Share

Chapter 7 Shall We Start Miss?

( Zhia POV )

“Wow naman, ganyan ba ang sampal ng lalaki? Wow.” Paghahamon ko sa kanya. Kung di ito panaginip. Sige, ibubuhos ko ang buhay ko para may matutunan ang lalaking to!

Bahala ka na Mr.President kung matagpuan mo akong patay at na-aagnas nang bangkay kapag tinapon nila ako sa ilog. Sa naalibarbaran ako sa kayabangan ng foreigner na ito na kala mo kung sinong alien dito sa mundo na di alam ang utos na: THOU SHALL NOT KILL!

“Sa tingin mo matatakot ako! Sadista ka lang!” Tinignan lang niya ako mula ulo hangang paa.

Kaya naman isang malakas na sipa, sa gitna niya. Ngunit pinigilan ng malalakas niyang kamay ang binti ko. Ngumisi siya sakin. At sa isang galawang paikot ng binti ko, muli akong bumagsak sa sahig.

Arayyy... Ouch... Masakit na.

Sabi kasi ng Mama ko, yun lagi ang puntirya kapag lalaki ang kalaban. Itong lalaking to, napaka-aware naman. Awww!

“Let us be alone.” Utos niya na di man lang inaalis ang titig sakin. Nagsilabasan na nga sila pero biglang lumuhod si Kuya sa harapan ng demonyong to?

“Boss...kapatid ko po siya. Ako na lang po ang parusahan ninyo.”

“Kuya!” pahiya ka naman sa Pride ng Family natin!

Ngunit hinila na siya ng mga kasamahan niya habang patuloy na nagmamakaawa. Naiwan nga kaming dalawa.

Pssh. Mayabang talaga ang isang to. Siya nakatayo, ako papatayo pa lang. Hmph, gusto ata nito ng away talaga. Bakit kasi may mga taong gustong gusto manakit?! Mga mapanakit kayo! Dapat sa inyo dinadala sa pluto! Pwes di ko siya uurungan!

Ako lang naman ang nag-iisang babae sa course namin at lahat ng mga lalaki kong kamag-aral parang mga asong maamo simula ng makaharap nila ako.

Oo, Bully ako sa school, sa classroom lang namin pala. Pero hindi sa mga nerd at mga babaing walang lakas na loob para tumayo sa sarili nila. May mga babae din kasing mga bully din kagaya ko, pero di naman exactly na kagaya ko. Sila yung tipong ang pagbubully walang papuntahan sakit sila sa ulo promise. Pabaya sila sa sarili nila na pagkatapos mabully, inuman na.

Pero sa situation na ito.  Itong kaharap ko, hindi siya yung tipong tao na uhaw sa pagbubully. Hindi siya aso, kundi Demonyo.

Mag pa cute kaya ako? NO! Yucks...

Mag makaawa? No. no, may pride ako.

Pero sabi nila ang kailangan lang gawin sa Demonyong kaharap ko ngayon ay ang putulin ang sungay nito. Paano nga?! Di ko nga makita ang Sungay nito.

“Fight me as all your best you can do. If you win, I spare the life of your brother, otherwise  I'll kill you both.” Naningkit yung mga mata ko.

Minsan ba napadalaw na ito sa simbahan at binasa ang sampong utos ng Diyos?

Ayyy, okey siya na yung may kakayanan na pumatay ng tao. Dahil kanina pa akong nauubusan ng dugo, mapakingan lang ang mga sinasabi niya. English bess! Lukemia abot ko nito. Eh sa nosebleed ako.

Hey Zhia, abnormal ka talaga. Chinachallenge ka ng lalaking yan.

Nagkakamali ang lalakingto sa binabanga niya. Kami lang naman ang pamilya na may ari ng maliit na Martial Arts Training School dito sa Manila kaya lang sinara dahil wala na ang Best Teacher ng School na yun. Yung Mama ko. Ipagpapatuloy sana ni Kuya, kaya lang wala kaming pera para irenew yung permit at questionable ang kakayanan ni Kuya. Si Mama kasi Golden Medalist yun sa Olympic. Yah, and I'm proud daughter of her.

Nakakalungkot lang yung nangyari sa kanila, until now wala paring Justice yung pagkamatay ng mga magulang ko, naiinis ako dahil ang tagal nga talaga ng Justice dito sa pilipinas, hangang sa ibabasura na lang nila.

At sa tingin ko ang pangyayaring yung sa magulang ko ay nasa likod nang malaking grupo dito sa Pinas. Malamig na bangkay na lamang ang inabot sa amin ni Kuya. Ngayon itong kaharap ko isa siya sa walang awang pumapaslang ng mga taong. Di nila alam na may maiiwan.

Di ko namalayan, napaluha ako. Masakit iwan kung alam niyo lang. Sige Zhia, hugot pa more.

Si Kuya naman walang kwenta tungkol sa pride ng family namin. At parang kinalimutan ang tungkol sa mga magulang namin. Siguro dahil sa tatlong buhay ang nawala sa kanya. Ako kasi mga magulang ko lang, siya pati asawa niya. Kaya hangang maari, di ko na inuungkat sa kanya ang tungkol sa mga nangyari dahil mas gugustuhin ng mga magulang ko na manirahan kami ng tahimik.

Napangiti ako. Kung ganoon sa kanya ko na lang ibuhos ang hinanakit ko sa mundong to. Kung bakit minsan unfair ang nangyayari talaga. Lagot ka ngayon!

“Wait, nakakaintindi--- I mean, do you understand our language?” Concern lang ako at baka nga magmukha lang akong baliw kapag tinalakan ko siya ng sobrang sagad. Di siya tumugon. Ay naku bahala siya.  “Parang unfair naman ng conditions, pwede dagdagan ko pa?”

“As you wish.” Huh? Ayun nga nakakaintindi ang Alien na ito?

“Hmmm..”At tumunog tiyan ko. “Magpakain ka ng Meryenda... ay hindi, parang hapunan na natin matatapos ito. Hapunan na lang! Deal?” Ngunisian lang niya ako.

Ay aba naman seryoso ako! Sabagay ang layo naman ng favor ko sa kanya. Papatayin niya kami habang ako pagkain lang.

“Oy di lang ako ang papakainin mo pati yung mga sinaktan mo kanina! Grabe ka! Wala ka man lang na konsensya! Mapapaso ka na sa simbahan kapag pumasok ka doon!”

“I will treat the whole nation.” At nanlaki ang mga mata ko. Sino ang lalaking to? Nagyayabang ba talaga ang lalaking to sa akin? Obvious Zhia, mapapakain niya ang lahat ng kababayan mo. Hitsura pa lang ng nabiktima mo, kasangla-sangla na, kahit ata picture lang niya may bibili na.

“Hapunan?! Whole Nation. Oy, totoo sinasabi ko. Alam ko biro mo lang yung papatayin kami ni Kuya pero yung akin di naman yun kabiro-biro. Ako lang ang lilibrehin mo saka yung sinaktan mo kanina.”

“Shall we start Miss.” Irita nitong sabi.

@Death Wish

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charlie Destreza
nkakabagot
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status