Catalog
18 chapters
In Medias Res
"Alice?" Naririnig niya ang tumatawag sa kanyang pangalan, pero hindi niya ito makita. Naaalala niya ang boses galing sa isang kanta noong bata pa siya...---"Hoy, Alice, gising na!" Bumulagta bigla sa Alice sa kanyang kama nang gisingin siya ni Manang Reg. "Ngayon ang uwi ng Papa mo galing US," sabi nito, habang inaayos ang pinagtulugan ng dalaga, "At nasa baba na rin si Victor, hinihintay ka."Nagkatinginan ng sandali si Manang at si Alice at tumawa ng kinikilig. Para siyang bata. Alam naman niyang kaibigan lang ang turing sa kanya ni Victor, pero hindi niya maitatago ang nararamdaman para sa kanyang best friend. Simula pagkabata ay kilala na ni Alice si Victor. Magkapitbahay sila sa isang subdivision, at lumaki ng magkasama. Pareho sila ng eskwelahan na pinuntahan simula elementary hanggang kolehiyo. At kahit magkaiba ang tinahak na landas sa buhay--si Victor ay nag-manage ng kanilang family business, at si Alice ay naging graphic designer sa isang digital m
Read more
The Knight of Cups
Dumating at lumipas ang kaarawan ni Alice nang hindi nagpaparamdam si Victor. Naisip niya na iyon na siguro yung katapusan ng kanilang pagkakaibigan. Napansin ni Manang Reg ang pagkamatamlay ng dalaga, pati na rin ang hindi pagbisita ng kaibigan nito sa kanya. Isang araw lumapit si Manang sa kanya at nagprisintang papahulaan siya nito."Alam mo, beh, 25 ka na. Gusto mo pahulaan natin ang hinaharap mo?" sambit ni Manang kay Alice sa ikalawang araw na nahuli niya itong nagbubuntong hininga at sa malayo nakatingin. "Nacoconcern ako na dalawang araw ka nang naka-leave simula ng birthday mo," sabi ni Manang nang hindi binabanggit na hindi na rin niya nakikita si Victor."Okay lang, Manang, minsan lang naman," halos pabulong na sabi ni Alice."May kakilala ako sa Quiapo, pwede kang hulaan. For fun lang naman kumbaga. Baka bumuti pakiramdam mo.""Mababalik ba ng hula si Victor?""Haynako, wag mo muna 'yang isipin. Tara na sa Quiapo, habang nasa lakad Papa
Read more
Alter World
Binuksan ni Alice ang kanyang mga mata. Masakit ang kanyang katawan na parang nga napatalon sa isang mataas na lugar, pero buhay naman siya. Gumulong siya patagilid at nakita ang nakahandusay na driver sa kanyang tabi. Umupo na rin ito na hawak pa rin ang kanyang braso na nagdudugo. Tumingin si Alice sa paligid. Puro kadiliman ang nakapalibot sa kanila. Gising nga ba siya?"Okay ka lang?" tanong ng driver."O-opo...pero nasaan tayo?" nanginginig siya sa takot, sa pagkalito, sa galit...ano iyon? Ano 'yung nangyari kani-kanina lang?"Tumayo ka na diyan. Kailangan nating makaalis dito bago nila tayo maabutan.""Sino po sila? Sino po kayo?" tanong ni Alice na tumayo na rin sa kinauupuan. Naramdaman niya ang kanyang mga pasa na nagtutulakan sa ibabaw ng kanyang balat. Sinundan niya ang driver--o ang hindi driver--na nagsimula nang maglakad sa kawalan."Sila ang bumihag sa'yo ng 25 na taon para ihain ka sa Reyna. Yung buhay mo ng mga nakaraang taon--laha
Read more
By the River
Sumuot sila sa masisikip na eskinita hangga't makarating sa isang pier. Umuulan noon at madulas ang daan. Parang mga larawang mabilis na nadaraanan lamang ang mga mukha ng mga gusali at tao sa kanilang paligid. Nanginginig sa takot si Alice...ngayong alam na niya kung gaano kalupit ang tunay na Victor, nag-aalala siya sa mga kaibigang naiwan sa bar."Huwag kang mag-alala," biglang sabi ni Rodger na para bang nababasa ang isip ni Alice, "Hindi rin madaling kalaban si Tomas.""Nasaan naman tayo ngayon?" tanong ni Alice sa kanyang mga kasama. Nakabibingi ang ingay ng mga barko at pagsisigawan ng mga bangkerong naglilipat ng cargo. Mabaho ang amoy ng malalim na Ilog at maitim ang mga tubig nito sa gabi."Papasakayin ka namin ng Ferry, Ms. Alice," sabi ni Tila, "Kailangang makarating ka sa ibayo. Doon ka hihintayin ni Tomas. Pero kailangan muna nating hintayin ang Ferry ni Aster.""Paano natin malalaman kung aling barko yun?""Malalaman po natin, wag ka
Read more
In the Beginning
Ngayon lang napansin ni Alice na nagbago na ang kanyang paligid. Hindi na umuulan, at wala na rin ang mga bituin. Napalitan ito ng isang aurora borealis sa kalangitan. Naaaninag sa malayo ang mga ilaw ng iba't ibang mga siyudad, pati na rin ang mga balangkas ng mga gusaling minsa'y matataas at maliwanag, at minsa'y mababa at tagpi-tagpi. Mabagal ang pag-urong ng Ferry na parang nanghehele. Humikab siya, pero natakot pa ring matulog."Paano niyo uli sinisimulan ang mga kwento sa mundo niyo--Once upon a time?" tawa ni Aster, "Hindi ko rin alam saan magsisimula, actually. Mahaba ang usapan. Pero..."---Ganito nagsimula ang lahat ng linikha: Sa kalungkutan umusbong ang buhay, sa pagka-ulila. Unang nakaramdam ang Dilim ng lungkot matapos ang matagal na pag-iisa. Kaya't mula sa loob nito'y hinugot ang Liwanag, at pansamantala silang naging masaya magkasama. Pero nagnais ang Liwanag na magkaroon ng mga anak, kaya't para pasayahin ang kanyang mangingibig, hinu
Read more
The Other Side
"Ano'ng nangyari sa'yo?"Lumapit si Alice kay Tomas, na bukod sa bugbog na itsura ay mukhang hinang hina."Mahabang usapan. Kailangan ko lang ng mauupuan sandali," sabi ni Tomas, na hindi makatayo ng maayos. Sinalo siya ni Alice. "Saan yun?" tanong ni Alice. Tinuro ni Tomas ang isang tuluyan sa pantalan. Tinulungan siya ni Alice na maglakad patungo dito.Madilim ang dilaw na ilaw sa loob ng tuluyan. Pumapasok lang ang puting liwanag ng umaga sa ilang butas sa dingding. Amoy ng maraming taon na pagkakakulob ang bumati sa kanilang dalawa. Agarang pinatunog ni Tomas ang maliit na bell sa front desk. Matapos ang ilang minuto, isang lalaking nakasuot ng damit ng concierge ang dumating. Mabagal ang kanyang lakad at mukhang luma na at masikip ang suot. Hindi na lang ito tinignan pa ni Alice."Maligayang...pagdating..." hinay-hinay na bungad ng lalaki, "Ano po ang maitutulong ko sa inyo?""Isang kwarto--" simula ni Tomas. Pinigil siya bigla ni Alice.<
Read more
To the Memory Graveyard
Pag sapit ng dilim, umalis na sina Alice sa tuluyan. Nagpasalamat sila kay Brad at binayaran ito ni Tomas ng ilang gintong dinero."May pera ka pala?" tanong ni Alice, na nagulat na may dalang ginto ang kanyang kasama. "Oo," sagot ni Tomas, "Hindi naman ako tulad ng iba diyan na nag-iiwan ng pambayad ko sa kotse ng iba." Tumawa si Alice at naalala ang una nilang pagkikita sa dream loop. Parang ang tagal na ng panahon na iyon para sa kanya.Tumungo sila pakanluran at pagdating sa isang masikip na kalsada kung saan maraming nag-aabang ng sasakyan, pumara si Tomas ng kalesa. Nanibago si Alice ng una dahil hindi pa siya nakakasakay ng kalesa, kahit na may alaala siya nito sa dream loop. Napansin niya na ang iba nilang nakasama sa daan ay napasakay sa bus, at ang iba naman ay umangkas sa mga motor. Parang isang mundo galing sa iba't ibang panahon ang napasukan nila, isip ni Alice. Nahila siya mula sa kanyang pagmumuni muni nang biglang magsalita si Tomas."Sasakay ta
Read more
Jack of All Trades
Silang dalawa lang ang bumaba sa Libingan. Lumingon si Alice sa likod niya, at pinagmasdan ang tanging daan papasok at palabas sa lugar na kanilang patutunguhan. Mabagal na umandar ang tren paalis ng Libingan, hangga't bumilis na ito at lumayo nang lumayo sa paningin.Sigurado na ba siya dito? Pero nang walang pag-aalinlangang tumungo sa disyerto si Tomas, sumunod agad si Alice.Kung merong may alam sa ginagawa niya, naniniwala si Alice na si Tomas ito. Siya lang ang nakahanap kay Alice sa gitna ng dream loop kung saan siya nakulong ng ilang taon, siya ang nagligtas sa kanya sa Reyna, sa mga mapanlinlang na sina Madam at Victor..."Alice," biglang humarap si Tomas sa kanya, na para bang gustong bumalik sa pinanggalingan, "Okay lang may daanan muna tayo?""Oo naman," sagot ni Alice, na nagtataka sa asta ng kanyang kasama."Daan muna tayo kay Jack.""Sino yun?""Siya...ang mentor ko. Sa bahay ampunan. Noong bata ako." Paputol-putol ang
Read more
Revelations
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Alice. "Ako rin!" bigla niyang naibulalas, "Ako rin may gustong sabihin sa'yo." Mukhang nagtaka si Tomas. Namula si Alice. Ano ba'ng ginagawa niya? Pero nandito na siya, siguro mabuti na at ituloy ang kanyang sasabihin. Pinapasok siya ni Tomas sa kanyang kwarto. Bukod sa mga nakadikit sa pader, may kung anu-anong abubot sa lamesita sa tabi ng kama niya--mga kinolektang bagay mula sa kanyang paglalakbay--at mga sulat sa isang drawer na nakabukas. Sinirado agad ito ni Tomas nang makita niyang nakatingin dito si Alice. "Ano uli sasabihin mo?" tanong ni Tomas. "Okay." Huminga si Alice ng malalim, at pinilit magsimula ng malumanay, "Hindi kita napasalamatan sa, sa lahat ng nagawa mo para sa akin. Sa pagtulong sa akin makalabas sa dream loop, sa mga bagong kaibigang pinakilala mo sa'kin, sa pagsama mo sa'kin hanggang dito para madala ako sa Papa ko...hindi ko nasabing thank you." "Walang anuman--" simula
Read more
Intermission: Sa Umpisa Uli
Matagal bago nahanap ni Tomas ang anak ng Reyna. Mga ilang taon niyang inaral ang ruta at timeline ng pagpuslit dito ng mga tauhan ng Reyna mula sa mga rebolusyonaryo papunta sa kuta nila, hanggang nahanap at nabawi ito ng Madam.Halos isang trilyong dinero rin ang ibibigay ng Reyna para sa pagbalik ng kanyang anak--at hindi maisip ni Tomas kung ano'ng gagawin sa halagang iyon kung siya man ang unang makahanap dito, pero alam niyang magiging mayaman na siya pag nagawa niya yun.Siguro swerte lang talaga ang nagdala sa kanya sa kanyang pagkatuklas sa pinaroroonan ng anak ng Reyna. Nagbabasa siya ng mga lumang dokumento tungkol sa mga naitalang kapangyarihan ng Reyna at ng kanyang mga anak, at isa dito ang kakayahang gumawa ng sariling mundo tulad ng Dilim at Liwanag. Ang pinagkaiba lang ay ang paglikha na kayang gawin ng mga anak ng Reyna ay isang mundo ng ilusyon. Ang kakamangha dito ay kayang lumubog ang buong pagkatao ng isang buhay na nilalang dito sa ilusyon na ito
Read more
DMCA.com Protection Status