Share

Chapter 4

CHAPTER FOUR

Nicholas POV

First day ngayon no`ng baliw ng Natalia na `yon. Sa totoo lang kumukulo parin ang dugo ko sa kaniya pag naaalala ko siya at `yung nangyari sa cafeteria pero… nang makita ko ang reakasiyon niya, no`ng pinalayas ko s`ya e kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya at halatang kailangan niya ng trabaho that's why tinawagan ko siya, alam kong unfair pero wala eh yun yung pumasok sa isip ko eh at yung ibang applicants na nag apply ay binigyan ko ng posisiyon para naman hindi masayang yung gastos nila at alam ko`ng deserve nila `yung posisyon na ibinigay ko sa kanila.

Ilang minuto pa akong nakatambay sa office ko ng may biglang kumatok sa pintuan.

*KNOCK! KNOCK!*

"Come in."

"Good morning, CEO" nakangiting bati ni Natalia sakin. Nakangiti pa rin siya kahit na may atraso pa s`ya sa `kin? Hayst. Saan ba siya humuhugot ng lakas ng loob.

"What?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya.

"Pasensiya na sa mga nasabi ko sa cafeteria last time." hiyang sabi niya sa akin. Tsk. Nagso-sorry kasi tinanggap ko pero kung hindi e, hindi naman magso-sorry.

"Tingin mo ganun ganun na lang yun?  Matapos mo akong sigaw sigawan? Sa tingin mo mawawala galit ko sa iyo dahil lang sa sorry mo?" sabi ko ng may halong pag tataas ng boses.

"Ano ba kailangan mo para mapatawad mo ako?" sabi niya sakin, nakakaawa siya tingnan. Para siyang basang sisiw na walang magulang buwisit.

"Simple lang pagbayaran mo lahat ng perwisyong ginawa mo sa akin." pag mamalaking sabi ko.

"Wow! Ikaw pa naperwisyo ang kapal din ng mukha mo! Teka lang tinggap mo ba ako dahil lang dito? Para lang ipamukha sa akin ng ginawa ko? FYI, Mr. CEO, ikaw ang may dahilan kung bakit ka natapunan." ayan nanaman umaandar nanaman amg pagiging machine gun niyang bibig. Kapal talaga. Talaga ngang wala siyang kinatatakutan, nakalimutan niya yatang nasa office ko siya.

"Aba! Kung makasigaw ka akala mo kung sino ka. Baka nakakalimutan mo I am the CEO ! Kaya matuto kang irespeto ako and how dare you para pagtaasan ako ng boses?! bakit? May ipagmamalaki ka na ba?" sabi ko sa kaniya, hindi na ako nakapag-pigil na makapagsalita ng masakit na salita dahil sa sobrang inis sa kaniya. Ayokong makapag salita ng di maganda pero inuubos niya ang pasensya ko. Kabago-bago pero grabe ang ugali daig pa ang mga ang nanay ko na magalit kung umasta `tong gagong babae na ito.

"Edi ikaw na! Ikaw na may narating sa buhay, ako na wala! kung gusto mong irespeto kita, matuto ka munang irespeto ang mga kagaya kong nasa mababang estado ng buhay." wika pa nito sabay lumabas ng office ko without saying goodbye?. Ano ba talaga pinapahiwatig niya? Na ako may kasalanan kung bakit-- haysst nakakainis talaga. I want to kill her, but I can't, baka masira reputasiyon ko dahil lang sa babaeng animal na iyon.

Di ko na siya pinigilan at naupo na lang dahil sumasakit ang ulo sa babaeng iyon, nag relax muna ako at ibinaling na lang sa monitor ang atensiyon.

Mr. Vergara's Calling…

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa gilid mg table ko at para masagot ang tawag ni Mr. Vergara na business partner ni mommy actually sila parin naman ang mag dedisisyon sa company na ito. Si mommy ang CEO pero dahil sa busy ang schedule nito sa ibang bansa kasama si Mr. Vergara para sa ipapatayong malls. Kaya ako muna ang kinikilalang CEO since COO (Child

Of Owner) naman daw ako ni Mommy. Iniwan kami ni dad no`ng ipinanganak si Dion.

Hindi nag-ibang babae kundi, naka-aksidente ito, nabangga siya ng Van. That`s why si mommy na ang naging CEO no`ng mawala ang Daddy. Hayst…ayoko ba pag-usapan ang nakaraan.

"Hello?" sagot ko sa tumatawag.

“How`s the company?” he said.

“Doing good, Mr. Vergara. By the way, is there any reason kung bakit ka napatawag?”

“Nothing, I just want to know if okay ba ang company. Bibisita ako sa inyo kapag may free time ako.”

“Sure, no problem, Mr. Vergara.”

“Aasahan ko `yan, bye na may tatapusin pa ako e.” hindi na ako nagsalita pa at pinatay na ang tawag. Napasandal na ako sa Swivel Chair ko dahil ang sakit ng likod ko.

Natalia's POV

Nakakainis talaga yung asungot na iyon. Wala ba siyang manners? Or hindi lang siya tinuruan ng magulang niya ng magandang asal. Kawawa naman pala s`ya kung gano`n, buti pa ako kahit pinanaganak na poor e marunong akong rumespeto. Rumerespeto lang ako sa marunong rumespeto sa akin, kaya kung akala niya malakas na ka, think again Mr. CEO dahil mas malakas ako kesa sa `yo.

Seryoso akong nag mamasid-masid dito sa loob ng company, grabe ang laki para akong nasa mall ang gaganda pa ng mga design's more on glass.

"Miss?" tawag ng isang `di pamilyar na boses sa akin. Nang ibaling ko sa kaniya ang atensiyon ko nakita ko ang napaka amo at guwapo niyang mukha. Ito na ba ang tinatawag na love? Wah!

"Ako ba?" turo ko sa sarili ko para kumpiramahin na ako nga ba talaga ang tinatawag niya, lumingon-lingon din ako baka kasi nanduon ang tinatawag niya pero ako nga talaga ang tinatawag niya kaya mahinahon na lumapit ako sa kaniya. Ilang lakad lang ang layo namin kaya agad ko siyang napuntahan.

"Bakit mo nga pala ako tinatawag?" mahinhin kong tanong. Minsan kailangan mong maging isang dalagang pilipina kapag nakakita ka ng isnag guwapo sa buhay mo para sa lalaking kagaya niya ang amo ng mukha niya at mukhang mabait siya.

"Ah, wala, nakita kasi kitang mukhang badtrip kaya tinawag kita? Or maybe mali ako ng iniisip?" sabi nito sakin at kumakamot pa sa batok. Napaka caring naman neto, daig pa manliligaw. Speed lang ang peg. Paano niya nalaman? Stalker ko ba siya? Hala! Baka ito `yung napapanood ko sa news na kunwari mabait pero scammer pala.

"Do you want to eat with me? If gusto mo, hindi kita pipilitin. Don't worry treat ko." grabe is this date? Landi mo na Natalia, hindi na ikaw `yan. Sumanib nanaman sa akin ang spiritu ng kalandian. I can't believe it. Wait, libre? Pero sige na nga try ko lang malay ko hindi pala siya kagaya ng mga napapanood ko sa balita. Pero kung sakaling isa nga siya, magsimula na siyang magdasal ng `Ama namin`.

"Kailan mo ba gust—" naputol ang tanong ko ng may isang ugok na sumingit. Napalingon kami sa kaliwa nang marinig ang boses ng boss ko.

"Mamaya na kayo maglandian diyan, Miss Hermosa pwede ba, `wag mo dito dalhin ang kalandian mo at ikaw naman Dion, hindi ba't may pasok ka? Bakit nandito ka?" seryoso at galit nitong wika so Dion pala name ng guwapong ito. Kilala ng ugok na `to itong si cutie pie? Hindi ako malandi, pasalamat ka nasa trabaho tayo dahil kung wala baka nadurog na `yang katawan mo sa suntok at sipa ko.

"Kuya, Kalma ka lang. Tsaka hindi malandi itong babaeng tinutukoy mo. We're just friends." wow, five mins palang nag-uusap friends agad. Pagpapaliwanag nito sa… wait? Kuya? Magakaptid ba sila? Bakit ang layo ng ugali ng amo ko sa ugali ni cutie pie? Alam ko na, pinaglihi siguro siya sa sama ng loob at ito namang isa ay pinaglihi sa gatas… wala lang ang puti niya kasi e.

"At kailan ka pa natutong makipag kaibigan sa mga maruruming taong gaya niya? At ikaw naman Natalia pumunta ka sa meeting room. Kapal, gusto ako ang susundo.  Wala ka talagang silbi." hindi ba sila makakapag umpisa kapag wala ako? Special na ba ako nito char!

Masakit para sa akin ang mga salitang iyan pero handa kong tiisin lahat para sa trabahong ito. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Laking gulat ko ng yakapin ako ni Dion, `yung guwapo.

"Everything will be okay, tsaka ganu`n lang talaga yun but he has a good heart. Sige na pumunta ka na sa meeting niyo baka mapagalitan ka nanaman and I have to go na baka malate ako sa klase ko. Bye." sabi niya at agad na umalis, hindi pa siya nakakalabas ng pintuan ng mag ba-bye siya sa ulit sa akin. Alam kong ngayon lang kami nag kakilala pero parang ang gaan na agad ng pakiramdam ko sa kaniya.

Ang komportable n`ya kasama tapos `yung yakap grabe ang sarap sa feeling at  ang bango niya. Lumakad na ako papunta sa Meeting Room meeting para malaman kung ano ba ang pag uusapan.

Habang mag lalakad ako hindi ko mapigilang maisip ang mga masasakit na salita na sinabi sa akin ng amo ko, alam kong mahirap kami pero may puso at damdamin din kami kagaya nila. Tsaka kung wala kaming mahirap, e wala silang mayayaman. Nakakalimutan ba nila na kung hindi sa aming mga trabahador e nagiging succesful ang business nila.

Palibhasa wala siyang alam sa mga hirap at pagsubok na ginawa namin para lang malagpasan ang mga problemang dumadaan sa aming buhay kaya wala siyang karapatan na sabihin iyon sa akin. Wala pang ilang minutong paglalakad nakarating din ako sa meeting room at agad na pumasok at umupo sa tabi ng ibang staffs.

Grabe nakakahiya ako na lang pala ang hinahantay para makapag simula na. Nang tingnan ko si CEO kitang kita ko ang wala sa mood na mukha nito, kahit kailan napaka sungit nito pero sa akin lang yata siya masungit eh. Nag umpisa na kaming mag meeting at kung ano ano pa ang pinag usapan at kaniya kaniyang suggestions ang ibinigay ng bawat isa.

Grabe napakasungit niya kahit sa loob. Demanding pa, hayst.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
YourMissPatatas
Dion miluvvv!
goodnovel comment avatar
YourMissPatatas
Sobrang nagugustuhan ko na si Nath. Uwooo! Halabyuu.
goodnovel comment avatar
YourMissPatatas
Mabait naman pala e. HAHAHA!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status