalawa ni Zubby sa medyo masikip na entrance. Mabuti na lang talaga at medyo pal
Read more
Clouded Feelings 3: The Party
“Sayaw tayo, Ayla!” Biglang kinuha ni Fabio ang dalawang kamay ko at iwinagayway sa ere. Ang kaninang sakit na naramdaman ko ay pansamantalang nawala dahil sa ginawa ni Fabio. “Fabio, hindi ako sumasayaw,” pasigaw na sabi ko sa kaniya dahil hindi na kami magkarinigan dahil sa ingay. Malapit kami sa barikada, ‘yong barikadang naghihiwalay sa aming mga walang sinabi sa lipunan at sa mga taong malaki ang sinabi sa lipunan. Itinigil din agad ni Fabio ang ginagawa niya pero sinasabayan ko naman ng pag-sway sa ulo ang musikang naririnig ko. Ibang banda naman ngayon ang nagpapatugtog sa stage. Nang mawala sa akin ang atensiyon ni Fabio, inilipat ko ang tingin ko sa loob ng barikada at tahimik na pinagmasdan ang mga kasing-edad ko na nandoon. Hindi sila katulad ng nandito sa labas, na ‘yong tipong halos magwala na sa kakasayaw. Chi
Read more
Clouded Feelings 4: The Brokenhearted
“Ayla!” Tahimik akong nagsusulat sa kuwaderno ko nang biglang may sumigaw ng pangalan ko. Lumingon ako sa may pinto at nakita ko nga roon si Sia na seryosong nakatingin sa akin. Nagmartsa siya papunta sa puwesto ko at basta-basta na lang hinablot ang kamay ko. Hindi ako nakaangal dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Narinig ko pa nga’ng tinawag ni Zubby ang pangalan ko pero walang nakapigil kay Sia na kaladkarin ako sa kung saan. Patuloy ang paglalakad niya at mahigpit na rin ang naging hawak niya sa may palapulsohan ko. Hindi man alam kung ano ang mga nangyayari, iginala ko na lang ang tingin ko sa paligid. Maya-maya lang ay tumigil si Sia sa paglalakad. Dito niya ako dinala sa stage ng sirang covered court ng aming eskuwelahan. Agad kong sinipat ng tingin ang palapulsohan ko nang mabitiwan na iyon ni Sia. Pulang-pula ito at bumakat talaga ang kamay ni Sia
Read more
Clouded Feelings 5: The Campaign
“Grabe na talaga girl, pinagpala yata talaga ako ngayong araw na ito! Ikaw ba naman sunod-sunod na pakitaan ng crush? Love na love talaga ako ni Lord!” Mas lalo na nga’ng nangisay si Zubby dahil matapos niyang makita si Sonny Lizares, sumunod naman na nagpakita sa headquarters ang anak ni Congressman Yap na si Major Yap. At saka ‘yong anak din ni Konsehal Escala na si Carter Escala. Oo, crush niya ‘yong lahat ng iyon, kulang pa nga, e. “Mukhang nakikinita ko na productive at masaya ang magiging bakasyon ko ngayon,” biglang salita ni Zubby habang nakataas pa ang dalawang kamay na animo’y nag-i-imagine sa langit. Nasa labas kami ngayon ng headquarters, hinihintay ‘yong Mama niya para sabay-sabay na kaming umuwi. Ang weird-weird talaga nitong si Zubby. Kung sa iba, ako na ‘yong weird, para sa akin siya, e. “Ilan na ‘yong crush mo?&r
Read more
Clouded Feelings 6: The Memory
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko kayang titigan siya sa mga mata dahil hindi ko alam kung saan ako masasaktan. Hindi ito ang inaasahan ko. "Ikaw si Ayla Encarquez 'di ba?" pag-uulit niya pa sa unang sinabi kanina. Napalunok ako. Hindi ko alam kung giginhawa ba ang pakiramdam ko dahil hindi nangyari ang inaasahan ko o masasaktan dahil sa napagtantong ako na lang ang nakakaalala sa nakaraan. "S-Sir Vad..." pahapyaw akong ngumiti, hindi alam kung ano ang sasabihin. Meron ba dapat? "Grabe, ilang taon kitang hindi nakita. Kumusta ka na?" Bumalik ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Nasa iisang bayan lang tayo, palagi kitang nakikita, pero ako nga pala si nobody kaya hindi mo na talaga ako mapapansin. Ibang-iba ka na talaga. "O-Okay lang, heto b-buhay pa rin," sagot ko, hindi makatingin sa kaniyang mga mata. "Sige po, Sir Vad, kailangan
Read more
Clouded Feelings 7: The Death
Yumuko ako at tiniis ang hapdi ng sikat ng araw hanggang sa makarating ako sa isang silid-aralan. Sanay ako sa initan pero hindi sa ganitong wala man lang proteksiyon sa katawan. Inilapag ko ang mga kuwadernong pinadala ni Ma’am Villarosa sa akin. Nasa kabilang ibayo pa ng eskuwelahan kasi ang silid-aralan niya. Ako ‘yong na-trip-an ng mga kaklase ko na magdala ng mga kuwadernong ipinasa namin sa kaniya kaya heto ako ngayon at tagaktak ang pawis. “Ayla!” Dahil silid-aralan ng  star section itong pinasok ko, inaasahan ko na talaga na babatiin ako ni Fabio kahit matinding pagdarasal ang ginawa ko na sana wala siya sa silid-aralan niya ngayon pero heto na nga’t nagkamali ako. Tinanguan ko siya at sa huling pagkakataon ay inayos ko ang mga kuwaderno ng aming klase. “Bakit ikaw ang nagdala n’yan? Hindi ka man lang ba tinulongan ng mga kak
Read more
Clouded Feelings 8: The Story
"I knew you're here." Hindi pa man nakaka-recover sa gulat na aking naramdaman nang makita ko siya, bigla niya akong tinabihan at inilapag ang isang basket ng bulaklak at isang mukhang espesyal na kandila. Speaking of bulaklak! Oo nga pala! "N-Naaalala mo pa siya," sabi ko habang kinukuha ang palumpon ng mga rosas na ibibigay ko nga pala kay Ate. "Of course. I never forgot her. Though ngayon lang ako nakadalaw sa mismong death anniversary niya. I always visit kasi during her birthday. Never on her death anniversary. Ngayon lang." Inilapag ko ang mga bulaklak katabi ng bulaklak na dinala niya. "Wow, red roses. That's kind of unusual but okay..." puna niya sa mga bulaklak na ibinigay ko. "B-Bigay ng mga kaklase ko. Ibibigay ko sa kaniya kaysa naman malanta lang sa bahay." Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko. Mas d
Read more
Clouded Feelings 9: The Feeling
Ulap… Isang parte ng kalangitan na araw-araw mong makikita. Tumingala ka lang at ito’y iyong mapagmamasdan. Maputi at malambot na animo’y bulak Puwede ring cotton candy, marshmallow, at icing ng cake.   Sinarado ko ang aking cell phone (‘yong ibinigay ni Fabio noong huling kaarawan ko) at isinantabi ito. Ang pangit ng nagawa kong tula tungkol sa ulap. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa aking utak habang nagpapahinga sa lilim ng kahoy.   Napabuntonghininga ako at pinagmasdan ang ulap.   Minsan talaga ang buhay ng tao, parang ulap. May dalawa silang katangian. Una, ang isang kalmadong ulap na hatid ay magandang panahon. Kung ihahalintulad mo ito sa tao, isa ito sa mga masaya at normal na buhay ng tao, ‘yong chill lang, walang problemang dala. Pangalawa, ‘yong ulap na may dalang ulan, ‘yong madilim at ‘yong tinatawag naming dag-om. Nagre-representa iyon ng isang masalimoot na parte ng buhay
Read more
DMCA.com Protection Status