Share

Chapter 4 The Story

( Zhia POV's ) 

Haist. Naglalaro parin sa isipan ko yung palpak na ID ko.

Ampangit ko pa naman dun, haggard at langyang photographer na yun di man lang ako ninotify na ang pangit nang kuha niya sa akin. Paano na lang kung i-flash sa TV mamaya yun diba naging memes pa ng boung Pilipinas ang picture ko! Ang dami pa namang astler sa photoshop ngayon.

Diba nabunyag sa mundo ang kapangitan ko.

Oo na, di ako photogenic pero maganda ako. Personal lang na makita nila ako. Sige invite niyo ako para patunayan na maganda ako. Period.

At tungkol nga sa sinabi ni Doktora na promotion slogan ko na No SWEET CANDIES for Kids. Wala lang, meron lang akong narinig na kwento sa Mama ko. Dahil ang hilig ko daw kumain ng mga matatamis na pagkain. Kaya naman daw agad naubos yung baby tooth ko. At dahil sa kwento ng Mama ko ngayon ganda ng ngipin ko. Sa boung pagkatao ko ata ang pinagyayabang ko na lang ang ngipin ko. Di kagaya ni Kuya Jayzel. Oo na ngipin na. Ako na ang may magandang ngipin. Pero sira parin ang araw ko!

Yung ID. Ako na ang naghahantay ng Pulis na sunduin ako. Napa-pout na lamang ako. Tumunog yung pinto ng Clinic namin hudyat na may pasyente na kami.

Pasyente nga ba o mga pulis? Pili kayo. Papa God naman maawa ka sa akin di naman ako masamang Tao diba? Pwede palampasin niyo na lang yung tungkol sa ID na yun.

Madamdamin kong dasal na baka naman mapakingan.

Tinignan ko muna sarili ko sa salamin malay mo hilain ako palabas tapos pagkaguluhan ako ng mga taga media mga putakti pa naman ang tipo nila. Dudumugin ka. Hahabulin ka at kanya-kanyang salita na parang mga bubuyog nga na di mo alam kung sino ang unang sasaguting.

Pero asa ka Zhia na ganyan nga ang mangyayari sayo. Haist.  Ok naman, malayo ang hitsura ko sa ID.

Ang malas nga lang dahil binitiwan ni ID cord yung ID card. Magsabi ka lang dahil masakit lang talaga kapag binibitiwan na lang bigla.

Isang bata na kakaiyak pa lang ang pumasok kasama ang Yaya nito. Nakahinga ako na customer yung pumasok. Pero parang di ito maganda, sarap na sarap niya sinusubo ang isang HERALD Chocolate Bar. Ang mahal ng isang pack lang no’n ah. Sabagay mga Rich Kid nga naman ang naka-appoint lagi kay Dra.Evenarte.

“Anong name natin baby?” Sabay tingin sa katulong nito na naka-uniforme na parang midwife, yun nga katulong diba? Tanong ko sa bata pero ang sumagot yung kasama.

“John Tobby Ronquillo, for regular clean up.” Maarte nitong sagot. Saka ko niretrive sa computer yung files niya.

“John Tobby, nangaling ka pa lang dito last Sunday. And why parang nag cry pa lang ang baby namin?” pasweet kong asikaso sa mga bata. Talaga naman ganito lagi para wag ka kaininsan ng mga bata dito. Lalo na takot sila kay Dra. Evenarte kapag nakikita ito. Kala namn nila laging bubunutan ng ngipin, lilinisan lang naman kung walang damage masyado. Buti nga sila may puhunan na for their future beauties, supportado ng parents. Eh ako, dentist ko Mama ko. Isang sipa ng mama ko sa panga ko, laglag yung baby tooth na masakit dahan dahanin alisin. Joke lang Mama, sa di naman ini-exagerate kita.

“Sumasakit daw ngipin niya.” yung Yaya niya na kung makapay-pay sa loob ng clinic namin kala mo walang Aircon. Mayamanin naman ang yayang to.

“Kasi naman, ano kinakain mo ngayon? Di mo ba alam na sinasaktan niyan ang ngipin mo?”At muli akong napalingon sa Yaya nito, “Bakit kasi binibigyan mo yan niyan.”

“Para tumigil sa kakaiyak. Mahirap kaya yan hilain papunta dito. Tss.” sabay irap sa akin. Tss. Taray ng katulong na ito.

“Favorite ko to Miss Nurse.” biglang sambit ng bata. Ahehehe, dahil katulong ako ni Doktora, napagkakamalan akong Nurse ng mga bata.

“So, okey lang sayo na sumakit ang ngipin mo niyan.” at aba napatango ang bata.

Hmph! Lakas ng loob ng batang to, sige! Di mo na ata kailangan ng dental checkup na yan. Sa kayang kaya mo ang sakit ng ngipin diba?

“Alam mo ba kung saan galing ang Chocolate na yan?”

“Ito?... sa Company ng pinag woworkan ni Daddy.”

“May secret akong sasabihin sayo, pero atin lang ito, okey?”

“Okey.”

“Alam mo ba kung saan galing ang chocolate bars na yan?” Umiling ang bata. “Saan ginawa?”

“Saan po ba?”

“Narinig mo na ba yung kwento na madaming bata ang nawawala ngayon?” Napatitig sakin yung bata,

“Yung kulay Red na may logo ng Scary Joker yung Truck niya. Yung aaligid daw sa tuwing gagabi na totoo po ba yun?”

“Alam mo pala. Ang sabi sabi, pang mamay ari daw yun ng Herald Company.”

“Dad must know about it. Doon siya nag-wowork!” giit ng bata na parang nakuha ko na nga ang attention niya. Very good Tobby.

“No, sabi ko diba secret lang natin ito?”

“That Red Truck killing those lost child right?”

“Yes, at ginagawa silang chocolate.”

At biglang tinapon ng bata yung hawak niyang chocolate, sa yaya nito na napalingon sa amin. Nanlaki mga mata nito dahil nadumihan yung uniform niya. Sorry, inabutan ng trantrums alaga mo.

“Yaya, you didn't tell me it's a human flesh! And the story is true! My Dad must resign to that company!”

“Paniwala ka naman sa pekeng nurse na yan. Kapag nawalan ng trabaho Daddy mo sa tingin mo mababayaran niya ang sahod sa akin? Mga pangangailangan mo?” Sabay punas ng dumi sa damit niya na may mahahabang nguso.

“No. I already read it! Ate Nurse, saying the truth!” pagwawala ng bata.  Hahaha, chilaks! It's story lang naman.

“Tobby, I just want to tell na, mag stop ka na kumain ng chocolates, sinasaktan nila ang magaganda mong ipin oh.”

“Reason why, I feel something hitting my tooth. Oh no, it's must be the spirit of the Lost child. I don't want to be hunt by them.”

“Yes, at tutulungan ka ni Doktora.” Yeah! That’s the power of Marketing strategy. “Para mag rest and peace na yung Spirit.” Para namang ginawa kong exorcist si Doctora Evenarte nito.

“I won't eat chocolate again, please help me.”

“Tara.” At masigla nitong kinuha ang kamay ko. Mission Complete! And I wink my eyes to the Yaya, who is so mataray and maarte. Hinatid ko na yung bata sa loob.Thankful at di siya umiiyak.

Effective talaga ang kwentong yun. Ahahaha. Madaming bata na din akong natakot dahil sa kwento at tuluyang tinatalikuran ang mga matatamis na candy at chocolates. Kaya nga nagrereklamo sakin si Doktora kasi baka mawala daw pasyente niya. Ahahaha. Nga naman kapag may negosyo ka ang bubuhay niyan ay ang customer. Sila ang dugo ng isang kompanya.

@Death Wish

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status