Share

Chapter 5.2: Tamang Hinala.

Mukhang mabait ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Kung kababata ito ni Stefan, hindi nakapagtataka na mabait ito. Pero kababata rin nito si Prince Wayne. Bakit kaya sa tatlo ay si Wayne lang ang may masamang ugali?

"Sana ay makapunta ka rin sa birthday party ko next month. Aasahan ko 'yan, ah?" mabait na paanyaya nito.

Medyo natagalan bago siya sumagot. Hindi pa rin talaga siya sanay na pinakikitaan siya ng mabuti.

"Gusto kong pumunta pero sorry, sa tingin ko ay hindi ako makakapagbigay ng regalo. Bilang isang alipin, kahit isang sentimo ay wala ako..." Naging matapat na siya.

"Hindi ko kailangan ng regalo, ang importante ay naroon ang presensya mo. You know what? I really like you! Kahit na ngayon lang tayo nagkakilala ay alam ko na magiging mabuting magkaibigan tayo," sabi pa nito.

Pinakatitigan niyang mabuti ang babae. Naooverwhelm siya dahil sa kagandahang loob nito. Ito at si Stefan ay halata na hindi tumitingin sa kung anumang estado mayroon sa lipunan ang isang nilalang. Para sa dalawa ay kapantay ng tao ang mga bampira. Gusto rin niyang maging kaibigan si Tiana pero alam niya na imposibleng mangyari iyon lalo na at bulgar sa lahat ang inaalok nitong pakikipagkaibigan. Hindi katulad kay Stefan na palihim lang kaya posible.

"Tiana, tama na 'yan. Mabuti pa siguro at mag-usap na lang tayo sa labas." Biglang sumeryoso ulit ang tinig sa mukha ni Wayne at nawala ang ngiti sa labi nito. Halata na ayaw nito na makipagkaibigan sa kanya ang fiancee nito.

Wala na ring nagawa si Tiana kundi ang sumunod dito. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Siguro, kung si Stefan o Tiana ang naging mga master niya ay magiging masaya pa siya na paglingkuran ang mga ito. Pero ang katulad ng dalawa ay malabong kumuha ng mga aliping katulad niya dahil sa pantay na pagtingin ng mga ito sa bawat sinong tao o bampira.

Nabalik siya sa kasalukuyan nang maramdaman niya na binatukan na siya sa ulo ng isang babae.

"Tama na ang pag-iilusyon na magiging kaibigan mo pa ang prinsesa. Huwag kang ambisyosa dahil isa ka lang hamak na tao na nag-e-exist para maging laruan namin!" sabi ng babae na nakangisi.

"Tama 'yon! Ang tingin sa 'yo ni Prince Wayne ay maganda ka kaya ka niya kinuha, hindi ba? Puwes, dapat sa mukhang iyan ay sinisira!"

Isang malakas na pagsampal ang gumimbal sa kanya dahilan para bumagsak siya sa sahig. Dahil sa sampal na iyon ay nagdugo pa ang ngipin niya at mabuti na lang ay hindi natanggal ang kahit isa sa mga iyon. Sadyang malakas ang mga bampira kaysa sa kanilang mga tao kaya kaunting pagsampal lamang ng mga ito sa mga katulad nila ay sapat na para halos bawian ka na ng malay.

"Dapat sa mga katulad mo ay sinasaktan! Wala kang karapatang mabuhay sa mundo!" Tinadyakan pa siya ng isang babae ng malakas sa sikmura kaya naman halos mapaigtad siya sa sakit.

Nakisali na rin ang isa pang babae sa pagsuntok at tadyak sa kanya. Pinagsasabunutan din siya ng mga ito na para siyang isang hayop.

"Girls, chill lang kayo. Kung sa pananakit pa lang ninyo sa kanya ay mamamatay na siya, paano pa kaya natin masisipsip ang dugo niya? Mag-isip din kayo paminsan-minsan," nakangising pag-awat ni Raffy.

Tumigil naman ang dalawang babae at iyon na ang pagkakataon na sinamantala ni Raffy. Hinablot nito ang buhok niya palapit dito at doon ay inilapit nito ang bibig nito sa leeg niya. Kasunod niyon ay hindi matatawaran na sakit ang naramdaman niya.

"Aaaahhhh!!!" Hindi na niya napigilan ang mapasigaw dahil sa sobrang sakit. Lalo pa ngayon na hindi na lang si Raffy ang sumisipsip sa dugo niya. Maging ang dalawang babae ay lumapit na rin ng maamoy ang dugo niya. Ang isang babae ay pumunta sa kaliwang leeg niya at itinarak din ang pangil sa kanya habang ang isa pang babae ay ang braso naman niya ang kinagat.

Kung masakit na ang ginagawa ni Prince Wayne na halos linggo-linggong pagsipsip sa dugo niya ay mas lalong hindi matatawarang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Iyon ay dahil tatlo ang sabay-sabay na kumakagat sa kanya ngayon at mukhang walang balak ang mga ito na tumigil sa pagsipsip sa dugo niya!

"MABUTI naman at ikaw na mismo ang nagpunta rito sa palasyo. Sa lalong madaling panahon ay kailangan na nating pagplanuhan ang ating kasal." Iyon agad ang sinabi ni Wayne matapos niyang hilahin paalis si Tiana sa lugar na kinaroroonan nina Lana.

Umupo sila sa sofa ng isang pribadong kwarto ng palasyo at doon ay pinagsalinan pa niya ng tsaa ang babae.

"Bakit naman yata masyado mong minamadali? Nakapagtataka. Noong unang sinabi sa 'yo ang balita ng pagpapakasal natin ay para bang asar na asar ka. How come ngayon ay parang ikaw pa ang atat na atat?" panunudyo nito.

"Makakabuti para sa ating mga pamilya ang pagpapakasal natin. Kapag nangyari iyon ay mas lalo lamang lalakas ang kapangyarihan natin dahil maghahalo ang assets na mayroon ang mga palasyo natin. Mas sisikat at babango pa ang pangalan natin sa komunidad ng mga bampira, hindi pa ba sapat na dahilan iyon para maexcite sa kasal?" nakangising tanong niya sa babae.

"Alam ko at alam mo na hindi iyan ang totoong dahilan ng pagmamadali mo," makahulugang sabi nito.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya.

"Iyong alipin kanina-- No, si Lana. Iniibig mo siya, hindi ba?" nakangising tanong nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang bigla dahil sa sinabi nito. "Ano'ng kalokohan 'yang pinagsasasabi mo? Paanong pumasok diyan sa isip mo na may mararamdaman ako para sa isang walang kwentang taong katulad no'n? Iniinsulto mo ba ako?!" Talagang nainsulto siya sa sinabi nito.

Tumawa lang ang babae. "Kung wala kang pagtingin sa kanya, bakit mo ako hinalikan sa harapan niya kanina? Ngayon mo lang ginawa iyon sa buong buhay mo. Nakita ko rin ang mga tingin mo sa kanya kanina. Marami ka nang naging alipin pero ngayon lamang kita nakita na nagbigay ng ganoong kalagkit na tingin sa isang alipin. Paano kong hindi maiisip na umiibig ka sa kanya? Hindi kita masisisi. Masyado siyang maganda para sa isang tao," sabi pa nito.

Naikuyom niya ang kamao. "Puwes nagkakamali ka! Kahit pa siya ang pinakamagandang tao na nakita ko sa buong buhay ko, para sa akin ay isa pa rin siyang alipin at walang kwentang tao! Ako na isang prinsepe ay mahuhulog ang loob sa isang hamak na tao lang? Nagpapatawa ka ba?! Kung nagpapatawa ka ay hindi ako natatawa dahil isa iyang malaking insulto!" Hindi na niya napigilang sigawan ang babae. Talagang umiinit ang ulo niya sa insultong binitawan nito.

"Kahit pa itanggi mo ang totoo ay kitang-kita sa buong mukha mo ang totoo lalo na ngayon, Prince Wayne. Hindi ka magagalit ng ganyan kung wala lang sa 'yo ang alipin na iyon. At mas lalong hindi mo mamadaliin ang kasal kung sa tingin mo ay nagsisinungaling lang ako. Kilala kita, Prince Wayne. Alam ko na kahit ikaw ay natatakot din sa nararamdaman mo para sa batang iyon kaya naman gusto mo na agad na makasal tayo, hindi ba? Gusto mong mapagtakpan ang nararamdaman mo sa pamamagitan ng pagpapanggap na gusto mo ako." Ni hindi man lang nawala ang pagiging kalmado sa mukha ni Tiana kahit na halos magwala na siya roon. Para bang siguradong-sigurado ito sa hinala nito tungkol sa kanya.

"Bahala ka kung anuman ang gusto mong isipin pero kung nagdududa ka na may nararamdaman ako para sa babaeng iyon ay patutunayan ko sa 'yo na wala." Pinilit na niyang magpakalma.

"At paano mo namang gagawin iyon?" naghahamong tanong nito.

"Ngayon din ay tatapusin ko na ang buhay niya..." Iyon lamang at tumayo na siya mula sa pagkakaupo at umalis ng kwarto para balikan si Lana at tapusin ang buhay nito sa harap ng mga kaibigan niya.

Patutunayan niya na mali ng iniisip si Tiana. Hindi siya magmamahal ng isang hamak na tao kahit na kailan!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status