Share

Chapter 2 The Accident

( Zhia ) 

Kaya binalikan ko yung lugar kung saan ako nabanga, sobrang late na nga talaga ako.

Sana late din si Dra. Evenarte, para may isasagot ako na late din siya. Wala lang paglulumo ko sa sarili ko.

Ako’y pagod na. Haist.

Ang ingay pa talaga ng paligid. Nahihilo na ako sa inis.

If ever nasaan ba? Hala! Baka nasa Jeep? Sa Daan? Yun binalikan ko yung dinaanan ko. Wala!

“Zhia,” Napalingon ako sa pinangalingan ng boses at si Dra. Evenarte. Speaking yung boss ko nga kanina na pinagdarasal ko late din. Late nga siya. Super Thank You Papa God at talagang di mo ako pinababayaan.

“Anong hinahanap mo?”  Halata niya na may hinahanap ako, dahil sa nguso ko na naman atang humahaba kapag may gumugulo sa isipan ko.

“Dra, yung ID ko po.”

“Di ka na naman ba pinapapasok ng Guard. Hali ka na dito, pagsasabihan ko na siya.” yan nga po kampihan niyo ako, pero kailangan ko talaga yung ID ko.

It’s time for a payment now, Kuya Guard! Ano nga pangalan niya. Ahhh. Jayzel. Parang babae ang pangalan, pero ang ganda ah yung akin, Zhia na parang tumingala lang sa kalangitan ang magulang ko at naisip nila ang pangalan ko. Ibig lang sabihin, sweet and life.

Sweet life. Asaan ang patunay na sweet nga ang buhay ko. Haist. Napaka-common ng buhay ko, kung alam lang ng karamihan ang ibig sabihin ng pangalan ko pagtatawanan nila ako. Paasa din naman talaga ang pangalan na meron ako.

Sumama na lang din ako as if nga may chance ko pang mahanap yung ID ko.

Lagot ka Kuya Guard, mainit pa naman ulo ni Dra. Hehe. Wala akong kinalaman ha. Ikaw lang talaga ang maswerteng pagbubuntungan ng galit niya. Pagalitan mo ng sagad Dra. Evenarte nang matapos nang pagtripan ako ng Guard. Di pa magsalita na may gusto lang naman sa akin. Tsk. Conclusion ng isipan ko di mapreno.

Lagot din naman ako Kuya Jayzel kay Kuya Joshua. Hihingi na naman ang isang kagaya ko sa kanya na meron ding anak na sinusuportahan. Napakairesponsable ko naman sa perang pinag hihirapan ni Kuya. Lagot talaga. Lahat lagot ngayon! Lumilipad nga ang isipan ko sa kakaisip.

“Trapik kanina. Sana naman natrapik din ang mga Customer natin ngayon.” na parang narinig ko na ang kahilingan na yan. Napatango na lang ako habang iniisip ko kung paano humingi ng pera kay Kuya. Sakit sa ulo mag brainstorm, pwede din i-text ko siya, kagaya ng ginawa niya kanina?

At pagdating namin sa tapat ng napakalaking building ng Herald Residential na katabi yung inuupahan na maliiit na pwesto ni Dr. Evenarte ng kanyang maliit na Dental Clinic ang daming nakasuot na kulay itim na American Suit parang mga agent, businessman na napapawelga na ata sa inflation o na di ko na lang alam kung may JS Prom bang magaganap sa Convention Hall.  Kanina lang wala pa ang mga yan dyan ah?

“Anong meron?” tanong na lang sa akin ni Dra. Evenarte. Question Mark din ang isipan ko. Tapos bigla kaming hinarang.

“Saglit lang po.” at hinarang din yung mga taong dadaan sana sa harapan ng Residential Building. Sidewalk? Haharangan? Sa kanila ba?

Biglang nagsidatingan ang mga Media. Naipit kami bigla ni Dra. sa pangkat ng taga-Media. Pati tuloy kami natutulak na ng mga nakaitim na ito. Kami na itong napatabi ni Dra. Di makaangal ang boss kong kasama dahil baka siya pa itong macritics ng taga-media kapag sinaway niya ang mga ito.

Sa Pilipinas, ang lakas ng kapangyarihan ng mga taga Media. Sira ang pagkatao mo kapag sila na ang kumilos. Kaya stay Low Profile. At habang papatagal dumadami ang mga taga media saka nacucurious na mga tao, kung ano ang meron.

Nagkakagitgitan na dahil nga nagsusumiksik ang mga tao. Kapag dito nagka-stampide! Tsk.

Then biglang may nag live patrol na broadcaster. Sa likuran kami. Kaya pa cute na din ang peg ko. Hahaha. Hmph! May problema ako! Yung ID ko nawawala.

Kaya sa likuran, pinakita ko yung Cord na walang ID. Nag sign ako sa likuran na in case makita nila, ibalik sakin. Please. I need it. Kahit di na nila ibalik yung ID ko basta yung permit lang. No Permit, No Exam, No Graduation Day. Ok na, na-advertise ko na ang nawawalang ID ko.

Sana naman respetuhin nila ang picture ko sa ID. Dahil alam niyo ang pinak-pangit na government Id? Yung Voter’s ID lang naman. Yung comelec kasi di man lang naghire ng photographer at mag-aayos ng pagmumukha ng mga mamayanan nila. Webcam pa yung ginamit na pang-picture.

Biglang nagkagulo lalo ng may sunod sunod na kulay itim na sasakyan ang nagsidatingan. Kulang pa yung may JS Prom? Nagsilabasan ang mga nakakulay itim pang mga bodyguards. At sagad na hinarang ang mga tao at taga Media. Wala silang paki-alam kung may masaktan na sa ginagawa nila. Sabagay, bakit sila nagkakagulo? 

Nagulat ako ng makita ko sa may entrance yung Presidente ng Pilipinas. Kaya ba talaga nagkakagulo ang mga taong to’ na di pa sapat ang mga pulis at militar na tumutulong na nga para lang sa darating na kung sino? Tao lang naman diba siya? Bakit napapapraning ang mga taong to? Parang hinahantay lumabas sa sasakyan kung sino man ang inaasahang bisita.

At ng bumukas ang limosine. Ay teka, artista?! May Artista ba? Napatiptoe ako na di ko nga namalayan napapatong ako ng kamay ko sa balikat ni Dra. Evenarte. Sa view ko na halos hinahanap ko ang taong gustong pagkaguluhan ng mga tao.

Isang foreigner na lalaki, matangkad at matikas ang tindig at lakad. Di ko makita ang mukha dahil tinatakpan ng mga bodyguard niyang na naka 4 line barrier. Kawawa lagi yung nasa front row syempre.

Kung sino man ang lalaking yun, ang OA ng Pilipinas para ganito ka salubungin no? Kala naman ng mga taong to, magpapaulan ka nang pera. Napabuntong hininga na lamang ako.

“Ay sorry po. Curious lang din Doktora.” At wag niyo naman sa akin ububuhos galit niyo. Peace po tayo. Kasi may pagkasensitive din si Doktora.

Biglang natahimik ang lahat ng marinig namin ang kalabog. I mean yung singhap ng mga tao na parang may maling nangyari? Lahat na lang kami di makapagsalita at ako na parang ako yung may kasalanan, napalunok na ewan. Ako ba?

Napatitig kaming lahat sa lalaking napahandusay sa sahig. Na di nga kaagad nakakilos ang mga tao dahil sa Epic Fail na nangyari. Yun na sana eh, perfect na pero, nadulas pa.

Hindi bakas sa mukha niya ang hiya, ngunit gusto nitong pumatay dahil sa nangyari. Di ba siya sanay mapahiya sa maraming tao? Yan kasi pabibo masyado. Very wrong my dear visitor. Tuso ang ang mga Pinoy. Mapride sila kaya, wag big deal sa nangyari sayo dito.

Halos nga di kami makagalaw lahat at yung Presidente, gulat na gulat kung bakit nga ba siya nadulas.

Namumula na ang pisngi ko di ko alam talaga ang rason. Siguro yung araw lang, pinapakilig ako.

Agad siyang itinayo ng tauhan niya at alalang lumapit ang Presidente. Biglang bumalik sa pagkatao ang mga tao at halos flash ng Camera rason kung bakit sumakit mata ko o sadyang takot lang talaga ako sa kulog at kidlat.

@Death Wish

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status