Ang alam ng lahat, pagiging designer ang pangarap ko. Totoo naman pero mas pangarap iyon ng beauty queens kong mama at lola para sa'kin. Pagiging beauty queen o model sana, pero kinulang kasi ako sa height. Artista rin daw sana pero pareho-pareho naman kaming frustrated sa pag-arte. Nauwi ako sa pagiging designer dahil except sa involved iyon sa mga beauty pageants at runways, nandoon ang talent ko—pero hindi naman ibig sabihin noon ay nandoon na rin ang pangarap ko.Kung tatanungin talaga ako, ang totoong pangarap ko, maging housewife. Hindi maging mayaman, hindi maging successful, kung hindi maging butihing may bahay... ni Cade Saavedra.Sinong nagsabing hindi pwedeng pangarapin ang simpleng buhay kasama ang taong mamahalin mo? Bata pa lang ako, alam ko ng matapos ko lang talaga ang gusto ng lahat para sa'kin, magpo-focus naman ako sa pansariling kagustuhan ko—at iyon talaga ang maging may bahay ng childhood crush ko.Cade Saavedra is just a few ye
Read more