((( ZHIA POV’s )))
Di ko sila iniwan. Never ko ipinadama na iniwan ko sila. Halos ilang oras din ang maubos ko para makipag-video call lang sa kanila. Mommy is doing well. They are my inspiration, motivation to raise on my feet. Ayokong bumalik na isang talunan kaya tinagap ko ang pagsubok na kailangan ko lumayo sa mga anak ko. Pero uulitin ko, di ko sila iniwan.
Isang sakripisyo ang ginawa ko. Isang sakripisyo ng isang ina, para di nga kami apakan ng ibang tao. Para sa amin ang ginawa kong to. Sobra ko silang namiss…
“Mommy, gumawa kami ni Shin ng mahabang panali para kapag gusto ka namin makita, huhugutin lang namin ang lubid at babalik ka na dito.” Natawa na lamang ako kay Shena.
“Di na ako aalis.”Nanlaki ang mga mata nila. Dahil umuuwi din ako ng ilang araw sa isang taon. Napayakap ulit sa akin ang mga makukulit.
“Di na aalis ang Mommy ko!” si Shin, sigaw niya sa mga class