Catalog
81 chapters
Chapter One
“ARE you ready?”             Natigil sa pag-iimpake si Jillian bago sinagot si Mark Wayne Toledo, ang kanyang mister. Alam niyang hindi lang nito tinutukoy ang kanyang mga bagahe kundi ang mismong pagbabalik nila sa sariling bansa. “Of course. Hindi naman pwedeng habambuhay ay nandito tayo sa America. Nagpunta lang tayo rito para makapag-masteral at tuparin ang pangarap kong maging International writer pero ang bankong kailangan mong pamahalaan ay nasa Pilipinas. Hmmm, hindi ba ikaw ang dapat kong tanungin kung handa ka na dahil sasakay tayo sa eroplano.”              "Oh, shit!" bulalas nito.               Hindi niya tuloy napigilan ang mapahalakhak sa reaksyon na iyon ni Mark Wayne. Halatang bigla itong kinabahan. Mayroon kasi itong acrophobia na na-develop nu'ng 10 years old sila. Nagpunta kasi sila carnaval at sumakay sa ferris
Read more
Chapter Two
“DON’T mind them,” bulong sa kanya ni Lance.             Kung hindi lang niya napigilan ang kanyang sarili’y napatalon na siya. Wari kasi’y ayaw nitong may ibang makarinig nang ibinulong nito sa kanya pero kakaibang reaksyon naman ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Para kasing may naramdaman siyang kuryente na dumaloy sa kanyang katawan nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang tenga.             Bakit ba ganoon ang reaksyon niya kay Lance samantalang kapag kay Mark Wayne ay kampante lang naman ang tibok ng kanyang puso kahit ganoon din sila kalapit? May pagkakataon nga na nakakatabi niyang matulog ang kanyang matalik na kaibigan pero balewala pa rin sa kanya. Kaya nga ayaw niyang maniwala sa mga romance writer kapag sinasabing kakaibang damdamin ang mararamdaman mo kapag nagdaiti ang balat ninyo, ngunit, bakit ngayon ay ganoon ang kanya
Read more
Chapter Three
      NANLALAMIG pa rin ang kamay ni Mark Wayne kahit pa-take off na ang eroplano. “Relax,” masuyong sabi ni Jillian. Saisipan niya ay nag-flashback ang hitsura nila nu'ng sampung taong gulang pa lang nila na nasa tuktok ng nag-malfunction na ferris wheel. Iyak nang iyak si Mark Wayne habang siya’y piniling magpakatatag kahit gusto na rin niyang umiyak. Alam niya kasing walang mangyayari kung magiging mahina siya. Kaya, kahit natatakot siya ay pinayapa niya si Mark Wayne na sobrang nagpa-panic na.  “Andito ako. Hindi kita pababayaan,” pangako niya kay Mark Wayne pero may isa ring imahe na nag-flash sa isipan niya nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ipinilig niya ang ulo. Nagbabakasakali siyang maitaboy rin niya sa isipan ang mukhang iyon.  Si Mark Wayne ang kasama niya kaya dito lang niya kailangang itutok ang kanyang atensyon. Nang magkaroon ng acrophobia, sinisi niya ang kanyang sari. Pakiramdam niy
Read more
Chapter Four
MASAKIT na masakit na ang ulo ni Jillian sa kakaiyak pero hindi pa rin niya magawang huminto hangga’t hindi nauubos ang lahat ng tubig sa kanyang katawan. Ngunit, paano naman mangyayari iyon kung panay naman ang painom ng tubig sa kanya ni Mark Wayne? Talagang kahit kailan ay para itong super hero na maaasahan. Agad itong dumating ng tawagan niya. Sobra nga itong nataranta nang makitang umiiyak siya tapos agad pa niya itong niyakap nang lapitan siya ng tanungin siya kung anong nangyari. Siyempre, hindi niya ito nasagot agad dahil ang sikip-sikip ng dibdib niya. Hindi niya talaga inakala na lolokohin lang siya ng kauna-unahang lalaking minahal niya.  Masyado kasi siyang nadala sa mga I love you nito, sa sobra nitong ka-sweet-an. Sa maiinit at mahihigpit nitong mga yakap na dama niyang unti-unting naglalaho habang tumatagal. At ngayon ay nasagot na ang katanungang
Read more
Chapter Five
MAAARI ngang ang limang taon ay napakatagal na panahon na para sa marami ngunit para kay Ysmael Lance Madrigal ay hindi sapat ang panahon na iyon para paghilumin ang sugat na nasa kanyang puso mula ng araw na talikuran siya ni Jillian Cordova para sa bestfriend nitong si  Mark Wayne Toledo.  Hindi niya kasi talaga inasahan na magagawa pa iyon sa kanya ni Jillian dahil damang-dama naman niya ang pag-ibig nito. Nakikita niya ang ningning sa mga mata nito kapag siya'y tinititigan.  Ganoon din kasi ang tingin niya rito. Parang may nakatambay na stars sa kanyang mga matakapag kasama niya ito't kausap. Ngunit, kahit na alam niyang may pagtingin na sa kanya si Jillian, parang hindi pa rin nabubura sa isipan nito na si Mark Wayne ang una nitong minahal.   Pero, mahal din naman siya ni Jillian. Iyon ang gusto niyang paniwalaan.  Nang araw kasing sabihin sa kanya ni Jillian na mahal siya nito'y umasa siya na tuluyan na niyang natalo s
Read more
Chapter Six
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne nang malaman niya sa kanyang ama ang tunay na dahilan kung bakit pinabalik sila nito sa Pilipinas -- si Lance.  Naglagak ito ng 200 milyon sa Mabuhay Bank at ngayon ay gusto na sana nitong kunin kung di lang nakiusap ang kanyang ama.  Kahit na gusto sana niyang magalit sa kanyang ama dahil hindi muna nito kinunsulta sa kanya ang tungkol sa pagbibigay ng mataas na interes sa bawat depositor ay wala na siyang magagawa pa.  "Pasensiya ka na sa kapalpakan ko, anak?" nahihiyang sabi ng kanyang ama.  Bahagyang sulyap na lang ang ibinigay niya kay Denmark Toledo dahil ang isip niya ngayon ay nakatuon na sa kung anong binabalak na gawin ni Lance. Alam niyang masyadong nasaktan ang pride nito dahil tinalikuran ito ni Jillian at nagawa niyang manalo sa laban na ginawa nito. Ngunit, talaga nga bang nanalo siya? Sarili lang niya ang kanyang lolokohin kung sasabihin niyang oo dahil talaga na
Read more
Chapter Seven
"HEY --" hindi na naituloy pa ni Jillian ang pagbati niya sa kanyang My Wayne dahil parang wala ito sa sarili nang pumasok sa kanilang silid. Mabuti na lang at wala si Apple, isinama ng lolo at lola na magmu-mall. Siya naman ay hindi sumama dahil gusto niyang kapag aalis siya ay kasama niya ang kanyang mister. Ngunit, ngayon ay parang hindi naman nito pansin ang presensiya at nagtuloy-tuloy lang sa cr.  Baka naman masakit ang tiyan, nahagilap niyang sabihin. Hindi kasi ang tipo ni Mark Wayne ang nang-iisnab lalo na at wala naman silang pinag-awayan. Maliban na lang kung may problemang pinagdaraanan. Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila nu'ng isang araw at hindi niya naiwasan ang makaramdam ng guilt.  Kahit kasi anong pigil niya ay hindi niya naiwasang balikan ang nakaraan. Hindi pala sapat ang limang taon para tuluyang mabura sa kanyang isipan ang lahat. Ah, kung maaari nga lang hilingin na magkaroon siya ng amnesia ay ginawa na niya ngunit wala naman
Read more
Chapter Eight
HINDI man magsalita si Mark Wayne, alam na alam ni Jillian na malaki ang naging epekto dito ni Lance. Ayaw man nitong aminin sa kanya pero tiyak niyang pagdating sa kanilang mag-ina ay malaki ang insecurity na na nararamdaman nito sa mortal na kaaway. At siyempre, alam niyang may kinalaman siya doon.  Hindi man nagbabangayan ang mga ito ngayon matatanda na ay alam niyang nagtuturingan pa rin ang mga ito na mortal na magkaaway. Masakit naman kasi talaga kay Mark Wayne na ginamit lang siya noon ni Lance para masaktan ito. Tapos, kahit sa palagay niya ay walang karapatan si Lance, nagagalit dito dahil hindi nito napagtagumpayan ang pananakit kay Mark Wayne.  But deep inside, siya ang higit na nasaktan. Mahal na mahal niya si Lance pero hindi  niya nasabi dito ang mga salitang iyon noon dahil ginamit lang siya nito para masaktan si Mark Wayne at ayaw niyang panindigan lang siya nito dahil sa may dapat itong panagutan sa kanya.Paano kung hindi rin nito gust
Read more
Chapter Nine
WHAT'S wrong with my heart? naiinis na tanong ni Jillian sa puso niyang parang nakikipagkarerahan. Mabilis na mabilis na tumitibok iyon dahil lang sa nagkasalubong ang mga mata nila ni Lance. Well, si Ysmael Lance Madrigal ay hindi lang ordinaryong lalaki dahil nga ito ang ama ng kanyang anak. At iyon ang dahilan kaya masyado siyang kinakabahan ngayon. Magkaharap din kasi ang kanyang mag-ama ngayon.  Bigla tuloy siyang kinabahan. Naniniwala kasi siya sa lukso ng dugo. Paano kapag naramdaman ni Lance iyon kapag tinitigan nito si Apple. Para tuloy gusto na lang niyang hilahin si Apple at umalis ngunit kapag ginawa niya iyon, mas malalaman ni Lance na may itinatago siya rito. Kaya, kahit kabado siya ngayon, kailangan niyang harapin ang kanyang ex-boyfriend.  Relax, mariin din niyang sabi sa puso niyang parang ayaw pang makampante dahil lang nndito sa harapan niya ang ama ng kanyang anak.  Anak ni Mark Wayne si Apple, gusto sana niyang sabi
Read more
Chapter Ten
"ARE you sure about this?" Kung hindi lang masyadong seryoso ang boses ni Mark Wayne nang tanungin siya, gusto nang humagalpak nang tawa ni Jillian. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang beses nitong tinanong iyon at parang hindi pa rin pumapasok sa isip nito ang pagsagot niya ng 'yes'. Tapos na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila pero parang ayaw pa niyang umalis.  May takot kasi siyang nararamdaman. Maaari kasing kapag labas nila ni Apple ay sumulpot na lang sa harapan nila si Lance. Maaaring kaya niya itong harapin kapag kasama niya si Mark Wayne pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag siya lang mag-isa, tapos kasama pa niya si Apple.  Akala niya ay handa na siya sa muling paghaharap nila ni Lance pero malaking bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing, kailanman ay hindi siya magiging handa. Hindi naman kasi siya pinakalaking sinungaling kaya parang mabubuking siya kapag nagkaroon ng pagkakataon na kumprontahin siya. Ngunit, si
Read more
DMCA.com Protection Status