Share

HTBS 02:

•Lilac•

Dala-dala ko ang cake na ginawa ko para sa nag-iisang singer ng buhay ko. twelve years na kaming nagsasama, six years bilang bestfriend, four years bilang mag-jowa, and another two years bilang tagahanga nito. Lalo na at isang sikat na solo artist na si Seve.

Matagal na kami, kaya naniniwala ako na mahirap na kaming paghiwalayin, kahit ayaw sa akin ng pamilya niya. Para sa pamilya nito ay isa lang akong guro, di katulad nila na may-ari ng pinakamalaking kompanya.

Kilalang-kilala na namin ang isa't-isa kaya panatag na ako na sa kasalan na kami magtatapos.

"Honey, nandito na ako!" tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa unit niya. 

Nangunot ang noo ko nang walang sumasagot sa akin. Mabilis akong nagtungo sa kusina para doon ilagay ang dala kong cake. Pinuntahan ko rin kaagad ang kwarto niya, ngunit dismayado akong napaupo sa kama nang di ko siya nakita roon.

"Hindi pa ba siya nakakauwi? Sa kanila pa naman ang agency na pinagtra-trabahuan niya."

Napabuntong-hininga ako at lumabas na ng kwarto para sa sala na lamang maghintay. May sasabihin pa naman akong importante sa kanya, tiyak na magugustuhan nito iyon. Sinubukan ko siyang tawagan kaso wala namang sumasagot.

"Persephone, nandiyan ba si Hades? Itatanong ko lang sana kung tumawag ba sa kanya si Seve."

"Ah wait, pababa na yun. Hades may itatanong si Lilac sa iyo," Rinig niyang sigaw sa kabilang linya. Minuto lang naman ang hinihintay niya nang marinig ang baritonong boses ni Hades sa kabilang linya.

"Lilac? Tinatanong mo raw kung nasaan si Szellous? Nakita ko siya

kanina sa club, may kasamang ba-ah nasaan ka ba ngayon?"

Kumunot ang noo niya dahil sa narinig kay Hades, bakit nasa club? anong ginagawa nito roon. Magtatanong pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan, nagkasalubong ang tingin nilang dalawa. Nagpaalam muna siya sa mag-asawa bago binalingan ulit ang nobyo. 

Namumula ang mukha nito halatang nakainom, napailing siya at lumapit dito. Sigurado siyang may problema na naman ito, kung di sa pamilya siguradong sa trabaho.

"Bakit ka na naman naglalasing Seve? Umupo ka diyan, behave huwag kang gagalaw sa kinauupuan mo kung ayaw mong masuntok pagbalik ko."

Pinakita ko dito ang maliit kong kamao, lumapit naman kaagad ito sa kamay ko at hinalikan iyon. Napangiti ako nang tumawa ito nang malakas. Ang gwapo lang talaga ng nobyo ko, bagay talaga rito ang pag-aartista. Nasa kanya na ang lahat kaya wala na akong ibang masabi kundi ang swerte ko sa lalaking to.

"Yes ma'am!" saad nito.

Sumaludo pa ito sa akin at umayos ng pagkakaupo sa sofa. Patakbo siyang pumunta sa kwarto nito at naghanap ng towel. 

Kailangan niyang punasan ang katawan nito para mahimasmasan ito kahit papaano.

"Ma'am Jose! Present po."

Muntikan na siyang madapa nang makitang nagtaas-kamay si Seve at ilang ulit na sinasambit iyon. Natatawa siyang lumapit dito at pinunasan ang mukha nito ng basang towel. Ngumiti naman kaagad ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Lily, my lovely Lily. Akin ka lang ah," nang-aangking sabi nito.

Nahulat siya nang bigla nitong hapitin ang kanyang bewang, dahilan para magkalapit ang katawan nilang dalawa.

"Sayo lang po kaming dalawa, Mr. Szellous Veron Dela Vega."

Kinagat ko ang tungki ng ilong nito na ikinatawa naman niya. Agad naman na kumunot ang noo nito at itinaas ang dalawang daliri.

"Two? Pero isa ka lang eh, ikaw lang ang gusto ko."

Inabot ko ang kamay nito na nakataas at inilagay iyon sa tiyan ko. I'm four weeks pregnant at sobrang saya ko nang malaman iyon. Gusto ko na rin na magpakasal kami ni Seve, total nasa tamang edad na naman kami. 

Magsasalita pa sana ako nang bigla itong bumagsak sa sofa, tinulugan ba naman siya ng bakulaw na'to.

Hinaplos niya ang buhok nito at mabilis na tumayo para kumuha ng kumot sa loob ng kwarto. Sigurado siyang di na niya iyon magigising.

--

Kinapa ko ang sofa, hinahanap ng kamay ko ang katabi ko kagabi, agad akong nagdilat ng mata nang di ko siya nahawakan.

"Seve? Hon, nasaan ka?" tawag ko rito at bumangon na ng tuluyan. 

Hinilamos ko ang dalawang kamay sa aking mukha nang may marinig akong nag-uusap sa may pintuan.

"Kailan mo ba sasabihin sa babaeng yan na bumalik ka na sa akin? Sinabi na ni Roy sa akin na pinagseselos mo lang daw ako kaya mo naging girlfriend yan. Bakit di mo kaagad sinabi? nagtiis ka pa tuloy ng apat na taon."

Napatigil ako sa paglalakad, literal na nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang mga salitang iyon. 

"Imposible," bulong niya, tanging ang sarili lang ang nakakarinig.

Ayaw niyang maniwala sa babae. Kilala niya si Seve, mahal siya nito, hindi nito kayang saktan siya.

"Jonalyn, humahanap pa ako ng tyempo. Sabihin mo sa kanila mommy na maghintay muna kayo. Bestfriend ko yung tao, at ayaw kong masak—Lily?"

Ramdam ko ang ginaw sa aking mukha dahil sa paglandas ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Gusto ko silang awayin, gusto kong manumbat sa oras na iyon ngunit di ko man lang maigalaw ang katawan ko.

"Seve, sabihin mo na sa kanya. Ang arte pa ng babaeng yan. Sige aalis na ako, dapat pagbalik ko rito mamayang gabi wala na ang rebound na yan."

Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at mapait na ngumiti kay Seve. Nakalabas na rin si Jonalyn kaya kaming dalawa nalang ang nasa loob ng pamamahay nito.

"Ginamit mo lang pala ako, di mo naman kaagad sinabi. Gusto mo talaga akong masaktan no? hamakin mo ba naman sa babaeng TOTOONG MAHAL mo, ko pa nalaman. Tapos iiyak ka? para saan ang mga luha mo, Ginoong Szellous Veron Dela Vega? Para sa puso kong winasak mo o para sa babaeng mahal pero di mo mapuntahan dahil nandito ka sa harapan ko. Sagutin mo ko t*ngina ka!" mariin kong sabi rito. Sasabog na yata ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"I'm sorry, Lily," garalgal ang boses na hinging paumanhin nito.

Malakas akong tumawa sa sinabi niya, halos mabaliw na ako rito sa sari-saring emosyon na aking nararamdaman tapos 'sorry' lang ang maririnig ko.

"Ganito pala yung feeling kapag pangalawa ka lang. I mean, ganito pala yung pakiramdam na hindi ka pinapahalagahan. Hindi man lang magawang ipaliwanag sayo ang mga pangyayari. P*tangin* mo, para akong bulag na naghahanap ng liwanag."

Naglakad ito palapit sa akin, malungkot ang mukha nito kaya hinayaan ko itong makalapit baka sakaling may paliwanag ito, baka sakaling mali lang naman ang narinig ko. 

Deserve naman ng tao ang second chance, kaya kapag nag-sorry ito ay tatanggapin niya ulit ito. Hinawakan nito ang kamay ko at sinalubong ang aking titig.

"Lily, right now, I wish you didn't love me. In this life, please try not to love me, cause I don't deserve you at all. I'm not the one for you, Lily. You deserve better—"

"Then be better!" sigaw ko rito, na ikinailing niya.

Kinuha ko ang kamay sa pagkakahawak niya at mabilis iyong pinatama sa kanyang mukha. Puno ng poot ang puso ko dahil sa sinabi nito, nais kong magwala, ngunit iniisip ko ang bata sa aking sinapupunan.

"Seve, di ko ninanais na ligawan mo, di ko pinangarap na mahulog sayo at magkaroon ng tayo. Kasalanan mo naman yun eh, pinakita mo sa akin na mahal mo ako. Masaya na naman ako na maging bestfriend mo tapos jinowa mo ako," hindi ko mapigilan ang aking hikbi habang sinasabi iyon.

Hinawakan nito ang pisngi ko, alam kong pinapakalma ako nito. Pinilit kong huwag pumikit sa ginawa niya, dahil sa oras na ito iniisip ko kung siya pa rin ba ang Seve na kilala ko.

"Why Seve? Give me just one reason, please," mahinahon na ang boses ko, naghihintay ng katugon sa tanong na binitawan ko. 

Walang emosyon na tumingin ito sa akin at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko.

"I can't love you back Lily, I'm sorry."

Nawasak ang lahat ng mga magandang alaala na binuo namin. Pagkatapos ng araw na ito, hindi ko na muling masisilayan ang mukha ng lalaking mahal ko. Wala ng magtatanggol sa akin kapag nasasaktan ako, wala na ang taong palaging nandyan para makinig sa mga hinaing at drama ko. Maski ang alaala ng pagkakaibigan namin ay nasira na.

"Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil nahulog ako sayo, pero di ko magawa dahil kahit papano ay pinasaya mo ako sa panahon ng pagsasama natin. May isang tanong lang ako sayo, bago tayo maghiwalay."

Napabuntong-hininga ako at lumayo sa kanya, kitang-kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mata nito ngunit binalewala ko yun. Sapat na ang narinig ko sa kanya para lumayo na ako ng tuluyan.

"May naalala ka ba sa sinabi ko kagabi sayo? May natandaan ka ba sa mga pinag-usapan natin?"

Umiling naman kaagad ito, tumango ako at bumalik sa sala para kunin ang bag ko. Pagbalik ko ay nakatayo pa rin sa may pintuan si Seve.

"Mag-iingat ka ha? Hindi na kita maaalagaan, atsaka Seve, pakitapon nalang ng cake na nasa kusina, salamat sa lahat."

Iniwan ko na siya pagkatapos kong sabihin yun, nanginginig pa ang kalamnan ko dahil sa pagpipigil ng iyak. Naaawa ako sa sarili ko, pero mas naaawa ako sa anak ko na lalaki na walang kikilalaning ama.

Kinuha ko ang cell phone sa bag at tinawagan si Trayne, kapatid ito ni Persephone. Ayaw ko man na istorbohin ito ngunit wala na akong ibang matakbuhan.

"Trayne, pasama naman sa Korea," nagsusumamo ang boses ko, habang sinasabi iyon.

Agad naman itong pumayag at pina-iimpake ako ng gamit, dahil ngayong gabi raw ang alis nito. Hinawakan ko ang aking tiyan at hinaplos iyon. Magpapakatatag ako para sa iyo anak, pangako ni mommy yan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
manggagamit..tsk .
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status