Share

Chapter 19

HINDI MAPAKALI si Clip sa kanyang pagkakaupo. Exam nila ngayon at pakiramdam niya ay hindi niya ito napaghandaan ng maayos. Nagpuyat na nga siya kagabi para lang maabsorb ng kukote niya ang dapat makabisado dahil isa iyon sa hinihingi ng examen.

Isa rin sa dahilan kung bakit hindi siya mapakali ay dahil ramdam niya ang mga matang nakatutok sa kanya. Tila iyon mga karayom na bumabaon sa balat niya. Pero baka gawa-gawa lang iyon ng isip niya, pagkumbinsi niya sa sarili. Hindi ba’t normal naman ang pag-aakala na ikaw ang centro ng atensyon kahit ang katotohanan ay wala namang may pakialam sa iyo, sadyang malakas lang ang hatak ng insecurity ni Clip ngayon dahil alam niyang hindi maayos ang itsura niya ngayon.

Lukot ang uniform niya, halata iyon dahil wala naman siyang plantsa at maski ang palda niya ay bakat ang pagkalukot niyon. Alam niya ring nangangamoy sabon panglaba siya. Nag-handwash lang siya at hindi siya gumagamit ng fabric conditioner dahil ayaw niya ang mga amoy niyon, isa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status