Share

Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)
Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)
Author: Nobleclaude

Chapter 1

CHAPTER ONE

Nicholas POV

Papunta ako ngayon sa bahay nila Shantle para sorpresahin siya. Ngayon na kasi ako mag po-propose sa kaniya, it`s been 6 years when me met each other and I`m so happy that our paths crossed. Hindi na ako makapag hintay na makita ang reaksyon niya sa surprise ko. Naglagay ako ng magandang ngiti sa aking mukha dahil nandito na ako tapat ng pintuan ng bahay nila, nagbuga muna ako nang isang malalim na buntong hininga at shinake-shake ang dalawang kamay bago pinihit ang door knob… Nakasanayan ko na ding pumasok agad kahit na hindi kumakatok dahil okay lang daw `yun sabi ni Tita Mildred ang mommy ni Shantle. Feel at home kumbaga. Lol.

Nang makapasok na ako nawala ang ngiti sa aking mukha at napalitan ng pagka-gulat ko ng maasaksihan ko ang pinakamamahal kong babae na nakikipagtalik sa ibang lalaking. Ang plano ko is sorpresahin s`ya but look, ako ang na-sorpresa.

"Mga hayop kayo!" sigawa ko dahil sa sobrang galit ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko agad kong sinugod ang dalawa. Hinila ko palayo ang girlfriend ko sa lalaki. Nang malayo ko na ito ay mabilis akong lumapit sa lalaki at binigyan ng magkabilang sapak at tinadiyakan ito sa t`yan dahilan mapahiga ito sa lapag. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Nicholas let me explain." sabi nit Shantle. Hindi ko siya pinakinggan. Nang makita ko`ng patayo na ang lalaki at akmang gaganti ay mabilis ko itong  sinuntok. Hindi ko alam gagawin ko sa sobrang inis ko kaya umalis ako sa bahay nila. Wala pala si Tita Mildred kaya pala ang lakas nila mag- nevermind argh!. Hindi ko kinakaya ang kababuyan nilang ginawa. After all ito igaganti niya sa akin. Sa`n ba ako nagkulang?

"Nicholas!" tawag nya sa `kin pero pilnigilan ko ang sarili kong lingunin siya. Ang sakit lang sa pakiramdam na ibang lalaki ang pinapasaya niya at nag papasaya sa kaniya. Kaya pala ayaw niyang makipag talik sa akin dahil sa hayop na lalaking iyon, inintindi ko `yun dahil she promised na puwede ko ng gawin `yun kapag kinasal na kami at nire-respeto ko ang desisyon na `yon at hindi lang sex ang habol ko sa kaniya. Napagdesisyonan ko na lang na pumunta sa isang malapit na Bar kesa ang umuwi sa bahay, tama, duon na lang ako pupunta para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko, ayoko naman sa bahay dahil napaka bigat ng atmosphere duon.

Nang makarating na ako sa bar ay agad akong bumaba ng kotse at walang sinayang na oras na pumasok ruon. Iyak ako ng iyak parang gusto ko ng mamatay dahil sa nangyari kanina. Tinigil ko ang pambabae para lang sa kaniya, pero anong ginawa niya? She makes me profitless.

"Isang Champagne pa nga." sabi ko sa waiter at tinuyo ang basang pisngi.

"Here's your order, Sir." sabi naman ng waiter at agad na ibinigay sakin ang isang baso ng Champagne.

Ilang minuto din akong nag isip isip tungkol sa nangyari kanina parang gusto kong umiyak pero ayoko na pagod na ako. Maya maya pa`y may tumabi sa aking babae nang tingnan ko siya mukhang malaki ang problema niya.

"Isa ngang guava wine." sabi ng babae na ngayon ay katabi ko na sa upuan. What the heck! Really?! Pumunta lang siya dito for fruit wine lang? O baka wala siyang pambili ng mamahaling alak. Hayst ano ba`ng ginagawa niya rito? Nagpapasikat para magmukhang mayaman. Pathetic. Nilagok ko ang alak na nasa baso ko at mabilis na humarap sa kaniya.

"Hey! miss." tawag ko sa kaniya. Agad niya akong nilingunan at nginitian.

"Bakit Guava Wine lang yung inorder mo?" humaglpak ako ng tawa habang siya para bang nasa fast food chain na naghihintay ng take out order.

"Pake mo ba? That`s my Appetizer, Sir." mataray na sabi niya bago nilagok ang wine na order niya at agad na binayaran ang bill niya pagkatapos ay tumayo ito at lumakad palabas. 'Di ko alam kung pero bakit gusto ko siyang sundan… Binayaran ko na ang bill ko kahit pa gusto kong magpakalunod sa alak, pero wala eh may gusto akong sundan di ko alam kung bakit bigla akong naging interesado sa kaniya.

Maya maya pa ay tila nakaramdam siya at agad na lumingon sa akin.

"Hey! Mister! Are you stalking me?" grabe bakit ang highblood ng babaeng ito akala mo naman type kita tsk. Kapal ng mukha feeling artista.

"Am I?" buti na lang nanduon yung kotse ko sa direksiyon na pupuntahan niya. "Kasalan ko bang diyan nakapark yung kotse ko?" dagdag ko pa tinuro ko ang kotse ko, agad itong tumingin sa tinuro ko at nagpatuloy sa paglalakad at pumunta sa kotse ko.

“See, kaya `wag kang assumera diyan.” umirap ito sa akin at nagpatuloy na sa paglakad. “Baliw siguro siya. Hmm. Kailangan niya magpatingin sa doctor.” pumasok na ako sa loob ng kotse. Sinilip ko pa siya at kitang kita ko ang badtrip na mukhang meron siya ngayon, napangiti na lang ako dahil ang cute niya. Mabilis kong tinanggal ang ngiti sa aking mukha.

“Hoy, Nicholas bakit ka ngumingiti. Hayst!” thanks to her medyo gumaan ang bigat sa puso ko.

Umalis na ako sa bar na iyon. Nag pasiya na akong umuwi sa bahay para na din makapag pahinga. Maya maya may nag text sa akin, binuksan ko ang message na 'yon para malaman kung sino ang nag text.

From: Shantle My Future Wife

Nicho, can we talk? Hihintayin kiya sa playground. Maghihintay ako kahit magdamag pa.

Nang mabasa ko ang text message na iyon, nag dalawang isip ako dahil bumabalik nanaman ang inis na nararamdaman ko.

"Sige pupunta ako duon, I want to hear from her na wala silang relasiyon and explanations for that." reply ko habang nag da-drive. Iniliko ko ang kotse sa daan kung sa`n naroroon ang playground. Nakarating na ako sa pinag usapan nakita ko siyang malungkot I feel the pain in my heart. Di ko alam kung maawa ako or magagalit, mahal ko siya pero bakit `di ko kayang magalit sa.

"Nicholas!" sigaw nito sa akin at agad na tumukbo papunta sa akin, agad niya akong niyakap pero agad ko siyang inilayo sa akin. "I'm sorry." mahinahong sabi niya. Napansin kong tumutulo na yung luha niya na lalong nag pakirot ng puso ko, ayoko ng may umiiyak na babae dahil sakin pero kailangan kong ipakita na galit ako sa kaniya.

"Walang magagawa yang sorry mo." seryosong sabi ko na lalong nag paiyak sa kaniya. "Wala ka na bang sasabihin? Okay I have to go, 'cause you're wasting my time." dagdag ko at umalis. Narinig ko ang malakas na pag-iyak nito na para bang isang bata na inigawan ng laruan ng kalaro.

"Nicholas!" tawag niya sakin pero hindi ko na siya nilingon pa at iniwan siyang mag isa sa playground at nag pasiyang umuwi na sa bahay para makapag pahinga na.

1 week later…

Isang linggo din akong nag mukmuk bago maka recover sa sakit na ginawa sakin ni Shantle, sinabi ko na din kay mom and sa mga kapatid ko ang tungkol and galit na galit siya mom kay Shantle nagmakaawa ako na `wag na palakihin at ako na ang bahala duon.

Shantle's POV

Isang linggo ko munang pinalipas baka kasi galit pa rin si Nicholas sa akin, hindi pa naman kami break and talagang hindi ko gusto ang nangyari sa amin ng kuya ko. Yes, he's my step-brother `di ko alam kung bakit ako pumayag sa hiling niya. Napaka landi ko, napakarumi ko.

Papunta ako sa bahay nila tita Vivian, mommy ni Nicholas, close kaming dalawa at alam kong hindi siya papayag na mag hiwalay kami ng anak niya, gustong-gusto niya ako para sa pinakamamahal niyang Nicholas. Hindi naman sa pag mamayabang pero ipagyayabang ko na rin, ako lang kasi ang nakapag-pabago sa anak niyang babaero. Kakapalan ko na din mukha ko para kay Nicholas at suwerte ko kung wala siya duon dahil ayokong magkailangan kami sa harap ni tita Vivian. Mahigit thirty minutes lang ang biyahe papunta sa kanila, nandito na ako sa harap ng bahay nila at nag door bell na agad namang binuksan ng yaya nilang si Nanay Nelia.

"Ikaw pala Hija. Hala sigi pasok ka nandiyan si madam sa loob kumakain ng breakfast niya." nakangiting salubong sa akin ni Nany Nelia. She's so nice to me and that's why I love her so much, siya din kasi ang nagpalaki sa akin dati noong kasambahay pa namin siya kasi laging busy sila mom and dad.

"Hi tita Vivian." masayang bati ko sa kaniya. Kumaway kaway ako sa kaniya.

"What are you doing here?" seryosong sambit nito sa akin. Kinakabahan ako bakit biglang nag bago timpla niya? First time niya akong tangungin ng seryoso at parang mangangain ng tao. Ang kaninang ngiti ko ay napalitan ng takot at kaba.

"I want to see you." sabi ko. Ngumiti ako ng peke.

"Really? I don't want to see you?" sabi niya pa sakin. My heart beat so fast. I was about to cry but kailanagn kong tatagan ang sarili ko.

Tumayo siya at kumuha ng isang basong tubig at agad na sinaboy sa mukha ko. Nagulat na lamang ako sa pag saboy niya at agad akong binigyan ng isang malutong na sampal.

"Ang kapal ng mukha mong pumasok sa pamamahay ko! Ang kati mo at higit sa lahat ang landi mo!" sigaw nito sakin. `Di ko namalayang tumulo na pala yung mga luha ko.

"I'm sorry tita, `Di ko po ginusto ang nangyari." pagpapaliwanag pero isang malutong sampal ang binigay niya sa kaliwang pisngi ko na lalong nag paiyak sa kin.

"Di mo ginusto?! Get out of my house! And I don't want to see you're face anymore and leave my son alone. Wala ng balikan na mangyayari! Hala sige, lumayas ka!" akala ko hindi siya papayag na mag hiwalay kami pero nag kamali ako ng akala. Lakad takbo akong lumabas ng bahay nila dahil baka hindi lang sampal ang matanggap ko. Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse.

“Manong, sa bar po.” utos ko sa driver habang humihikbi.

“Ma`am umiiyak ka po ba?” tanong nito. Mabilis kong itinuon ang tingin ko sa labas para hindi niya makita na umiiyak ako. “Hindi ko na po itatanong, iyak lang po kayo d`yan hanggang sa mapagod kayo para pagdating mo po sa bar maiisipan mo nalang na umuwi sa bahay at magpahinga nalang.” wika ng driver. Should I do that? Nevermind,wala namang kuwenta sinasabi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status